โMabait talaga si Sean sa akin. Nagdesisyon ako na pakasalan siya. Pero, ang pinakamalaking problema namin ngayon ay ang kapatid niyaโฆโ Nagbuntong hininga si Denise nang isipin niya ang kapatid niya Sean..Sinabi ni Sean sa kanya na ang kapatid niya ay best friend ni Joshua, at sa kasamaang palad, nakita ni Joshua ang lahat ng masamang bagay na ginawa ni Denise. Natatakot si Denise na masama ang magiging tingin sa kanya ng kapatid ni Sean dahil sa impluwensya ni Joshua.โโWag kang mag alala.โ Ngumiti si Sean. โGagawin ko ang lahat para makita niya ang tunay na ako. Kahit na mabigo akoโฆโNgumiti siya. โHindi na mahalaga. Ako ang may gusto na makasama ka, at ako ang magbibigay sayo ng kaligayahan. Ang opinyon ng kapatid ko ay hindi mahalaga. Hindi ako makikinig sa lahat ng sasabihin niya.โHindi niya sinabi ang mga ito para marinig nila Steven at Gwen, ngunit pakiramdam nila ay taos-puso ito.Huminto ng ilang sandali si Steven at tumingin ulit siya kay Denise. โKayaโฆ noong tumawag k
Nabigla pa si Sean. Nakipagtinginan siya kay Denise bago siya sumunod kay Gwen palabas ng pinto.Dinala ni Gwen si Sean palabas ng kwarto at naglakad siya patungo sa dulo ng hallway. Nang makarating sila sa hagdan, huminto sila at lumignon para tumingin kay Sean. โBumalik si Luke kagabi.โNabigla si Sean at lumaki ang kanyang mga mata, tumingin siya na para bang lumabas ang mga mata niya. Pagkatapos ng ilang sandali, kumunot ang noo niya at tinanong niya ng maingat, โGwen, nung sinabi mo na bumalik siya kagabi, sinasabi mo ba na, parangโฆ sa panaginip mo?โNalito ng ilang sandali si Gwen sa tanong ni Sean, ngunit hindi nagtagal bago niya napagtanto na mali ang sinabi niya. โHIndi, hindi ito isang panaginip?โ Tumawa siya.Kinurot niya ang noo niya aat nag isip siya ng ilanag sandali bago niya sinabi na ang isa sa split personality ni Steven ay si Luke.Nabigla si Sean at matagal siyang hindi makapagsalita. โSinasabi mo baโฆ si Steven at si Luke ay magkasama sa isang katawan? Kapag na
Kung si Luke ay hindi inabandona ng pamilya Hughes simula pa noong ipinanganak siya, at kung hindi dahil sa masamang kondisyon ng paglaki niya, naniniwala si Gwen na si Luke ay magiging isang maamong tao na tulad rin ni Steven. Tutal, magkapatid silang dalawa. Naghiwalay sila mula sa isang fertilized egg, lumaki sila sa sinapupunan ng nanay nila, at sabay nilang dumating sa mundong ito.Kaya naman, ang magkapatid ay hindi nagkakilala noong buhay pa si Luke, at ang kondisyon nila ngayon ay parang salamin sa realidad na ito. Nakikita ni Luke ang nakikita ni Steven, โnabubuhayโ siya bilang ibang personality, ngunit hindi alam ni Steven ang tungkol kay Luke.Isang trahedya ito sa pagitan ng dalawang magkapatid, hindi ba?โTapos ka na ba?โ Biglang tumunog ang boses ni Denise mula sa likod nila. Bumalik sa sarili si Sean at tumingin siya sa likod.Nahihiyang nakatitig si Denise sa likod nila. โHindi ko sinasadyang isotrobohin ang pag uusap niyo. Kaya nga langโฆโKinaway niya ang phone ni
Tumingin si Steven sa babaeng nasa harap niya. โNaghanda na ako para dito.โPumikit siya at sinabi niya, namamaos ang boses niya, โGwen, sinabi ko na dati. Kung namimiss mo talaga siya, papayag akong isakripisyo ang sarili ko para bumalik siya. Simula pa lang ang dissociative identity disorder. Kapag nahanap ko ang โswitchโ para lumabas siya, gagawin ko ito para makapag sama kayoโhanggang sa ang personality niya ang magkaroon ng kontrol sa katawan ko at maglaho na ako. Ang katawang ito ay magiging si Luke.โDumilat siya at tumitig siya sa mga mata ni Gwen habang nakangiti. โGusto ko siyang ibalik sayo, at ibalik ka sa kanya. Nararapat kayo para sa isaโt isa, at siya ang tamang may ari ng katawan na ito.โโIsa akong tao na dapat ay namatay na noong limang taon na ang nakalipas; ang buhay ko ay tapos na dapat noon. Masaya na ako at may pangalawang pagkakataon ako sa mga nakalipas na buwanโฆโTahimik na nakatayo si Gwen at nagbola ang kanyang mga kamao. Sa totoo lang, may pagkakapareho
