Parehong sumimangot sina Alice at Granny Lynch dahil sa mga sinabi ni Luna sa malaking screen.Hindi ba’t ito ang press conference para iklaro ni Luna ang pangalan niya? Bakit… umamin siya dito?Tumingin si Granny Lynch kay Alice. Agad na yumuko si Alice at pinagdikit niya ang mga kamay niya.Sa mga sandaling ito, ang press conference ay nagkakagulo na.Nagbibigay ng mga tanong ang mga reporter.“Ms. Luna, sinabi niyo na may mga intensyon kayo kay Mr. Lynch, anong ibig sabihin nito?”“Umaamin ba kayo na gusto niyong akitin si Mr. Lynch? Umaamin ba kayo na isa kayong kabit?”“Ms. Luna, matapang niyong inaannounce na isa kayong kabit, sigurado ba kayo na mabuti ito?”Parang mga lumilipad na bola ng kanyon ang mga tanong na ito.Habang nasa gitna ng bagyo, kalmado pa rin si Luna. Ngumiti siya. “Kailan ko ba sinabi na isa akong kabit? Hindi ba pwedeng nilalapitan ko lang si Joshua para sa pera niya?”Naging tahimik ang buong venue.Tumawa si Luna, “Sinabi ng internet na nanatili
Biglang may mariring na malinaw na boses ng babae.Tumahol ng malamig si Yvonne at tumayo siya. “Sino ang nagsabi na pwede lang magkaroon ng affair si Joshua Lynch ng gabi?”Nang makita ni Theo ang mayabang na tingin ni Yvonne, kumunot ang noo niya at ngumiti siya. “Si Alice ang nagsabi nun.”“Baka ginagawa ka lang niya ng dahilan.” Tinikom ni Yvonne ang mga labi niya. “Kung sabagay, magiging masama ang imahe nila kung ang isang lalaking boss ay may affair sa kanyang babaeng staff.”Pagkatapos, nagbuntong hininga siya, “Ms. Luna, kung inosente talaga kayo ni Mr. Lynch, bakit ikaw lang ang pinaghihinalaan ni Mrs. Lynch at hindi ang ibang babae?”“Tama, tama,” Agad na sumingit si Natasha. “Dati nang mabait, masunurin, maamo, at mapagmahal ang anak ko. Hindi siya magaakusa ng kung sino sino lang.”Pagkatapos, tila may naisip si Natasha. Tumayo siya at sinabi niya, “Noong kasama ng anak ko si Joshua Lynch noong nakalipas na anim na taon, may mga katrabaho rin naman na babae si Joshua
Tumahimik si Joshua dahil sa mga sinabi niya. Hindi siya makasagot.Kahit na ayaw niya itong aminin, ang katotohanan, bago pa bumalik si Alice, may nararamdaman na siya para kay Luna na iba sa ibang mga babae.Nang mapagtanto niya na ibang iba na si Alice kumpara sa nakalipas na anim na taon, lumalim ang damdamin niya para kay Luna, sa sobrang lalim ay habang lasing siya, ginawa niya...Lumalim ang pagkamuhi sa mga mata ni Alice dahil sa katahimikan ni Joshua. Kinagat niya ang mga labi niya.“Joshua, nakalimutan mo na ba? Bago ka bumalik, kung ano ang sinabi mo sa publiko? Sinabi mo na basta’t nakabalik na ako, gagawin mo ang lahat. Sinabi mo na kahit anong mangyari pagbalik ko, ako pa rin ang pinakamahalagang tao para sayo.”Ang sinabi ni Alice habang nakayuko at pinunasan niya ang mga luha niya. “Joshua, nakalimutan mo na ba ang mga sinabi mo?”Habang nakatingin sa mga tumutulong luha, may bahid ng pagsisisi sa puso ni Joshua.Gayunpaman, mas naiinis lang siya.Hindi niya ala
“Ngayon, may sagot na ako.”Lumapit si Joshua kay Granny Lynch at inagaw niya ang kanyang phone. “Kahit gaano pa kalalim ang pagmamahal ko sa isang tao, hindi ko hahayaan na pekein niya ang katotohanan o ipahamak ang isang inosenteng babae.”Pagkatapos, tumingin siya ng malamig kay Alice. “Higit pa dito, mukhang hindi ko na siya mahal tulad ng dati.”Pagkatapos, umalis na si Joshua.Ginitgit ni ALice ang ngipin niya. Gusto niyang sundan si Joshua, ngunit hinagis ni Granny Lynch ang tungkod niya sa sahig. “Nagrerebelde siya! Makulit ang batang ito!”Tumalikod si Alice at bumalik siya kay Granny Lynch. “Granny, ‘wag po kayong magalit…”…Lumabas ng mall si Joshua at agad siyang nagmaneho papunta sa City Sports Center.Nang makarating na siya, tuloy pa rin ang press conference.Nagpapaulan pa rin ng mga nakakahiyang tanong ang mga reporter kay Luna.“Lahat kayo.”Biglang may boses ng bata mula sa loudspeaker.Tumigil ang mga reporter na nagpapaulan ng mga tanong. Bakit may bos
