Noon, pwede siyang mangaliwa gamit si Aura Gibson.Ngayon naman, habang kasama niya si Alice, malabo ang relasyon nilang dalawa.Kapag nagsama sila, darating at darating rin ang isa pang Aura.…Nang makarating si Joshua sa ospital, kakadala lang kay Alice sa emergency room.“Anong nangyari?”“Sir.” Tahimik ng ilang saglit si Lucas.Thud! Lumuhod siya sa sahig habang nakayuko. “Inutusan niyo po ako na ihatid pauwi si Ma’am Alice, at sabi niyo po na may mga pag uusapan po kayo. Dahil lagi niya po kayong binabantayan at pinagdududahan, sinabi ko po sa kanya na gusto mo po akong siyang papuntahin sa Civil Affairs Bureau para mag divorce. Iniisip ko po na dahil inannounce na po ang divorce, tatakutin ko lang po siya ng kaunti. Sino po ang mag aakala na mahihimatay po siya…”Kinurot ni Joshua ang noo niya.Tumalikod siya at umupo siya sa bench. Tumingin siya kay Lucas. “Ayaw ko na nagdedesisyon para sa akin ang ibang tao.”Tumigas ang katawan ni Lucas. Yumuko siya lalo. “Alam ko
Tumahimik ang kwarto dahil sa mga sinabi ni Alice.Kumunot ang noo ni Joshua. Kinuha niya ang tissue sa mesa at pinasa niya ito kay Alice. “Mahal ko nga ang dating Luna Gibson kumpara sa ngayon. Maganda kung magbabago ka, pero kung masyadong mahirap, kalimutan mo na lang.”Sa opinyon ni Joshua, magiging mahirap para kay Alice na bumalik sa dating maamo at mabait na Luna Gibson noong nakaraang anim na taon.Hindi dapat magbago si Alice para sa kanya. Marami nang nagawa para sa kanya si Alice. Ayaw niya na mahirapan at magdusa si Alice ngayon at patapos na ang relasyon nila.“Hindi magiging mahirap!”Aatras na sana ang kamay ni Joshua, nang hinawakan ni Alice ang kamay niya. Ang mga mata at tono ni Alice ay nababalisa. “Joshua, maniwala ka sa akin, kaya ko! Kaya kong magbago at maging kahit anong gusto mo. Kahit anong gusto mo, magiging ganun ako. Ayos lang ba>:Kumunot ang noo ni Joshua.Hindi komportable si Joshua sa titig at tila nababaliw na tono ni Alice.Ang huling beses na
“Pero, nung tumagal, sinabi ni Old Mr. Walter na nahanap na nila si Hailey. Sinabi niya na tumigil na daw ako sa paghahanap.”Pagkatapos, tinukso ni Jude, “Bakit? Naghahanap ka ba ng susunod mong kandidato pagkatapos iannounce ang divorce? Kahit na naghahanap ka ng susunod mong asawa, hindi naman siguro si Hailey Walter ang iniisip mo, tama ba?”Tumawa si Joshua. Nagpatuloy siya sa paglalakad. “Dahil nahanap na si Hailey…”“May business trip ako sa Sea City sa susunod na linggo. Tulungan mo akong kausapin si Old Mr. Walter. Sabihin mo sa kanya na gusto kong makita si Hailey at ilibre siya ng makakain.”Kumunot ang noo ni Jude. “Sa kanluran na ba sumisikat ang araw? ‘Wag mo sabihing seryoso ka? Hindi ba’t lagi mong…”“May mga bagay lang ako na sinisigurado kay Hailey.”Huminga ng malalim si Joshua at sinabi niya ng may mababang boses, “Pakiusap, humihingi ako ng pabor.”Nang marinig ni Jude ang tono ni Joshua, hindi na siya nakikipag biruan.Makalipas ang ilang sandali ng katah
Napahinto ng ilang saglit si Anne.“Syempre, sapat na po ang anim na taon. Mr. Lynch, bakit po bigla niyong gusto na baguhin ang itsura ng assistant…”Patapos na siya magsalita nang bigla siyang huminto sa kalagitnaan. Naalala niya na iniwan din ni Luna si Joshua noong nakalipas na anim na taon.Sumailalim rin si Luna sa plastic surgery. Siya ang obra maestra ng cosmetic surgery ng mga eksperto ng ibang bansa.Kilala ni Anne si Luna dahil sa mukha niya. Ang mukha ni Luna ay ipinagmamalaki ng guro ni Anne.Habang iniisip ito, naging maputla ang mukha ni Anne. Agad niyang sinubukan na iligtas ang sitwasyon. “Syempre, ang bawat tao po ay makakaengkwentro ng iba’t ibang problema. Hindi po ibig sabihin ay magtatagumpay po ang lahat dito…”Pagkatapos, yumuko siya at tumingin siya sa litrato na nasa kamay niya. “Halimbawa po, ang litrato na pinakita niyo sa akin. Kahit na maganda po ang itsura ng lalaki, hindi po masyadong natatangi ang mukha niya. Madali lang po maging kamukha niya…”
