Tumahimik ang kotse pagkatapos magsalita ni Sean. May usok at katahimikan lamang. Pagkatapos ng ilang sandali, tumingin si Denise kay Sean. “Sinabi ba sayo ni Nigel ang lahat ng ito?” “Kalahati mula sa kanya, at kalahati ay sa akin,” Ang sagot ni Sean. Kumunot ang noo ni Denise at hindi niya ito naintindihan. “Ikaw mismo ang nakatuklas nito? Mula ka sa Merchant City at wala kang kinalaman sa kahit anong nandito sa Saigen City. Bakit mo kailangan imbestigahan ang pamilya ko?” Ngumiti si Sean at humithit siya sa kanyang sigarilyo. “Oo, walang kinalaman ang pamilya ko o ang mga kaibigan ko sa Saigen City. Unang beses ko ring pumunta dito, ang wala ring kinalaman ang pamilya mo sa akin. Pero…” Tumingin siya kay Denise at maliwang ang kanyang mga mata. “Noong kailan lang, sumama ako sa isang gang sa Merchant City. Ang bawat kapatid sa gang ay trinato ako ng mabuti, at tinanggap nila ako na bilang parte nila. Pero, may mga sugat sa puso nila na hindi nila mapaghilom.” Nang bumaba
Hindi nagtagal, dumating ang kotse nila sa mansyon ni Steven sa probinsya. Ang lahat ay nangyari ng tulad sa sinabi ni Denise: wala si Steven sa mansyon, ngunit ang mga guard sa manyon ay hindi dapat maliitin. Maraming mga maskuladong lalaki na nakatayo sa buong lugar. Nang magpark ang kotse sa isang sulok, tumuro si Denise sa mansyon sa hindi nalalayo sa kanila at nagtanong siya, “Sigurado ka ba na kaya mong pumasok at ilabas ang bata?” Bago pa sila dumating, pakiramdam niya na na hindi makukumpleto ni Sean ang misyon. Nang makarating na sila, sigurado na siya sa pakiramdam niya. Maraming nagbabantay sa mansyon, at isang himala kung ang isang payat at mahinang lalaki na tulad ni Sean ay magtatagumpay. Sumingkit ang mga mata ni Sean at tumingin siya sa mansyon. Sinabi niya ng nakangiti, “Magpustahan tayo. Kung kaya kong ilabas si Riley, kailangan mo akong ilibre ng beer mamayang gabi.” Suminghal si Denise. “Kapag natapos mo ang misyon na ito, kahit ilibre pa kita ng beer ng i
Mabuti na lang at hindi umimik si Riley sa sandali na buhatin siya ni Sean na para bang naiintindihan niya kung ano ang sinabi ni Sean at tumahimik siya. Sa panggugulo ni Denise, mabilis niyang nadala si Riley sa kotse. Nang makabalik na si Sean sa kotse, tumuro siya sa ilong ni Riley. “Good girl.” Nang natapos na ang lahat, tumingin siya sa pinto ng mansyon. Sa mga sandaling ito, pinipigilan si Denise ng mga guard. Nagsisikap sila para pigilan si Denise sa pagpasok. “Hindi na masama.” Ngumiti si Sean. Nilabas niya nag phone niya, tumawag siya kay Denise. Sa pinto ng mansyon, nakikipaglaban pa rin si Denise sa mga guard. “Bahay ito ng kapatid ko. Ano ang problema kung pumasok ako? Ang lakas ng loob niyo para hawakan ako!” Biglang nagring ang phone niya. Kumunot ang noo niya at nang mapansin niya na ito ay mula sa number na hindi niya kilala, maingat niya itong sinagot. “Pwede ka nang bumalik ngayon,” Tumunog ang masayang boses ni Sean mula sa kabilang linya ng phone. “‘Wag
“Gusto ko siyang kilalanin, pero imposible ito.” Patuloy si Sean sa pakikipaglaro kay Riley habang nakatingin siya sa harap. “Pero nakita ko na si Luke at kilala ko siya…” Huminto siya ng ilang sandali at nagpatuloy siya, “Dahil kambal ni Luke ng kapatid mong si Steven, naniniwala ako na isang mabuting tao ang kapatid mo. Baka nakatadhana lang na wala silang pagkakataoon para magkita noong buhay sila at sa halip ay pinagsama sila sa isang tao.” Nanginig ang kamay ni Denise habang nakahawak siya sa manibela. Ang lahat, pati si Gwen at ang lahat ng may kakilala kay Luke dati, ay gustong hanapin si Luke. Gusto nilang ibalik si Luke mula sa kapatid ni Denise. Walang may pakialam talaga kay Steven. Kahit na ito ang unang beses na nakilala ni Denise si Sean, ang mga salita ni Sean ay maginhawa sa bawat parte ng katawan ni Denise, at guminhawa din ang puso niya pagkatapos itong marinig. Napatingin siya sa lalaking may hawak na sanggol sa tabi niya mula sa rearview mirror, at napuno
