Tumigas ang buong katawan ni Yannie nang marinig niya ito. Mabilis niyang ibinaba ang phone at tumalikod siya. Nakatayo si Thomas sa likod niya at nakakunot ang noo. Dahil sa epekto ng gamot, mas mahina ang itsura ni Thomas, at ang mukha niya ay kasing putla ng isang piraso ng papel. Gayunpaman, ang mga mata niya ay puno ng pag aalala. “Sino ang kausap mo? Sino ang hindi rumerespeto sayo? Si Luna ba o si Joshua?” Napatalon ang puso ni Yannie dahil dito. Kinagat niya ang labi niya at lumingon siya. “Wala.” Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ni Thomas. “Tara na. Kailangan natin… bisitahin agad ang tatay mo.” Kumunot ang noo ni Thomas. Tumalikod siya para yakapin si Yannie. “Yannie, ikaw ang mahal ng buhay ko, at hindi ko hahayaan na saktan ka ng kahit sino.” “Wala kang kailangan itago mula sa akin. Kung hindi patas sina Luna at Joshua sayo o sinubukan ka nilang saktan, dapat mo itong sabihin sa akin, at lagi akong nandito sa tabi mo.” Pagkatapos, yumuko siya at mahinay
Hindi kilala ni Yannie kung sino ang lalaking ito, ngunit nang makita niya na naglalakad ito ng galit patungo kay Thomas, napatalon siya sa harap ni Thomas para protektahan ito. Pak! Ang sampal ng lalaki ay tumama ng malakas sa mukha ni Yannie. Tumahimik ang buong hallway dahil dito. Ang lahat, pati ang matangkad na lalaki at si Thomas, na siyang kakalabas lang ng elevator, ay nabigla at hindi makapagsalita. Makalipas ang ilang sandali, niyakap ni Thomas si Yannie at tumingin siya ng masama sa lalaki. “Dan, kung may problema ka sa akin, ako ang harapin mo sa halip na saktan mo ang isang inosenteng babae!” Napagtanto ni Yannie na ang matangkad na lalaking ito ay walang iba kundi si Dan Howard, ang kapatid sa tatay ni Thomas. Agad na bumalik sa sarili si Dan nang marinig niya ito. Tumingin siya ng malamig sa kapatid niya at galit niyang sinabi, “Kung hindi sumulpot bigla ang babaeng ito, ikaw sana ang sasalo nito!” Pagkatapos, muli siyang lumapit kay Thomas, sumigaw siya, “
Lumingon sina Thomas at Yannie nang marinig nila ito. Sa mga sandaling ito, nakatayo si Joshua sa pinto sa harap ng kwarto ni Senior Howard, kalmado siyang nakatingin sa kanila. Klaro na nasa loob siya ng kwarto kanina pa at lumabas lang siya nang marinig niya ang kaguluhan. Ito ang rason kung bakit naghihintay sina Tina at Dan sa labas ng kwarto sa halip na kasama nila si Senior Howard. Habang iniisip ito, tumingin si Thomas kay Yannie, pagkatapos ay tumingin siya kay Joshua. Nagdalawang isip siya bago siya pumunta sa hallway, nilagpasan niya si Joshua, at pumasok siya sa kwarto. Sumara ang pinto sa likod niya. Mabilis na naglakad si Yannie sa tabi ni Joshua at bumulong siya, “Mr. Lynch, ang tatay ni Thomas…” “Ayos lang siya,” Ang kalmadong sagot ni Joshua. “Mabuti na lang, walang kritikal na tinamaan ang bala ni Thomas, kaya maayos ang kondisyon niya ngayon. Pero…” Lumingon siya para tumingin sa saradong pinto at nagbuntong hininga siya. “Ang hindi pagkakaunawaan sa pag
Medyo nabigla si Yannie nang banggitin ni Joshua si Riley. Makalipas ang ilang sandali, tumawa siya ng mapait at sinabi niya, “Iiwan ko si Riley kay Thomas.” May sakit si Riley at kailangan niyang maiwan ng matagal sa hospital para magpagaling. Hindi tulad ni Thomas, alam ni Yannie na wala siyang kayamanan o talino na meron si Thomas, kaya hindi niya mabibigyan si Riley ng buhay na nararapat para dito. Iba ang kalalabasan kapag kasama ni Riley si Thomas. Ibibigay ni Thomas kay Riley ang pinakamagandang buhay para lumaki ito na isang malusog at masayang bata. Habang iniisip ito, ngumiti si Yannie at tumingin siya kay Joshua. “Mr. Lynch, binabanggit mo ba si Riley… para kumbinsihin ako na hindi umalis?” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at umling siya. “Hindi tama na gamitin ang anak ng isang nanay para gawin itong hostage, kaya wala akong balak na gawin ‘yun.” Kumirot ang puso ni Yannie nang marinig niya ito. Makalipas ang ilang sandali, tumigil siya at sinabi niya, “Ano…
