“Pero, nung tumagal, sinabi ni Old Mr. Walter na nahanap na nila si Hailey. Sinabi niya na tumigil na daw ako sa paghahanap.”Pagkatapos, tinukso ni Jude, “Bakit? Naghahanap ka ba ng susunod mong kandidato pagkatapos iannounce ang divorce? Kahit na naghahanap ka ng susunod mong asawa, hindi naman siguro si Hailey Walter ang iniisip mo, tama ba?”Tumawa si Joshua. Nagpatuloy siya sa paglalakad. “Dahil nahanap na si Hailey…”“May business trip ako sa Sea City sa susunod na linggo. Tulungan mo akong kausapin si Old Mr. Walter. Sabihin mo sa kanya na gusto kong makita si Hailey at ilibre siya ng makakain.”Kumunot ang noo ni Jude. “Sa kanluran na ba sumisikat ang araw? ‘Wag mo sabihing seryoso ka? Hindi ba’t lagi mong…”“May mga bagay lang ako na sinisigurado kay Hailey.”Huminga ng malalim si Joshua at sinabi niya ng may mababang boses, “Pakiusap, humihingi ako ng pabor.”Nang marinig ni Jude ang tono ni Joshua, hindi na siya nakikipag biruan.Makalipas ang ilang sandali ng katah
Napahinto ng ilang saglit si Anne.“Syempre, sapat na po ang anim na taon. Mr. Lynch, bakit po bigla niyong gusto na baguhin ang itsura ng assistant…”Patapos na siya magsalita nang bigla siyang huminto sa kalagitnaan. Naalala niya na iniwan din ni Luna si Joshua noong nakalipas na anim na taon.Sumailalim rin si Luna sa plastic surgery. Siya ang obra maestra ng cosmetic surgery ng mga eksperto ng ibang bansa.Kilala ni Anne si Luna dahil sa mukha niya. Ang mukha ni Luna ay ipinagmamalaki ng guro ni Anne.Habang iniisip ito, naging maputla ang mukha ni Anne. Agad niyang sinubukan na iligtas ang sitwasyon. “Syempre, ang bawat tao po ay makakaengkwentro ng iba’t ibang problema. Hindi po ibig sabihin ay magtatagumpay po ang lahat dito…”Pagkatapos, yumuko siya at tumingin siya sa litrato na nasa kamay niya. “Halimbawa po, ang litrato na pinakita niyo sa akin. Kahit na maganda po ang itsura ng lalaki, hindi po masyadong natatangi ang mukha niya. Madali lang po maging kamukha niya…”
Dumirecho ang katawan ni Jude at tumingin siya ng seryoso kay Joshua.“Tumanggi si Hailey na makipagkita sayo.”Tumaas ng kaunti ang mga kilay ni Joshua, ngunit wala siyang sinabi.“Ito ang unang pagkakataon na ikaw ang gusto makipagkita kay Hailey. Hindi dapat siya tatanggi, per tumanggi siya.”Ngumiti si Joshua. “Ano ang rason na binigay niya?”“Sinabi niya na dahil daw bumalik na ang asawa mo. Sinabi niya na hindi na kailangan.”“Sabihin mo sa kanya na dapat akong makipagkita sa kanya, kung hindi, tatayo ako bilang representative ng pamilya Lynch at ihihinto ko na ang relasyon namin sa mga Walter.”Kumunot ang noo ni Jude dahil sa mga sinabi ni Joshua. “Joshua, hindi ba’t parang… medyo nababaliw ka na? Paano kung hindi si Hailey si Alice? Paano kung wala itong kinalaman sa kanila? Gusto mo ba…”“Gusto ko nang iklaro ang problemang ito.”Huminga ng malalim si Joshua at naglakad siya papunta sa French window. Tumingin siya sa repleksyon niya sa bintana at ngumiti siya ng mali
Agad na tumayo si Luna mula sa sofa. “Kinidnap sila?”“Opo.”Tila umiiyak si Lily. “Tinawagan ko na po si Mr .Lynch. Papunta na po siya doon. Pupunta rin po ba kayo? Sinabi po ng kindergarten teacher na nakikipaglaro po yung dalawa sa mga kaibigan nila nang biglang may dumating na kotse at may ilang mga lalaking nakasuot ng itim na kumuha po sa kanila. Masyado pong mabilis ang pangyayari. Hindi po nakakilos sa oras ang mga teacher.”Kinagat ni Luna ang mga labi niya. “Papunta na ako ngayon!”Pagkatapos, agad na bumaba ng sofa si Luna, nagsuot ng coat, at paalis na siya.Nagdalawang isip si Anne. “Saan ka pupunta?”“Kinuha sila Nellie at Neil ng mga taong hindi pa kilala,” Sumagot si Luna habang balisa niyang sinusuot ang mga sapatos niya.Nabigla si Anne. Agad niyang kinuha ang coat niya at sinundan niya palabas ng pinto si Luna. “Ano ba ang nangyayari?”Natataranta si Luna. Hindi niya alam kung paano niya ito ipapaliwanag, kaya’t bumaba na lang siya ng hagdan.“Sandali lang,
