Bumalik na ba si Steven?Lumabas ng kwarto si Gwen.Papunta na si Steven sa direksyon niya, at napansin ni Gwen na mag isa si Steven. Kumunot ang noo niya at tumitig siya kay Steven. “Si Denise…” “Hindi ko siya mahanap.” Kumunot ang noo ni Steven at nagbuntong hininga siya, “Pinadala ko ang mga tauhan ko para maghanap sa buong bayan, kahit sa labas ng bayan, pero walang kahit sino sa kanila ang makahanap sa kanya.”“Ang huling nagpakita siya sa surveillance tapes, may kasama siyang kakaibang lalaki na hindi ko pa nakita dati. Nawala sila sa view ng mga camera, at hindi namin sila makita pagkatapos nito…” Ang boses ni Steven ay napuno ng lungkot. “Baka… huli na tayo.”Baka sineryoso ni Denise si Thomas at sumuko na siya para sumiping sa isang kakaibang lalaki.Naramdaman ni Steven na naipit ang kanyang hininga sa lalamunan niya.Nawala na ang lahat ng meron si Denise: kinamumuhian siya ng mga magulang niya, ginagamit lang siya ni Tina, at si Thomas—ang lalaking akala niya ay mah
Kumunot ang noo ni Steven sa inis dahil sa pagdating ni Thomas. Tumitig siya ng malamig pabalik kay Thomas at sinabi niya, “Hindi ko maiintindihan ng buo ang sakit na pinagdaanan mo, at hindi ko kailanman sinabi na dapat mong pagbigyan si Denise para sa mga ginawa niyang masama, pero isa kang lalaki, Thomas, kaya sa tingin mo ba talaga ay tama para parusahan mo ang isang babae ng ganitong paraan?”“Maraming paraan para maghiganti sa babae na gumawa ng masama sayo, kaya bakit mo kailangan pumili ng paraan na walang dignidad at pinilit mo siya na ibenta niya ang katawan at kaluluwa niya? Hindi lang ‘yun, sinabi mo pa na magpapadala ka ng tao para tumulong sa kanya kung hindi niya matapos ito bago sumikat ang araw. Paano mo naman ito gagawin?”Sumingkit ang mga mata ni Thomas nang marinig niya ito. “Sa tingin ko ay hindi ko na kailangan pa magpaliwanag sayo.”“Ikaw—” Sumingkit ang mga mata ni Steven. “Sa tingin mo ba ay dahil lang mabait ang ugali ko ay wala akong lakas ng loob para ha
Kumunot ang noo ni Steven nang marinig niya ang boses ni Gwen.Tumalikod siya, at tumigas ang buong katawan niya nang makita niya si Gwen.Makalipas ang ilang sandali, tinaas niya ang kamay niya at niyakap niya si Gwen na para bang walang ibang tao sa paligid. “Oo, ako ito.”Napuno ng paglalambing ang mga mata niya habang yakap niya ang babaeng mahal niya. “Mahal ko.”Tumulo ang mga luha sa mukha ni Gwen nang marinig niya ito. Hinawakan niya ang manggas ni Steven, puno ng luha ang kanyang mga mata. “Ikaw ba talaga ‘yan, Luke?”“Oo, ako ito.” Kumunot ang noo ni Luke. “Hindi ko alam kung ano ang nangyari… pero para bang lumabas ako sa isang kulungan.”Napanganga ang lahat nang makita nila ito, pati si Thomas, na siyang naghahanda kanina para tumanggap ng ilang mga suntok.Kumunot ang noo ni Joshua sa pagkalito.Samantala, lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat, pagkatapos ay naglakad siya sa tabi ni Joshua at hinila niya ang manggas nito. Binulong niya, “Ano ang nangyari?”Bakit b
Suminghal si Thomas nang marinig niya ito. “Akala ko ay bilang isang gang leader, mas magiging malupit at walang awa ka, pero nagulat ako na may sasabihin ka na tulad nito.”Nag unat siya at idinagdag niya, “Wala akong sinabi na hindi ako magpapakita ng awa kay Denise; siya ang pumayag sa sarili niyang kondisyon.”“Bago ka dumating, kausap ko si Joshua tungkol sa gagawin kay Denise. Dahil mukhang tapat si Denise, hindi ako magiging malupit kahit na mabigo siya na gawin ang pinapagawa ko sa kanya.”“Kung hindi sa pagprotekta ng pamilya Hughes sa kanya, magiging mag isa na lang siya, at kahit na hindi niya ako nakalaban dati, hindi siya magiging isang problema sa atin ni Yannie. Bukod pa dito, mukhang nagisisi talaga siya sa pagkakamali niya, kaya hindi ko sinasadya na hamunin siya lalo, pero…”Lumingon siya para tumingin sa lalaking nakatayo sa harap niya. “Hindi ko inaasahan na magagalit si Steven dahil dito sa punto na susumpungin ang split personality niya, pero mukhang hindi nam
