Nang bumalik si Gwen sa hotel, alas diyes na ng umaga.Nakaupo sina Luna at Joshua sa sala ng suite, inaayos ang mga dokumento na dinala ni Denise.Ang unang bagay na nakita ni Gwen nang buksan niya ang pinto ay si Luna na kagat ang isang pen habang nakakunot ang noo at nagkukumpara ng dalawang dokumento. Ang mga kamay ni Luna ay dapat ginagamit para sa pag sketch ng jewelry design, ngunit sa mga sandaling ito, mukha siyang isang clerk na naghahanap ng loopholes sa mga dokumento.Mas seryoso si Joshua kay Luna. Maraming mga dokumento sa mesa sa harap niya, at ang mga ito ay mukhang hindi mula kay Denise. Mga dokumento siguro ito na nakuha niya sa ibang mga lugar.Pareho silang seryoso, sa punto na hindi nila napansin na bumalik na pala si Gwen. Pagkatapos ng ilang sandali, itatabi na sana ni Joshua ang dokumento nang mapansin niya na bumalik na si Gwen nang lumingon siya.Ngumiti siya ng elegante. “Kailan ka pa bumalik?”Ang boses niya ay gumambala sa pag iisip ni Luna. Kumunot a
Lumingon si Joshua at tumingin siya kay Gwen ng nakangiti. “Sa totoo lang, may ipapagawa ako sayo. Pero… sa tingin ko ay hindi mo magugustuhan na gawin ito, kaya kalimutan mo na lang. Maghintay ka lang muna. Kapag naayos na namin ni Luna ang lahat, sasabihin namin sayo ang lahat ng sabwatan na ginawa ng pamilya Hughes at pamilya Miller.”Kumunot ang noo ni Gwen dahil sa mga sinabi ni Joshua. “Ano ang gusto mong ipagawa sa akin?”Papayag siyang gawin ang kahit ano, kahit na mapagod siya dahil dito. Bilang mahal na babae ni Luke, gusto niyang tumulong.Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya kay Luna, na siyang nakakunot ang noo. “Kalimutan mo na. Sa tingin ko ay ayaw niya itong gawin.”Nagkibit balikat siya at tumingin siya ng nakangiti kay Gwen. “Kita mo? Siya ang nagsabi sa akin na tumahimik ako.”Mas naintriga si Gwen habang kumilos sila na parang nagbibiruan sila. Kumunot ang noo niya at naglakad siya patungo kay Luna, hinawakan niya ang braso nito, at sinabi niya na gusto n
Kumunot ang noo ni Gwen nang makita niya ang pangalan sa phone niya. Tumingin siya kela Luna at Joshua ng ilang sandali at nagdalawang isip siya. Pagkatapos nito, lumingon siya at pumunta siya sa balkonahe para sagutin ang phone call.“Steven.” Kumunot ang noo niya habang nakatingin sila sa niyebe at nagtanong siya, “May nangyari ba?”“Oo.” Huminto siya ng ilang sandali. “Nasa bahay na ako, pero… may nangyari.”“Ano ang nangyari?” Ang boses ni Steven ay halatang balisa. Tinanong ni Gwen, “May kinalaman ba ito kay Denise?”“Oo.” Nagbuntong hininga si Steven sa phone. Tila pagod siya. “Kinulong ng mga magulang ko si Denise.”Nabigla si Gwen. “Paano naman si Sean?”Kung tama ang pagkakaalala niya, sinamahan ni Sean si Denise pabalik ng bahay ni Steven.“Kinulong din siya,” Ang paliwanag ni Steven, “Pero wala sila sa iisang lugar. Noong bumalik ako, tumakas si Sean. Hindi ko alam kung pumunta siya sa ibang lugar o nagtatago siya sa bahay, naghihintay para iligtas si Denise…”“Sa ti
Kahit na alam ni Steven na maraming ginawa na masama sina Mr. at Mrs. Hughes, magulang niya pa rin ang mga ito. Wala silang ginawang masama sa kanya.Naintindihan ni Gwen ang nararamdaman ni Steven. Kaya naman, ngumiti siya. “Naiintindihan ko. Hindi kailangan sumama ang loob mo o sisihin mo ang sarili mo. Naniniwala ako na para kang si Luke ngayon, gagawin niya ang parehong desisyon sa pipiliin mo. ‘Wag kang mag alala. Sasabihin ko kay Joshua at Thomas ang tungkol dito. Ililigtas namin sina Denise at Sean.”Gumaan ang loob ni Steven dahil sa matamis na boses ni Gwen. Humigpit ang hawak niya sa phone at pumikit siya. “Salamat, Gwen.”“‘Wag mo muna akong pasalamatan. Gusto kong humingi ng pabor.”Huminto ang paghinga ni Steven dahil dito. Pagkatapos ng ilang sandali, mabilis niyang sinabi, “Ano ang maitutulong ko sayo?”Akala nila ay hindi na ulit sila magkikita ulit pagkatapos ng nangyari sa hotel. Matagal siya nakapag ipon ng lakas bago siya tumawag, at hindi niya inaasahan na hih
Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, tumango ng mabilis si Gwen. “Salamat. Sasabihin ko ngayon kay Joshua ang tungkol kela Denise at Sean. Kapag tapos na ako dito, pupunta ako sa lugar niyo para hanapin ka.”Dahil nasa panganib sina Denise at Sean, mas mabuti na para sa kanya na pumunta doon para abalahin sina Mr. at Mrs. Hughes.…“Ang mga magulang ni Steven ay nakakadiri.” Kumunot ang noo ni Luna pagkatapos malaman ang nangyari kela Denise at Sean. “Sinabi nila na walang kinalaman si Denise sa kanila. Ipinaalam nila na inampon siya. Ngayon at nahanap ni Denise ang mahal niya at gusto niyang humiwalay sa kanila, ginawa nila ito?”Tinikom niya ang mga labi niya. “Ang sama nila.”Kahit na hindi gusto ni Luna si Denise, isa siyang ina ng apat na bata. Alam niya ang pagmamahalan sa pagitan ng mga magulang at anak. Kahit na ang bata ay isang ampon, ang mga magulang niya ay hindi dapat tratuhin ng malamig ang anak nila.Ang tanging paliwanag lang ay ang mga magulang ni Steven a
Nabigla si Gwen nang marinig niya ang mature na boses ni Nigel mula sa kabilang linya. “Paano… Paano ito nagawa ni Nigel?”Sinubukan ni Joshua na tawagan si Sean, ngunit walang sumagot. Paano tinawagan ni Nigel si Sean mula sa malayo, lalo na at walang network ang phone ni Sean? Mayroon ba siyang superpower?“Bago pa dumating si Sean, binigyan siya ni Nigel ng isang espesyal na jewelry.” Kumunot ang noo ni Joshua habang inuulit ni Nigel ang sinabi ni Sean at ipinaliwanag niya ito kay Gwen ng may mababang boses. “Ito rin ang parehong jewelry na ginamit nila Luna at ng mga bata habang nasa harap ko sila dati. Pinadala ni Nigel si Sean para protektahan si Riley.”“Sa misyon niya, kailangan niyang umiwas sa maraming surveillance camera, kaya binigay ni Nigel sa kanya ang alahas. Ito ang rason kung bakit hindi ko matawagan si Sean, pero kaya siyang tawagan ni Nigel.”Kahit naipaliwanag na ito, nalilito pa rin si Gwen dito. Kahit na hindi niya maintindihan kung paano ito nangyari, may is
Sinabi na ito ni Joshua noon—umaasa sila na magpanggap si Gwen na maging girlfriend ni Steven para maabala ang mga magulang ni Steven. Kaya naman, hindi nabigla si Gwen nang sabihin ito ni Joshua.Itinikom niya ang mga labi niya at tumingin siya kay Joshua ng may seryosong mga mata. “Kailangan ko ba itong gawin ngayon?’Akala niya ay may oras pa para maghanda siya.“Kulang na tayo sa oras.” Tumingin si Joshua sa relo niya para tingnan ang oras at sinabi niya, “Kalahating araw ang kailangan niyo ni Steven para maghanda at yayain ang mga magulang ni Steven sa restaurant.”“At, dahil hindi natin alam ang eksaktong lokasyon kung saan sina Denise at Sean sa loob ng bahay, hindi tayo makakasiguro na si Sean ay may sapat na pagkain. Higit sa lahat…”Tumingin siya ng seryoso kay Gwen. “Kung hindi agad natin maabala ang mga magulang ni Steven, natatakot ako na baka maging desperado sila at ibenta nila si Denise sa ibang tao.”Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito. “Sinasabi mo ba
Nabigla si Gwen sa sinabi ni Joshua habang tumitig siya dito ng tulala. “Seryoso ka?”“Bakit pa pala dalawang minuto lang ang kailangan niya para makarating dito?” Tumingin si Joshua kay Gwen. “Alam ko na ayaw mong magkaroon ng utang na loob sa kanya o maging malapit masyado sa kanya, pero kailangan mong harapin ang katotohanan, Gwen.”“Kahit na gusto mo itong iwasan, hindi mo maitatanggi na tumanggap ka ng maraming pabor mula sa kanya.”Yumuko siya at nagpatuloy siya sa pag aayos ng mga dokumento sa mesa. “Pero, hindi mo kailangan masyadong mastress tungkol dito. Tutal, kapatid siya ni Luke, at ginagamit niya ang katawan ni Luke. Siya ang nakakabenepisyo sa lahat ng ito. Tama lang na tulungan ka niya.”Kinagat ni Gwen ang labi niya at hindi niya alam kung paano siya magrereakt sa sinabi ni Joshua.“Bakit mo sinabi ang lahat ng ito?” Kumunot ang noo ni Luna at tinaas niya ang kamay niya para katukin ang ulo ni Joshua. Pagkatapos, lumingon sya at tumingin siya kay Gwen ng nakangiti