Share

Kabanata 2767

Nang lumabas si Thomas ng ward, hindi na matagpuan si Joshua. Si Yannie lang ang nakaupo ng tahimik sa upuan habang naglalaro ng phone.

Kumunot ang noo ni Thomas. “Nasaan si Joshua?”

Tinikom ni Yannie ang labi niya at sinabi niya, “Sinabi niya na may gagawin pa siya, kaya umalis na siya.”

Pagkatapos ay itinabi niya ang phone niya at tumayo siya, tumitig siya kay Thomas. “Kamusta ang pakikipag usap mo sa tatay mo?”

“Ayos lang.” Nagbuntong hininga si Thomas. “Ihahatid muna kita pauwi.”

Sa mga oras na ito, hindi niya alam kung ano ang balak ni Senior Howard sa biglang pagbabago ng mood at pag iisip nito. Nagdesisyon na ba talaga ang matandang lalaki na ito na ipasa ang pamilya sa kanya at palayasin sina Tina at ang anak nito ng pamamahay nila… o balak lang ng matanda na pagaanin ang loob niya habang may pinaplano ito? Hindi niya alam.

Ang pwede niya lang gawin ay tanggapin itong unti unti.

Walang ibang sinabi si Yannie habang nakatingin siya kay Thomas na malalim ang iniisip
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status