Ngumiti si Joshua nang makita niya ang pagiging excited ni Luna. “Anong klaseng mga tao kaya sa tingin mo ang mga magulang ni Shelly?” Hindi inaasahan ni Luna na tanungin ito ni Joshua sa kanya. Huminto siya at nag isip siya bago siya tumawa. “Hiling ko lang na ordinaryong magkasintahan lang ang mga magulang niya. Mas mabuti kung masaya ang pamilya nila.” Ang pangunugsap na ito ay sinundan ng buntong hininga. “Sana ay si Shelly ay maging kasing swerte ni Riley; ang makasama ang mga magulang niya na mahal siya tulad ni Thomas at Yannie.” Ngumiti si Joshua dahil sa mga sinabi ni Luna. “Oo. Babalik tayo sa loob ng isang linggo, at dadalhin kita sa mga magulang ni Shelly.” Kumunot ang noo ni Luna. “Babalik tayo sa loob ng isang linggo?” Kahit na namimiss niya ang mga bata, matatapos ba talaga nila ang problema ni Thomas at Steven sa loob ng isang linggo? “Oo.” Habang yakap si Luna, lumingon si Joshua at tumingin siya sa harap na para bang nakatingin siya sa malayo at lagpas sa
Habang nakatingin sa gwapong lalaki na may maitim na balat at ‘masungit’ na pagkatapos, kumunot ang noo ni Denise. “Ikaw ba ang tito ni Nigel?” Kamag anak siguro ng uncle ni Nigel sina Joshua o Luna… ngunit ang pag uugali ng lalaking ito ay iba sa kanilang dalawa! “Oo.” Ngumiti si Sean. Tumuro siya sa upuan sa harap niya at sumenyas siya kay Denise para umupo. Nang makaupo na si Denise, kumaway si Sean sa waiter para umorder ng inumin para kay Denise. Nang dumating na ang inumin, lumingon si Sean para tumingin ng mabuti kay Denise bago siya nagsalita, “Sinabi sa akin ni Nigel na hanapin si Riley kasama ka. Nasaan siya ngayon?” Kinuha ni Denise ang mainit na inumin at naramdaman niya ang init mula sa tasa. “Siya ay nasa mansyon ng kapatid ko sa probinsya ngayon. Sa tingin ko ay tinulungan ng kapatid ko si Joshua at wala siya sa mansyon ngayon, pero…” Tumingin siya kay Sean. “May mga taong nagbabantay sa mansyon. Ikaw ba…” Pagkatapos tumingin sa payat na katawan ni Sean, kumu
Tumahimik ang kotse pagkatapos magsalita ni Sean. May usok at katahimikan lamang. Pagkatapos ng ilang sandali, tumingin si Denise kay Sean. “Sinabi ba sayo ni Nigel ang lahat ng ito?” “Kalahati mula sa kanya, at kalahati ay sa akin,” Ang sagot ni Sean. Kumunot ang noo ni Denise at hindi niya ito naintindihan. “Ikaw mismo ang nakatuklas nito? Mula ka sa Merchant City at wala kang kinalaman sa kahit anong nandito sa Saigen City. Bakit mo kailangan imbestigahan ang pamilya ko?” Ngumiti si Sean at humithit siya sa kanyang sigarilyo. “Oo, walang kinalaman ang pamilya ko o ang mga kaibigan ko sa Saigen City. Unang beses ko ring pumunta dito, ang wala ring kinalaman ang pamilya mo sa akin. Pero…” Tumingin siya kay Denise at maliwang ang kanyang mga mata. “Noong kailan lang, sumama ako sa isang gang sa Merchant City. Ang bawat kapatid sa gang ay trinato ako ng mabuti, at tinanggap nila ako na bilang parte nila. Pero, may mga sugat sa puso nila na hindi nila mapaghilom.” Nang bumaba
Hindi nagtagal, dumating ang kotse nila sa mansyon ni Steven sa probinsya. Ang lahat ay nangyari ng tulad sa sinabi ni Denise: wala si Steven sa mansyon, ngunit ang mga guard sa manyon ay hindi dapat maliitin. Maraming mga maskuladong lalaki na nakatayo sa buong lugar. Nang magpark ang kotse sa isang sulok, tumuro si Denise sa mansyon sa hindi nalalayo sa kanila at nagtanong siya, “Sigurado ka ba na kaya mong pumasok at ilabas ang bata?” Bago pa sila dumating, pakiramdam niya na na hindi makukumpleto ni Sean ang misyon. Nang makarating na sila, sigurado na siya sa pakiramdam niya. Maraming nagbabantay sa mansyon, at isang himala kung ang isang payat at mahinang lalaki na tulad ni Sean ay magtatagumpay. Sumingkit ang mga mata ni Sean at tumingin siya sa mansyon. Sinabi niya ng nakangiti, “Magpustahan tayo. Kung kaya kong ilabas si Riley, kailangan mo akong ilibre ng beer mamayang gabi.” Suminghal si Denise. “Kapag natapos mo ang misyon na ito, kahit ilibre pa kita ng beer ng i