Tahimik ang buong hallway.Tumango si Gwen, ang mga braso ni Luke ay nakayakap pa rin sa baywang ni Gwen. “Alam ko…”“‘Wag kang mag alala; ako na ang bahala sa lahat na ito.”Pagkatapos dumaan sa maraming bagay, hindi na siya ang babaeng walang alam na tulad ng dati.Kahit na may ilang beses noon na gusto niyang magpakamatay para sumama kay Luke sa langit, nang masaksian niya na ang pagkatao ni Luke ay lumalabas mula kay Steven… nagbago na ang lahat.Ang katotohanan ay, ang pagpapakamatay niya ay hindi magbibigay sa kanya ng resulta na gusto niya.Ang pinakamagandang bagay na pwede niyang gawin ay ang bumalik sa bahay niya at mabuhay ng paraan na gusto niya.Tutal, may alam siya na buhay pa rin ang katawan ni Luke, at ang diwa ni Luke ay nasa loob pa rin, hindi niya lang ito mailabas.Kung ang mga alaala at diwa ni Luke ay hindi tinanggal, ibig sabihin ay hindi siya namatay, kahit na si Steven ang bagong may ari ng katawan.Hindi namatay si Luke; natutuo lang siya kung paano m
Tahimik ng ilang sandali si Joshua.Kahit na siya rin, ay ayaw saktan ang ego ni Luke…“Mukhang hindi mo kailangan magsalita pa.” Tinaas ni Luke ang kamay niya para hawakan ang noo niya na tila natalo siya. “HIndi ako makapaniwala na—wala na ang reputasyon ko.”Para sa lahat, si Luke ay laging isang walang awang gangster na hindi natitibag, na ang dignidad ay hindi nilalabanan. Kahit ang pagkamatay niya ay pinili niya—pinili niya na isakripisyo ang sarili niya para sa babaeng mahal niya, kumpara sa pagkamatay dahil sa sakit o sa away.Gayunpaman, hindi niya inaasahan na pagkatapos niyang mamatay, malalaman ng mga tauhan niya ang tungkol sa panloloko sa kanya para makuha ang katawan niya…Ang reputasyon na maingat niyang binuo sa maraming taon ay nasira.Sa sobrang kahihiyan ni Luke ay hindi niya mapigilan na gustuhin na lamunin siya ng lupa sa mga sandaling ito.“Hindi lang sa nalaman nila, determinado pa sila na pumuta sa Saigen City para maghiganti sa pamilya Miller at pamilya
Tumango si Gwen at hinawakan niya ang kamay ni Luke. Huminga siya ng malalim at tinanong niya, “Kailan ka mawawala?”Umiling si Luke. “Wala rin akong ideya.”Ang katotohanan ay, pagdating sa himala na muling pagkabuhay niya, wala rin siyang alam sa nangyari. Gayunpaman, nagpapasalamat siya at nabigyan siya ng pagkakataon para makita ulit si Gwen, kahit na kakaiba ang paraan na ito.Hinawakan niya ng malambing ang kamay ni Gwen na para bang hawak niya ang pinakamahalagang kayamanan sa mundo.Pagkatapos, lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Ikaw na ang bahala.”Tumango si Joshua. “‘Wag kang mag alala; ako na ang bahala sa lahat.”Sa huli, tumingin si Luke kay Thomas. “Sana ay magpadala ka ng mga tao mo para hanapin rin si Denise. Tutal, wala masyadong tulong na dumarating kay Steven.”Kahit na sinusubukan ng mga tauhan ni Steven ang lahat ng makakaya nila, alam ni Luke na mula sa karanasan niya ay hindi sapat ang ilang mga tao para hanapin ang isang babae sa labas ng bayan.T
Klaro na ito ang iniisip niya.Nang makita niya ito, tumahimik ng ilang sandali si Luke bago siya nagbuntong hininga. “Ayos lang. Kung hindi ganun ang tingin mo sa kanya, walang pipilit sa amin na gustuhin mo siya.”Pero…Magiging masaya talaga kung nahulog si Gwen para kay Steven at makasama siya nito.Halos buong buhay si Luke na umakyat sa posisyon niya, at dahil dito, nabigo niya na ibigay kay Gwen ang nararapat para dito—ang isang tahimik at payapang buhay.Alam niya kung ano ang kakayahan ni Steven, ito ang rason kung bakit umaasa siya na magkatuluyan sina Steven at Gwen.Gayunpaman, dahil ayaw ni Gwen, hindi niya na ito pipilitin kay Gwen.Muling bumagsak ang niyebe habang naglalakad sila sa kalsada. Nang lumaig ng lumamig ang panahon, pumasok na sa loob ang mga tao.Bumagsak ang niyebe sa buhok at damit nila Luke at Gwen habang naglakad sila sa kalsada ng magkahawak kamay.“Naalala ko ang quote na binasa mo sa akin minsan; ang manood ng pagbagsak ng niyebe ay tulad ng