“Luna.”Pagkatapos magpaalam kay Theo, pumasok si Luna sa Lynch Group Tower nang may huminto sa kanya.Ito’y walang iba kundi ang tao na may eksaktong mukha ng dati niyang sarili, si Mrs. Lynch.Puno ng tao ang lobby ng opisina.Dahil sa balita kagabi, pati ang nangyari sa video nung nakaraan, tila alam na ng lahat ng nasa opisina ang tungkol kay Luna at kay Alice.Naghihintay ang lahat sa mga mangyayari. May sumilip ng palihim, habang ang iba naman ay mas matapang at nilabas nila ang kanilang phone at nagsimula silang mag record.Ayaw ni Luna ang pakiramdam na nasa kanya ang atensyon ng lahat.Kumunot ang noo niya at tumingin siya ng malamig kay Alice. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin.”Thud! Agad na lumuhod si Alice sa harap ni Luna ng walang pasabi, nabigla ang mga tao sa lobby.Si Alice ang asawa ni Joshua!Lumuhod ang asawa ng boss kay Luna, na siyang isa lang staff ng opisina!Umatras si Luna at kinurot niya ang noo niya. Tama nga ang sinabi niya sa kotse kanina
Yumuko si Luna at tumingin siya kay Alice na nasa sahig.“Ang galing mo naman mag acting, Mrs. Lynch.”Tumingala si Alice at tumingin siya kay Luna na may luhaan na mga mata. “Hindi mo pa rin ba ako pinagbibigyan, ganun ba?”“Tinulak ka lang niya! Painting lang ‘yun!”“Binayaran ng asawa niya ang painting, at hindi mo naman ‘yun pera. Bakit hindi mo siya pagbigyan?”“Pati, sino ang ordinaryong babae na magtatrabaho kasama ang asawa ng iba ng gabing gabi? Kanino ka nagsisinungaling?”“Tinuturuan lang naman ng tunay na asawa ng leksyon ang kabit. Ngayon at humingi ang asawa ng tawad, ayaw pa rin siya pagbigyan ng kabit? Anong klaseng mundo ito?”“Bago pa umuwi si Mrs. Lynch sa bansa, hindi ba’t inannounce nila ang relasyon nila? Sigurado ako na nagsama na sila bago pa ‘yun?”Habang luhaan, tumingin si Alice sa mga tao na nagsasalita ng masama kay Joshua. “‘Wag kayong magsabi ng kalokohan. Mabuti ang pagtrato sa akin ng asawa ko. Alam ko kung gaano niya ako kamahal. Nadala lang s
Sa loob ng Central Hospital.Nakaupo sa bench si Nellie habang naglalaro ang mga paa niya at sumisipsip ng lollipop.Tumingin siya sa bintana gamit ang malaki niyang mga mata. Pilit na pinapahiga ni Joshua ang isang bata para makakuha ang doktor ng dugo ng bata.“Uncle Lucas, bad mood po ba si Daddy?”Linggo ngayon. Hindi kailangan pumunta nila Nellie at Neil sa kindergarten. Plano nilang manatili sa bahay, ngunit pumasok si Joshua sa mga kwarto nila ng umaga at dinala sila sa hospital para sa isang checkup.Lalo na para kay Neil.Mas marami pa siyang test kaysa kay Nellie.Hindi alam ni Lucas kung paano ito ipapaliwanag kay Nellie. Pinunasan niya lamang ang pawis niya. “Uh… baka iniisip ni President Lynch na tamang oras na para macheckup ang katawan niyo…”Sa totoo lang, hindi rin alam ni Lucas kung ano ang binabalak ni Joshua.Nung dumating sila sa Lynch Group nung umagang ‘yun, nakita niya si Alice na may kasamang mga lalaki sa entrance habang nag uusap ang mga ito.Iniisi
Agad na dinelete ni Neil ang litrato.Kahit na magkamukha talaga sila ni Nigel, may maliit na pagkakaiba pag may tumingin ng malapit.Isang metikulosing tao si Joshua, at natatakot si Neil na baka mapansin niya ito.Pagkatapos idelete ang litrato, binalik niya ang phone kay Joshua. “Ano pa po ba ang mga test? Gawin ko na po, pero ‘wag niyo na po akong istorbohin ng buong araw.”Kumunot ang noo ni Joshua. “Bakit bigla ka naging masunurin?”Pilit na tumanggi si Neil simula nung dalhin siya sa hospital. Kung hindi dahil dito, hindi sana siya babantayan ng malapit ni Joshua.Sino ang nakakaalam na magiging masunurin siya pagkatapos makita ang litrato?Umikot ang mga mata ni Neil. “Akala ko po natatakot kayo na wala kaming sakit, at hiniling niyo po na mamatay kami ng maaga. Pagkatapos ko pong makita ang litrato, alam ko na po na nag aalala lang po kayo sa akin. Kaya susunod na lang po ako sa gusto ko o sa hindi.”Pagkatapos, hindi na pinansin ni Neil si Joshua at tinupi niya pataas
