Share

Kabanata 2873

Nawala ang kulay sa mukha ni Mrs. Hughes at sumagot siya, “Wala akong ideya kung ano ang tinutukoy mo.”

“Sige pala.” Ngumiti ng maliit si Gwen, ngunit wala siyang intensyon na ipagpatuloy ang topic na ito. “Hindi dahil hindi kayo umaamin, ibig sabihin ay hindi namin babalewalain ang mga bagay na ginawa niyo.”

Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng malambing kay Steven at sinabi niya, “Natatakot ka ba, mahal ko? Sana ay ‘wag kang umiyak kung naghanda ng arranged marriage ang nanay mo para sayo! Tutal, kahit si Denise ay hindi umiyak noong pinagdaanan niya ito.”

Kumunot ang noo ni Steven nang marinig niya ito. Makalipas ang ilang sandali, hinawakan niya ang kamay ni Gwen at sinabi niya ng kalmado, “‘Wag kang mag alala, hindi ako iiyak, at higit sa lahat—”

Lumingon siya para tumitig sa direksyon nila Mr. at Mrs. Hughes. “Sigurado ako na hindi ito gagawin sa akin ni nanay at tatay.”

“Bakit naman hindi?” Ang sabi ni Gwen, nakangiti siya. “Tutal, nangako sila sa mga Miller na maging
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status