“Wala.” Ngumiti si Steven. Itinabi niya ang phone niya at tumingin siya kay Gwen. “Ano pa ang sinabi ng asawa ni Mr. Zink?” Huminto ng ilang sandali si Gwen at hindi na siya nagtanong pa ng tungkol sa bata. Sa halip, ngumiti siya at sinabi niya kung ano ang sinabi ng asawa ni Mr. Zink. “Sinabi niya na nagmamadali na umalis si Mr. Zink ng bahay nang makatanggap sia ng tawag mula kay Senior Howard. Hindi na siya bumalik simula nito.” Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Steven. “Bakit pinaiimbestigahan siya ni Joshua sayo?” Umiling si Steven. “Wala akong alam tulad mo. Sinabi sa akin ni Joshua na humanap ng paraan para siguraduhin na ligtas si Mr. Zink. Kapag ligtas na siya, doon lang maaayos ni Joshua ang ilang problema.” Nilabas niya ang phone niya at tumingin siya dito. Ito ay ang lahat ng taktika na sinend ni Joshua para malagpasan niya ang ilang mga problema. “Dahil wala tayong mahanap na impormasyon tungkol kay Mr. Zink dito…” Huminto siya. “Pupunta tayo sa hospita
Agad na naging seryoso ang ekspresyon ni Gwen. Hindi niya inaasahan na itatanong ito ni Steven sa kanya. Gayunpaman… nagkaroon siya ng ganitong mahinang pag iisip dati. Habang nakapikit, naalala niya ang eksena na nangyari sa Sea City noong nakalipas na isang taon na. Sa mga panahong ‘yun, ang tatay ni Hailey ay nagpadala ng mga tao para gahasain siya, at pinili ni Ben na makipaghiwalay sa kanya sa oras na malaman ito ni Ben. Nadurog siya habang iniisip na dinungisan siya at wala nang lalaki sa mundo ang may gusto sa kanya. Sa kalagitnaan ng kalungkutan, nalaman niya na buntis siya sa isang anak ng demonyo. Araw araw siyang nasaktan, at ang gusto niya lang ay magpakamatay, at lagi siyang pinipigilan ni Luke. Noon, kakakilala niya lang kay Luke at hindi niya alam na si Luke ay magiging isang mahalagang parte ng buhay niya. Sa mga panahong ‘yun, tinangka niyang magpakamatay ng maraming beses dahil naisip niya na walang saysay na ang buhay niya. Tuwing aakyat siya ng bintana, ag
Nanginig si Gwen dahil sa sinabi ni Steven habang yakap niya ito. Kumunot ang noo niya at umalis siya sa yakap ni Steven. Pagkatapos punasan ang mga luha sa kanyang mukha, tinanong niya, “Paano mo siya maibabalik?” Nagbuntong hininga si Steven nang makita niya ang namamaga na mga mata ni Gwen. Nilabas niya ang bote ng gamot mula sa kotse. “Gamit ito.” Ito ang gamot na hiniling niya sa doctor kahapon. “Baka makatulong ang gamot na ito para maibalik ng unti unti ang mga alaala ni Luke. Pero, kailangan kitang balaan sa mga panganib ng gamot na ito, Mr. Hughes. Dahil sa espesyal na kondisyon mo, hindi pa kami nakakita ng pasyente na may kondisyon mo dati, kaya kailangan naming sabihin ang katotohanan sayo.” “Ang pinakamagandang parte ng gamot na ito ay matutulungan ka nito na maibalik ang mga aalaa ni Luke ng unti unti para ikaw ay maging ang taong gusto mo maging. Pero, sa pagkatao mo ngayon, lalamunin ka nito,” Ang sabi ng doctor. “Ano ang pinakamasamang mangyayari?” Ang tanong
Hindi nagtagal, dumating sina Gwen at Steven sa hospital. Ang lahat ay nangyari na tulad ng inaasahan ni Joshua; sa sobrang dami ng nagbabantay ay wala silang pagkakataon para pumasok. Ang guard sa entrance ay seryoso at hindi sumusuko. “Pasensya na, pero ito ay isang private hospital. Pagkatapos ng pagkamatay ni Mr. Howard, nireserve ng pamilya ang hospital. Walang kahit sino ang pwedeng pumasok maliban sa mga empleyado ng hospital at sa mga pasyente na nandito at ang mga pamilya nila.” Pagkatapos magpaliwanag, tumingin ang guard kay Steven at nagpaliwanag siya, “Mr. Hughes, bakit kayo nakikisama sa problema ng pamilya Howard?” Ang simpleng tanong na ito ay pumigil sa plano ni Steven na baguhin ang pagkakakilanlan niya para pumasok ng hospital. Kung kilala ng guard sa entrance si Steven, hindi siya papayagan ng guard na pumasok kahit na anong pagkakakilanlan ang gamitin niya. Wala siyang magawa, bumalik si Steven at Gwen sa kotse. Sa mga sandaling ito, nagring ang phone ni Gwe