May ilang mga plato sa counter na hindi pa nalalagay sa mesa.Bumalik sa sarili si Luna at tumalikod siya para pumasok ng kusina. Maingat niyang dinala palabas ang mga plato.Sa isang iglap, ang maliit na mesa sa hapagkainan ay puno na ng mga plato.May apat na ulam at isang soup. Marami silang pagkain.Tumayo sa isang lugar si Joshua habang nakatingin sa mga pagkain sa mesa at sa busy na pagayos ni Luna ng mesa. Medyo sumikip ang puso niya.Noon, noong magkasama pa sila ni Luna Gibson, halos araw araw niyang pinaglulutuan si Joshua ng maraming pagkain at hinintay itong umuwi.Minsan, maghihintay pa siya ng hanggang hatinggabi. At kapag umuwi na si Joshua, makakatulog si Luna Gibson sa mesa o nakahiga siya sa sofa.Sa mga panahong ‘yun, kahit na sinasabi ni Joshua na hindi niya gusto si Luna Gibson, kapag nakikita niya ito, natutuwa siya.Pagkatapos, kakargahin niya paakyat si Luna Gibson. Ipapainit niya sa butler ang pagkain, at kakainin niya ang pagkain ng mag isa.Kahit na
Napahinto ng ilang saglit si Joshua habang hawak ang kanyang baso.Hindi niya inaasahan na may ganitong relasyon sina Luna at Malcolm.Tumingin siya ng malalim kay Luna. “Sikat ka pala, Ms. Luna.”Kumunot ang noo ni Luna. Ngumiti siya. “Salamat, Mr. Lynch.”Hindi niya itinanggi ang relasyon niya kay Malcolm Quinn. Mas nairita si Joshua dahil dito.Sa ibang bansa, namimiss siya ni Malcolm Quinn, pero sa kabilang pinto lang, nandoon naman si Theo.Habang iniisip ito, mas nairita pa si Joshua. Kinuha niya ang wine glass at inubos niya ito ng isang inuman.Nang makita ni Nellie ang bilis ng pag inom ni Joshua, nabigla siya. Bago pa niya ipagbuhos si Joshua, agad nitong kinuha ang wine bottle. Uminom si Joshua ng diretso sa bote.Nabigla si Luna at ang dalawang bata, nakatingin habang inubos ni Joshua ang bote ng isang inuman.Thud! Binaba niya ang bote sa mesa. “Meron pa ba?”Nagkatinginan sila Neil at Nellie. “Opo!”“Ako na po ang kukuha!” Agad na bumaba ng upuan si Neil at k
“Sa sobrang bait mo, halos…” Hindi niya tinapos ang pangungusap niya.Habang nakaharap sa titig ni Luna, tumawa ng lasing si Joshua. Niyakap niya ng mahigpit si Luna. “Matulog na tayo.”Ito ay isang gabi ng pagsinta.Sa sumunod na umaga, nagising si Luna sa pagring ng kanyang phone.Ito’y walang iba kundi ang nanay niya, si Natasha.“Ms. Luna.” Tila parang natataranta si Natasha. “Ngayong alas nueve ng umaga. May mga pinapunta na akong tao sa venue ng press conference. Alas nueve sa City Sports Center. Dapat nandoon ka. Nangako ka sa akin.”Kumunot ang noo ni Luna. Medyo masakit ang ulo niya. “Opo.”“‘Wag mong kalimutan! ‘Wag kang malate at ‘wag kang mawawala!”Pinaalala ito sa kanya ni Natasha. “Nirecord ko ang pag uusap niyo ni Theo sa opisina mo kahapon! Kapag hindi ka pumunta, ilalabas ko ang recording na ito sa media!”Medyo nanginig ang kamay ni Luna na nakahawak sa phone.Lumamig ang puso niya. “Nirecord niyo ang pag uusap natin?”“Syempre.” Huminga ng malalim si Nata
Umikot ang mga mata ni Luna kay Joshua. Inagaw niya ang photo album at binalik niya ito sa mesa sa tabi ng kama. “Alas nueve ng umaga. Mr. Lynch, pwede kang magtago, pero hindi sa bahay ko.”Pagkatapos, naglakad siya papunta ng pinto at binuksan niya ito. “Pakiusap.”Bahagyang kumunot ang noo ni Joshua. “Pinapaalis mo ba ako?”Umirap si Luna, “Hindi pa ba halata ang ginagawa ko?”Tumahimik ng ilang saglit si Joshua. Pagkatapos, kinuha niya ang mga damit niya at sinuot niya ito bago siya lumabas ng pinto.Nung malagpasan niya si Luna, tumigil siya sa paglalakad. “Ibang babae ka na kapag suot mo na ang damit mo.”Nabigla ng ilang saglit si Luna. Nung bumalik na siya sa kanyang sarili, tapos na maghilamos si Joshua sa banyo.Tumingin siya ng malupit kay Joshua bago tumalikod at pumunta ng kabilang kwarto.Ang apartment ay may dalawang bedroom at isang hallway. Alam niya na papunta na sina Nellie at Neil, kaya’t inayos niya ang kwarto sa kabilang pinto para tulugan nila.Hindi siy
Kinagat niya ang mga labi niya at tumingin siya ng seryoso sa mukha ni Joshua. “Pakiusap. Pakiusap ‘wag mong buksan ang pinto.”Sa mga sandaling ito, wala na siyang ibang magagawa.Isang insulto para sa mga mata ni Joshua ang pagmamakaawa niya. Mahalaga ba talaga para sa kanya si Theo? Ayaw niya ba na malaman ng ibang lalaki ang tungkol sa kanila?Dahil mas ayaw ito ni Luna, mas gusto ni Joshua na ipaalam kay Theo na sa kanya si Luna!Habang iniisip ito, agad na binuksan ni Joshua ang pinto.Pumasok ang hangin mula sa corridor. Naramdaman ni Luna ang malamig na hangin sa kanyang mukha. Hindi dapat siya umasa sa tao na tulad ni Joshua.Mabuti na lang at tinapos na ni Theo ang tawag.“Lu…”Tumaas ang tingin niya at tatawagin niya na sana si Luna nang makita niya ang matangkad na lalaki na nakatayo sa tabi ng pinto.Nabigla ng ilang saglit si Theo. Pagkatapos, ngumiti siya. “Mr. Lynch, wala ka bang bahay?”Ngumiti ng peke si Joshua. “Ang bahay ko ay nasa kahit saang gusto ko.”
9am.Puno ng tao ang City Sports Center.Nang makarating na sina Luna at Theo, nakahanda na ang mga camera ng mga reporter at nakaharap ito sa main stage.Nang makita siya ni Natasha, agad siya nitong nginitian at sinalubong. “Ms. Luna, pumunta ka talaga.”Pagkatapos, nilabas ni Natasha ang recording mula sa bulsa nito. “Iniisip ko na kapag hindi ka pumunta, ilalabas ko ang recording.”Pagkatapos, binigay niya ang recording device kay Luna. “Dahil nandito ka na, hindi ko na kailangan ang recording device. Ibabalik ko na ito sayo.”Tumingin si Luna kay Natasha. Tinanggap niya ang recording device at hinagis niya ito sa basurahan. Pagkatapos, tumingin siya sa orasan.“Halos oras na po. Magsimula na tayo.”Medyo pangit ang ekspresyon ni Natasha. Umubo siya bago siya lumingon sa host. “Pwede na tayo magsimula.”“Sige.” Tumawa ng mahina ang host.Nang marinig ni Luna ang boses ng babae, kumunot ang noo niya. Medyo pamilyar ang boses nito sa kanya.Napatingin siya at nakita niya n
‘Yun pala ang binabalak nila.Kaya pala pinilit ni Natasha si Luna na pumunta sa press conference ngayong araw. Kaya pala sadya na dinala ni Alice si Granny para magshopping.Pinaghandaan ni Alice ang lahat.Hinulaan ni Alice na hindi ikaklaro ni Luna ang pangalan niya habang nasa press conference, kaya’t sadya niyang pinapunta si Granny Lynch.Iba ang intensyon niya para sa press conference. Ginamit ito ni Alice para pilitin si Joshua na tanggihan ang relasyon nila ni Luna sa harap ni Granny Lynch. Ito ang tunay na intensyon niya.Mahusay ang pag iisip ni Alice.Noon, kapag nakita ni Joshua na umiiyak si Luna Gibson, nababasag ang puso niya.Ngayon naman, habang nakikita niyang umiyak si Alice, gusto niya lang na ngumisi.Tumalikod si Joshua at umupo siya sa tabi ni Granny Lynch. “Mabuti po, gusto ko rin po makita kung ano ang mangyayari.”Pagkatapos, tumaas ang kilay ni Joshua at tumingin siya kay Alice. Sinabi niya ng may malamig na tono, “Umupo ka.”Kinagat ni Alice ang m
Parehong sumimangot sina Alice at Granny Lynch dahil sa mga sinabi ni Luna sa malaking screen.Hindi ba’t ito ang press conference para iklaro ni Luna ang pangalan niya? Bakit… umamin siya dito?Tumingin si Granny Lynch kay Alice. Agad na yumuko si Alice at pinagdikit niya ang mga kamay niya.Sa mga sandaling ito, ang press conference ay nagkakagulo na.Nagbibigay ng mga tanong ang mga reporter.“Ms. Luna, sinabi niyo na may mga intensyon kayo kay Mr. Lynch, anong ibig sabihin nito?”“Umaamin ba kayo na gusto niyong akitin si Mr. Lynch? Umaamin ba kayo na isa kayong kabit?”“Ms. Luna, matapang niyong inaannounce na isa kayong kabit, sigurado ba kayo na mabuti ito?”Parang mga lumilipad na bola ng kanyon ang mga tanong na ito.Habang nasa gitna ng bagyo, kalmado pa rin si Luna. Ngumiti siya. “Kailan ko ba sinabi na isa akong kabit? Hindi ba pwedeng nilalapitan ko lang si Joshua para sa pera niya?”Naging tahimik ang buong venue.Tumawa si Luna, “Sinabi ng internet na nanatili