Agad na tumayo si Luna mula sa sofa. “Kinidnap sila?”“Opo.”Tila umiiyak si Lily. “Tinawagan ko na po si Mr .Lynch. Papunta na po siya doon. Pupunta rin po ba kayo? Sinabi po ng kindergarten teacher na nakikipaglaro po yung dalawa sa mga kaibigan nila nang biglang may dumating na kotse at may ilang mga lalaking nakasuot ng itim na kumuha po sa kanila. Masyado pong mabilis ang pangyayari. Hindi po nakakilos sa oras ang mga teacher.”Kinagat ni Luna ang mga labi niya. “Papunta na ako ngayon!”Pagkatapos, agad na bumaba ng sofa si Luna, nagsuot ng coat, at paalis na siya.Nagdalawang isip si Anne. “Saan ka pupunta?”“Kinuha sila Nellie at Neil ng mga taong hindi pa kilala,” Sumagot si Luna habang balisa niyang sinusuot ang mga sapatos niya.Nabigla si Anne. Agad niyang kinuha ang coat niya at sinundan niya palabas ng pinto si Luna. “Ano ba ang nangyayari?”Natataranta si Luna. Hindi niya alam kung paano niya ito ipapaliwanag, kaya’t bumaba na lang siya ng hagdan.“Sandali lang,
Aminin man ni Nigel na malakas ang mga tauhan ng kapatid niya.Pero kahit na malakas sila, dalawang tao lang sila.Walang magagawa ang dalawang lalaking ‘yun para pigilan ang grupo ng mga taong ito.Kung hindi nila ito mapipigilan sa unang subok, magiging mahirap para sa kanila na magpatuloy sa pagkilos.Sa mga sandaling ‘yun, ang tanging tao na naisip niya na may kakayahan, lakas, at tapang ay ang lalaking ‘yun.Pumikit si Nigel.Klaro ang mga kilos ni Luna. Mas gugustuhin niyang tawagan sina Zach at Yuri, pero hindi si Joshua.Gayunpaman, nakasugal ang buhay ng mga kapatid ni Nigel.Huminga ng malalim si Nigel. Nilabas niya ang USB stick na may external IP address at kinabit niya ito sa kanyang computer. Gamit ang incognito mode, tumawag siya kay Joshua.Sa mga sandaling ito, may grupo si Joshua ng mga tao sa entrance ng kindergarten, sinusubukan nilang suriin ang direksyon ng pinuntahan ng kotse.“Sir, kung tama po ang hula namin, nasa Ring Road na sila sa bandang labas ng
“Smith, bakit maraming kotse ang sumusunod sa atin?” Sumimangot ang driver ng van at tumingin siya sa mga itim na kotse na mabilis na humahabol sa kanila. “Malapit na sila. Dapat na tayong magmadali.”Sumimangot din ang lalaking may pangalan na Smith, na siyang nakaupo sa backseat. Tumingin siya sa labas ng medyo tinted na bintana. “Tama na ito. Bumaba na tayo sa susunod na intersection.”Sinipa niya ang dalawang nakatali na bata sa mga paanan niya at binalaan niya ang mga ito, “‘Wag kayong malikot!”Ang dalawang bata ay sina Neil at Nellie. Tinali sila ng mga kidnapper, pagkatapos ay nilagay sila sa paanan ni Smith. Halos isang oras na ang lumipas, ngunit sinipa niya na ito ng maraming beses.Nakataas ang isa sa mga binti ng pantalon ni Neil dahil sa panlalaban, makikita na puno ng mga pasa ang binti niya. Samantala, walang galos ang mga binti ni Nellie. Halata na pinoprotektahan ni Neil ang kapatid niya.Suminghal si Smith. “Mukhang isa ka talagang gentleman. Alam mo pang protek
“Mga gasgas lang po ito. Hindi po natin kailangan pumunta ng ospital. Umuwi na lang po tayo at gamutin ito.” Pinunasan ni Neil ang luha na tumulo sa kanyang pisngi, “‘Wag po kayong mag alala.”Pagkatapos, tumalikod siya at tumingin siya kay Joshua na pinapanood sila. “Mr. Lynch.”Tumingala si Neil at tumingin siya sa mga mata ni Joshua. “Pupunta po kami nila Nellie sa bahay ni Mommy. Salamat po sa pagligtas sa amin.”Tumingin si Joshua sa batang lalaking nasa harap niya mula sa pagtingin niya kay Luna. Umupo siya at sinabi, “Ako ang Daddy mo. Hindi mo na ako kailangan pasalamatan.”“Tama po, pero gusto ko pa rin po kayong pasalamatan.” Biglang tila may naalala si Neil. Tumingin siya kay Joshua at sinabi niya, “Hindi po kami gusto patayin ng mga tao na kumidnap sa amin, hindi rin po nila kami balak iparansom. Mukhang ang tanging rason po ng pagkidnap sa amin ay para bugbogin kami dahil sa paghihiganti. May kaaway po ba kayo nung nakaraan?”Hindi alam ni Joshua kung tatawa o iiyak s
