Share

Kabanata 2792

Kahit si Steven ay nagulat sa bilis at lakas niya. Pakiramdam niya ay wala siya sa sarili niya.

Hindi niya gusto maging bayolente dati, pero sa hindi malamang rason, hindi niya mapigilan na matuwa habang nakikipaglaban.

Natutuwa siya sa pakiramdam na ito.

Habang iniisip na kaya niyang protektahan si Gwen, at iniisip na inapi ng mga taong ito si Gwen…

Ang bawat suntok ay sakto ang tama, at madali niyang napatumba ang bawat tao na humarang sa daan niya.

Pagkatapos patumbahin ang mga maskuladong mga lalaki sa harap niya, wala nang kahit sinong tao na lumapit sa kanya ng kahit isang hakbang.

Kahit ang leader ng grupo ay nagulat dito.

Sino ang mag aakala na ang maamo at mukhang matalino na lalaking ito ay magaling pala sa pakikipag laban?

“Steven.” Lumapit si Gwen para hawakan ang braso ni Steven. “Ayos ka lang ba?”

“Ayos lang ako.” Lumingon si Steven at marahan niyang piningot ang ilong ni Gwen.

Lumamig ang dugo sa katawan ni Gwen, at humigpit agad ang mga muscles niya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status