Tumango si Gwen at hinawakan niya ang kamay ni Luke. Huminga siya ng malalim at tinanong niya, “Kailan ka mawawala?”Umiling si Luke. “Wala rin akong ideya.”Ang katotohanan ay, pagdating sa himala na muling pagkabuhay niya, wala rin siyang alam sa nangyari. Gayunpaman, nagpapasalamat siya at nabigyan siya ng pagkakataon para makita ulit si Gwen, kahit na kakaiba ang paraan na ito.Hinawakan niya ng malambing ang kamay ni Gwen na para bang hawak niya ang pinakamahalagang kayamanan sa mundo.Pagkatapos, lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Ikaw na ang bahala.”Tumango si Joshua. “‘Wag kang mag alala; ako na ang bahala sa lahat.”Sa huli, tumingin si Luke kay Thomas. “Sana ay magpadala ka ng mga tao mo para hanapin rin si Denise. Tutal, wala masyadong tulong na dumarating kay Steven.”Kahit na sinusubukan ng mga tauhan ni Steven ang lahat ng makakaya nila, alam ni Luke na mula sa karanasan niya ay hindi sapat ang ilang mga tao para hanapin ang isang babae sa labas ng bayan.T
Klaro na ito ang iniisip niya.Nang makita niya ito, tumahimik ng ilang sandali si Luke bago siya nagbuntong hininga. “Ayos lang. Kung hindi ganun ang tingin mo sa kanya, walang pipilit sa amin na gustuhin mo siya.”Pero…Magiging masaya talaga kung nahulog si Gwen para kay Steven at makasama siya nito.Halos buong buhay si Luke na umakyat sa posisyon niya, at dahil dito, nabigo niya na ibigay kay Gwen ang nararapat para dito—ang isang tahimik at payapang buhay.Alam niya kung ano ang kakayahan ni Steven, ito ang rason kung bakit umaasa siya na magkatuluyan sina Steven at Gwen.Gayunpaman, dahil ayaw ni Gwen, hindi niya na ito pipilitin kay Gwen.Muling bumagsak ang niyebe habang naglalakad sila sa kalsada. Nang lumaig ng lumamig ang panahon, pumasok na sa loob ang mga tao.Bumagsak ang niyebe sa buhok at damit nila Luke at Gwen habang naglakad sila sa kalsada ng magkahawak kamay.“Naalala ko ang quote na binasa mo sa akin minsan; ang manood ng pagbagsak ng niyebe ay tulad ng
Napatalon ang buong katawan ni Steven nang magring ang phone. Mabilis niyang kinuha ang phone niya at nilagay niya ito sa silent bago niya tingnan ang caller ID.Ito ay si Denise.Ngumiti siya ng masaya habang sinagot niya ang phone call.Gayunpaman, ayaw niyang magising si Gwen, kaya nagsalita siya ng mahina na mas malakas sa isang bulong, “Denise, nasaan ka?”Ang boses ni Denise ay tila kakatapos niya lang umiyak. “Ayos lang ako, Steven.”Gayunpaman, alam ni Steven na may mali. “Nasaan ka ngayon? Hahanapin agad kita.”“Hindi, ayos lang ako.” Umiling si Denise. “Ayos lang talaga ako, Steven. U… Uuwi ako para mag empake ako ng mga gamit ako… Pwede akong lumayas. Tinulungan ako ni Sean maghanap ng lugar na matutuluyan.”Kumunot ang noo ni Steven nang marinig niya ito. “Ano ba ang pinagsasabi mo?”“Denise, pakiusap, maging makatwiran ka. Umuwi ka ngayon, at makikipagkita ako sayo doon! Kailangan kitang kausapin!”Matagal na tahimik si Denise bago siya nagbuntong hininga. “Sige.
