“Wala.” Ngumiti si Steven. Itinabi niya ang phone niya at tumingin siya kay Gwen. “Ano pa ang sinabi ng asawa ni Mr. Zink?” Huminto ng ilang sandali si Gwen at hindi na siya nagtanong pa ng tungkol sa bata. Sa halip, ngumiti siya at sinabi niya kung ano ang sinabi ng asawa ni Mr. Zink. “Sinabi niya na nagmamadali na umalis si Mr. Zink ng bahay nang makatanggap sia ng tawag mula kay Senior Howard. Hindi na siya bumalik simula nito.” Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Steven. “Bakit pinaiimbestigahan siya ni Joshua sayo?” Umiling si Steven. “Wala akong alam tulad mo. Sinabi sa akin ni Joshua na humanap ng paraan para siguraduhin na ligtas si Mr. Zink. Kapag ligtas na siya, doon lang maaayos ni Joshua ang ilang problema.” Nilabas niya ang phone niya at tumingin siya dito. Ito ay ang lahat ng taktika na sinend ni Joshua para malagpasan niya ang ilang mga problema. “Dahil wala tayong mahanap na impormasyon tungkol kay Mr. Zink dito…” Huminto siya. “Pupunta tayo sa hospita
Agad na naging seryoso ang ekspresyon ni Gwen. Hindi niya inaasahan na itatanong ito ni Steven sa kanya. Gayunpaman… nagkaroon siya ng ganitong mahinang pag iisip dati. Habang nakapikit, naalala niya ang eksena na nangyari sa Sea City noong nakalipas na isang taon na. Sa mga panahong ‘yun, ang tatay ni Hailey ay nagpadala ng mga tao para gahasain siya, at pinili ni Ben na makipaghiwalay sa kanya sa oras na malaman ito ni Ben. Nadurog siya habang iniisip na dinungisan siya at wala nang lalaki sa mundo ang may gusto sa kanya. Sa kalagitnaan ng kalungkutan, nalaman niya na buntis siya sa isang anak ng demonyo. Araw araw siyang nasaktan, at ang gusto niya lang ay magpakamatay, at lagi siyang pinipigilan ni Luke. Noon, kakakilala niya lang kay Luke at hindi niya alam na si Luke ay magiging isang mahalagang parte ng buhay niya. Sa mga panahong ‘yun, tinangka niyang magpakamatay ng maraming beses dahil naisip niya na walang saysay na ang buhay niya. Tuwing aakyat siya ng bintana, ag
Nanginig si Gwen dahil sa sinabi ni Steven habang yakap niya ito. Kumunot ang noo niya at umalis siya sa yakap ni Steven. Pagkatapos punasan ang mga luha sa kanyang mukha, tinanong niya, “Paano mo siya maibabalik?” Nagbuntong hininga si Steven nang makita niya ang namamaga na mga mata ni Gwen. Nilabas niya ang bote ng gamot mula sa kotse. “Gamit ito.” Ito ang gamot na hiniling niya sa doctor kahapon. “Baka makatulong ang gamot na ito para maibalik ng unti unti ang mga alaala ni Luke. Pero, kailangan kitang balaan sa mga panganib ng gamot na ito, Mr. Hughes. Dahil sa espesyal na kondisyon mo, hindi pa kami nakakita ng pasyente na may kondisyon mo dati, kaya kailangan naming sabihin ang katotohanan sayo.” “Ang pinakamagandang parte ng gamot na ito ay matutulungan ka nito na maibalik ang mga aalaa ni Luke ng unti unti para ikaw ay maging ang taong gusto mo maging. Pero, sa pagkatao mo ngayon, lalamunin ka nito,” Ang sabi ng doctor. “Ano ang pinakamasamang mangyayari?” Ang tanong
Hindi nagtagal, dumating sina Gwen at Steven sa hospital. Ang lahat ay nangyari na tulad ng inaasahan ni Joshua; sa sobrang dami ng nagbabantay ay wala silang pagkakataon para pumasok. Ang guard sa entrance ay seryoso at hindi sumusuko. “Pasensya na, pero ito ay isang private hospital. Pagkatapos ng pagkamatay ni Mr. Howard, nireserve ng pamilya ang hospital. Walang kahit sino ang pwedeng pumasok maliban sa mga empleyado ng hospital at sa mga pasyente na nandito at ang mga pamilya nila.” Pagkatapos magpaliwanag, tumingin ang guard kay Steven at nagpaliwanag siya, “Mr. Hughes, bakit kayo nakikisama sa problema ng pamilya Howard?” Ang simpleng tanong na ito ay pumigil sa plano ni Steven na baguhin ang pagkakakilanlan niya para pumasok ng hospital. Kung kilala ng guard sa entrance si Steven, hindi siya papayagan ng guard na pumasok kahit na anong pagkakakilanlan ang gamitin niya. Wala siyang magawa, bumalik si Steven at Gwen sa kotse. Sa mga sandaling ito, nagring ang phone ni Gwe