Tumitig ng malamig si Gwen kay Steven. โAng mga sakripisyo niyo ay may halaga lang kapag kailangan ko ito. Kapag hindi ko ito kailangan, ang mga sakripisyo na ginagawa niyo ay makasarili lang para gumaan ang loob niyo. Ganito ang ginawa ni Luke, at ganito rin ang ginagawa mo ngayon.โTumitig siya ng galit kay Steven. โNoong sinakripisyo ni Luke ang buhay niya para sa akin, hindi niya alam na walang kwenta ang buhay ko kung wala siya. Ngayon, gusto mong ibigay si Luke sa akin sa pagpapakamatay mo dahil mahal ko si Luke.โโNaisip mo na ba kung makokonsensya ako kapag dumating ang araw na โyun, kahit na kasama ko si Luke? Lagi kong iisipin na kami ang pumatay sayo, para lang sa kaligayahan ko kasama si Luke.โNabigla si Steven nang marinig niya ito, at kinuha ni Gwen ang pagkakataon na ito na sabihin ang nasa isip niya.โKahit na bumalik si Luke, iisipin niya na siya ang umagaw sa buhay mo. Hindi ko na rin matatanggap si Luke na tulad ng dati. Magkakaroon ng bitak sa amin, at hindi ka
Nang bumalik si Gwen sa hotel, alas diyes na ng umaga.Nakaupo sina Luna at Joshua sa sala ng suite, inaayos ang mga dokumento na dinala ni Denise.Ang unang bagay na nakita ni Gwen nang buksan niya ang pinto ay si Luna na kagat ang isang pen habang nakakunot ang noo at nagkukumpara ng dalawang dokumento. Ang mga kamay ni Luna ay dapat ginagamit para sa pag sketch ng jewelry design, ngunit sa mga sandaling ito, mukha siyang isang clerk na naghahanap ng loopholes sa mga dokumento.Mas seryoso si Joshua kay Luna. Maraming mga dokumento sa mesa sa harap niya, at ang mga ito ay mukhang hindi mula kay Denise. Mga dokumento siguro ito na nakuha niya sa ibang mga lugar.Pareho silang seryoso, sa punto na hindi nila napansin na bumalik na pala si Gwen. Pagkatapos ng ilang sandali, itatabi na sana ni Joshua ang dokumento nang mapansin niya na bumalik na si Gwen nang lumingon siya.Ngumiti siya ng elegante. โKailan ka pa bumalik?โAng boses niya ay gumambala sa pag iisip ni Luna. Kumunot a
Lumingon si Joshua at tumingin siya kay Gwen ng nakangiti. โSa totoo lang, may ipapagawa ako sayo. Peroโฆ sa tingin ko ay hindi mo magugustuhan na gawin ito, kaya kalimutan mo na lang. Maghintay ka lang muna. Kapag naayos na namin ni Luna ang lahat, sasabihin namin sayo ang lahat ng sabwatan na ginawa ng pamilya Hughes at pamilya Miller.โKumunot ang noo ni Gwen dahil sa mga sinabi ni Joshua. โAno ang gusto mong ipagawa sa akin?โPapayag siyang gawin ang kahit ano, kahit na mapagod siya dahil dito. Bilang mahal na babae ni Luke, gusto niyang tumulong.Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya kay Luna, na siyang nakakunot ang noo. โKalimutan mo na. Sa tingin ko ay ayaw niya itong gawin.โNagkibit balikat siya at tumingin siya ng nakangiti kay Gwen. โKita mo? Siya ang nagsabi sa akin na tumahimik ako.โMas naintriga si Gwen habang kumilos sila na parang nagbibiruan sila. Kumunot ang noo niya at naglakad siya patungo kay Luna, hinawakan niya ang braso nito, at sinabi niya na gusto n
Kumunot ang noo ni Gwen nang makita niya ang pangalan sa phone niya. Tumingin siya kela Luna at Joshua ng ilang sandali at nagdalawang isip siya. Pagkatapos nito, lumingon siya at pumunta siya sa balkonahe para sagutin ang phone call.โSteven.โ Kumunot ang noo niya habang nakatingin sila sa niyebe at nagtanong siya, โMay nangyari ba?โโOo.โ Huminto siya ng ilang sandali. โNasa bahay na ako, peroโฆ may nangyari.โโAno ang nangyari?โ Ang boses ni Steven ay halatang balisa. Tinanong ni Gwen, โMay kinalaman ba ito kay Denise?โโOo.โ Nagbuntong hininga si Steven sa phone. Tila pagod siya. โKinulong ng mga magulang ko si Denise.โNabigla si Gwen. โPaano naman si Sean?โKung tama ang pagkakaalala niya, sinamahan ni Sean si Denise pabalik ng bahay ni Steven.โKinulong din siya,โ Ang paliwanag ni Steven, โPero wala sila sa iisang lugar. Noong bumalik ako, tumakas si Sean. Hindi ko alam kung pumunta siya sa ibang lugar o nagtatago siya sa bahay, naghihintay para iligtas si DeniseโฆโโSa ti
