Nang marinig ni Alice ang mga sinabi ni Nellie, ang mukha niya na bumalik na ang kulay, ay mabilis ulit namutla na mas maputla pa kaysa sa pader.Tumahimik ang buong corridor.Sa mga sandaling ito, bumukas ang pinto ng testing room.Lumabas si Neil habang suot ang kanyang mga damit.Ang unang tao na nakita niya ay ang luhaan na si Alice, at agad siyang napangisi. Ang baliw na babaeng ito ay wala maliit lang ang sakop sa pag acting: ito ay ang pagluha, pagiyak, at pagsigaw.Sa mga panahong ito, kakabalik lang ni Alice kay Joshua, at gusto pa siya nito, kaya’t malaki ang epekto ng pag iyak. Kapag nagsawa na si Joshua sa kanya, hindi na siya maaapektuhan ng mga luha ni Alice, at maiirita na lang siya dito.Tsk.Matanda na sila, pero hindi pa rin nila maintindihan ‘yun. Ang pag gamit ng luha ay mauubusan din ng pagiging epektibo nito!Ito ang iniisip ni Neil habang naglalakad siya papunta sa tabi ni Nellie. Umupo siya sa bench at hinawakan niya ang kamay ng kapatid niya. “Bakit umi
Nanatili lang sa pwesto si Alice habang nakatingin siya sa paalis na si Neil. May bahid ng pagkamuhi sa mga mata niya.Hindi tanga ang batang ‘yun. Alam ni Neil na may gagawin si Alice sa kanila kapag hindi na siya ang nagbabantay sa kanila, kaya’t pinilit ni Neil na baguhin ni Joshua ang desisyon. Ang rason na binigay niya ay mahirap kontrahin!Habang iniisip na kailangan niya pa rin magpanggap na alagaan ang dalawa sa susunod, nagalit si Alice.Habang nakatitig siya kay Neil, kumunot ang noo ni Joshua at tinawag niya ang pangalan niya, “Alice.”Medyo nabigla si Alice at agad siyang bumalik sa sarili.“Tara na.”Dinala ni Joshua si Alice sa isang cafe na malapit sa hospital.Ito lamang ang tanging panahon na dinala niya si Alice dito pagkatapos nilang ikasal.Bago pa ang kasal, hindi pa masyado maintindihan ni Joshua ang asawa niya. Ang alam niya lang ay isa itong babae na baliw na baliw sa kanya. Dahil sa pagpipilit ng pamilya niya na magpakasal at kasama na ng pressure mula
Naging malamig din ang hangin sa paligid nila.Tumaas ang mga mata ni Alice at tumingin siya ng seryoso kay Joshua. “Joshua, ginawa ko ang lahat ng ito dahil sayo.”“Dahil sa akin?”Ngumisi si Joshua. “Sadya mong tinulak si Luna at sinira ang gawa ni Master Allen dahil sa akin? Dahil sa akin, humanap ka ng PR company para ipost ang video ng araw na ‘yun sa internet? Pati dahil sa akin, pumunta ka sa opisina at lumuhod sa harap ni Luna, at ipinahihiwatig mo na inakit ako ni Luna at may affair kami?”Uminom ng kape si Joshua at binaba niya ng malakas ang tasa. Nanginig ang puso ni Alice dahil sa tunog ng ceramic mug na tumama sa mesa na gawa sa marble.Suminghot si Alice at pinilit niyang ilabas ang kanyang mga luha. “Joshua, alam ko na mali ang ginawa ko, pero hindi ba ginagawa ito ng lahat ng babae sa mga tanyag na pamilya para protektahan ang integridad at pagkakaisa ng mga pamilya nila?”Parang nasakal si Joshua.Hindi ganito si Luna Gibson noong nakalipas na anim na taon!Sa
‘Yun ang balita na binigay ni Mr. Walter kay Alice kagabi, at lumabas ito sa harap ng mga mata niya.Ginitgit niya ang kanyang ngipin. Dapat mawala si Luna! Basta’t nandyan si Luna, hindi mapupunta sa kanya si Joshua!Ganun ito nung nakaraang mga taon, at magpapatuloy lang dapat ito!…Nagpalipas ng buong umaga sa pag re-sketch ni Luna sa design sketch na sinira ni Granny Lynch. May binago pa siya na ibang detalye.Pagdating ng tanghali, nag unat siya at bababa na dapat siya para kumuha ng tanghalian.Hindi niya inaasahan na papalibutan siya ng mga reporter pag labas niya ng gusali.“Ms. Luna, sinasabi ng internet na kayo daw ang nagpost ng video na tinulak kayo ni Mrs. Lynch, para labanan ang mga tsismis kahapon. Totoo ba ito?”“Ms. Luna, may nakakita ng video sa internet na nakaluhod si Mrs. Lynch sa harap niyo sa office lobby habang humihingi sa inyo ng tawad. Totoo ba ang mga ito?”“Paano niyo ipapaliwanag ang sarili niyo na pagiging isang kabit na namamagitan kila Mr. Lyn