Sa loob ng kwarto, hindi mapigilan ni Thomas na kumunot ang kanyang noo habang napuno ng amoy ng antiseptic ang ilong niya. Naglakad siya patungo sa kama ni Senior Howard, umupo siya sa upuan, at tumingin siya ng malamig sa maputlang mukha ng tatay niya. “HIndi ako makapaniwala na buhay ka pa rin.” Hindi inaasahan ni Senior Howard na ito ang unang bagay na sasabihin ng anak niya pagkatapos siyang aksidenteng mabaril nito. Agad siyang nagalit. “Isa kang walang kwentang anak! Gusto mo talaga akong patayin, hindi ba?” Suminghal si Thomas. “Hindi kita gustong patayin, pero gusto akong makita na patay ng asawa at anak mo.” Mabuti na lang at hindi nagtagumpay ang plano ni Tina, at hindi siya sumiping kay Denise. Kung hindi, sigurado ay sasama ang loob ni Yannie at tatanggi ito na makasama siya ulit. Kapag nangyari ‘yun, hindi lang sa mawawalan ng nanay si Riley, mawawala din ang tanging babae na minahal niya… Para sa kanya, ito ay mas malala pa kaysa sa kamatayan. Sa sobrang ga
Lumingon si Senior Howard para tumingin kay Thomas. Huminto siya, ngunit halata na may gusto siyang sabihin. Pagkatapos ng ilang sandali, nagbuntong hininga siya ng malalim. “Malalaman… mo rin kung ano ang sinabi sa akin ni Joshua. Sa totoo lang, kung gusto mong manahin ang mana, hindi mo kailangan hanapin si Joshua dahil ito ay ang family business natin… Pero, mabuti at pinapunta mo siya dito. At least, may naintindihan ako na isang bagay…” Tinaas niya ang kamay niya at nilagay niya ito sa sugat sa tiyan niya. “Mahina pa rin ako ngayon. Kapag gumaling na ako, pwede tayong magpatuloy sa transfer procedure. Ang kalahati ng kayamanan ng Howard Group ay pinaghirapan ng nanay mo gamit ang dugo at pawis niya. Hindi ito dapat ibigay sa iba.” Kumunot ang noo ni Thomas. “Ano ang nangyari sayo?” Ito ay hindi tulad ng ugali ng tatay niya. Tuwing nakikita siya ng tatay niya, magagalit ito at papagalitan siya nito dahil sa kakulangan niya sa mga nakamit niya, gugustuhin siya nito na uma
Nang lumabas si Thomas ng ward, hindi na matagpuan si Joshua. Si Yannie lang ang nakaupo ng tahimik sa upuan habang naglalaro ng phone. Kumunot ang noo ni Thomas. “Nasaan si Joshua?” Tinikom ni Yannie ang labi niya at sinabi niya, “Sinabi niya na may gagawin pa siya, kaya umalis na siya.” Pagkatapos ay itinabi niya ang phone niya at tumayo siya, tumitig siya kay Thomas. “Kamusta ang pakikipag usap mo sa tatay mo?” “Ayos lang.” Nagbuntong hininga si Thomas. “Ihahatid muna kita pauwi.” Sa mga oras na ito, hindi niya alam kung ano ang balak ni Senior Howard sa biglang pagbabago ng mood at pag iisip nito. Nagdesisyon na ba talaga ang matandang lalaki na ito na ipasa ang pamilya sa kanya at palayasin sina Tina at ang anak nito ng pamamahay nila… o balak lang ng matanda na pagaanin ang loob niya habang may pinaplano ito? Hindi niya alam. Ang pwede niya lang gawin ay tanggapin itong unti unti. Walang ibang sinabi si Yannie habang nakatingin siya kay Thomas na malalim ang iniisip
“Kung iisipin. Ang mga lalaki ng pamilya Howard ay parepareho, umaasa kayong lahat sa mga babae!” Ngumisi si Tina habang tumitig siya ng malamig kay Thomas. Ang mga salita niya ay mapanglait habang nagpatuloy siya, “Ang Howard Group ay matagumpay ngayon dahil ang tatay mo ay nakakuha ng tulong mula sa nanay mo. Akala ko ay iba ka sa kanya noong natagpuan mo ang probinsyana, pero pareho pa rin pala. Kailangan mo ang babaeng ito para protektahan ka ngayon? Nakakaaliw!” Ang mga salita niya ay nakakainsulto. Kumunot ang noo ni Thomas. Sasagot na sana siya, ngunit sumingit si Yannie, nakataas ang mga kamay nito sa gilid para protektahan si Thomas, “Hoy, narinig mo ba ang sarili mo? Kung iniinsulto mo si Thomas ng ganito, ibig sabihin ay iniinsulto mo rin ang asawa at anak mo. Hindi ba’t nasa iisang pamilya ang asawa at anak mo pati si Thomas? Sinasabi mo ba na ang anak mo, si Dan Howard, ay isang lalaking umaasa rin sa mga babae?” Malamig ang tono at mukha ni Yannie nang sabihin niy