Dumirecho ang katawan ni Jude at tumingin siya ng seryoso kay Joshua.“Tumanggi si Hailey na makipagkita sayo.”Tumaas ng kaunti ang mga kilay ni Joshua, ngunit wala siyang sinabi.“Ito ang unang pagkakataon na ikaw ang gusto makipagkita kay Hailey. Hindi dapat siya tatanggi, per tumanggi siya.”Ngumiti si Joshua. “Ano ang rason na binigay niya?”“Sinabi niya na dahil daw bumalik na ang asawa mo. Sinabi niya na hindi na kailangan.”“Sabihin mo sa kanya na dapat akong makipagkita sa kanya, kung hindi, tatayo ako bilang representative ng pamilya Lynch at ihihinto ko na ang relasyon namin sa mga Walter.”Kumunot ang noo ni Jude dahil sa mga sinabi ni Joshua. “Joshua, hindi ba’t parang… medyo nababaliw ka na? Paano kung hindi si Hailey si Alice? Paano kung wala itong kinalaman sa kanila? Gusto mo ba…”“Gusto ko nang iklaro ang problemang ito.”Huminga ng malalim si Joshua at naglakad siya papunta sa French window. Tumingin siya sa repleksyon niya sa bintana at ngumiti siya ng mali
Agad na tumayo si Luna mula sa sofa. “Kinidnap sila?”“Opo.”Tila umiiyak si Lily. “Tinawagan ko na po si Mr .Lynch. Papunta na po siya doon. Pupunta rin po ba kayo? Sinabi po ng kindergarten teacher na nakikipaglaro po yung dalawa sa mga kaibigan nila nang biglang may dumating na kotse at may ilang mga lalaking nakasuot ng itim na kumuha po sa kanila. Masyado pong mabilis ang pangyayari. Hindi po nakakilos sa oras ang mga teacher.”Kinagat ni Luna ang mga labi niya. “Papunta na ako ngayon!”Pagkatapos, agad na bumaba ng sofa si Luna, nagsuot ng coat, at paalis na siya.Nagdalawang isip si Anne. “Saan ka pupunta?”“Kinuha sila Nellie at Neil ng mga taong hindi pa kilala,” Sumagot si Luna habang balisa niyang sinusuot ang mga sapatos niya.Nabigla si Anne. Agad niyang kinuha ang coat niya at sinundan niya palabas ng pinto si Luna. “Ano ba ang nangyayari?”Natataranta si Luna. Hindi niya alam kung paano niya ito ipapaliwanag, kaya’t bumaba na lang siya ng hagdan.“Sandali lang,
Aminin man ni Nigel na malakas ang mga tauhan ng kapatid niya.Pero kahit na malakas sila, dalawang tao lang sila.Walang magagawa ang dalawang lalaking ‘yun para pigilan ang grupo ng mga taong ito.Kung hindi nila ito mapipigilan sa unang subok, magiging mahirap para sa kanila na magpatuloy sa pagkilos.Sa mga sandaling ‘yun, ang tanging tao na naisip niya na may kakayahan, lakas, at tapang ay ang lalaking ‘yun.Pumikit si Nigel.Klaro ang mga kilos ni Luna. Mas gugustuhin niyang tawagan sina Zach at Yuri, pero hindi si Joshua.Gayunpaman, nakasugal ang buhay ng mga kapatid ni Nigel.Huminga ng malalim si Nigel. Nilabas niya ang USB stick na may external IP address at kinabit niya ito sa kanyang computer. Gamit ang incognito mode, tumawag siya kay Joshua.Sa mga sandaling ito, may grupo si Joshua ng mga tao sa entrance ng kindergarten, sinusubukan nilang suriin ang direksyon ng pinuntahan ng kotse.“Sir, kung tama po ang hula namin, nasa Ring Road na sila sa bandang labas ng
“Smith, bakit maraming kotse ang sumusunod sa atin?” Sumimangot ang driver ng van at tumingin siya sa mga itim na kotse na mabilis na humahabol sa kanila. “Malapit na sila. Dapat na tayong magmadali.”Sumimangot din ang lalaking may pangalan na Smith, na siyang nakaupo sa backseat. Tumingin siya sa labas ng medyo tinted na bintana. “Tama na ito. Bumaba na tayo sa susunod na intersection.”Sinipa niya ang dalawang nakatali na bata sa mga paanan niya at binalaan niya ang mga ito, “‘Wag kayong malikot!”Ang dalawang bata ay sina Neil at Nellie. Tinali sila ng mga kidnapper, pagkatapos ay nilagay sila sa paanan ni Smith. Halos isang oras na ang lumipas, ngunit sinipa niya na ito ng maraming beses.Nakataas ang isa sa mga binti ng pantalon ni Neil dahil sa panlalaban, makikita na puno ng mga pasa ang binti niya. Samantala, walang galos ang mga binti ni Nellie. Halata na pinoprotektahan ni Neil ang kapatid niya.Suminghal si Smith. “Mukhang isa ka talagang gentleman. Alam mo pang protek
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya