Inaasahan na ni Sean ang reaksyon ni Gwen.Ang katotohanan ay siya rin ay nagulat na tulad ni Gwen nang unang natuklasan niya ito.Kahit na ito rin ang unang beses niya, may basic na kaalaman siya tungkol sa sex education, at nang matapos na ang lahat, sinubukan niyang alamin ang tunay na nangyari sa pagitan nila Denise at Thomas.Sa kanyang ikinagulat… natuklasan niya na walang nagturo kay Denise ng kahit anong tungkol sa sex education.Ang lahat ng kaalaman niya ay narinig niya lang mula sa ibang mga tao, at kahit ang mga napanood niyang pelikula ay age-restricted, tinanggal ang mga sex scenes mula sa pelikula mismo.Ayon sa mga pelikula na napanood niya, ang ‘pagtatalik’ ay ang paghiga ng isang lalaki at isang babae sa kama habang nakasuot ang mga damit nila, ‘yun lang.Kaya naman, ito ang limitadong kaalaman niya tungkol sa sex education, at hanggang sa pagsasama nila ni Sean kagabi, doon niya lang napagtanto na nagkamali siya.Sa huli… walang nangyari sa pagitan nila Denise
Kumunot ang noo ni Steven nang marinig niya ito. Lumingon siya para tumingin ng malamig kay Sean. “Ikaw…”“Plano namin na magpakasal.” Lumingon si Sean para tumitig kay Steven. “Ito ang rason kung bakit tumawag si Denise sayo ngayon. Gusto niyang pag usapan niyo ang kasal namin.”“Sinabi niya na kahit na ang pamilya Hughes ay inampon at pinalaki siya, hindi na siya parte ng pamklya pagkatapos ng paraan ng pagtrato nila sa kanya, at ang tanging pamilya na meron na lang siya ay ikaw. Kaya naman, gusto niyang pag usapan niyo muna ang kasal namin bago kami maghanda.”“Ikaw lang din ang tanging pamilya niya sa kasal namin.”Tumigas ang buong katawan ni Steven nang marinig niya ito. Lumginon siya para tumitig ng tulala kay Denise. “Denise… Gaano katagal mo nang kilala ang lalaking ito? Paano ka magpapakasal sa kanya kung kakakilala mo pa lang sa kanya ng isang araw? Hindi mo ba ito pag iisipan?”Wala siyang problema kay Sean, ngunit sa tingin niya ay hindi pa kilala ni Denise si Sean ng
“Mabait talaga si Sean sa akin. Nagdesisyon ako na pakasalan siya. Pero, ang pinakamalaking problema namin ngayon ay ang kapatid niya…” Nagbuntong hininga si Denise nang isipin niya ang kapatid niya Sean..Sinabi ni Sean sa kanya na ang kapatid niya ay best friend ni Joshua, at sa kasamaang palad, nakita ni Joshua ang lahat ng masamang bagay na ginawa ni Denise. Natatakot si Denise na masama ang magiging tingin sa kanya ng kapatid ni Sean dahil sa impluwensya ni Joshua.“‘Wag kang mag alala.” Ngumiti si Sean. “Gagawin ko ang lahat para makita niya ang tunay na ako. Kahit na mabigo ako…”Ngumiti siya. “Hindi na mahalaga. Ako ang may gusto na makasama ka, at ako ang magbibigay sayo ng kaligayahan. Ang opinyon ng kapatid ko ay hindi mahalaga. Hindi ako makikinig sa lahat ng sasabihin niya.”Hindi niya sinabi ang mga ito para marinig nila Steven at Gwen, ngunit pakiramdam nila ay taos-puso ito.Huminto ng ilang sandali si Steven at tumingin ulit siya kay Denise. “Kaya… noong tumawag k
Nabigla pa si Sean. Nakipagtinginan siya kay Denise bago siya sumunod kay Gwen palabas ng pinto.Dinala ni Gwen si Sean palabas ng kwarto at naglakad siya patungo sa dulo ng hallway. Nang makarating sila sa hagdan, huminto sila at lumignon para tumingin kay Sean. “Bumalik si Luke kagabi.”Nabigla si Sean at lumaki ang kanyang mga mata, tumingin siya na para bang lumabas ang mga mata niya. Pagkatapos ng ilang sandali, kumunot ang noo niya at tinanong niya ng maingat, “Gwen, nung sinabi mo na bumalik siya kagabi, sinasabi mo ba na, parang… sa panaginip mo?”Nalito ng ilang sandali si Gwen sa tanong ni Sean, ngunit hindi nagtagal bago niya napagtanto na mali ang sinabi niya. “HIndi, hindi ito isang panaginip?” Tumawa siya.Kinurot niya ang noo niya aat nag isip siya ng ilanag sandali bago niya sinabi na ang isa sa split personality ni Steven ay si Luke.Nabigla si Sean at matagal siyang hindi makapagsalita. “Sinasabi mo ba… si Steven at si Luke ay magkasama sa isang katawan? Kapag na
