Tahimik ang buong hallway.Tumango si Gwen, ang mga braso ni Luke ay nakayakap pa rin sa baywang ni Gwen. “Alam ko…”“‘Wag kang mag alala; ako na ang bahala sa lahat na ito.”Pagkatapos dumaan sa maraming bagay, hindi na siya ang babaeng walang alam na tulad ng dati.Kahit na may ilang beses noon na gusto niyang magpakamatay para sumama kay Luke sa langit, nang masaksian niya na ang pagkatao ni Luke ay lumalabas mula kay Steven… nagbago na ang lahat.Ang katotohanan ay, ang pagpapakamatay niya ay hindi magbibigay sa kanya ng resulta na gusto niya.Ang pinakamagandang bagay na pwede niyang gawin ay ang bumalik sa bahay niya at mabuhay ng paraan na gusto niya.Tutal, may alam siya na buhay pa rin ang katawan ni Luke, at ang diwa ni Luke ay nasa loob pa rin, hindi niya lang ito mailabas.Kung ang mga alaala at diwa ni Luke ay hindi tinanggal, ibig sabihin ay hindi siya namatay, kahit na si Steven ang bagong may ari ng katawan.Hindi namatay si Luke; natutuo lang siya kung paano m
Tahimik ng ilang sandali si Joshua.Kahit na siya rin, ay ayaw saktan ang ego ni Luke…“Mukhang hindi mo kailangan magsalita pa.” Tinaas ni Luke ang kamay niya para hawakan ang noo niya na tila natalo siya. “HIndi ako makapaniwala na—wala na ang reputasyon ko.”Para sa lahat, si Luke ay laging isang walang awang gangster na hindi natitibag, na ang dignidad ay hindi nilalabanan. Kahit ang pagkamatay niya ay pinili niya—pinili niya na isakripisyo ang sarili niya para sa babaeng mahal niya, kumpara sa pagkamatay dahil sa sakit o sa away.Gayunpaman, hindi niya inaasahan na pagkatapos niyang mamatay, malalaman ng mga tauhan niya ang tungkol sa panloloko sa kanya para makuha ang katawan niya…Ang reputasyon na maingat niyang binuo sa maraming taon ay nasira.Sa sobrang kahihiyan ni Luke ay hindi niya mapigilan na gustuhin na lamunin siya ng lupa sa mga sandaling ito.“Hindi lang sa nalaman nila, determinado pa sila na pumuta sa Saigen City para maghiganti sa pamilya Miller at pamilya
Tumango si Gwen at hinawakan niya ang kamay ni Luke. Huminga siya ng malalim at tinanong niya, “Kailan ka mawawala?”Umiling si Luke. “Wala rin akong ideya.”Ang katotohanan ay, pagdating sa himala na muling pagkabuhay niya, wala rin siyang alam sa nangyari. Gayunpaman, nagpapasalamat siya at nabigyan siya ng pagkakataon para makita ulit si Gwen, kahit na kakaiba ang paraan na ito.Hinawakan niya ng malambing ang kamay ni Gwen na para bang hawak niya ang pinakamahalagang kayamanan sa mundo.Pagkatapos, lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Ikaw na ang bahala.”Tumango si Joshua. “‘Wag kang mag alala; ako na ang bahala sa lahat.”Sa huli, tumingin si Luke kay Thomas. “Sana ay magpadala ka ng mga tao mo para hanapin rin si Denise. Tutal, wala masyadong tulong na dumarating kay Steven.”Kahit na sinusubukan ng mga tauhan ni Steven ang lahat ng makakaya nila, alam ni Luke na mula sa karanasan niya ay hindi sapat ang ilang mga tao para hanapin ang isang babae sa labas ng bayan.T
Klaro na ito ang iniisip niya.Nang makita niya ito, tumahimik ng ilang sandali si Luke bago siya nagbuntong hininga. “Ayos lang. Kung hindi ganun ang tingin mo sa kanya, walang pipilit sa amin na gustuhin mo siya.”Pero…Magiging masaya talaga kung nahulog si Gwen para kay Steven at makasama siya nito.Halos buong buhay si Luke na umakyat sa posisyon niya, at dahil dito, nabigo niya na ibigay kay Gwen ang nararapat para dito—ang isang tahimik at payapang buhay.Alam niya kung ano ang kakayahan ni Steven, ito ang rason kung bakit umaasa siya na magkatuluyan sina Steven at Gwen.Gayunpaman, dahil ayaw ni Gwen, hindi niya na ito pipilitin kay Gwen.Muling bumagsak ang niyebe habang naglalakad sila sa kalsada. Nang lumaig ng lumamig ang panahon, pumasok na sa loob ang mga tao.Bumagsak ang niyebe sa buhok at damit nila Luke at Gwen habang naglakad sila sa kalsada ng magkahawak kamay.“Naalala ko ang quote na binasa mo sa akin minsan; ang manood ng pagbagsak ng niyebe ay tulad ng
Napatalon ang buong katawan ni Steven nang magring ang phone. Mabilis niyang kinuha ang phone niya at nilagay niya ito sa silent bago niya tingnan ang caller ID.Ito ay si Denise.Ngumiti siya ng masaya habang sinagot niya ang phone call.Gayunpaman, ayaw niyang magising si Gwen, kaya nagsalita siya ng mahina na mas malakas sa isang bulong, “Denise, nasaan ka?”Ang boses ni Denise ay tila kakatapos niya lang umiyak. “Ayos lang ako, Steven.”Gayunpaman, alam ni Steven na may mali. “Nasaan ka ngayon? Hahanapin agad kita.”“Hindi, ayos lang ako.” Umiling si Denise. “Ayos lang talaga ako, Steven. U… Uuwi ako para mag empake ako ng mga gamit ako… Pwede akong lumayas. Tinulungan ako ni Sean maghanap ng lugar na matutuluyan.”Kumunot ang noo ni Steven nang marinig niya ito. “Ano ba ang pinagsasabi mo?”“Denise, pakiusap, maging makatwiran ka. Umuwi ka ngayon, at makikipagkita ako sayo doon! Kailangan kitang kausapin!”Matagal na tahimik si Denise bago siya nagbuntong hininga. “Sige.
