‘Yun ang balita na binigay ni Mr. Walter kay Alice kagabi, at lumabas ito sa harap ng mga mata niya.Ginitgit niya ang kanyang ngipin. Dapat mawala si Luna! Basta’t nandyan si Luna, hindi mapupunta sa kanya si Joshua!Ganun ito nung nakaraang mga taon, at magpapatuloy lang dapat ito!…Nagpalipas ng buong umaga sa pag re-sketch ni Luna sa design sketch na sinira ni Granny Lynch. May binago pa siya na ibang detalye.Pagdating ng tanghali, nag unat siya at bababa na dapat siya para kumuha ng tanghalian.Hindi niya inaasahan na papalibutan siya ng mga reporter pag labas niya ng gusali.“Ms. Luna, sinasabi ng internet na kayo daw ang nagpost ng video na tinulak kayo ni Mrs. Lynch, para labanan ang mga tsismis kahapon. Totoo ba ito?”“Ms. Luna, may nakakita ng video sa internet na nakaluhod si Mrs. Lynch sa harap niyo sa office lobby habang humihingi sa inyo ng tawad. Totoo ba ang mga ito?”“Paano niyo ipapaliwanag ang sarili niyo na pagiging isang kabit na namamagitan kila Mr. Lyn
Napahinto si Luna.Hindi niya napansin na lumubog na pala ang kuko niya sa kanyang mga palad.“Gusto niyong dalawa na gumawa po ako ng press conference, para mapatunayan na isang mabuting babae si Alice. Pagkatapos, gusto niyo po na gamitin ito para maging mas malapit sa inyo si Alice at para makahingi ng pera sa kanya?”Nagbuntong hininga si Natasha. “Alam ko na mababa siguro ang tingin mo sa amin, pero bilang mga magulang, kung makakahanap kami ng paraan para makalaya ang anak namin, sino ang manonood lang na manatili sa kulungan ang anak nila? Namumuhay lang kami ng ganito dahil mahal namin ang mga anak namin.”Pagkatapos, tumingin si Natasha kay Luna. “Ms. Luna, alam mo naman na mali ang pagkakaunawa ko dati kay Luna Gibson, na ngayon ay si Alice Gibson na. Galit siya sa akin, kaya’t hindi mabuti na kami mismo ang lumapit sa kanya. Sana ay tulungan mo kami na gumawa ng press conference bukas. Linisin mo ang pangalan niya para ang tumigil na ang mga tao sa internet sa pagapi sa
Huminga ng malalim si Luna at naglakad na siya palayo.Umuwi na ng malungkot si Natasha matapos ang mahabang sandali nang umalis si Luna.“Kamusta?” Agad na lumapit si Joseph nang makapasok ng pinto si Natasha.Umiling si Natasha. “Sinabi niya na hindi daw siya papayag, at hindi rin siya pupunta sa press conference.”Kumunot ng malalim ang noo ni Joseph.“Ano pa ang sinabi niya?”“Sinabi niya rin…” Nagbuntong hininga si Natasha. “Sinabi niya na tingnan ko maigi, dahil baka hindi ko tunay na anak si Aura.”Nang marinig ni Joseph ang mga sinabi ni Natasha, namutla ang kanyang mukha.“Sinabi ko sa kanya na imposible.” Nagkibit balikat si Natasha. “Hindi maaasahan si Luna, kaya’t hindi dapat tayo umasa sa kanya.”“Oo. Kalokohan! Paano mo naman naging hindi anak si Aura?” Kumunot ang noo ni Joseph. Tumingala siya at tumingin siya sa malayo.“Kung ayaw niya tayong tulungan, lalapitan ko na lang si Alice.”…“Ma’am, may mga tao po sa labas na naghahanap sa inyo.”Mula nung umuwi
Tinulungan ni Luna na tumayo si Natasha at pinaupo niya ito sa sofa. “Humihingi po kayo ng tulong sa akin. Paano naman po ako tutulong? Gusto niyo pa rin na gumawa ako ng press conference at sabihin sa lahat na kabit ako, na tama na lang na tinulak ako ni Alice. Ganun po ba?”Nang marinig ang mga sinabi ni Luna, kinagat ni Natasha ang labi niya.“Ms. Luna, alam ko na mahirap ito para sayo, pero wala na kaming ibang magagawa.”Huminga ng malalim si Luna. Tumayo siya at pumunta siya sa kanyang mesa. Binuksan niya ang drawer at kinuha niya ang isang bank card.Pinasa niya ang card kay Natasha. “Heto po ang limandaang libong dolyar. Utang niyo na lang po ito sa akin. Imposible po para sa akin na gawin ang press conference para aminin ang mga kasinungalingan na ‘yun.”Humawak si Natasha sa card. Naging mapula at maputla ang mukha niya.Sa huli, binalik niya ang card sa kamay ni Luna.“Hindi ko matatanggap ang pera mo. May pera ang panganay ko. Basta’t tutulungan mo kami…”“Kalimutan
Ngumiti si Theo. “Hindi ko plano na tulungan mo siya na iklaro ang pangalan ni Alice.”Humikab si Theo at umupo siya sa sofa. Tumingin siya ng kalmado kay Luna. “Kanina lang tumawag ka para pag usapan ang problema nila Natasha at Joseph. Pumunta ako sa lugar nila para tumingin. Nung una, gusto ko silang tulungan, ayon sa mga sinabi mo, para hanapan sila ng mas magandang matutuluyan para lang sa kawanggawa. Hulaan mo ang nakita ko?”Kumunot ang noo ni Luna. Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin siya kay Theo.“Nakita ko si Joseph na papunta sa Blue Bay Villa. Hindi nagtagal nung pagpunta niya sa Blue Bay Villa, dinala siya paalis ng ambulansya. Pagkatapos, sinundan ko sila sa Central Hospital. Pagkatapos makipag usap sa ilang tao, palihim na sinabi sa akin ng nurse ang katotohanan.”Napahinto ng ilang saglit si Luna. “Kamusta na siya?”“Pinepeke niya lang,” Tumawa si Theo, “Mabuti ang kalagayan niya. Pineke niya lang ang stroke niya.”Pumikit si Luna at tumawa siya ng mapait.
