Nabigla si Gwen nang marinig niya ang mature na boses ni Nigel mula sa kabilang linya. “Paano… Paano ito nagawa ni Nigel?”Sinubukan ni Joshua na tawagan si Sean, ngunit walang sumagot. Paano tinawagan ni Nigel si Sean mula sa malayo, lalo na at walang network ang phone ni Sean? Mayroon ba siyang superpower?“Bago pa dumating si Sean, binigyan siya ni Nigel ng isang espesyal na jewelry.” Kumunot ang noo ni Joshua habang inuulit ni Nigel ang sinabi ni Sean at ipinaliwanag niya ito kay Gwen ng may mababang boses. “Ito rin ang parehong jewelry na ginamit nila Luna at ng mga bata habang nasa harap ko sila dati. Pinadala ni Nigel si Sean para protektahan si Riley.”“Sa misyon niya, kailangan niyang umiwas sa maraming surveillance camera, kaya binigay ni Nigel sa kanya ang alahas. Ito ang rason kung bakit hindi ko matawagan si Sean, pero kaya siyang tawagan ni Nigel.”Kahit naipaliwanag na ito, nalilito pa rin si Gwen dito. Kahit na hindi niya maintindihan kung paano ito nangyari, may is
Sinabi na ito ni Joshua noon—umaasa sila na magpanggap si Gwen na maging girlfriend ni Steven para maabala ang mga magulang ni Steven. Kaya naman, hindi nabigla si Gwen nang sabihin ito ni Joshua.Itinikom niya ang mga labi niya at tumingin siya kay Joshua ng may seryosong mga mata. “Kailangan ko ba itong gawin ngayon?’Akala niya ay may oras pa para maghanda siya.“Kulang na tayo sa oras.” Tumingin si Joshua sa relo niya para tingnan ang oras at sinabi niya, “Kalahating araw ang kailangan niyo ni Steven para maghanda at yayain ang mga magulang ni Steven sa restaurant.”“At, dahil hindi natin alam ang eksaktong lokasyon kung saan sina Denise at Sean sa loob ng bahay, hindi tayo makakasiguro na si Sean ay may sapat na pagkain. Higit sa lahat…”Tumingin siya ng seryoso kay Gwen. “Kung hindi agad natin maabala ang mga magulang ni Steven, natatakot ako na baka maging desperado sila at ibenta nila si Denise sa ibang tao.”Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito. “Sinasabi mo ba
Nabigla si Gwen sa sinabi ni Joshua habang tumitig siya dito ng tulala. “Seryoso ka?”“Bakit pa pala dalawang minuto lang ang kailangan niya para makarating dito?” Tumingin si Joshua kay Gwen. “Alam ko na ayaw mong magkaroon ng utang na loob sa kanya o maging malapit masyado sa kanya, pero kailangan mong harapin ang katotohanan, Gwen.”“Kahit na gusto mo itong iwasan, hindi mo maitatanggi na tumanggap ka ng maraming pabor mula sa kanya.”Yumuko siya at nagpatuloy siya sa pag aayos ng mga dokumento sa mesa. “Pero, hindi mo kailangan masyadong mastress tungkol dito. Tutal, kapatid siya ni Luke, at ginagamit niya ang katawan ni Luke. Siya ang nakakabenepisyo sa lahat ng ito. Tama lang na tulungan ka niya.”Kinagat ni Gwen ang labi niya at hindi niya alam kung paano siya magrereakt sa sinabi ni Joshua.“Bakit mo sinabi ang lahat ng ito?” Kumunot ang noo ni Luna at tinaas niya ang kamay niya para katukin ang ulo ni Joshua. Pagkatapos, lumingon sya at tumingin siya kay Gwen ng nakangiti
Noong nasa lobby si Gwen, ang kotse ni Steven ay nakapark sa harap ng hotel entrance. Bumabagsak ng kaunti ang niyebe mula sa kalangitan, ngunit may makapal na niyebe sa ibabaw ng kotse ni Steven.Kinagat ni Gwen ang labi niya nang makita niya ang niyebe sa ibabaw ng kotse. Kung hindi siya naniniwala sa sinabi ni Joshua, kailangan niyang paniwalaan ito nang makita niya ang kotse ni Steven.Tama si Joshua. Pumunta siguro si Steven pagkatapos tumawag ni Gwen… o baka, matagal na siyang naghihintay bago pa tumawag si Gwen.Hindi mamumuo ang makapal na niyebe sa maikling panahon, lalo na at mahina lang ang pagbagsak ng niyebe.Ang utang na loob at konsensya na nararamdaman niya kay Steven ay nadagdagan. Huminga siya ng malalim at binuksan niya ang kotse para pumasok. “Matagal ka bang naghintay?”Ngumiti si Steven at tumingin siya ng kalmado kay Gwen. “Kakarating ko lang.”“Kakarating mo lang?” Tumaas ang kilay ni Gwen. “Paano nagkaroon ng niyebe na halos tatlo o apat na sentimetro sa