Hindi lang ang mga reporter ang nagulat sa pagdating ni Joshua, nagulat rin sina Luna at Theo na nasa entablado.Nagkatinginan silang dalawa. Sinabi ni Luna ng may mahinang boses, “Pinapunta mo ba siya?”Inosenteng tinaas ni Theo ang parehong kamay niya. “Pangako, hindi ako ang may gawa nito.”Habang nag uusap ang dalawa, pumunta na si Joshua sa tabi ni Luna.Kinuha niya ang microphone sa harap ni Luna at sinabi niya ng may malamig at mababang boses, “Kung inaakusahan ako ng lahat na may affair ako kay Luna, paano ako hindi pupunta?”Kalmadong umupo si Joshua sa tabi ni Luna. Tumingin siya sa mga reporter na parang ang pagtingin ng isang emperador sa kanyang mga tauhan. “Kung may mga tanong pa kayo, pwede niyo akong tanungin. Hindi ko na papahirapan si Luna.”Sobrang lamig nang kanyang aura at napatahimik ang lahat.Ang mga reporter na umaatake kay Luna kanina ay tumahimik rin.May ilan na gustong tumakas, ngunit pinigilan sila nila Lucas, Zach, at Yuri sa entrance.Mahabang s
Biglaan masyado ang pagdating ng balita.Hindi agad nakareakt sa oras ang mga reporter, ganun rin si Luna.Ang unang nagreakt ay si Natasha, na nakaupo sa isang sulok.Lumapit siya at hinawakan niya ang kwelyo ni Joshua. “Ang lakas ng loob mo na hiwalayan ang anak ko! Gaano karami na ba ang nagawa niya para sayo dati! Ang lakas ng loob mo na iwanan siya!”Inalis ni Joshua ang kamay ni Natasha. “Sinabi niyo rin na dati ‘yun. Higit pa dito, ang tao na pinaka walang kakayahan na magtanggol kay Luna ay kayo.”Malamig ang boses ni Joshua. “‘Wag niyong isipin na hindi ko alam na hindi patas ang pagtrato niyo kay Luna dati?”Nabigla si Natasha. Tumingin siya ng nalilito kay Joshua. “Anong ibig mong sabihin …”Hindi siya pinansin ni Joshua. Tumingin lamang siya kay Lucas. Agad na nagutos si Lucas na paalisin dito si Natasha.Naging mas mainit ang pag uusap sa venue.“Lahat kayo.” Kumunot ang noo ni Theo. Kinuha niya nag microphone para kontrolin ang madla. “Ipinaliwanag na namin ang l
Kumunot ang noo ni Alice. Nilagpasan niya ang kotse.Ngumiti si Lucas. Pinaandar niya ang kotse at sinundan niya si Alice. “Ma’am, hindi po malulutas ang problema sa pag iwas niyo dito. Sinabi po ni Mr. Lynch na dapat ko kayong dalhin sa Civil Affairs Bureau.”Huminto si Alice sa kanyang paglalakad. Lumingon siya at tumingin siya ng malamig kay Lucas. “Sabihin mo kay Joshua na hindi ako papayag sa divorce. Kung may problema sa pagitan namin, pwede namin ito pag usapan, pero hindi ako papayag sa divorce kahit na para ito sa mga bata!”Determinado si Lucas. Patuloy siya sa pagsunod kay Alice gamit ang kotse. Umikot ang mga mata ni Alice. Habang naglalakad at nakatalikod kay Lucas, naglabas siya ng pill at nilunok niya ito.Makalipas ang sampung minuto.Nasa loob ng cafe si Joshua at nakatanggap siya ng tawag mula kay Lucas.“Sir, nahimatay po si Ma’am! Nasa ospital po siya ngayon at muntik na po siyang mamatay!”Lumaki ang mga mata ni Joshua. “Ano pa?”Pagkatapos ng lahat ng nang
Noon, pwede siyang mangaliwa gamit si Aura Gibson.Ngayon naman, habang kasama niya si Alice, malabo ang relasyon nilang dalawa.Kapag nagsama sila, darating at darating rin ang isa pang Aura.…Nang makarating si Joshua sa ospital, kakadala lang kay Alice sa emergency room.“Anong nangyari?”“Sir.” Tahimik ng ilang saglit si Lucas.Thud! Lumuhod siya sa sahig habang nakayuko. “Inutusan niyo po ako na ihatid pauwi si Ma’am Alice, at sabi niyo po na may mga pag uusapan po kayo. Dahil lagi niya po kayong binabantayan at pinagdududahan, sinabi ko po sa kanya na gusto mo po akong siyang papuntahin sa Civil Affairs Bureau para mag divorce. Iniisip ko po na dahil inannounce na po ang divorce, tatakutin ko lang po siya ng kaunti. Sino po ang mag aakala na mahihimatay po siya…”Kinurot ni Joshua ang noo niya.Tumalikod siya at umupo siya sa bench. Tumingin siya kay Lucas. “Ayaw ko na nagdedesisyon para sa akin ang ibang tao.”Tumigas ang katawan ni Lucas. Yumuko siya lalo. “Alam ko