Tumigas ang buong katawan ni Steven nang marinig niya ito.Hinagis niya ang tuwaya at lumabas siya ng pinto. “Ano ang problema?”Nabigla siya sa kanyang nakita.May isang couple na nakatayo sa harap ng kabilang kwarto, at ang babaeng nakatitig sa kanya ay walang iba kundi si Denise!Sa mga sandaling ito, ang mukha ni Denise ay pula at may luha ang kanyang mga mata, at may coat ng lalaki na nakapatong sa mga balikat niya.Ang lalaking nakatayo sa tabi niya ay matangkad at payat na may maitim na balat at mukha siyang gwapo at astig.Sa sobrang gulat ni Steven ay wala siyang masabi.Bumalik na sa sarili si Gwen sa mga oras na ito, at may maliit na ngiti sa kanyang mukha. “Nasa kabilang kwarto kayo?”Naalala niya pa rin ang mga tunog na narinig niya sa kabilang kwarto.Pangit ang soundproofing ng hotel, kaya narinig niya ang ungol ng babae at lalaki. Puno ng pagnanasa ang dalawa, sa punto na nairita si Luke.Gayunpaman, dahil gamit ni Luke ang katawan ni Steven, wala siyang magaw
Mas lalong nagalit si Steven nang marinig niya ito.Totoo, laging maamo ang ugali niya, ngunit ito lang ay para sa mga taong nirerespeto niya!Ang lalaking nakatayo sa harap niya ay hindi lang pinagsamantalahan ang kapatid niya, pinaiyak pa nito ang kapatid niya!Si Denise ay isang malakas at independent na babae; hindi siya iiyak kung walang sobrang masama na nangyari.Pinagsamantalahan siguro siya ng lalaking ito!Habang iniisip ito, sumingkit ang mga mata ni Steven, napuno ng kasamaan ang mga mata niya. “Hindi ko kailangan maging maamo o mabait sa isang basura na tulad mo!”Habang sinasabi niya ito, inalis niya ang kamay ni Sean at dinala niya ang kamao niya patungo sa mukha nito.Noong una, hindi natakot si Sean. Tutal, ang lalaking nasa harap niya ay may katawan lang ni Luke. Ang lalaking ito ay mahina at matalino lang kaya’t hindi siya dapat katakutan.Gayunpaman, minaliit niya si Steven.Sa sobrang lakas ng pwersa ni Steven ay napaatras ang braso ni Sean, at makalipas a
Naglakad si Denise papasok ng kwarto.Ngumiti si Sean at lumingon siya para tumingin kay Steven, sumenyas siya patungo sa kwarto. “Pumasok ka. Pwede mong makita mismo kung pinagsamantalahan ko ang kapatid mo o hindi.”Pagkatapos, tumalikod siya at pumasok na siya ng kwarto.Kumunot ang noo ni Steven.“Tara na.” Nagbuntong hininga si Gwen at hinila niya ang manggas ng damit ni Steven. “Baka hindi ka pamilyar kay Sean, pero pamilyar ako sa kanya.”“Siya ang anak ng tita ni Joshua. Marami siyang pinagdaanan simula pa noong bata siya at naging isa siyang mekaniko ng kotse…”“Pero, wala pa siyang ginawang masama sa kahit sino, sa halip, maraming beses niya nang tinulungan ang kaibigan ko… kaya isang hindi pagkakaunawaan lang siguro ang lahat.”Hindi papansinin ni Steven ang kahit sinong magtatanggol kay Sean, ngunit dahil si Gwen ang gumagawa nito, wala siyang magawa kundi ang makinig.Nagbuntong hininga siya at tumingin siya kay Gwen. “Sige. Naniniwala ako sayo sa ngayon.”Pagkata
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya