“Isa kang kabit! Ang lakas ng loob mo na magpanggap na mabait habang bumibili ng grocery?”“Umalis ka na!”Ininsulto at sinipa siya ng mga tao sa paligid. May ilan pang naghahagis ng gulay sa kanya.Agad na tinaas ni Shanno ang mga kamay niya. “Inosente ako!”Pagkatapos, tumingin siya ng malamig kay Luna. “Director Luna, mauuna na po ako. Ikaw… na po ang bahala sa sarili niyo.”Pagkatapos, agad na nilagpasan ni Shannon ang madla at umalis na siya.Si Luna ang tanging puntirya ng madla.Yumuko siya, sinusubukan niyang protektahan ang mga grocery na binili niya habang nilalabas niya ang phone niya para tumawag ng pulis.Bago pa siya makatawag, nagring ang phone niya.Tinutulak siya ng mga tao, kaya’t hindi siya makatayo ng maayos. Nawalan din ng kontrol ang mga daliri niya, kaya’t agad niyang sinagot ang phone.“Nasaan ka?” Nakatayo si Joshua sa labas ng bahay ni Luna kasama sina Neil at Nellie. Kalmado niya itong tinanong sa phone.Ang sagot sa kanya ay ang tunog ng mga tao n
Muling tumahimik ang buong supermarket dahil sa sinabi ng babae. Nakatingin ang lahat kay Joshua.Bahagyang sumingkit ang kanyang mga mata.Naglabas siya ng napaka lamig na aura, sapat na ito para maging yelo ang buong supermarket.Makalipas ang ilang saglit, tumingin siya sa babaeng nasa harap niya, pagkatapos sa lahat ng nandoon.“Una sa lahat, hindi ko kabit si Luna. Isa siyang natatangi na staff member sa kumpanya ko at isang mabuting kaibigan.”“Sumunod, hindi maniniwala ang asawa sa mga tsismis na walang basehan. Hindi ko na rin kailangan ipaliwanag ang sarili ko.”Pagkatapos, tumingin siya ng malamig sa babaeng nasa harap niya. “Tumabi ka.”Determinado ang babae at patuloy pa rin ito sa pagharang sa daan nila Joshua at Luna. “Pero mula po sa nakita ko sa video, si Mrs. Lynch po ang unang nagkalat ng tsismis na si Luna ang kabit. Bago po bumalik sa inyo si Mrs. Lynch, may imahe po kayo sa publiko na isang mapagmahal na asawa. Ngayon po at may tsismis na mayroon kayong kabi
“Mommy!”Nang makapasok na si Luna sa kotse, agad pumasok si Nellie sa yakap niya. “Ayos lang po ba kayo?”Samantala, maingat na kinuha ni Neil ang mga grocery sa mga kamay ni Luna. Pagkatapos, tiningnan niya kung may mga galos ito.“Kaibigan ni Alice yung babae kanina,” Ang malamig na sinabi ni Joshua habang nakaupo sa driver’s seat. Binuksan niya na ang makina ng kotse.Nanginig ng kaunti si Luna.Bago dumating si Joshua, ang babaeng ‘yun ang namuno, umatake, at umapi kay Luna. Ang mga kalmot sa mukha ni Luna ay dahil rin sa babaeng ‘yun.Sinabi ni Joshua na kaibigan daw ‘yun ni Alice, ngunit ang babaeng ‘yun ay may accent na natural sa Banyan City. Mula siya sa bayang ito.Paano naman si Alice? Hindi siya mula sa Banyan City. Hindi pa siya pumunta sa Banyan City dati.Mababa ang chansa na maging magkaibigan sila. Parang itong ang kliente at ang binayaran.Dumiin ang kuko ni Luna sa mga palad niya.Una, siniraan ni Alice si Luna sa pagsira ng artwork ni Theo, pagkatapos ay
Habang nakatingin sa likod nila Luna at Nellie, tinikom ni Joshua ang mga labi niya. Malamig at malalim ang tingin niya.“Mr. Lynch.”Nasa likod si Neil, at pinasa niya ang mga grocery sa mga kamay ni Joshua. Pagkatapos, sadya siyang tumawa. “Ang saya naman po nito. Mr. Lynch, sa inyo po ang maganda na si Ms. Alice, habang kay Mommy po ang gwapong si Theo! Maganda po na pareho kayong masayang inlove!”Nagalit ang mukha ni Joshua.Tumingin si Neil ng malamig at naglakad siya palayo ng may masamang mukha habang hawak ang mga grocery.Habang nakasandal sa kotse, ngumiti si Neil at tumingin siya sa likod ni Joshua.‘Nagdurusa ka, no?’ Ang inisip ni Neil.…“Mommy, nasaan po ang first aid kit?”
“Syempre dahil ito sa anak nila.”Ngumiti si Luna. “Nag announce sila para sa akin na may magaganap na press conference para ipaliwanag ang nangyari.”“Pero.” Ngumiti si Luna at tumingin siya kay Joshua. “Gusto nila na umamin ako sa press conference na inakit kita at may affair ako sayo. Gusto rin nila ipaliwanag ko na ako nag naglabas ng surveillance footage, para ipahiwatig na inaapi ko si Alice sa online.”Kumunot ang noo ni Joshua. Nagpatuloy siya sa pag gamot ng mga sugat ni Luna. “Kalokohan.”Hindi mahalaga kung ginawa ni Luna ang mga ito o hindi, wala siyang obligasyon para iklaro ang pangalan ni Alice.Nababaliw na ba sila o iniisip nila na baliw si Luna?“Plano kong pumunta.” Tumingala si Luna at tumingin siya kay Joshua. “Dahil gusto nila akong pumunta, pupunta ako.”“Pero, plano kong iklaro ang pangalan ko.”Kumunot ang noo ni Joshua. Hinawakan niya ang braso ni Luna at nagpatuloy siya sa paggamot ng mga sugat. “Iklaro ang ano?”“Para iklaro na hindi kita inakit at
Yumuko si Joshua. Tumingin siya sa mukha ni Neil, na mas malaki lang ng kaunti sa palad niiya. “Anong sagot ang inaasahan mo sa akin sa tanong na ‘yan?”Sa sobrang talas ng tingin ni Joshua ay ramdam na mapanganib ito.Kahit na masama siyang lalaki, hindi mapigilan ni Neil na aminin na ang tingin ni Joshua ay kayang mabasa ang kahit ano.Tumingin siya palayo. Hindi niya kayang tumingin sa mga mata ni Joshua. “Kaswal na tanong lang po.”“Kung kaswal ka lang na nagtatanong, kaswal din akong sasagot.”Umupo ng mas komportable si Joshua sa sofa, ngumiti siya ng maliit. “In love pa rin ako sa kanya.”Pumikit siya at sinabi niya, “In love pa rin ako sa dating siya.”Lumaki ang mga mata ni Neil. Mahal niya ang dating siya?Ang dating Alice Gibson ay ang Mommy niya, si Luna, hindi ba? Agad na lumingon si Neil at tumingin siya ng seryoso kay Joshua. “Paano po ngayon?”Ang ngayon?Nagbago ng postura si Joshua. Nakapikit pa rin ang mga mata niya. Wala siyang sinabi.May ilang mga tanon
May ilang mga plato sa counter na hindi pa nalalagay sa mesa.Bumalik sa sarili si Luna at tumalikod siya para pumasok ng kusina. Maingat niyang dinala palabas ang mga plato.Sa isang iglap, ang maliit na mesa sa hapagkainan ay puno na ng mga plato.May apat na ulam at isang soup. Marami silang pagkain.Tumayo sa isang lugar si Joshua habang nakatingin sa mga pagkain sa mesa at sa busy na pagayos ni Luna ng mesa. Medyo sumikip ang puso niya.Noon, noong magkasama pa sila ni Luna Gibson, halos araw araw niyang pinaglulutuan si Joshua ng maraming pagkain at hinintay itong umuwi.Minsan, maghihintay pa siya ng hanggang hatinggabi. At kapag umuwi na si Joshua, makakatulog si Luna Gibson sa mesa o nakahiga siya sa sofa.Sa mga panahong ‘yun, kahit na sinasabi ni Joshua na hindi niya gusto si Luna Gibson, kapag nakikita niya ito, natutuwa siya.Pagkatapos, kakargahin niya paakyat si Luna Gibson. Ipapainit niya sa butler ang pagkain, at kakainin niya ang pagkain ng mag isa.Kahit na
Napahinto ng ilang saglit si Joshua habang hawak ang kanyang baso.Hindi niya inaasahan na may ganitong relasyon sina Luna at Malcolm.Tumingin siya ng malalim kay Luna. “Sikat ka pala, Ms. Luna.”Kumunot ang noo ni Luna. Ngumiti siya. “Salamat, Mr. Lynch.”Hindi niya itinanggi ang relasyon niya kay Malcolm Quinn. Mas nairita si Joshua dahil dito.Sa ibang bansa, namimiss siya ni Malcolm Quinn, pero sa kabilang pinto lang, nandoon naman si Theo.Habang iniisip ito, mas nairita pa si Joshua. Kinuha niya ang wine glass at inubos niya ito ng isang inuman.Nang makita ni Nellie ang bilis ng pag inom ni Joshua, nabigla siya. Bago pa niya ipagbuhos si Joshua, agad nitong kinuha ang wine bottle. Uminom si Joshua ng diretso sa bote.Nabigla si Luna at ang dalawang bata, nakatingin habang inubos ni Joshua ang bote ng isang inuman.Thud! Binaba niya ang bote sa mesa. “Meron pa ba?”Nagkatinginan sila Neil at Nellie. “Opo!”“Ako na po ang kukuha!” Agad na bumaba ng upuan si Neil at k