Nawala ang kulay sa mukha ni Mrs. Hughes at sumagot siya, “Wala akong ideya kung ano ang tinutukoy mo.”“Sige pala.” Ngumiti ng maliit si Gwen, ngunit wala siyang intensyon na ipagpatuloy ang topic na ito. “Hindi dahil hindi kayo umaamin, ibig sabihin ay hindi namin babalewalain ang mga bagay na ginawa niyo.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng malambing kay Steven at sinabi niya, “Natatakot ka ba, mahal ko? Sana ay ‘wag kang umiyak kung naghanda ng arranged marriage ang nanay mo para sayo! Tutal, kahit si Denise ay hindi umiyak noong pinagdaanan niya ito.”Kumunot ang noo ni Steven nang marinig niya ito. Makalipas ang ilang sandali, hinawakan niya ang kamay ni Gwen at sinabi niya ng kalmado, “‘Wag kang mag alala, hindi ako iiyak, at higit sa lahat—”Lumingon siya para tumitig sa direksyon nila Mr. at Mrs. Hughes. “Sigurado ako na hindi ito gagawin sa akin ni nanay at tatay.”“Bakit naman hindi?” Ang sabi ni Gwen, nakangiti siya. “Tutal, nangako sila sa mga Miller na maging
Tumaas ang mga kilay ni Gwen. “Tama.”Lumingon siya para tumingin kay Steven, na siyang nakayakap pa rin sa kanya. “Mahal ko, alam mo rin naman na kapalit ka lang ni Luke, hindi ba?”Yumuko si Steven para tumingin sa kumikinang na mga mata ni Gwen, pagkatapos ay lumunok siya. “Syempre alam ko.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig sa mga magulang niya. “Alam ko na isang kapalit lang ako, at alam ko rin na hindi talaga ako mahal ni Gwen—gusto niya lang ako para sa katawan ko, pero…”Humigpit ang hawak niya kay Gwen na para bang gusto niyang maghalo ang kanilang mga katawan. “Pumapayag ako dito.”“Kung iisipin, kayo ang dapat ko pasalamatan para dito, nanay, tatay. Kung hindi dahil sa inyo, hindi sana babalik ang diwa ko, at hindi ko matutuklasan na may kambal na kapatid pala ako.”“Higit sa lahat, hindi ko makikilala ang magandang babaeng ito.”Tumawa siya at sinabi niya, “Ang rason kung bakit dinala ko si Gwen dito para makilala kayo ay para makita niyo ang himala na ginawa ni
Nagalit si Mrs. Hughes sa babaeng nakatayo sa harap niya. “Ano naman ang gusto mo ngayon?”Sinabi niya na ang gusto niyang sabihin, kaya wala sa tamang pag iisip siguro ang babaeng ito kung akala niya ay uupo sila at kakain ng magkasama!“Mrs. Hughes” Ngumiti si Gwen sa kanya. “Umorder na kami ni Steven, kaya hindi tama na umalis kayo ng basta basta, hindi ba? Bukod pa dito…”Ngumisi siya at nilagay niya ang buhok niya sa likod ng tainga niya. “Sinasabi niyo na wala kayong apruba sa relasyon namin at mukhang mahalaga para sa inyo si Steven… pero mukhang hindi kayo nag aalala sa kanya.”“Hindi ba’t sa tingin niyo ay hindi tama na gusto niyong makinig siya sa utos niyo, ngayon at hindi kayo nagpapakita ng pagmamahal o pag aalala sa kanya? Kung gusto niyo talaga na sumuko siya sa akin, hindi ba’t gagawin niyo ang lahat para makuha ang loob niya sa pagiging mabuting mga magulang?” Kumunot ang noo nila Mr. at Mrs. Hughes nang marinig nila ito.Huminto ng ilang sandali si Mr. Hughes,
Nagiging desperado na si Steven nang makita niya na paalis sina Mr. at Mrs. Hughes.Tumayo siya at tumakbo siya patungo sa direksyon nila, balak niya na hulihin sila bago sila umalis.“Hindi na kailangan.” Tinaas ni Gwen ang kamay niya para pigilan si Steven. “Hindi mo na sila kailangan pigilan.”Pagkatapos, binulong niya sa kanyang earpiece, “Nakarating na ba ang mga tauhan ng tatay mo?”“Nakarating na po sila,” Ang sabi ni Nigel, nakahinga siya ng maluwag. “Noong una, walang nakahanap sa kanila ng eksaktong lokasyon ni Uncle Sean.”“Ang pamilya Hughes ay may magnetic interruption device sa kanilang dungeon, at wala sa mga taong pinadala namin, pati si Uncle Lucas, ang hindi makakilos ng maayos—ang mga compass nila ay hindi gumagana.”“Pero, sa oras po na tumawag ang babaeng ‘yun, agad na pumunta ang butler sa dungeon para tumingin, at sa pagsunod sa kanya, nagawa namin na mahanap ang lugar kung saan nakakulong si Uncle Sean. Sigurado ako na madali natin siyang mahahanap—hindi p