Aminin man ni Nigel na malakas ang mga tauhan ng kapatid niya.Pero kahit na malakas sila, dalawang tao lang sila.Walang magagawa ang dalawang lalaking ‘yun para pigilan ang grupo ng mga taong ito.Kung hindi nila ito mapipigilan sa unang subok, magiging mahirap para sa kanila na magpatuloy sa pagkilos.Sa mga sandaling ‘yun, ang tanging tao na naisip niya na may kakayahan, lakas, at tapang ay ang lalaking ‘yun.Pumikit si Nigel.Klaro ang mga kilos ni Luna. Mas gugustuhin niyang tawagan sina Zach at Yuri, pero hindi si Joshua.Gayunpaman, nakasugal ang buhay ng mga kapatid ni Nigel.Huminga ng malalim si Nigel. Nilabas niya ang USB stick na may external IP address at kinabit niya ito sa kanyang computer. Gamit ang incognito mode, tumawag siya kay Joshua.Sa mga sandaling ito, may grupo si Joshua ng mga tao sa entrance ng kindergarten, sinusubukan nilang suriin ang direksyon ng pinuntahan ng kotse.“Sir, kung tama po ang hula namin, nasa Ring Road na sila sa bandang labas ng
“Smith, bakit maraming kotse ang sumusunod sa atin?” Sumimangot ang driver ng van at tumingin siya sa mga itim na kotse na mabilis na humahabol sa kanila. “Malapit na sila. Dapat na tayong magmadali.”Sumimangot din ang lalaking may pangalan na Smith, na siyang nakaupo sa backseat. Tumingin siya sa labas ng medyo tinted na bintana. “Tama na ito. Bumaba na tayo sa susunod na intersection.”Sinipa niya ang dalawang nakatali na bata sa mga paanan niya at binalaan niya ang mga ito, “‘Wag kayong malikot!”Ang dalawang bata ay sina Neil at Nellie. Tinali sila ng mga kidnapper, pagkatapos ay nilagay sila sa paanan ni Smith. Halos isang oras na ang lumipas, ngunit sinipa niya na ito ng maraming beses.Nakataas ang isa sa mga binti ng pantalon ni Neil dahil sa panlalaban, makikita na puno ng mga pasa ang binti niya. Samantala, walang galos ang mga binti ni Nellie. Halata na pinoprotektahan ni Neil ang kapatid niya.Suminghal si Smith. “Mukhang isa ka talagang gentleman. Alam mo pang protek
“Mga gasgas lang po ito. Hindi po natin kailangan pumunta ng ospital. Umuwi na lang po tayo at gamutin ito.” Pinunasan ni Neil ang luha na tumulo sa kanyang pisngi, “‘Wag po kayong mag alala.”Pagkatapos, tumalikod siya at tumingin siya kay Joshua na pinapanood sila. “Mr. Lynch.”Tumingala si Neil at tumingin siya sa mga mata ni Joshua. “Pupunta po kami nila Nellie sa bahay ni Mommy. Salamat po sa pagligtas sa amin.”Tumingin si Joshua sa batang lalaking nasa harap niya mula sa pagtingin niya kay Luna. Umupo siya at sinabi, “Ako ang Daddy mo. Hindi mo na ako kailangan pasalamatan.”“Tama po, pero gusto ko pa rin po kayong pasalamatan.” Biglang tila may naalala si Neil. Tumingin siya kay Joshua at sinabi niya, “Hindi po kami gusto patayin ng mga tao na kumidnap sa amin, hindi rin po nila kami balak iparansom. Mukhang ang tanging rason po ng pagkidnap sa amin ay para bugbogin kami dahil sa paghihiganti. May kaaway po ba kayo nung nakaraan?”Hindi alam ni Joshua kung tatawa o iiyak s
Sumimangot si Nigel dahil sa mga tanong ni Joshua. Mababa ang boses niya pero matalas ang tono niya, at para bang tumagos ito sa kanyang phone. Kahit na malayo sila sa isa’t isa, naramdaman ni Nigel na para bang nakaupo si Joshua sa harap niya, tinititigan siya gamit ang matalas na mga mata nito. Nakakasakal ang pakiramdam na ito.Nagbuntong hininga si Nigel at kumapit siya sa hospital gown niya. Sa unang pagkakataon ng buhay niya, hindi naging sigurado si Nigel sa sarili niya. “Mr. Lynch, walang kinalaman ang pagkakakilanlan ko kela Luna at sa iba… Kapag dumating ang panahon, ipapakilala ko ang sarili ko sayo.”Tumawa si Josua at tumingin sa tulay na nasa karagatan. “Parang bata pa ang boses mo.”Kahit na peke ang boses na gamit ni Nigel, narinig pa rin ni Joshua ang pagkataranta sa tono ng boses niya. “Magkita tayo.”“Hindi na kailangan.” Nagbuntong hininga si Nigel at binaba niya na ang phone. Sa sandali na maputol ang signal, sumandal si Nigel sa ulo ng kama, naghihingalo. Medy