“Steven!”Sobrang saya ni Mrs. Hughes nang makita niya ang caller ID sa kanyang phone screen. Sabik niyang sinagot ang phone. “Napag isipan mo na ba ito? Sinabi ko na sayo. Basta’t magbago ang isip mo, habang buhay kang magiging mahal na anak ko! Ikaw lang ang anak namin noong pinili ka namin at hindi si Luke noong dalawampung taon na ang nakalipas!”Sa sobrang sabik niya ay nakalimutan niya kung naasan siya at wala siyang pakialam kung nasa harap niya si Mr. Hoffman. “Si Denise ay isang ampon lang. Ang buhay niya ay walang kwenta sa amin. Hindi tama na mag away tayo dahil sa kanya. Wala itong saysay!”“Nasaan ka ngayon? Kailangan mo ba ng taong susundo sayo? Basta’t pumayag ka na bumalik, tayo ng tatay mo ay magiging isang mapagmahal at masayang pamilya, okay?”Kumunot ang noo ni Steven habang tahimik siyang nakinig sa mga sinasabi ng kanyang nanay. Pagkatapos ng ilang sandali, natapos na ang nanay niya sa gusto nitong sabihin.Huminga siya ng malalim at sinabi niya, “Nanay.”An
“Hindi niyo ako mapipigilan,” Sumingit si Steven sa oras na matapos magsalita si Mrs. Hughes. “Wala akong pakialam sa opinyon niyo; gusto kong makasama si Gwen. Ito ay sa pagitan naming dalawa, at wala itong kinalaman sa inyo.”Biglang naalala ni Steven ang rason kung bakit siya tumawag sa nanay niya, kaya huminga siya ng malalim at kumalma siya. “Nanay, mali ang pagka intindi niyo dito. Mahal talaga namin ni Gwen ang isa’t isa, at kung hindi kayo naniniwala, pwede niyo kaming bisitahin, at isama mo rin si tatay. Ipapakita namin ni Gwen na tapat ang pagmamahalan namin.”Hindi mapigilan ni Mrs. Hughes na ngumisi nang marinig niya ito. “Ipapakita niyo sa amin na tapat kayo sa pagmamahalan niyo? Wala kang alam kung sa tingin mo na nagmamahalan talaga kayo! Isa kang uto-uto na kontrolado ng isang tuso na mangkukulam!”Ngumisi siya at idinagdag niya, “Mahal kong anak, pakiusap, buksan mo ang mga mata mo para makita kung ano talaga ang babaeng ‘yan! Ang gusto niya lang sayo ay ang buhay m
Sa The Orient.Nang makarating sina Mr. at Mrs. Hughes sa restaurant, si Gwen ay yakap ni Steven, pinapakain niya ito ng mga piraso ng prutas.Nakasara ang pinto, at kahit nasa malayo, naririnig ni Mrs. Hughes ang maamong boses ni Gwen na nagsasabing, “Steven, gusto kong pakainin mo ako.”“Oo, gusto ko ng orange, salamat. Gusto ko na ipagbalat at subuan mo ako ng isa-isa. Ganito ang ginagawa ni Luke para sa akin dati.”Tumibok ng mabilis ang puso ni Steven habang tumitig siya sa babaeng nakaupo sa kandungan niya.Alam niya na nagpapanggap lang si Gwen, ngunit hindi niya pa rin mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.Alam niya na hindi siya magiging katulad ni Luke, ngunit ang paglalambing na natatanggap niya mula kay Gwen ay sapat na.Ngumiti siya at nagbalat siya ng orange at hinimay niya ito hanggang sa maging maliliit na piraso, pagkatapos ay sinubo niya ang bawat piraso sa bibig ni Gwen.Habang nakasilip mula sa butas sa sulok ng pinto, agad na nakita ni Mrs. Hug
Nawala ang kulay sa mukha ni Mrs. Hughes at sumagot siya, “Wala akong ideya kung ano ang tinutukoy mo.”“Sige pala.” Ngumiti ng maliit si Gwen, ngunit wala siyang intensyon na ipagpatuloy ang topic na ito. “Hindi dahil hindi kayo umaamin, ibig sabihin ay hindi namin babalewalain ang mga bagay na ginawa niyo.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng malambing kay Steven at sinabi niya, “Natatakot ka ba, mahal ko? Sana ay ‘wag kang umiyak kung naghanda ng arranged marriage ang nanay mo para sayo! Tutal, kahit si Denise ay hindi umiyak noong pinagdaanan niya ito.”Kumunot ang noo ni Steven nang marinig niya ito. Makalipas ang ilang sandali, hinawakan niya ang kamay ni Gwen at sinabi niya ng kalmado, “‘Wag kang mag alala, hindi ako iiyak, at higit sa lahat—”Lumingon siya para tumitig sa direksyon nila Mr. at Mrs. Hughes. “Sigurado ako na hindi ito gagawin sa akin ni nanay at tatay.”“Bakit naman hindi?” Ang sabi ni Gwen, nakangiti siya. “Tutal, nangako sila sa mga Miller na maging
Tumaas ang mga kilay ni Gwen. “Tama.”Lumingon siya para tumingin kay Steven, na siyang nakayakap pa rin sa kanya. “Mahal ko, alam mo rin naman na kapalit ka lang ni Luke, hindi ba?”Yumuko si Steven para tumingin sa kumikinang na mga mata ni Gwen, pagkatapos ay lumunok siya. “Syempre alam ko.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig sa mga magulang niya. “Alam ko na isang kapalit lang ako, at alam ko rin na hindi talaga ako mahal ni Gwen—gusto niya lang ako para sa katawan ko, pero…”Humigpit ang hawak niya kay Gwen na para bang gusto niyang maghalo ang kanilang mga katawan. “Pumapayag ako dito.”“Kung iisipin, kayo ang dapat ko pasalamatan para dito, nanay, tatay. Kung hindi dahil sa inyo, hindi sana babalik ang diwa ko, at hindi ko matutuklasan na may kambal na kapatid pala ako.”“Higit sa lahat, hindi ko makikilala ang magandang babaeng ito.”Tumawa siya at sinabi niya, “Ang rason kung bakit dinala ko si Gwen dito para makilala kayo ay para makita niyo ang himala na ginawa ni
Nagalit si Mrs. Hughes sa babaeng nakatayo sa harap niya. “Ano naman ang gusto mo ngayon?”Sinabi niya na ang gusto niyang sabihin, kaya wala sa tamang pag iisip siguro ang babaeng ito kung akala niya ay uupo sila at kakain ng magkasama!“Mrs. Hughes” Ngumiti si Gwen sa kanya. “Umorder na kami ni Steven, kaya hindi tama na umalis kayo ng basta basta, hindi ba? Bukod pa dito…”Ngumisi siya at nilagay niya ang buhok niya sa likod ng tainga niya. “Sinasabi niyo na wala kayong apruba sa relasyon namin at mukhang mahalaga para sa inyo si Steven… pero mukhang hindi kayo nag aalala sa kanya.”“Hindi ba’t sa tingin niyo ay hindi tama na gusto niyong makinig siya sa utos niyo, ngayon at hindi kayo nagpapakita ng pagmamahal o pag aalala sa kanya? Kung gusto niyo talaga na sumuko siya sa akin, hindi ba’t gagawin niyo ang lahat para makuha ang loob niya sa pagiging mabuting mga magulang?” Kumunot ang noo nila Mr. at Mrs. Hughes nang marinig nila ito.Huminto ng ilang sandali si Mr. Hughes,
Nagiging desperado na si Steven nang makita niya na paalis sina Mr. at Mrs. Hughes.Tumayo siya at tumakbo siya patungo sa direksyon nila, balak niya na hulihin sila bago sila umalis.“Hindi na kailangan.” Tinaas ni Gwen ang kamay niya para pigilan si Steven. “Hindi mo na sila kailangan pigilan.”Pagkatapos, binulong niya sa kanyang earpiece, “Nakarating na ba ang mga tauhan ng tatay mo?”“Nakarating na po sila,” Ang sabi ni Nigel, nakahinga siya ng maluwag. “Noong una, walang nakahanap sa kanila ng eksaktong lokasyon ni Uncle Sean.”“Ang pamilya Hughes ay may magnetic interruption device sa kanilang dungeon, at wala sa mga taong pinadala namin, pati si Uncle Lucas, ang hindi makakilos ng maayos—ang mga compass nila ay hindi gumagana.”“Pero, sa oras po na tumawag ang babaeng ‘yun, agad na pumunta ang butler sa dungeon para tumingin, at sa pagsunod sa kanya, nagawa namin na mahanap ang lugar kung saan nakakulong si Uncle Sean. Sigurado ako na madali natin siyang mahahanap—hindi p
“Anong ibig mong sabihin?” Lumaki ang mga mata ni Steven dahil sa gulat.Nanginig ang boses niya habang humigpit ang hawak niya sa kanyang phone. “Ano ang pinagsasabi mo, Denise? May masama bang nangyari?”Napuno ng takot ang mukha ni Steven at inulit niya, “Ano ang nangyari, Denise?”Nagsimulang tumawa si Denise, at ang tunog ng tawa niya ay malakas kumpara sa background.“Steven, hindi ako makakalabas ng buhay dito.” Tila walang pag asa at namamaos ang boses niya. “Iniwan ako nila nanay at tatay para mamatay. Ibinigay nila ako sa manyak na si Mr. Hoffman, at siya ang pinaka nakakadiring tao na nakilala ko.”Habang nababalisa, lumingon si Denise para tumingin sa lalaking nasa malayo, na siyang sumisigaw ng mga mura at hinahanda ang latigo nito para sa kanya. Ngumiti siya ng mapait. “Alam ko na sinusubukan niyong pigilan sa pagkilos sina nanay at tatay para may taong magligtas sa akin. Alam ko na kahit kailan ay hindi ka sumuko sa akin, pero…”Nagpatuloy siya ng namamaos na boses