“Ikaw ang mayabang ngayon!”Ginitgit ni Luna ang ngipin niya at tumingin siya kay Joshua. “Pumasok ka sa bahay ko habang hindi ko napapansin. Anong karapatan mo na sabihan ako na mayabang?”Halata sa mukha ni Luna ang pagkamuhi at poot kay Joshua.Ayaw ni Joshua na ganito si Luna.Ayaw niya ang panlalait at lamig sa mga mata ni Luna. Ayaw niya na walang respeto sa kanya si Luna.Hindi niya mapigilan na higpitan ang sakal niya sa leeg ni Luna.“Gusto ko sanang humingi ng tawad sayo at pag usapan sila Neil at Nellie.”Si Neil at si Nellie. Kumirot ang puso ni Luna nang marinig niya na sabihin ni Joshua ang dalawang pangalan na ito.Pumikit si Luna habang nanginginig ang boses niya, “‘Wag mong banggitin sila Neil at Nellie. Hindi sila nararapat sayo.”Humigpit lalo ang pagsakal ni Joshua kay Luna.Malakas si Joshua; sa sobrang lakas ay kaya niyang baliin sa dalawa ang leeg ni Luna.Tiniis ni Luna ang sakit. Pinilit niyang huminga at nagpatuloy siya, “Nakatanggap ako ng tawag ka
Tumingala si Luna at tumingin siya kay Joshua. Ngumisi siya, “Ang galing mo naman. Natutulog na sila pagkatapos uminom ng gamot. Anong magagawa ng pagbalik mo doon? Gigisingin mo ba sila at papagalitan sila dahil sinabi niya ito sa akin? Totoo naman. Matagal mo nang sinabi kila Neil at Nellie na ‘wag akong tawagan. Ayaw mo na magparamdam ako sa kanila! Pero, sinabi mo rin na aalagaan mo sila. Ito ba ang paraan mo ng pag aalaga sa kanila?”Ang bawat salita ay parang matalim na kutsilyo na sumaksak kay Joshua.Kumunot ang noo niya at sinubukan niyang ipaliwanag ang sarili niya. “Wala akong alam tungkol dito! Nung nasa bahay na ako, sinabi nila sa akin na ayaw nila ng hapunan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila!” Ang sabi niya ng galit. “Hindi mo ako kailangan sisihin dahil lang galit ka sa akin!”Yumuko siya at tumingin siya kay Luna habang sinusubukan niya maging kalmado. “Una sa lahat, hindi ko alam kung totoo ito o hindi; baka nagsisinungaling lang ang mga bata. Si Alice
Kalimutan na lang ‘yun.Pumikit si Luna at sinabi niya sa sarili niya na isa lamang itong panaginip.Sa panaginip niya, siya pa rin ang dating Joshua na kinahulugan niya.Sinabi niya sa sarili niya na itatrato niya na lang ito na isang daan para kay Nigel.Nanglait si Luna, “Nandyan naman si Mrs. Lynch. Hindi pa ba sapat ‘yun?”Dumilim ang mga mata ni Joshua. Nataranta siya ngunit galit, kinagat niya ang mga labi niya. “Busy ako sa mga nakaraang araw, at hindi siya pwede sa mga nakaraang araw. Masaya ka na ba sa sagot ko?”Tumawa si Luna sa tainga ni Joshua. “Kaya pinuntahan mo ako dahil hindi siya pwede?”Dumilim ang mga mata ni Joshua. Wala siyang masabi at niyakap niya si Luna na parang napapagod.Wala siyang sagot sa tanong na ‘yun.Baka dahil hindi na siya malapit kay Alice dahil sa anim na taon nilang naghiwalay. Baka minahal niya lang ang dating Luna Gibson noong nakalipas na anim na taon, at hindi ang kasalukuyan na si Alice.Kahit anong mangyari, sinabi ni Joshua sa
Kinurot ni Joshua ang noo niya habang sumakit ng sobra ang kanyang ulo.Hindi siya uminom ng alak kagabi, pero nahilo pa rin siya na parang may hangover siya.Nataranta si Alice nang walang sabihin si Joshua sa kanya. “Joshua, galit ka pa rin ba sa akin? Alam ko na mali ang ginawa ko. Nabulag ako ng pagseselos. Nakita ko paano kayo nagtatrabaho ng magkasama ni Luna sa Lynch Group, kaya’t nagalit at nagselos ako. Pinagsisihan ko na ito simula nung umalis ka kagabi, at mali ako. Hindi na dapat ako umarkila ng PR company para dumami ang makakita ng balita. Pinatigil ko na sila nung alas otso. Nakita mo na rin siguro, pero pagsapit ng alas diyes, may nagpost ng surveillance footage nung araw na ‘yun. Marami nang nakakakita ng video, at mas marami nang tao na nagagalit sa akin. Anong gagawin ko?”Kumunot ang noo ni Joshua. “Titingnan ko.”“Hmm.” Suminghot si Alice at sinabi niya, “Bigyan mo ako ng update. Kapag si Luna ‘yun, ako na mismo ang hihingi sa kanya ng tawad.”“Hmm.” Napahinto
