Nagiging desperado na si Steven nang makita niya na paalis sina Mr. at Mrs. Hughes.Tumayo siya at tumakbo siya patungo sa direksyon nila, balak niya na hulihin sila bago sila umalis.“Hindi na kailangan.” Tinaas ni Gwen ang kamay niya para pigilan si Steven. “Hindi mo na sila kailangan pigilan.”Pagkatapos, binulong niya sa kanyang earpiece, “Nakarating na ba ang mga tauhan ng tatay mo?”“Nakarating na po sila,” Ang sabi ni Nigel, nakahinga siya ng maluwag. “Noong una, walang nakahanap sa kanila ng eksaktong lokasyon ni Uncle Sean.”“Ang pamilya Hughes ay may magnetic interruption device sa kanilang dungeon, at wala sa mga taong pinadala namin, pati si Uncle Lucas, ang hindi makakilos ng maayos—ang mga compass nila ay hindi gumagana.”“Pero, sa oras po na tumawag ang babaeng ‘yun, agad na pumunta ang butler sa dungeon para tumingin, at sa pagsunod sa kanya, nagawa namin na mahanap ang lugar kung saan nakakulong si Uncle Sean. Sigurado ako na madali natin siyang mahahanap—hindi p
“Anong ibig mong sabihin?” Lumaki ang mga mata ni Steven dahil sa gulat.Nanginig ang boses niya habang humigpit ang hawak niya sa kanyang phone. “Ano ang pinagsasabi mo, Denise? May masama bang nangyari?”Napuno ng takot ang mukha ni Steven at inulit niya, “Ano ang nangyari, Denise?”Nagsimulang tumawa si Denise, at ang tunog ng tawa niya ay malakas kumpara sa background.“Steven, hindi ako makakalabas ng buhay dito.” Tila walang pag asa at namamaos ang boses niya. “Iniwan ako nila nanay at tatay para mamatay. Ibinigay nila ako sa manyak na si Mr. Hoffman, at siya ang pinaka nakakadiring tao na nakilala ko.”Habang nababalisa, lumingon si Denise para tumingin sa lalaking nasa malayo, na siyang sumisigaw ng mga mura at hinahanda ang latigo nito para sa kanya. Ngumiti siya ng mapait. “Alam ko na sinusubukan niyong pigilan sa pagkilos sina nanay at tatay para may taong magligtas sa akin. Alam ko na kahit kailan ay hindi ka sumuko sa akin, pero…”Nagpatuloy siya ng namamaos na boses
Maingat si Gwen nang marinig niya na seryoso si Steven. Sinabi niya kay Nigel, “Nigel, kailangan ko ng tulong mula sa kapatid mo!”“Kausapin mo ako.” Kahit na si Nigel ay pitong taong gulang pa lang, namaster niya ang kakayahan na malaman ang mga emosyon o mood ng mga tao base sa tono nila.Sa sandali na marinig niya ang pagbabago sa tono ng boses ni Gwen, agad niyang nalaman na may mali. “Nakaupo po siya sa tabi ko. Pwede niyo po sabihin sa amin, at tutulong po kami sa makakaya namin.”Napuno ng init ang puso ni Gwen nang marinig niya ito.Huminga siya ng malalim at inilarawan niya ang lahat ng tungkol kay Denise kela Nigel at Neil. “Pwede niyo ba ako tulungan na hanapin ang hotel kung nasaan siya?”“Tapos na,” Sumagot si Ngeil bago pa matapos magsalita si Gwen. “Hindi po sila nalalayo sa inyo; ibibigay ko po ang address nila sa inyo ngayon.”Nabigla si Gwen sa bilis nito, ngunit mabilis siyang bumalik sa sarili at nagpasalamat sa kanila. “Pakiusap, sabihin mo sa akin.’“Tama s
“Wala akong pakialam!” Hindi napansin ni Mr. Hoffman na papalapit si Steven mula sa likod at sa halip ay kinaway niya lang ang mga makamy niya kela Mr. at Mrs. Hughes. “Kayo ang nangako sa akin na pwede ko gawin ang kahit ano sa babaeng ‘yun. Ngayon, hindi lang sa wala akong napala, tumalon pa siya sa gusali sa harap ko!”“Dahil sa inyo, ini imbestigahan ako ng mga pulis. Kakalabas ko lang mula sa interrogation, at natuklasan ng asawa ko na pinagtaksilan ko siya. Kayo dapat ang responsable dito!”Suminghal siya at idinagdag niya, “Kasalanan niyo ang lahat ng ito—walang kahit sino sa inyo ang kanyang kumontrol sa kanya ng maayos! Babawiin ko ang kontrata natin, at kailangan niyo akong bayaran ang pera na binigay ko sa inyo!”“Hindi lang ‘yun, kailangan niyo pa akong bayaran ng extra! Kung hindi, ibabalita ko ang mga masasamang ginawa niyo sa buong bayan, at magbabayad kayo sa panloloko niyo sa akin!”Pagkatapos, tumalikod siya at paalis na sana siya nang makaharap niya si Steven.“