Tumigas ang buong katawan ni Steven nang marinig niya ito.Hinagis niya ang tuwaya at lumabas siya ng pinto. “Ano ang problema?”Nabigla siya sa kanyang nakita.May isang couple na nakatayo sa harap ng kabilang kwarto, at ang babaeng nakatitig sa kanya ay walang iba kundi si Denise!Sa mga sandaling ito, ang mukha ni Denise ay pula at may luha ang kanyang mga mata, at may coat ng lalaki na nakapatong sa mga balikat niya.Ang lalaking nakatayo sa tabi niya ay matangkad at payat na may maitim na balat at mukha siyang gwapo at astig.Sa sobrang gulat ni Steven ay wala siyang masabi.Bumalik na sa sarili si Gwen sa mga oras na ito, at may maliit na ngiti sa kanyang mukha. “Nasa kabilang kwarto kayo?”Naalala niya pa rin ang mga tunog na narinig niya sa kabilang kwarto.Pangit ang soundproofing ng hotel, kaya narinig niya ang ungol ng babae at lalaki. Puno ng pagnanasa ang dalawa, sa punto na nairita si Luke.Gayunpaman, dahil gamit ni Luke ang katawan ni Steven, wala siyang magaw
Mas lalong nagalit si Steven nang marinig niya ito.Totoo, laging maamo ang ugali niya, ngunit ito lang ay para sa mga taong nirerespeto niya!Ang lalaking nakatayo sa harap niya ay hindi lang pinagsamantalahan ang kapatid niya, pinaiyak pa nito ang kapatid niya!Si Denise ay isang malakas at independent na babae; hindi siya iiyak kung walang sobrang masama na nangyari.Pinagsamantalahan siguro siya ng lalaking ito!Habang iniisip ito, sumingkit ang mga mata ni Steven, napuno ng kasamaan ang mga mata niya. “Hindi ko kailangan maging maamo o mabait sa isang basura na tulad mo!”Habang sinasabi niya ito, inalis niya ang kamay ni Sean at dinala niya ang kamao niya patungo sa mukha nito.Noong una, hindi natakot si Sean. Tutal, ang lalaking nasa harap niya ay may katawan lang ni Luke. Ang lalaking ito ay mahina at matalino lang kaya’t hindi siya dapat katakutan.Gayunpaman, minaliit niya si Steven.Sa sobrang lakas ng pwersa ni Steven ay napaatras ang braso ni Sean, at makalipas a
Naglakad si Denise papasok ng kwarto.Ngumiti si Sean at lumingon siya para tumingin kay Steven, sumenyas siya patungo sa kwarto. “Pumasok ka. Pwede mong makita mismo kung pinagsamantalahan ko ang kapatid mo o hindi.”Pagkatapos, tumalikod siya at pumasok na siya ng kwarto.Kumunot ang noo ni Steven.“Tara na.” Nagbuntong hininga si Gwen at hinila niya ang manggas ng damit ni Steven. “Baka hindi ka pamilyar kay Sean, pero pamilyar ako sa kanya.”“Siya ang anak ng tita ni Joshua. Marami siyang pinagdaanan simula pa noong bata siya at naging isa siyang mekaniko ng kotse…”“Pero, wala pa siyang ginawang masama sa kahit sino, sa halip, maraming beses niya nang tinulungan ang kaibigan ko… kaya isang hindi pagkakaunawaan lang siguro ang lahat.”Hindi papansinin ni Steven ang kahit sinong magtatanggol kay Sean, ngunit dahil si Gwen ang gumagawa nito, wala siyang magawa kundi ang makinig.Nagbuntong hininga siya at tumingin siya kay Gwen. “Sige. Naniniwala ako sayo sa ngayon.”Pagkata
Lumaki ang mga mata nila Steven at Gwen sa gulaat nang marinig nila ito.Sa pagkabigla ni Steven ay hindi siya makapagsalita. Pagkatapos ng matagal na katahimikan, kumunot ang noo niya at binulong niya, “Ano ang sinabi mo? Si Denise at Thomas…”Kung hindi sumiping si Denise kay Thomas, hindi ito makakasira sa relasyon nila Thomas at Yannie, na siyang rason kung bakit galit na galit si Thomas at sinubukan niyang maghiganti kay Denise sa pananakot na sumiping ito sa ibang mag lalaki.“Walang nangyari sa araw na ‘yun.” Tumawa si Sean, pagkatapos ay lumingon siya para tumingin kay Denise, pagkatapos ay tumingin siya kay Steven. “Tinuruan siguro siya ng mga magulang niyo kung paano mang akit ng lalaki, pero nakalimutan nilang ituro ang isang mahalagang bagay; kung paano nangyayari ang isang pagtatalik.”Pagkatapos, itinaas niya ang sapin ng kama, at nabunyag nito ang dugo na tumulo sa puting sapin.Napanganga sina Gwen at Steven nang makita nila ito.“Ito ay…” Kumunot ang noo ni Gwen
Inaasahan na ni Sean ang reaksyon ni Gwen.Ang katotohanan ay siya rin ay nagulat na tulad ni Gwen nang unang natuklasan niya ito.Kahit na ito rin ang unang beses niya, may basic na kaalaman siya tungkol sa sex education, at nang matapos na ang lahat, sinubukan niyang alamin ang tunay na nangyari sa pagitan nila Denise at Thomas.Sa kanyang ikinagulat… natuklasan niya na walang nagturo kay Denise ng kahit anong tungkol sa sex education.Ang lahat ng kaalaman niya ay narinig niya lang mula sa ibang mga tao, at kahit ang mga napanood niyang pelikula ay age-restricted, tinanggal ang mga sex scenes mula sa pelikula mismo.Ayon sa mga pelikula na napanood niya, ang ‘pagtatalik’ ay ang paghiga ng isang lalaki at isang babae sa kama habang nakasuot ang mga damit nila, ‘yun lang.Kaya naman, ito ang limitadong kaalaman niya tungkol sa sex education, at hanggang sa pagsasama nila ni Sean kagabi, doon niya lang napagtanto na nagkamali siya.Sa huli… walang nangyari sa pagitan nila Denise