Tumingin si Joshua sa kabadong mukha ni Luna. Hindi niya mapigilan na maalala ang itsura nito kagabi.Kumalma si Joshua at ngumiti. “‘Wag kang mag alala, hindi na mauulit ang nangyari kagabi.”Tumingin ng masama si Luna kay Joshua. “Hindi ka welcome.”Kampante na sumandal si Joshua sa sofa. “Paano kung dinala ko sina Neil at Nellie?”Si Neil at si Nellie.Halos isang linggo na silang hindi nakikita ni Luna. Kahit na palihim silang tumatawag gabi gabi, iba pa rin ang marinig at makita sila ng personal. Higit pa dito, sumama pa ang pakiramdam nila kagabi...Habang iniisip ito, tumingin ng malamig si Luna kay Joshua. “Dahil kela Neil at Nellie, pwede kitang tanggapin kahit ayaw ko.”…Pagkatapos gumawa ng appointment kay Joshua na kumain ng hapunan sa bahay, binilisan ni Luna ang trabaho niya.Nang matapos na ang araw, nagligpit na siya at umalis na agad siya ng trabaho.Paglabas niya ng opisina, nakasalubong niya si Shannon, na siyang paalis na rin. “Director Luna, maaga po kay
“Isa kang kabit! Ang lakas ng loob mo na magpanggap na mabait habang bumibili ng grocery?”“Umalis ka na!”Ininsulto at sinipa siya ng mga tao sa paligid. May ilan pang naghahagis ng gulay sa kanya.Agad na tinaas ni Shanno ang mga kamay niya. “Inosente ako!”Pagkatapos, tumingin siya ng malamig kay Luna. “Director Luna, mauuna na po ako. Ikaw… na po ang bahala sa sarili niyo.”Pagkatapos, agad na nilagpasan ni Shannon ang madla at umalis na siya.Si Luna ang tanging puntirya ng madla.Yumuko siya, sinusubukan niyang protektahan ang mga grocery na binili niya habang nilalabas niya ang phone niya para tumawag ng pulis.Bago pa siya makatawag, nagring ang phone niya.Tinutulak siya ng mga tao, kaya’t hindi siya makatayo ng maayos. Nawalan din ng kontrol ang mga daliri niya, kaya’t agad niyang sinagot ang phone.“Nasaan ka?” Nakatayo si Joshua sa labas ng bahay ni Luna kasama sina Neil at Nellie. Kalmado niya itong tinanong sa phone.Ang sagot sa kanya ay ang tunog ng mga tao n
Muling tumahimik ang buong supermarket dahil sa sinabi ng babae. Nakatingin ang lahat kay Joshua.Bahagyang sumingkit ang kanyang mga mata.Naglabas siya ng napaka lamig na aura, sapat na ito para maging yelo ang buong supermarket.Makalipas ang ilang saglit, tumingin siya sa babaeng nasa harap niya, pagkatapos sa lahat ng nandoon.“Una sa lahat, hindi ko kabit si Luna. Isa siyang natatangi na staff member sa kumpanya ko at isang mabuting kaibigan.”“Sumunod, hindi maniniwala ang asawa sa mga tsismis na walang basehan. Hindi ko na rin kailangan ipaliwanag ang sarili ko.”Pagkatapos, tumingin siya ng malamig sa babaeng nasa harap niya. “Tumabi ka.”Determinado ang babae at patuloy pa rin ito sa pagharang sa daan nila Joshua at Luna. “Pero mula po sa nakita ko sa video, si Mrs. Lynch po ang unang nagkalat ng tsismis na si Luna ang kabit. Bago po bumalik sa inyo si Mrs. Lynch, may imahe po kayo sa publiko na isang mapagmahal na asawa. Ngayon po at may tsismis na mayroon kayong kabi