Mabuti na lang at hindi umimik si Riley sa sandali na buhatin siya ni Sean na para bang naiintindihan niya kung ano ang sinabi ni Sean at tumahimik siya. Sa panggugulo ni Denise, mabilis niyang nadala si Riley sa kotse. Nang makabalik na si Sean sa kotse, tumuro siya sa ilong ni Riley. “Good girl.” Nang natapos na ang lahat, tumingin siya sa pinto ng mansyon. Sa mga sandaling ito, pinipigilan si Denise ng mga guard. Nagsisikap sila para pigilan si Denise sa pagpasok. “Hindi na masama.” Ngumiti si Sean. Nilabas niya nag phone niya, tumawag siya kay Denise. Sa pinto ng mansyon, nakikipaglaban pa rin si Denise sa mga guard. “Bahay ito ng kapatid ko. Ano ang problema kung pumasok ako? Ang lakas ng loob niyo para hawakan ako!” Biglang nagring ang phone niya. Kumunot ang noo niya at nang mapansin niya na ito ay mula sa number na hindi niya kilala, maingat niya itong sinagot. “Pwede ka nang bumalik ngayon,” Tumunog ang masayang boses ni Sean mula sa kabilang linya ng phone. “‘Wag
“Gusto ko siyang kilalanin, pero imposible ito.” Patuloy si Sean sa pakikipaglaro kay Riley habang nakatingin siya sa harap. “Pero nakita ko na si Luke at kilala ko siya…” Huminto siya ng ilang sandali at nagpatuloy siya, “Dahil kambal ni Luke ng kapatid mong si Steven, naniniwala ako na isang mabuting tao ang kapatid mo. Baka nakatadhana lang na wala silang pagkakataoon para magkita noong buhay sila at sa halip ay pinagsama sila sa isang tao.” Nanginig ang kamay ni Denise habang nakahawak siya sa manibela. Ang lahat, pati si Gwen at ang lahat ng may kakilala kay Luke dati, ay gustong hanapin si Luke. Gusto nilang ibalik si Luke mula sa kapatid ni Denise. Walang may pakialam talaga kay Steven. Kahit na ito ang unang beses na nakilala ni Denise si Sean, ang mga salita ni Sean ay maginhawa sa bawat parte ng katawan ni Denise, at guminhawa din ang puso niya pagkatapos itong marinig. Napatingin siya sa lalaking may hawak na sanggol sa tabi niya mula sa rearview mirror, at napuno
“Wala.” Ngumiti si Steven. Itinabi niya ang phone niya at tumingin siya kay Gwen. “Ano pa ang sinabi ng asawa ni Mr. Zink?” Huminto ng ilang sandali si Gwen at hindi na siya nagtanong pa ng tungkol sa bata. Sa halip, ngumiti siya at sinabi niya kung ano ang sinabi ng asawa ni Mr. Zink. “Sinabi niya na nagmamadali na umalis si Mr. Zink ng bahay nang makatanggap sia ng tawag mula kay Senior Howard. Hindi na siya bumalik simula nito.” Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Steven. “Bakit pinaiimbestigahan siya ni Joshua sayo?” Umiling si Steven. “Wala akong alam tulad mo. Sinabi sa akin ni Joshua na humanap ng paraan para siguraduhin na ligtas si Mr. Zink. Kapag ligtas na siya, doon lang maaayos ni Joshua ang ilang problema.” Nilabas niya ang phone niya at tumingin siya dito. Ito ay ang lahat ng taktika na sinend ni Joshua para malagpasan niya ang ilang mga problema. “Dahil wala tayong mahanap na impormasyon tungkol kay Mr. Zink dito…” Huminto siya. “Pupunta tayo sa hospita
Agad na naging seryoso ang ekspresyon ni Gwen. Hindi niya inaasahan na itatanong ito ni Steven sa kanya. Gayunpaman… nagkaroon siya ng ganitong mahinang pag iisip dati. Habang nakapikit, naalala niya ang eksena na nangyari sa Sea City noong nakalipas na isang taon na. Sa mga panahong ‘yun, ang tatay ni Hailey ay nagpadala ng mga tao para gahasain siya, at pinili ni Ben na makipaghiwalay sa kanya sa oras na malaman ito ni Ben. Nadurog siya habang iniisip na dinungisan siya at wala nang lalaki sa mundo ang may gusto sa kanya. Sa kalagitnaan ng kalungkutan, nalaman niya na buntis siya sa isang anak ng demonyo. Araw araw siyang nasaktan, at ang gusto niya lang ay magpakamatay, at lagi siyang pinipigilan ni Luke. Noon, kakakilala niya lang kay Luke at hindi niya alam na si Luke ay magiging isang mahalagang parte ng buhay niya. Sa mga panahong ‘yun, tinangka niyang magpakamatay ng maraming beses dahil naisip niya na walang saysay na ang buhay niya. Tuwing aakyat siya ng bintana, ag