Binaba ni Joshua ang phone at nilabas niya ang phone niya para tumawag ka Alice.Sa sandali na tumatawag siya, may narinig siya na pamilyar na ringtone mula sa entrance ng elevator sa dulo ng corridor.Napalingon si Joshua dahil dito.May mabilis na lumapit na isang luhaan na Alice. “Ayos lang ba sila Neil at Nellie? Bakit mo sila pinacheck up?”Nang makita ni Joshua ang luhaan at nag aalalang itsura ni Alice, napuno ng pagkasuklam si Joshua.Nung umuwi siya para sunduin sila Neil at Nellie, tinanong niya pa kay Lily kung alam ni Alice na nagdusa ang mga bata kagabi.“Pagkatapos niyo pong umalis kagabi, pumasok po si Mrs. Lynch sa kwarto at hindi na po siya lumabas ulit. Nitong umaga po, nung gumising siya, bumaba po siya para mag agahan at umalis na po agad siya.Narinig pa rin ni Joshua ang boses ni Lily. “Pagkatapos niya pong painumin ng gatas sina Neil at Nellie, hindi na po ulit siya pumunta sa kwarto ng mga bata.’Tumingin si Joshua sa luhaan na si Alice, at nakaramdam si
“Nandito na ang test result. Magsisinungaling pa rin ba ako sa sarili ko tungkol sayo?”Namutla ang mukha ni Alice habang pinapakinggan ang mga salita ni Joshua. Sa huli, nawalan na ng kulay ang mukha niya.Hinawakan niya ang test result at kinagat niya ang labi niya.Nag utos siya na kumpiskahin ang mga electronic device ng mga bata kagabi bago niya pinilit ang mga bata na uminom ng sampung bote ng gatas.Gusto niyang disiplinahin sila sa pagsuway sa kanya.Mula sa pagkakaalam niya, hindi nakakapatay ng tao ang pag inom ng gatas. Ang pinakamalala lang ay sasakit lang ang tiyan nila at hindi sila makakagalaw, ‘yun lang.Dahil wala silang recording device, pwedeng isagot ni Alice na ayaw lang siya ng mga bata, kaya’t inaakusahan siya.Ngunit, hindi niya inaasahan na mahina pala ang tiyan ng mga anim na taong gulang na bata. Magiiwan ng bakas ng pinsala sa katawan ang pag inom ng masyado maraming gatas!Hawak ni Alice ang test result at tahimik siya ng mahabang sandali.Pagkatap
Nang marinig ni Alice ang mga sinabi ni Nellie, ang mukha niya na bumalik na ang kulay, ay mabilis ulit namutla na mas maputla pa kaysa sa pader.Tumahimik ang buong corridor.Sa mga sandaling ito, bumukas ang pinto ng testing room.Lumabas si Neil habang suot ang kanyang mga damit.Ang unang tao na nakita niya ay ang luhaan na si Alice, at agad siyang napangisi. Ang baliw na babaeng ito ay wala maliit lang ang sakop sa pag acting: ito ay ang pagluha, pagiyak, at pagsigaw.Sa mga panahong ito, kakabalik lang ni Alice kay Joshua, at gusto pa siya nito, kaya’t malaki ang epekto ng pag iyak. Kapag nagsawa na si Joshua sa kanya, hindi na siya maaapektuhan ng mga luha ni Alice, at maiirita na lang siya dito.Tsk.Matanda na sila, pero hindi pa rin nila maintindihan ‘yun. Ang pag gamit ng luha ay mauubusan din ng pagiging epektibo nito!Ito ang iniisip ni Neil habang naglalakad siya papunta sa tabi ni Nellie. Umupo siya sa bench at hinawakan niya ang kamay ng kapatid niya. “Bakit umi
Nanatili lang sa pwesto si Alice habang nakatingin siya sa paalis na si Neil. May bahid ng pagkamuhi sa mga mata niya.Hindi tanga ang batang ‘yun. Alam ni Neil na may gagawin si Alice sa kanila kapag hindi na siya ang nagbabantay sa kanila, kaya’t pinilit ni Neil na baguhin ni Joshua ang desisyon. Ang rason na binigay niya ay mahirap kontrahin!Habang iniisip na kailangan niya pa rin magpanggap na alagaan ang dalawa sa susunod, nagalit si Alice.Habang nakatitig siya kay Neil, kumunot ang noo ni Joshua at tinawag niya ang pangalan niya, “Alice.”Medyo nabigla si Alice at agad siyang bumalik sa sarili.“Tara na.”Dinala ni Joshua si Alice sa isang cafe na malapit sa hospital.Ito lamang ang tanging panahon na dinala niya si Alice dito pagkatapos nilang ikasal.Bago pa ang kasal, hindi pa masyado maintindihan ni Joshua ang asawa niya. Ang alam niya lang ay isa itong babae na baliw na baliw sa kanya. Dahil sa pagpipilit ng pamilya niya na magpakasal at kasama na ng pressure mula