Pagkatapos sumagot, tumahimik ang buong kotse. Tumingin si Steven sa mukha ni Gwen. May gusto siyang sabihin, ngunit hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Kaya naman, pumikit siya at nagbuntong hininga siya. Huwag na nga. Siya ay hindi si Luke at hindi ang kasintahan ni Gwen. Wala siyang karapatan para pigilan si Gwen sa pag alis. Gayunpaman. May saysay pa ba na bumalik siya sa pagiging si Luke kapag wala na si Gwen? “Tara na.” Sa mga sandaling ito, naputol ang pag iisip niya dahil sa boses ni Gwen. Nang bumalik na sa sarili si Steven, binuksan na ni Gwen ang pinto at naglakad na siya patungo sa car park. Tila matamlay siya ng ilang sandali, ngunit mabilis siyang humabol kay Gwen. Mula sa tulong ni Nigel gamit ang phone, naiwasan nila ang lahat ng mga guard at karamihan sa mga surveillance camera. Sa huli, naabot nila ang isang resting room sa loob ng underground car park. Nahanap din nila si Mr. Zink na nakakulong sa kwartong ito. Natagpuan nila si Mr. Zink na h
Nang mawawalan na ng pagpipilian sina Gwen at Steven, huminga ng malalim si Gwen at tumakbo siya papunta kay Steven. Bago pa siya makarating kay Steven, sumuntok pa ng ilang beses si Steven. Ngayon naman, tumama ang mga suntok niya sa mukha ng malaking guard. Nang bumalik ang payat na guard, tumalikod si Steven at nilabanan niya ang payat na guard. Nabigla si Gwen sa eksenang ito. Lumaki ang mga mata niya at tumigil siya sa pagtakbo, alam niya na hindi dapat siya makialam. Sa mga sandaling ito, pakiramdam niya ay nakikita niya si Luke na nakikipaglaban sa mga guard sa halip na si Steven. ‘Oo, siya si Luke!’ Naniniwala si Gwen na ang lalaking nakikipaglaban sa harap niya ngayon ay si Luke. Si Luke lang ang may kakayahan na lumaban ng malupit, sakto, at relax na paraan. Nang mapatumba na ang dalawang guard, bumalik si Steven at ngumiti siya kay Gwen. “Tapos na.” Nakatayo sa lugar si Gwen at humigpit ang kanyang kamao. Pakiramdam niya na para bang may bagay na naipit sa puso niy
Sa sobrang talas ng tanong ni Gwen ay nabigla si Mr. Zink. Pagkatapos ng ilang sandali, pagkatapos tumitig kila Gwen at Steven, nagbuntong hininga siya at umamin na siya. “Ako… Sa totoo lang, hindi ko talaga alam na mamamatay siya.” Muli siyang nagbuntong hininga. “Mahabang istorya ito.” “Pwede mong sabihin sa amin habang nasa biyahe.” Tumingin sa paligid si Steven at naisip niya na ito ay hindi isang ligtas na lugar para manatili ng matagal. Napatumba niya lang ang dalawang guard, at kapag gumising na ang dalawang ito, siguradong sasabihin nito ang ibang mga guard. Kapag nangyari ‘yun, hindi lang dalawang guard ang pipigil sa kanila. Nahirapan siya na patumbahin ang dalawang guard na ito, at hindi niya alam kung ganito ang magiging resulta kapag mas marami sila. “Oo. Pwede mong sabihin sa amin habang nasa biyahe.” Bumalik sa sarili si Gwen dahil sa mga salita ni Steven. Tumango ng mabilis si Gwen at tinulungan niya ang mahinang si Mr. Zink para tumayo sa tulong ni Steven
"Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako," mabilis na sagot ni Mr. Zink nang marinig ang sinabi ni Steven. "Mr. Hughes, hindi ko sinabing may kaugnayan si Mrs. Hughes at Dan sa pagkamatay ni Senior Howard!"Pagkatapos noon, tumingin siya kay Gwen at nakiusap na sumang-ayon sa kanya. "Miss, Sigurado akong narinig mo ang sinabi ko. Hindi ko naman sinabi yun diba?"Kumunot ang noo ni Gwen at nakaramdam ng sama ng loob sa kaawa-awang itsura ni Mr. Zink. Bilang abogado, tungkulin niyang ipaglaban ang hustisya, ngunit dahil nasaktan siya ng husto, hindi man lang siya naglakas loob na magsabi ng totoo dahil natatakot siyang magdulot pa ito ng gulo.Bumuntong-hininga siya at sinabing, "Mr. Zink, hindi mo kailangang matakot. Si Steven... Hindi siya katulad ng iba. Hindi ka niya ipagkakanulo, kaya hindi mo kailangang matakot na baka hilingin niya sa iyo na magpatotoo."Habang nagsasalita siya ay napatingin siya kay Steven na nagmamaneho. Nagulat si Steven sa sagot ni Gwen dahil hindi niya akalain
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya