Alam ni Luna na nagsisinungaling si Granny Lynch sa sarili niya.“Sinabi niyo po na hindi pa po kayo sinuway ni Mr. Lynch? Noong mga nakalipas na taon, gusto niyo po na pakasalan niya si Hailey Walter, pero sa halip, pinakasalan niya po si Luna Gibson. Nang mamatay po si Luna Gibson, gusto niyo po na magpakasal pa rin si Mr. Lynch kay Hailey, pero naengage po siya kay Aura Gibson. Binigay niyo po ang basbas kay Aura, pero sa huli, naghiwalay po sila.” Tumitig si Luna kay Granny Lynch. “Buong buhay po kayong sinusuway ni Mr. Lynch. Kailan pa po ba siya nakinig sa inyo?”Akala ni Luna ay tatahimik na si Granny Lynch at mababalikan niya na ito sa pagsira ng sketch niya. Ngunit, sa kanyang ikinagulat, tumawa lang si Granny Lynch.“Walang katotohanan ang mga sinabi mo. Ang katotohanan, hindi ako ang may gusto na pakasalan ni Joshua si Hailey Walter—hiling ‘yun ng tatay niya. Mukhang hindi mo alam kung gaano kalaki ang respeto sa akin ni Joshua.” Mayabang na nagpatuloy si Granny Lynch, “N
Kinuha ni Granny Lynch ang cheke mula kay Theo at tingingnan niya ito. Ang ekspresyon niya ay parang nalilito. Bakit nakapirma ang pangalan ni Joshua sa baba?Ngumiti si Theo. “Ang rason kung bakit po ako nandito, maliban sa pagsundo kay Luna mula sa trabaho, ay dahil gusto ko po itong ibalik kay Joshua.”Sumimangot si Granny Lynch nang mapagtanto niya kung ano ang nangyayari. Pagkatapos ng ilang saglit, lumaki ang mga mata niya at tumingin siya kay Theo. “Ito ba ang cheke na binayad ni Joshua kay Mr. Allen? Ikaw ba…”“Ako po si Theo Allen.” Ngumiti si Theo kay Granny Lynch. “Gusto ko rin po ipaliwanag sa inyo, Granny, na ang tunay na painting na may halagang sampung milyong dolyar ay nasa study room ko pa rin. Hindi ko po ‘yun nilalagay sa publiko. Ang nasirang painting ng araw na ‘yun ay isang peke.”Tumingin siya sa gulat na mukha ni Granny Lynch at nagpatuloy siya, “Nang matuklasan po ni mr. Lynch na nasira ang painting, agad niya pong ibinigay ang cheke bilang kabayaran. Pero,
Sa kasamaang palad, dahil nagretire na si Moon, ang lahat ng alahas na ginawa niya ay tumaas na ng sobra sa presyo. Halos imposible nang makuha niya ang mga ito dahil sa sobrang taas ng presyo.Sinabi ni Theo na ang babaeng nasa harap niya ngayon ay mismong si Moon. Natural na hindi ito pinaniniwalaan ni Granny Lynch.“Bakit naman po naging imposible?” Ngumisi ang mga labi ni Theo. “Magiging kaibigan po ba siya ng isang sikat na artist na tulad ko kung hindi ko po alam na siya si Moon?”Mas lalong namutla ang mukha ni Granny Lynch. Tumingin siya kay Theo at sinabi niya habang nanginginig ang boses, “Edi… ang drawing na pinunit ko.”“Higit po sa milyon milyon ang sketch na ‘yun.”Naubos ang dugo sa mukha ni Granny Lynch. Nang makita niya na hindi ito itinanggi ni Joshua, natiyak niya na totoo nga talaga ang sinasabi ni Theo.Tumingin si Joshua sa gulat na mukha ng lola niya at kinuha niya ang kanyang phone. Tumawag siya at sinabi niya sa taong nasa kabilang linya, “Pumunta ka sa o
“Sir, may magandang balita po. May taong sangkot po sa pag promote ng news article na ‘yun,” Tumunog ang boses ni Lucas mula sa phone.Sumimangot si Joshua habang nakatingin sa report. “Natuklasan mo na ba kung sino ang nasa likod nito?”“Parang hindi ko po makuha ang lokasyon niya. Binayaran po ang mga spammer ng isang kumpanya mula sa ibang bansa, at pagmamay ari po ito ng isang Andrew Walter, pero wala po akong makitang impormasyon tungkol sa taong ito. Baka isa lang po itong alias.”Kumunot lalo ang noo ni Joshua. “Magpatuloy ka sa paghahanap.”Binaba na ni Joshua ang phone, humigpit ang hawak niya sa steering wheel. Gaano kalaki ba ang pagbabago na nangyari kay Alice nitong mga nakalipas na anim na taon? May mga bagay ba tungkol kay Alice na hindi pa natuklasan ni Joshua?Dumating na rin ang kotse sa Blue Bay Villa.“Joshua!” Naghihintay si Alice sa harap ng pinto, at sa sandali na huminto ang kotse ni Joshua, lumapit siya ng nakangiti at naglagay ng coat sa mga balikat ni J
Ito ang unang pagkakataon na kumain sina Alice at Joshua ng sila lang. Hindi maitago ni Alice ang pagkasabik niya at patuloy siya sa pag alok kay Joshua ng pagkain. Gusto siyang kausapin ni Joshua tungkol sa nangyari kanina, ngunit nang makita ni Joshua na sabik si Alice, hindi niya ito mabanggit.Pagkatapos kumain, binaba na ni Joshua ang kanyang kutsara at tinidor. “Alice, may sasabihin ako sayo.”Nasa kalagitnaan ng pagliligpit ng mesa si Alice habang binigay niya ang maduming plato sa katulong, ngumiti siya kay Joshua. “Hindi ba makapag hintay ‘yan? Ano ba ang importante na kailangan mong banggitin dito?”“May surveillance camera sa art gallery nung araw na ‘yun.” Tumingin si Joshua kay Alice. “Peke ang painting na nasira ni Luna. Pero, may camera na nakatago sa loob ng painting.”Napahinto ang mga kamay ni Alice dahil dito. Pagkatapos ng ilang saglit, tumawa siya ng peke. “Paano naman naging posible ‘yun...”Nandoon si Theo nung araw na nasira ni Luna ang painting. Kung meron
“Ikaw?”Wala nang sinabi si Luna nang mapagtanto niya na si Joshua ang pumasok.Sinara niya ang pinto ng kwarto at sumandal siya sa pinto. Tumingin siya ng malamig kay Joshua. “Gabi na. Anong ginagawa mo dito sa halip na nasa tabi ka ng asawa mo, Mr. Lynch?”Hindi siya nabigla na natagpuan siya ni Joshua.Kung sabagay, gamit ang kapangyarihan ni Joshua sa Banyan City, madali lang niyang mahahanap si Luna.Sumandal si Joshua sa sofa at natuwa siya.Nakita niya ang reaksyon ni Luna. Nang hindi mapansin ni Luna kung sino ang pumasok, akala niya ay si Theo ito at nagalit siya.Ngunit, nang mapansin niya na si Joshua ito, nawala agad ang galit ni Luna. Medyo magaan pa ang loob niya.Ang reaksyon ni Luna ay nangangahulugan na pinagkakatiwalaan niya pa rin si Joshua sa puso niya.At least mas higit ito kay Theo.“Nandito ako para humingi ng tawad.”Humingi ng tawad? Kumunot ang noo ni Luna. “Tungkol sa pagsira ng lola mo sa design sketch ko?”Huminga ng malalim si Luna. “Binigyan
“Ikaw ang mayabang ngayon!”Ginitgit ni Luna ang ngipin niya at tumingin siya kay Joshua. “Pumasok ka sa bahay ko habang hindi ko napapansin. Anong karapatan mo na sabihan ako na mayabang?”Halata sa mukha ni Luna ang pagkamuhi at poot kay Joshua.Ayaw ni Joshua na ganito si Luna.Ayaw niya ang panlalait at lamig sa mga mata ni Luna. Ayaw niya na walang respeto sa kanya si Luna.Hindi niya mapigilan na higpitan ang sakal niya sa leeg ni Luna.“Gusto ko sanang humingi ng tawad sayo at pag usapan sila Neil at Nellie.”Si Neil at si Nellie. Kumirot ang puso ni Luna nang marinig niya na sabihin ni Joshua ang dalawang pangalan na ito.Pumikit si Luna habang nanginginig ang boses niya, “‘Wag mong banggitin sila Neil at Nellie. Hindi sila nararapat sayo.”Humigpit lalo ang pagsakal ni Joshua kay Luna.Malakas si Joshua; sa sobrang lakas ay kaya niyang baliin sa dalawa ang leeg ni Luna.Tiniis ni Luna ang sakit. Pinilit niyang huminga at nagpatuloy siya, “Nakatanggap ako ng tawag ka
Tumingala si Luna at tumingin siya kay Joshua. Ngumisi siya, “Ang galing mo naman. Natutulog na sila pagkatapos uminom ng gamot. Anong magagawa ng pagbalik mo doon? Gigisingin mo ba sila at papagalitan sila dahil sinabi niya ito sa akin? Totoo naman. Matagal mo nang sinabi kila Neil at Nellie na ‘wag akong tawagan. Ayaw mo na magparamdam ako sa kanila! Pero, sinabi mo rin na aalagaan mo sila. Ito ba ang paraan mo ng pag aalaga sa kanila?”Ang bawat salita ay parang matalim na kutsilyo na sumaksak kay Joshua.Kumunot ang noo niya at sinubukan niyang ipaliwanag ang sarili niya. “Wala akong alam tungkol dito! Nung nasa bahay na ako, sinabi nila sa akin na ayaw nila ng hapunan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila!” Ang sabi niya ng galit. “Hindi mo ako kailangan sisihin dahil lang galit ka sa akin!”Yumuko siya at tumingin siya kay Luna habang sinusubukan niya maging kalmado. “Una sa lahat, hindi ko alam kung totoo ito o hindi; baka nagsisinungaling lang ang mga bata. Si Alice