“Steven!”Sobrang saya ni Mrs. Hughes nang makita niya ang caller ID sa kanyang phone screen. Sabik niyang sinagot ang phone. “Napag isipan mo na ba ito? Sinabi ko na sayo. Basta’t magbago ang isip mo, habang buhay kang magiging mahal na anak ko! Ikaw lang ang anak namin noong pinili ka namin at hindi si Luke noong dalawampung taon na ang nakalipas!”Sa sobrang sabik niya ay nakalimutan niya kung naasan siya at wala siyang pakialam kung nasa harap niya si Mr. Hoffman. “Si Denise ay isang ampon lang. Ang buhay niya ay walang kwenta sa amin. Hindi tama na mag away tayo dahil sa kanya. Wala itong saysay!”“Nasaan ka ngayon? Kailangan mo ba ng taong susundo sayo? Basta’t pumayag ka na bumalik, tayo ng tatay mo ay magiging isang mapagmahal at masayang pamilya, okay?”Kumunot ang noo ni Steven habang tahimik siyang nakinig sa mga sinasabi ng kanyang nanay. Pagkatapos ng ilang sandali, natapos na ang nanay niya sa gusto nitong sabihin.Huminga siya ng malalim at sinabi niya, “Nanay.”An
“Hindi niyo ako mapipigilan,” Sumingit si Steven sa oras na matapos magsalita si Mrs. Hughes. “Wala akong pakialam sa opinyon niyo; gusto kong makasama si Gwen. Ito ay sa pagitan naming dalawa, at wala itong kinalaman sa inyo.”Biglang naalala ni Steven ang rason kung bakit siya tumawag sa nanay niya, kaya huminga siya ng malalim at kumalma siya. “Nanay, mali ang pagka intindi niyo dito. Mahal talaga namin ni Gwen ang isa’t isa, at kung hindi kayo naniniwala, pwede niyo kaming bisitahin, at isama mo rin si tatay. Ipapakita namin ni Gwen na tapat ang pagmamahalan namin.”Hindi mapigilan ni Mrs. Hughes na ngumisi nang marinig niya ito. “Ipapakita niyo sa amin na tapat kayo sa pagmamahalan niyo? Wala kang alam kung sa tingin mo na nagmamahalan talaga kayo! Isa kang uto-uto na kontrolado ng isang tuso na mangkukulam!”Ngumisi siya at idinagdag niya, “Mahal kong anak, pakiusap, buksan mo ang mga mata mo para makita kung ano talaga ang babaeng ‘yan! Ang gusto niya lang sayo ay ang buhay m
Sa The Orient.Nang makarating sina Mr. at Mrs. Hughes sa restaurant, si Gwen ay yakap ni Steven, pinapakain niya ito ng mga piraso ng prutas.Nakasara ang pinto, at kahit nasa malayo, naririnig ni Mrs. Hughes ang maamong boses ni Gwen na nagsasabing, “Steven, gusto kong pakainin mo ako.”“Oo, gusto ko ng orange, salamat. Gusto ko na ipagbalat at subuan mo ako ng isa-isa. Ganito ang ginagawa ni Luke para sa akin dati.”Tumibok ng mabilis ang puso ni Steven habang tumitig siya sa babaeng nakaupo sa kandungan niya.Alam niya na nagpapanggap lang si Gwen, ngunit hindi niya pa rin mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.Alam niya na hindi siya magiging katulad ni Luke, ngunit ang paglalambing na natatanggap niya mula kay Gwen ay sapat na.Ngumiti siya at nagbalat siya ng orange at hinimay niya ito hanggang sa maging maliliit na piraso, pagkatapos ay sinubo niya ang bawat piraso sa bibig ni Gwen.Habang nakasilip mula sa butas sa sulok ng pinto, agad na nakita ni Mrs. Hug
Nawala ang kulay sa mukha ni Mrs. Hughes at sumagot siya, “Wala akong ideya kung ano ang tinutukoy mo.”“Sige pala.” Ngumiti ng maliit si Gwen, ngunit wala siyang intensyon na ipagpatuloy ang topic na ito. “Hindi dahil hindi kayo umaamin, ibig sabihin ay hindi namin babalewalain ang mga bagay na ginawa niyo.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng malambing kay Steven at sinabi niya, “Natatakot ka ba, mahal ko? Sana ay ‘wag kang umiyak kung naghanda ng arranged marriage ang nanay mo para sayo! Tutal, kahit si Denise ay hindi umiyak noong pinagdaanan niya ito.”Kumunot ang noo ni Steven nang marinig niya ito. Makalipas ang ilang sandali, hinawakan niya ang kamay ni Gwen at sinabi niya ng kalmado, “‘Wag kang mag alala, hindi ako iiyak, at higit sa lahat—”Lumingon siya para tumitig sa direksyon nila Mr. at Mrs. Hughes. “Sigurado ako na hindi ito gagawin sa akin ni nanay at tatay.”“Bakit naman hindi?” Ang sabi ni Gwen, nakangiti siya. “Tutal, nangako sila sa mga Miller na maging