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si โAndie Larsonโ.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, โSalamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.โTumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, โOo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?โKahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. โSinabi ba talaga โyun ni Miss Moore?โTumango si Robyn. โNakasalubong ko rin sa elevator โyung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!โHuminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, โTalaga? Nagkataon nga naman.โโTama ka! Maliit ang mundo natin!โ Tumango si Robyn. โHindi lang โyun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ayโฆโNapatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. โSinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?โTahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. โOo.โHuminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. โDati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.โโSimula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.โLumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. โSinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?โHindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. โOโฆ Oo.โBakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, โMiss, kilalaโฆ mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?โSasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. โSyempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.โPagkatapos, tumingin siya kay Luna. โHindi ba, Luna?โNapahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. โOo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.โPagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. โKamusta na ang
โUmโฆโNgunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. โHindi baโt sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.โโNakidnap silang pareho, at ang lalaki na โyun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking โyun, patay na dapat siya ngayon.โโSi Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.โPagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, โGusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.โNapahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. โAng โkamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?โAlam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
โHindi ko kailangan ng special treatment.โ Ngumiti si John kay Tara. โAng gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.โKumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong โpinsanโ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?โHello, Luna.โ Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. โAno ang ginagawa mo dito?โNandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isaโt isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. โMiss Moore!โTumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. โAyos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa orasโฆ Ayos lang ba siya ngayon?โKahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kayaโt sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, โNice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.โPagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. โNabalitaan ko na may sakit ka?โTumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. โOpo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.โPagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. โSinabi mo ba ito sa lahat? Hindi baโt sinabi ko sayo na โwag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?โTumawa si John. โMalalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.โMedyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
โAyos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.โ Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking โyun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. โPero Johnโฆ makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?โNamutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, โSyempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. โWag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.โPagkatapos, tumingin siya