Ano ang bagong dahilan ni Joshua.Hindi siya lasing.Alam niya kagabi na si Luna ay hindi si Luna Gibson.Gayunpaman...Ding, dong! Biglang tumunog ang doorbell.Kasunod ng tunog ng doorbell ay ang nagaalalang boses ni Theo. “Kamusta ka na? Mabuti na ba ang pakiramdam mo? Dinalhan kita ng agahan. Tara at kumain ka.”Naaalala pa rin ni Theo kung gaano kalungkot si Luna dahil sa tawag ni Nellie.“Luna?”Kumunot ang noo ni Joshua. Tatayo na siya at bubaksan sana ang pinto, ngunit pinigilan siya ni Luna.“‘Wag mo akong ipahiya! Baka hindi ito nakakahiya para sa iyo, pero nakakahiya ito para sa akin!”Kinagat niya ang labi niya at tinulak niya si Joshua papasok ng kwarto.“Kapag lumabas ka, ilalabas ko sa publiko ang footage ni Alice sa art gallery!”Sinara ni Luna ang pinto ng bedroom. Nilagay niya rin ang mga sapatos ni Joshua sa likod ng bagahe.Pagkatapos, huminga ng malalim si Luna at binuksan niya ang pinto.“Gising ka na?” Tumawa ng mahina si Theo. Pumasok siya ng kwart
“Ibaba mo ‘yan!”Habang nakatulala na nakatingin si Joshua sa photo album, bigla siyang nakarinig ng boses ng babae sa likod niya.Sa sumunod na sandali, agad na lumapit si Luna at inagaw ang photo album sa mga kamay ni Joshua. “Sino ang nagbigay sayo ng permiso na galawin ang mga gamit ko?!”Ang photo album na ito ay regalo sa kanya ni Nigel. Palagi nang nasa hospital si Nigel simula nung matuklasan nila na may leukemia siya.Kahit na bata pa si Nigel, alam niya na ang tungkol sa buhay at kamatayan. Natatakot siya na baka mamatay siya balang araw at mamiss siya ni Luna, kaya’t palihim niyang ginawa ang photo album na ito para kay Luna.“Wala po kaming litrato ni Neil na magkasama kami sa album na ‘to. Kapag balang araw, namatay po ako, tratuhin niyo po kami ni Neil na isang tao na lang.”Narinig pa rin ni Luna ang mga sinabi ni Nigel noon.Nang makita ni Joshua na kabado si Luna, kumunot ang noo niya. Nagkaroon ng seryosong sakit si Neil?”“Hindi.” Tumalikod si Luna at maingat
Ang tanging tao na nakakita ng video ay si Nigel.Isang mature na bata si Nigel, at hindi niya ipopost ang video ng basta basta lang. Maliban sa kanya, wala nang iba.“Bibigyan kita ng isang araw para pag isipan ito. Mas mabuti kung bibigyan mo ang ng listahan ng mga tao na maaaring makakuha ng footage. Gusto ko sila imbestigahan ng isa isa.”Nalito si Luna dahil dito. “Kung sa tingin mo ay masamang balita ‘yun, bakit hindi mo na lang iblock?”Tumingin si Joshua ng malamig kay Luna. “Maaapektuhan si Alice dahil sa footage na ito. Dapat kong hanapin ang pinanggalingan nito para pigilan ang taong ‘yun nag ipost ulit, para hindi na magdusa si Alice.”Natawa sa loob si Luna dahil sa pagpapanggap ni Joshua na mahalaga sa kanya si Alice.Natulog siya sa bahay na ito, ngunit nag-aalala naman siya ngayon kay Alice, nag iisip ng paraan para malutas ang problema para kay Alice.Ang bait naman ng lalaking ito.Biglang tumunog ulit ang doorbell.Tumunog ang malinaw at maamong boses ni The
“Luna.”Pagkatapos magpaalam kay Theo, pumasok si Luna sa Lynch Group Tower nang may huminto sa kanya.Ito’y walang iba kundi ang tao na may eksaktong mukha ng dati niyang sarili, si Mrs. Lynch.Puno ng tao ang lobby ng opisina.Dahil sa balita kagabi, pati ang nangyari sa video nung nakaraan, tila alam na ng lahat ng nasa opisina ang tungkol kay Luna at kay Alice.Naghihintay ang lahat sa mga mangyayari. May sumilip ng palihim, habang ang iba naman ay mas matapang at nilabas nila ang kanilang phone at nagsimula silang mag record.Ayaw ni Luna ang pakiramdam na nasa kanya ang atensyon ng lahat.Kumunot ang noo niya at tumingin siya ng malamig kay Alice. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin.”Thud! Agad na lumuhod si Alice sa harap ni Luna ng walang pasabi, nabigla ang mga tao sa lobby.Si Alice ang asawa ni Joshua!Lumuhod ang asawa ng boss kay Luna, na siyang isa lang staff ng opisina!Umatras si Luna at kinurot niya ang noo niya. Tama nga ang sinabi niya sa kotse kanina