Nabigla pa si Sean. Nakipagtinginan siya kay Denise bago siya sumunod kay Gwen palabas ng pinto.Dinala ni Gwen si Sean palabas ng kwarto at naglakad siya patungo sa dulo ng hallway. Nang makarating sila sa hagdan, huminto sila at lumignon para tumingin kay Sean. “Bumalik si Luke kagabi.”Nabigla si Sean at lumaki ang kanyang mga mata, tumingin siya na para bang lumabas ang mga mata niya. Pagkatapos ng ilang sandali, kumunot ang noo niya at tinanong niya ng maingat, “Gwen, nung sinabi mo na bumalik siya kagabi, sinasabi mo ba na, parang… sa panaginip mo?”Nalito ng ilang sandali si Gwen sa tanong ni Sean, ngunit hindi nagtagal bago niya napagtanto na mali ang sinabi niya. “HIndi, hindi ito isang panaginip?” Tumawa siya.Kinurot niya ang noo niya aat nag isip siya ng ilanag sandali bago niya sinabi na ang isa sa split personality ni Steven ay si Luke.Nabigla si Sean at matagal siyang hindi makapagsalita. “Sinasabi mo ba… si Steven at si Luke ay magkasama sa isang katawan? Kapag na
Kung si Luke ay hindi inabandona ng pamilya Hughes simula pa noong ipinanganak siya, at kung hindi dahil sa masamang kondisyon ng paglaki niya, naniniwala si Gwen na si Luke ay magiging isang maamong tao na tulad rin ni Steven. Tutal, magkapatid silang dalawa. Naghiwalay sila mula sa isang fertilized egg, lumaki sila sa sinapupunan ng nanay nila, at sabay nilang dumating sa mundong ito.Kaya naman, ang magkapatid ay hindi nagkakilala noong buhay pa si Luke, at ang kondisyon nila ngayon ay parang salamin sa realidad na ito. Nakikita ni Luke ang nakikita ni Steven, ‘nabubuhay’ siya bilang ibang personality, ngunit hindi alam ni Steven ang tungkol kay Luke.Isang trahedya ito sa pagitan ng dalawang magkapatid, hindi ba?“Tapos ka na ba?” Biglang tumunog ang boses ni Denise mula sa likod nila. Bumalik sa sarili si Sean at tumingin siya sa likod.Nahihiyang nakatitig si Denise sa likod nila. “Hindi ko sinasadyang isotrobohin ang pag uusap niyo. Kaya nga lang…”Kinaway niya ang phone ni
Tumingin si Steven sa babaeng nasa harap niya. “Naghanda na ako para dito.”Pumikit siya at sinabi niya, namamaos ang boses niya, “Gwen, sinabi ko na dati. Kung namimiss mo talaga siya, papayag akong isakripisyo ang sarili ko para bumalik siya. Simula pa lang ang dissociative identity disorder. Kapag nahanap ko ang ‘switch’ para lumabas siya, gagawin ko ito para makapag sama kayo—hanggang sa ang personality niya ang magkaroon ng kontrol sa katawan ko at maglaho na ako. Ang katawang ito ay magiging si Luke.”Dumilat siya at tumitig siya sa mga mata ni Gwen habang nakangiti. “Gusto ko siyang ibalik sayo, at ibalik ka sa kanya. Nararapat kayo para sa isa’t isa, at siya ang tamang may ari ng katawan na ito.”“Isa akong tao na dapat ay namatay na noong limang taon na ang nakalipas; ang buhay ko ay tapos na dapat noon. Masaya na ako at may pangalawang pagkakataon ako sa mga nakalipas na buwan…”Tahimik na nakatayo si Gwen at nagbola ang kanyang mga kamao. Sa totoo lang, may pagkakapareho
Tumitig ng malamig si Gwen kay Steven. “Ang mga sakripisyo niyo ay may halaga lang kapag kailangan ko ito. Kapag hindi ko ito kailangan, ang mga sakripisyo na ginagawa niyo ay makasarili lang para gumaan ang loob niyo. Ganito ang ginawa ni Luke, at ganito rin ang ginagawa mo ngayon.”Tumitig siya ng galit kay Steven. “Noong sinakripisyo ni Luke ang buhay niya para sa akin, hindi niya alam na walang kwenta ang buhay ko kung wala siya. Ngayon, gusto mong ibigay si Luke sa akin sa pagpapakamatay mo dahil mahal ko si Luke.”“Naisip mo na ba kung makokonsensya ako kapag dumating ang araw na ‘yun, kahit na kasama ko si Luke? Lagi kong iisipin na kami ang pumatay sayo, para lang sa kaligayahan ko kasama si Luke.”Nabigla si Steven nang marinig niya ito, at kinuha ni Gwen ang pagkakataon na ito na sabihin ang nasa isip niya.“Kahit na bumalik si Luke, iisipin niya na siya ang umagaw sa buhay mo. Hindi ko na rin matatanggap si Luke na tulad ng dati. Magkakaroon ng bitak sa amin, at hindi ka