Sumimangot si Nigel dahil sa mga tanong ni Joshua. Mababa ang boses niya pero matalas ang tono niya, at para bang tumagos ito sa kanyang phone. Kahit na malayo sila sa isa’t isa, naramdaman ni Nigel na para bang nakaupo si Joshua sa harap niya, tinititigan siya gamit ang matalas na mga mata nito. Nakakasakal ang pakiramdam na ito.Nagbuntong hininga si Nigel at kumapit siya sa hospital gown niya. Sa unang pagkakataon ng buhay niya, hindi naging sigurado si Nigel sa sarili niya. “Mr. Lynch, walang kinalaman ang pagkakakilanlan ko kela Luna at sa iba… Kapag dumating ang panahon, ipapakilala ko ang sarili ko sayo.”Tumawa si Josua at tumingin sa tulay na nasa karagatan. “Parang bata pa ang boses mo.”Kahit na peke ang boses na gamit ni Nigel, narinig pa rin ni Joshua ang pagkataranta sa tono ng boses niya. “Magkita tayo.”“Hindi na kailangan.” Nagbuntong hininga si Nigel at binaba niya na ang phone. Sa sandali na maputol ang signal, sumandal si Nigel sa ulo ng kama, naghihingalo. Medy
Ayaw gumawa ng masama ni Alice sa mga bata dahil ayaw niyang gawin ang parehong pagkakamali ni Aura na nagbunyag sa kanyang sarili. Bukod pa dito, hindi niya alam kung may tiwala pa sa kanya si Joshua.Ang lakas ng loob ni Yvonne na kidnapin ang dalawang bata!“Ano ba ang kinakatakutan mo?” Tinikom ni Yvonne ang mga labi niya. “Mula sa Sea City ang mga taong inarkila ko. Hindi sila mga lokal dito, at ang numero na ginamit ko para tawagan sila ay encrypted. Imposible para sa mga tao na matrack ako. Bukod pa dito, hindi ko naman sila inutusan na patayin, binugbog lang sila ni Smith.”“Hailey, bakit ka ba naduduwag, ngayon at ikaw na si Alice Gibson?”Huminga ng malalim si Alice. Hindi siya duwag; maingat lang siya!“Itapon mo ang lahat ng ginamit mo para kausapin sila at umalis ka na agad dyan! Bumalik ka na sa Sea City.” Mahigpit ang hawak ni Alice sa phone niya. “Umalis ka na dyan ngayon!”Pinalaki sa layaw si Yvonne ni Mr. Walter simula pa nung bata siya, at hindi niya alam ang
Tumigas ang kamay ni Luna. Matapos ang ilang saglit, tumawa siya ng mahina. “Tama ba ang pagkakarinig ko, Miss Gibson? Umarkila ka ng mga tao para kidnapin ang mga anak ko. Nakaupo sila ngayon sa harap ko, nilalagyan ng gamot ang sugat nila. Ngayon ay sinasabi mo na gusto mo ng kasunduan? Wala na tayong dapat pag usapan.”Habang nakasandal sa kama ng ospital, pumikit si Alice. “Paano kung ang gusto kong pag usapan ay ang tungkol sa divorce namin ni Joshua?”Kumunot ang noo ni Luna. “Anong ibig mong sabihin ?”“Ang ibig kong sabihin ay,” Sumagot si Alice. Huminga siya ng malalim at sinubukan niyang sumagot ng klaro. “Hindi ako ang umarkila sa mga tao na kumidnap kela Neil at Nellie. Alam mo naman na ngayon na hindi ako tanga. Kung gusto kong parusahan sila Neil at Nellie, marami akong paraan para gawin ‘yun. Hindi ko gagawin ang pinakabobong paraan.”Napahinto si Luna. “Anong binabalak mo?”“Alam mo naman na siguro ngayon na plan akong idivorce ni Joshua,” Ang sabi ni Alice habang
Ngunit tunay na nanay niya pa rin si Natasha.Niloko siya ni Joseph, pinalaki ni Natasha si Aura na para bang sarili niya itong anak.Kung anak talaga ni Natasha si Alice...Huminga ng malalim si Luna at kinagat niya ang labi niya. “Pwede kitang tulungan. Pero may kondisyon ako. Una, dapat mong ipangako, na hindi na kailanman pupunta si Yvonne Walter sa Banyan City. Pangalawa, dapat mong itrato sila Mama at Papa na parang sarili mong magulang, lalo na si Mama.”“Pangako!”Sa sandali na matapos si Luna; agad na pumayag si Alice.Ang kailangan lang naman nila Natasha at Joshua ay pera.Pareho naman na mayaman ang pamilya Walter at pamilya Lynch, pareho silang mayaman!“Sige pala.”Napahinto si Luna. “Pero maipapangako ko lang na sabihin kay Joshua na pagbigyan siya, kung gagawin niya ito o hindi… hindi ko ito maipapangako.”“Ayos lang, basta’t sabihin mo sa kanya!”Tila balisa si Alice, “Sampung minuto na ang lumipas simula nung mahuli ni Joshua si Yvonne. Gawin mo na ngayon.”