Kumunot ang noo ni Senior Howard at tumingin siya kila Thomas at Tina. Sa huli, pumikit siya at sinabi niya ng may simpleng tono, “Bakit sinuntok ni Dan si Thomas?” Nabigla si Tina sa tanong; hindi niya inaasahan na itanong ito ni Senior Howard. Pagkatapos ng ilang sandali, tinikom niya ang mga labi niya at sinabi niya, “Hindi ba’t sinabi ko na ito? Galit lang siya dahil binaril ka ni Thomas.” Pagkatapos ay idinagdag niya, “Hindi mo ba alam kung gaano ka pinahahalagahan ni Dan? Hindi tulad ng ibang tao dito. Lalabanan ni Dan ang taong nanakit sayo gamit ang buhay niya kung ang umatake sayo ay hindi ang kapatid niya.” Ngumisi si Senior Howard, “Ganun ba? Sinasabi mo na pinahahalagahan ako ni Dan. Paano niya ito ginagawa? Ang gamitin ang mga kotse ko para sa pustahan at mapupunta ito sa iba? O ang gamitin niya ang pera ko ng hindi ko nalalaman?” “Sa tingin mo ba ay hindi ko alam ang ginagawa niyo ng palihim?” Lumaki ang mga mata ni Tina. Tumingin siya kay Senior Howard na tila
Masama ang itsura ni Tina pagkatapos ng sinabi ni Thomas, at ang mga kilay niya ay nakakunot. “Ano ba ang pinagsasabi mo? Asawa ko siya, at anak ko si Dan. Sa puso ko, pantay lang ang importansya ng asawa at anak ko!” Pagkatapos, tumingin siya sa lalaking nakahiga sa kama mula sa sulok ng mga mata niya habang nagpapaawa siya, “Bukod pa dito, anak ng tatay mo si Dan. Kapag trinatao mo ng masama si Dan, ibig sabihin ay wala kang pakialam sa tatay mo!” “Umalis na kayo!” Pumikit si Senior Howard, hindi niya binigay ang sagot na gusto ni Tina. Tinaas niya ang kamay niya para kurutin ang noo niya. “Sinabi ng doctor na kailangan kong magpahinga. Kung mahalaga ako para sa inyo, ‘wag niyo akong abalahin.” Bigla siyang may naalala at sinabi niya, “Tawagin niyo dito si Mr. Zink.” Si Mr. Zink ay ang personal na lawyer ni Senior Howard. Nalito si Tina kung bakit gusto tawagin ni Senior Howard ang lawyer nito, kumunot ang noo niya at tumingin siya dito. “Bakit gusto mong tawagin si Mr. Z
Ang nakakaakit at namamaos na boses ni Thomas ay tumunog sa tainga ni Yannie, at ang tainga ni Yannie ay uminit habang dumapo ang hininga ni Thomas sa tabi ng mukha ni Yannie. Kinagat niya ang labi niya at umatras siya. Naisip niya ang nangyari nitong nakaraan, nakulong siya sa labas ng pinto habang nakikinig siya sa… mga ungol ni Thomas at Denise. Kinagat niya ang labi niya at lumayo siya, gumawa siya ng distansya sa pagitan nila. Kumunot ang noo ni Thomas nang mapansin niya ito. Sinubukan niyang hilahin si Yannie pabalik. “Bakit ka lumalayo? May bagay ka ba na hindi sinasabi sa akin?” Ito lang ang tanging rason kung bakit dumidistansya si Yannie kay Thomas pagkatapos nitong gumising. Kinagat niya ang labi niya. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, tinulak niya palayo si Thomas. “Wala. Wala akong tinatago sayo. Masyado kang maraming iniisip.” Pagkatapos sabihin ito, dumating na ang elevator sa unang palapag, at bumukas ang pinto. Mabilis na naglakad si Yannie palaba
Habang mahigpit na hinawakan ni Luna ang phone niya, kumunot ang noo niya. Alam niya na lalapit si Thomas sa kanya dahil kay Yannie, ngunit hindi niya inaasahan na agad itong mangyayari. Wala pang 24 oras pagkatapos ng pangyayari, at busy siya sa pagharap kay Denise at sa pamilya nito. Wala siyang oras para pag isipan kung paano niya ito ipapaliwanag kay Thomas kapag nagtanong ito. Dumating na ang oras na ito, ngunit kinagat niya lang ang labi niya at gumawa siya ng istorya. “Bakit mo naman naisip ito? Si Yannie… May nangyari ba sa kanya?” Bahagyang kumunot ang noo ni Thomas habang pinapakinggan niya na magdalawang isip si Luna. Hinawakan niya ng mahigpit ang phone niya at sinabi niya ng may mahinang boses, “May kakaiba sa kanya. Luna, alam ko na best friends kayo ni Yannie. Ang ibang taong pinagkakatiwalaan niya maliban sa nanay niya ay ikaw. Kaya, gusto kong magtanong kung ano ang nangyayari. Nitong nakaraan…” Pumikit siya at naisip niya ang oras noong pinainom siya ng gamot