Kung si Luke ay hindi inabandona ng pamilya Hughes simula pa noong ipinanganak siya, at kung hindi dahil sa masamang kondisyon ng paglaki niya, naniniwala si Gwen na si Luke ay magiging isang maamong tao na tulad rin ni Steven. Tutal, magkapatid silang dalawa. Naghiwalay sila mula sa isang fertilized egg, lumaki sila sa sinapupunan ng nanay nila, at sabay nilang dumating sa mundong ito.Kaya naman, ang magkapatid ay hindi nagkakilala noong buhay pa si Luke, at ang kondisyon nila ngayon ay parang salamin sa realidad na ito. Nakikita ni Luke ang nakikita ni Steven, ‘nabubuhay’ siya bilang ibang personality, ngunit hindi alam ni Steven ang tungkol kay Luke.Isang trahedya ito sa pagitan ng dalawang magkapatid, hindi ba?“Tapos ka na ba?” Biglang tumunog ang boses ni Denise mula sa likod nila. Bumalik sa sarili si Sean at tumingin siya sa likod.Nahihiyang nakatitig si Denise sa likod nila. “Hindi ko sinasadyang isotrobohin ang pag uusap niyo. Kaya nga lang…”Kinaway niya ang phone ni
Tumingin si Steven sa babaeng nasa harap niya. “Naghanda na ako para dito.”Pumikit siya at sinabi niya, namamaos ang boses niya, “Gwen, sinabi ko na dati. Kung namimiss mo talaga siya, papayag akong isakripisyo ang sarili ko para bumalik siya. Simula pa lang ang dissociative identity disorder. Kapag nahanap ko ang ‘switch’ para lumabas siya, gagawin ko ito para makapag sama kayo—hanggang sa ang personality niya ang magkaroon ng kontrol sa katawan ko at maglaho na ako. Ang katawang ito ay magiging si Luke.”Dumilat siya at tumitig siya sa mga mata ni Gwen habang nakangiti. “Gusto ko siyang ibalik sayo, at ibalik ka sa kanya. Nararapat kayo para sa isa’t isa, at siya ang tamang may ari ng katawan na ito.”“Isa akong tao na dapat ay namatay na noong limang taon na ang nakalipas; ang buhay ko ay tapos na dapat noon. Masaya na ako at may pangalawang pagkakataon ako sa mga nakalipas na buwan…”Tahimik na nakatayo si Gwen at nagbola ang kanyang mga kamao. Sa totoo lang, may pagkakapareho
Tumitig ng malamig si Gwen kay Steven. “Ang mga sakripisyo niyo ay may halaga lang kapag kailangan ko ito. Kapag hindi ko ito kailangan, ang mga sakripisyo na ginagawa niyo ay makasarili lang para gumaan ang loob niyo. Ganito ang ginawa ni Luke, at ganito rin ang ginagawa mo ngayon.”Tumitig siya ng galit kay Steven. “Noong sinakripisyo ni Luke ang buhay niya para sa akin, hindi niya alam na walang kwenta ang buhay ko kung wala siya. Ngayon, gusto mong ibigay si Luke sa akin sa pagpapakamatay mo dahil mahal ko si Luke.”“Naisip mo na ba kung makokonsensya ako kapag dumating ang araw na ‘yun, kahit na kasama ko si Luke? Lagi kong iisipin na kami ang pumatay sayo, para lang sa kaligayahan ko kasama si Luke.”Nabigla si Steven nang marinig niya ito, at kinuha ni Gwen ang pagkakataon na ito na sabihin ang nasa isip niya.“Kahit na bumalik si Luke, iisipin niya na siya ang umagaw sa buhay mo. Hindi ko na rin matatanggap si Luke na tulad ng dati. Magkakaroon ng bitak sa amin, at hindi ka
Nang bumalik si Gwen sa hotel, alas diyes na ng umaga.Nakaupo sina Luna at Joshua sa sala ng suite, inaayos ang mga dokumento na dinala ni Denise.Ang unang bagay na nakita ni Gwen nang buksan niya ang pinto ay si Luna na kagat ang isang pen habang nakakunot ang noo at nagkukumpara ng dalawang dokumento. Ang mga kamay ni Luna ay dapat ginagamit para sa pag sketch ng jewelry design, ngunit sa mga sandaling ito, mukha siyang isang clerk na naghahanap ng loopholes sa mga dokumento.Mas seryoso si Joshua kay Luna. Maraming mga dokumento sa mesa sa harap niya, at ang mga ito ay mukhang hindi mula kay Denise. Mga dokumento siguro ito na nakuha niya sa ibang mga lugar.Pareho silang seryoso, sa punto na hindi nila napansin na bumalik na pala si Gwen. Pagkatapos ng ilang sandali, itatabi na sana ni Joshua ang dokumento nang mapansin niya na bumalik na si Gwen nang lumingon siya.Ngumiti siya ng elegante. “Kailan ka pa bumalik?”Ang boses niya ay gumambala sa pag iisip ni Luna. Kumunot a