Nang bumalik si Gwen sa hotel, alas diyes na ng umaga.Nakaupo sina Luna at Joshua sa sala ng suite, inaayos ang mga dokumento na dinala ni Denise.Ang unang bagay na nakita ni Gwen nang buksan niya ang pinto ay si Luna na kagat ang isang pen habang nakakunot ang noo at nagkukumpara ng dalawang dokumento. Ang mga kamay ni Luna ay dapat ginagamit para sa pag sketch ng jewelry design, ngunit sa mga sandaling ito, mukha siyang isang clerk na naghahanap ng loopholes sa mga dokumento.Mas seryoso si Joshua kay Luna. Maraming mga dokumento sa mesa sa harap niya, at ang mga ito ay mukhang hindi mula kay Denise. Mga dokumento siguro ito na nakuha niya sa ibang mga lugar.Pareho silang seryoso, sa punto na hindi nila napansin na bumalik na pala si Gwen. Pagkatapos ng ilang sandali, itatabi na sana ni Joshua ang dokumento nang mapansin niya na bumalik na si Gwen nang lumingon siya.Ngumiti siya ng elegante. “Kailan ka pa bumalik?”Ang boses niya ay gumambala sa pag iisip ni Luna. Kumunot a
Lumingon si Joshua at tumingin siya kay Gwen ng nakangiti. “Sa totoo lang, may ipapagawa ako sayo. Pero… sa tingin ko ay hindi mo magugustuhan na gawin ito, kaya kalimutan mo na lang. Maghintay ka lang muna. Kapag naayos na namin ni Luna ang lahat, sasabihin namin sayo ang lahat ng sabwatan na ginawa ng pamilya Hughes at pamilya Miller.”Kumunot ang noo ni Gwen dahil sa mga sinabi ni Joshua. “Ano ang gusto mong ipagawa sa akin?”Papayag siyang gawin ang kahit ano, kahit na mapagod siya dahil dito. Bilang mahal na babae ni Luke, gusto niyang tumulong.Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya kay Luna, na siyang nakakunot ang noo. “Kalimutan mo na. Sa tingin ko ay ayaw niya itong gawin.”Nagkibit balikat siya at tumingin siya ng nakangiti kay Gwen. “Kita mo? Siya ang nagsabi sa akin na tumahimik ako.”Mas naintriga si Gwen habang kumilos sila na parang nagbibiruan sila. Kumunot ang noo niya at naglakad siya patungo kay Luna, hinawakan niya ang braso nito, at sinabi niya na gusto n
Kumunot ang noo ni Gwen nang makita niya ang pangalan sa phone niya. Tumingin siya kela Luna at Joshua ng ilang sandali at nagdalawang isip siya. Pagkatapos nito, lumingon siya at pumunta siya sa balkonahe para sagutin ang phone call.“Steven.” Kumunot ang noo niya habang nakatingin sila sa niyebe at nagtanong siya, “May nangyari ba?”“Oo.” Huminto siya ng ilang sandali. “Nasa bahay na ako, pero… may nangyari.”“Ano ang nangyari?” Ang boses ni Steven ay halatang balisa. Tinanong ni Gwen, “May kinalaman ba ito kay Denise?”“Oo.” Nagbuntong hininga si Steven sa phone. Tila pagod siya. “Kinulong ng mga magulang ko si Denise.”Nabigla si Gwen. “Paano naman si Sean?”Kung tama ang pagkakaalala niya, sinamahan ni Sean si Denise pabalik ng bahay ni Steven.“Kinulong din siya,” Ang paliwanag ni Steven, “Pero wala sila sa iisang lugar. Noong bumalik ako, tumakas si Sean. Hindi ko alam kung pumunta siya sa ibang lugar o nagtatago siya sa bahay, naghihintay para iligtas si Denise…”“Sa ti
Kahit na alam ni Steven na maraming ginawa na masama sina Mr. at Mrs. Hughes, magulang niya pa rin ang mga ito. Wala silang ginawang masama sa kanya.Naintindihan ni Gwen ang nararamdaman ni Steven. Kaya naman, ngumiti siya. “Naiintindihan ko. Hindi kailangan sumama ang loob mo o sisihin mo ang sarili mo. Naniniwala ako na para kang si Luke ngayon, gagawin niya ang parehong desisyon sa pipiliin mo. ‘Wag kang mag alala. Sasabihin ko kay Joshua at Thomas ang tungkol dito. Ililigtas namin sina Denise at Sean.”Gumaan ang loob ni Steven dahil sa matamis na boses ni Gwen. Humigpit ang hawak niya sa phone at pumikit siya. “Salamat, Gwen.”“‘Wag mo muna akong pasalamatan. Gusto kong humingi ng pabor.”Huminto ang paghinga ni Steven dahil dito. Pagkatapos ng ilang sandali, mabilis niyang sinabi, “Ano ang maitutulong ko sayo?”Akala nila ay hindi na ulit sila magkikita ulit pagkatapos ng nangyari sa hotel. Matagal siya nakapag ipon ng lakas bago siya tumawag, at hindi niya inaasahan na hih