“Anong ibig mong sabihin?” Lumaki ang mga mata ni Steven dahil sa gulat.Nanginig ang boses niya habang humigpit ang hawak niya sa kanyang phone. “Ano ang pinagsasabi mo, Denise? May masama bang nangyari?”Napuno ng takot ang mukha ni Steven at inulit niya, “Ano ang nangyari, Denise?”Nagsimulang tumawa si Denise, at ang tunog ng tawa niya ay malakas kumpara sa background.“Steven, hindi ako makakalabas ng buhay dito.” Tila walang pag asa at namamaos ang boses niya. “Iniwan ako nila nanay at tatay para mamatay. Ibinigay nila ako sa manyak na si Mr. Hoffman, at siya ang pinaka nakakadiring tao na nakilala ko.”Habang nababalisa, lumingon si Denise para tumingin sa lalaking nasa malayo, na siyang sumisigaw ng mga mura at hinahanda ang latigo nito para sa kanya. Ngumiti siya ng mapait. “Alam ko na sinusubukan niyong pigilan sa pagkilos sina nanay at tatay para may taong magligtas sa akin. Alam ko na kahit kailan ay hindi ka sumuko sa akin, pero…”Nagpatuloy siya ng namamaos na boses
Maingat si Gwen nang marinig niya na seryoso si Steven. Sinabi niya kay Nigel, “Nigel, kailangan ko ng tulong mula sa kapatid mo!”“Kausapin mo ako.” Kahit na si Nigel ay pitong taong gulang pa lang, namaster niya ang kakayahan na malaman ang mga emosyon o mood ng mga tao base sa tono nila.Sa sandali na marinig niya ang pagbabago sa tono ng boses ni Gwen, agad niyang nalaman na may mali. “Nakaupo po siya sa tabi ko. Pwede niyo po sabihin sa amin, at tutulong po kami sa makakaya namin.”Napuno ng init ang puso ni Gwen nang marinig niya ito.Huminga siya ng malalim at inilarawan niya ang lahat ng tungkol kay Denise kela Nigel at Neil. “Pwede niyo ba ako tulungan na hanapin ang hotel kung nasaan siya?”“Tapos na,” Sumagot si Ngeil bago pa matapos magsalita si Gwen. “Hindi po sila nalalayo sa inyo; ibibigay ko po ang address nila sa inyo ngayon.”Nabigla si Gwen sa bilis nito, ngunit mabilis siyang bumalik sa sarili at nagpasalamat sa kanila. “Pakiusap, sabihin mo sa akin.’“Tama s
“Wala akong pakialam!” Hindi napansin ni Mr. Hoffman na papalapit si Steven mula sa likod at sa halip ay kinaway niya lang ang mga makamy niya kela Mr. at Mrs. Hughes. “Kayo ang nangako sa akin na pwede ko gawin ang kahit ano sa babaeng ‘yun. Ngayon, hindi lang sa wala akong napala, tumalon pa siya sa gusali sa harap ko!”“Dahil sa inyo, ini imbestigahan ako ng mga pulis. Kakalabas ko lang mula sa interrogation, at natuklasan ng asawa ko na pinagtaksilan ko siya. Kayo dapat ang responsable dito!”Suminghal siya at idinagdag niya, “Kasalanan niyo ang lahat ng ito—walang kahit sino sa inyo ang kanyang kumontrol sa kanya ng maayos! Babawiin ko ang kontrata natin, at kailangan niyo akong bayaran ang pera na binigay ko sa inyo!”“Hindi lang ‘yun, kailangan niyo pa akong bayaran ng extra! Kung hindi, ibabalita ko ang mga masasamang ginawa niyo sa buong bayan, at magbabayad kayo sa panloloko niyo sa akin!”Pagkatapos, tumalikod siya at paalis na sana siya nang makaharap niya si Steven.“
Habang iniisip ito, hindi mapigilan ni Steven na maalala ang kawalan ng pag asa sa boses ni Denise nang sabihin nito ang mga salitang ‘yun kay Steven.Kumirot ang puso ni Steven dahil dito.Lumingon siya para tumitig sa magkasintahan na nakatayo sa harap niya.Sa mga sandaling ito, nagkatinginan silang dalawa na para bang sinisisi ang isa’t isa sa pagkasira ng business transaction nila kay Mr. Hoffman.Nabigla ulit siya at humigpit ang mga kamao niya sa galit.Wala siyang ideya na ang mga magulang niya ay walang hiya!Higit sa 20 taon na tumira si Denise kasama nila. Kahit na hindi nila ito kadugo, kahit na ginagamit lang nila ito… is pa ring tao si Denise!Isa siyang buhay na tao na buong buhay nilang nakasama!Normal na magiging malapit ang mga tao sa mga alaga nila, pero ang mga magulang niya ay tila walang pakialam kay Denise na kumpara mas pinapahalagahan pa ng isang karaniwang tao ang aso nila!Si Denise ay isang gamit lang para sa kanila!Habang iniisip ito, kinagat ni