Hawak ni Luna ang phone niya habang natahimik siya ng ilang sandali. Hindi natagal bago siya huminga ng malalim at sumagot siya, “Oo.” Huminga siya ng malalim at sinabi niya ng simple, “Thomas, baka hindi mo pa ako kilala ng lubos. Dati, kinamumuhian ko ng sobra si Joshua, pero ito ay dahil sa anak ko kaya hinarap ko ito ng kalmado at bumalik ako kay Joshua.” “Naging maayos din ang hindi pagkakaunawaan sa huli at nalaman namin na nahulog kami sa patibong, pero kung ito ay hindi isang hindi pagkakaunawaan at isang masamang lalaki talaga si Joshua, tatanggapin ko pa rin ang lahat para sa mga anak ko.” “Para sa akin, ang pagiging malungkot at hindi komportable dahil sa isang tao ay panandalian lang, at lilipas din ito.” “Baka nga tama ka. Nasa mali kami ni Joshua sa bagay na ito; hindi dapat namin ginamit ang mga naisip namin para magdesisyon kung ano ang dapat gawin ni Yannie. Pero, mahalaga ka para sa kanya. Umaasa siya na kaya mong maayos ang mga problema mo ng payapa at hindi
“Hindi ko ito maipapangako sayo ngayon,” Ang sagot ni Yannie. Huminga siya ng malalim, ang mga mata niya ay puno ng lungkot nang tumitig siya sa mga mata ni Thomas. “Baka hindi mo ito masikmura kung ikaw ang nasa lugar ko. Pasensya na.” Pagkatapos huminga ng malalim, ngumiti siya ng mapait. “Hindi ko kayang magsinungaling sayo o sa sarili ko.” Akala niya ay magagalit at malulungkot si Thomas pagkatapos ng sinabi niya. Gayunpaman, hindi ito ang nangyari. Sa halip, ngumiti si Thomas, nakatingin ito sa mga mata niya, “Sige, nirerespeto ko ang hiling mo. Basta’t…” Pagkatapos ng ilang sandali, nagpatuloy siya habang nakangiti kay Yannie. “Basta’t manatili ka sa tabi ko, sapat na ito. Kapag dumating ang oras na iiwan mo kami ni Riley, sana ay sabihin mo sa akin. ‘Wag ka lang umalis ng hindi nagpapaalam. Hindi kita pipilitin na manatili.” Tutal, isa siyang tanga na nahulog sa patibong nila Tina at Denise. Kaya naman, wala siyang karapatan para pigilan si Yannie, kahit anong desisyon
Nanginginig si Tina habang nakatayo sa labas ng pinto at nakikinig sa pag-uusap nina Senior Howard at Mr. Zink.'Ang walang hiyang matanda! Gusto niyang ibigay ang lahat sa bastardo na iyon!'Matapos ang lahat ng mga taon na ito ay ginugol niya ang oras na kasama nito, siya at ang kanyang pinakamamahal na anak ay nauwi sa wala!Naikuyom niya ang kanyang mga kamao nang mahigpit at galit.'Bakit? Bakit ang walanghiyang matanda na iyon ay iniwan ang lahat kay Thomas sa huli? Dahil lang ba siya sa anak ni Eanne? Dahil si Eanne ang tumulong sa kanya na yumaman? Paano ang dalawampung taon na kasama ko siya? Wala bang kapantay ang dalawampung taon ko sa ilang taon na kasama siya ni Eanne?'"Sige, Mr. Howard. May gusto ka pa bang idagdag?" tanong ulit ni Mr Zink. "Pag-isipan mong mabuti."Muling sinabi ni Senior Howard pagkatapos manatiling tahimik ng mahabang panahon, "May dalawang mansyon sa South Hill ng lungsod na ito at isang kumpanya...""Gusto mo bang ilipat din ang mga iyon kay
Nang ganoon lang, dinala si Mr. Zink sa isang bodega sa dulo ng hallway nina Tina at Dan."Ano ang sinabi ng walanghiyang matanda?" Diniin ni Dan si Mr. Zink sa isang upuan na may malayuang ekspresyon. "Sabihin mo, at ililigtas namin ng aking ina ang iyong buhay. Kung hindi..."Ngumisi siya. "Alam mo na ang mangyayari."Ito ang unang pagkakataong nagkaroon ng ganitong engkwentro si Mr. Zink. Sa sobrang takot niya ay nauutal siya, "Ano ang...gusto niyo?""Sabihin mo sa amin ang lahat ng sinabi sa iyo ng walanghiyang matanda!"Mabangis at malamig ang dugo nina Dan at Tina kaya kinilabutan nila si Mr. Zink. Alam niyang kung hindi siya magsasabi ng totoo, hinding-hindi siya papakawalan ng mga ito nang madali. Kaya naman, walang choice, inulit niya ang pag-uusap nila ni Senior Howard sa kanila.Gayunpaman, hindi niya sinabi sa kanila ang lahat. Hindi niya sinabi sa kanila ang tungkol sa rekording, ni hindi niya sinabi sa kanila na nag iwan si Senior Howard ng dalawang mansyon at isang