Habang iniisip ito, hindi mapigilan ni Steven na maalala ang kawalan ng pag asa sa boses ni Denise nang sabihin nito ang mga salitang ‘yun kay Steven.Kumirot ang puso ni Steven dahil dito.Lumingon siya para tumitig sa magkasintahan na nakatayo sa harap niya.Sa mga sandaling ito, nagkatinginan silang dalawa na para bang sinisisi ang isa’t isa sa pagkasira ng business transaction nila kay Mr. Hoffman.Nabigla ulit siya at humigpit ang mga kamao niya sa galit.Wala siyang ideya na ang mga magulang niya ay walang hiya!Higit sa 20 taon na tumira si Denise kasama nila. Kahit na hindi nila ito kadugo, kahit na ginagamit lang nila ito… is pa ring tao si Denise!Isa siyang buhay na tao na buong buhay nilang nakasama!Normal na magiging malapit ang mga tao sa mga alaga nila, pero ang mga magulang niya ay tila walang pakialam kay Denise na kumpara mas pinapahalagahan pa ng isang karaniwang tao ang aso nila!Si Denise ay isang gamit lang para sa kanila!Habang iniisip ito, kinagat ni
May masamang tingin sa mukha ng mga magulang ni Steven pagkatapos makinig sa mga sinabi ni Steven.Sa kabilang palad, naramdaman ni Steven na may pag asa siya sa oras na makita niya ang maputlang mukha ng mga magulang niya. Akala niya ay magbabago ang isip ng mga magulang niya at ang masamang ugali nila ay hindi na mahalaga pagkatapos ng kanyang sinabi.Gayunpaman, ang nangyari sa susunod ay hindi niya inaasahan…“Kinulam ka ng p*tang ‘yun!” Galit na lumapit si Mrs. Hughes kay Steven at hinawakan niya ang braso nito. Tila galit ang boses niya, “Hindi lang si Gwen ang p*ta. Pati si Denise! Ginayuma ka ng dalawang babaeng ‘yun. Ito ba ang paraan ng pakikipag usap mo sa tatay mo? Ginagawa lang namin ang lahat ng ito para sayo. Kung hindi dahil sayo, sa tingin mo ba ay ayaw namin maging mabuting mga tao na pinupuri ng lahat? At sinasabi mo ito sa amin? Steven Hughes, tao ka ba?”Trinato ni Mrs. Hughes si Steven na para bang isa siyang bata na pinapagalitan, “‘Wag mo kaming ipahiya! Umu
“Hindi ako makulit!” Kumunot ang noo ni Steven at inalis niya ang kamay ng tatay niya. “May sarili akong buhay. Mr. Hughes, tanggalin mo ang kamay mo sa akin!”Tumalikod siya at umalis.Tumingin si Mr. Hughes kay Steven habang naglalakad ito palayo. Kumunot ang noo niya at tumingin siya sa asawa niya.Kumunot ang noo ni Mrs. Hughes habang napuno ng lamig ang kanyang mga mata. “‘Wag mo siyang pansinin! Bumalik na tayo!”Pagkatapos itong sabihin, tinaas niya ang kamay niya at hinawakan niya ang kamay ng asawa niya. Naglakad na sila palayo sa mga manonood at umalis na sila. Nagalisan na ang mga madla nang umalis na ang mag asawang Hughes.Nang makarating na sina Luna at Joshua doon, hindi nila nakita sina Steven, Gwen, o ang mag asawang Hughes. Kumunot ang noo ni Luna at nilabas niya ang phone niya para tumawag kay Gwen. Sa mga oras na ‘yun, tumawag si Sean sa kanya.Iniligtas nila Lucas at ng iba si Sean mula sa bahay ng mga Hughes at papunta na sila sa hotel.“Luna,” Nang masagot
Nang banggitin ni Joshua si Adrian, hindi mapigilan ni Luna na magbuntong hininga. May gusto siyang sabihin, ngunit hindi niya ito sinabi.Lumapit siya kay Joshua at hinawkan niya ang kamay nito, “Magkaiba kayong dalawa.”“Oo, iba ako.” Ngumiti ng mapait si Joshua. “Mas masaya ang buhay ni Steven kaysa sa akin. At least… ”Tumingin siya sa malayo habang malungkot ang itsura niya, “At least ang mga magulang niya ay iniiisip pa rin siya kahit na masama ang pagtrato nila sa iba. Oo, makasarili sila. Ginagamit nila si Steven para gumawa ng mga masasamang bagay. At least mabuti talaga sila sa kanya. Pero ang tatay ko…”Kahit kailan, hindi gusto ni Adrian kay Joshua. Si Adrian ang rason kung bakit nagdusa ang nanay ni Joshua. Pero, sinisisi niya kay Joshua ang pagkamatay ni Rianna. Sinabi niya sa lahat na ang rason kung bakit galit siya kay Joshua ay dahil namatay si Rianna habang pinapanganak si Joshua sa mundong ito.Sumingkit ang mga mata ni Joshua. Oras na para harapin niya ang prob