Napahinto si Luna.Hindi niya napansin na lumubog na pala ang kuko niya sa kanyang mga palad.“Gusto niyong dalawa na gumawa po ako ng press conference, para mapatunayan na isang mabuting babae si Alice. Pagkatapos, gusto niyo po na gamitin ito para maging mas malapit sa inyo si Alice at para makahingi ng pera sa kanya?”Nagbuntong hininga si Natasha. “Alam ko na mababa siguro ang tingin mo sa amin, pero bilang mga magulang, kung makakahanap kami ng paraan para makalaya ang anak namin, sino ang manonood lang na manatili sa kulungan ang anak nila? Namumuhay lang kami ng ganito dahil mahal namin ang mga anak namin.”Pagkatapos, tumingin si Natasha kay Luna. “Ms. Luna, alam mo naman na mali ang pagkakaunawa ko dati kay Luna Gibson, na ngayon ay si Alice Gibson na. Galit siya sa akin, kaya’t hindi mabuti na kami mismo ang lumapit sa kanya. Sana ay tulungan mo kami na gumawa ng press conference bukas. Linisin mo ang pangalan niya para ang tumigil na ang mga tao sa internet sa pagapi sa
Huminga ng malalim si Luna at naglakad na siya palayo.Umuwi na ng malungkot si Natasha matapos ang mahabang sandali nang umalis si Luna.“Kamusta?” Agad na lumapit si Joseph nang makapasok ng pinto si Natasha.Umiling si Natasha. “Sinabi niya na hindi daw siya papayag, at hindi rin siya pupunta sa press conference.”Kumunot ng malalim ang noo ni Joseph.“Ano pa ang sinabi niya?”“Sinabi niya rin…” Nagbuntong hininga si Natasha. “Sinabi niya na tingnan ko maigi, dahil baka hindi ko tunay na anak si Aura.”Nang marinig ni Joseph ang mga sinabi ni Natasha, namutla ang kanyang mukha.“Sinabi ko sa kanya na imposible.” Nagkibit balikat si Natasha. “Hindi maaasahan si Luna, kaya’t hindi dapat tayo umasa sa kanya.”“Oo. Kalokohan! Paano mo naman naging hindi anak si Aura?” Kumunot ang noo ni Joseph. Tumingala siya at tumingin siya sa malayo.“Kung ayaw niya tayong tulungan, lalapitan ko na lang si Alice.”…“Ma’am, may mga tao po sa labas na naghahanap sa inyo.”Mula nung umuwi
Tinulungan ni Luna na tumayo si Natasha at pinaupo niya ito sa sofa. “Humihingi po kayo ng tulong sa akin. Paano naman po ako tutulong? Gusto niyo pa rin na gumawa ako ng press conference at sabihin sa lahat na kabit ako, na tama na lang na tinulak ako ni Alice. Ganun po ba?”Nang marinig ang mga sinabi ni Luna, kinagat ni Natasha ang labi niya.“Ms. Luna, alam ko na mahirap ito para sayo, pero wala na kaming ibang magagawa.”Huminga ng malalim si Luna. Tumayo siya at pumunta siya sa kanyang mesa. Binuksan niya ang drawer at kinuha niya ang isang bank card.Pinasa niya ang card kay Natasha. “Heto po ang limandaang libong dolyar. Utang niyo na lang po ito sa akin. Imposible po para sa akin na gawin ang press conference para aminin ang mga kasinungalingan na ‘yun.”Humawak si Natasha sa card. Naging mapula at maputla ang mukha niya.Sa huli, binalik niya ang card sa kamay ni Luna.“Hindi ko matatanggap ang pera mo. May pera ang panganay ko. Basta’t tutulungan mo kami…”“Kalimutan
Ngumiti si Theo. “Hindi ko plano na tulungan mo siya na iklaro ang pangalan ni Alice.”Humikab si Theo at umupo siya sa sofa. Tumingin siya ng kalmado kay Luna. “Kanina lang tumawag ka para pag usapan ang problema nila Natasha at Joseph. Pumunta ako sa lugar nila para tumingin. Nung una, gusto ko silang tulungan, ayon sa mga sinabi mo, para hanapan sila ng mas magandang matutuluyan para lang sa kawanggawa. Hulaan mo ang nakita ko?”Kumunot ang noo ni Luna. Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin siya kay Theo.“Nakita ko si Joseph na papunta sa Blue Bay Villa. Hindi nagtagal nung pagpunta niya sa Blue Bay Villa, dinala siya paalis ng ambulansya. Pagkatapos, sinundan ko sila sa Central Hospital. Pagkatapos makipag usap sa ilang tao, palihim na sinabi sa akin ng nurse ang katotohanan.”Napahinto ng ilang saglit si Luna. “Kamusta na siya?”“Pinepeke niya lang,” Tumawa si Theo, “Mabuti ang kalagayan niya. Pineke niya lang ang stroke niya.”Pumikit si Luna at tumawa siya ng mapait.