Ngunit tunay na nanay niya pa rin si Natasha.Niloko siya ni Joseph, pinalaki ni Natasha si Aura na para bang sarili niya itong anak.Kung anak talaga ni Natasha si Alice...Huminga ng malalim si Luna at kinagat niya ang labi niya. “Pwede kitang tulungan. Pero may kondisyon ako. Una, dapat mong ipangako, na hindi na kailanman pupunta si Yvonne Walter sa Banyan City. Pangalawa, dapat mong itrato sila Mama at Papa na parang sarili mong magulang, lalo na si Mama.”“Pangako!”Sa sandali na matapos si Luna; agad na pumayag si Alice.Ang kailangan lang naman nila Natasha at Joshua ay pera.Pareho naman na mayaman ang pamilya Walter at pamilya Lynch, pareho silang mayaman!“Sige pala.”Napahinto si Luna. “Pero maipapangako ko lang na sabihin kay Joshua na pagbigyan siya, kung gagawin niya ito o hindi… hindi ko ito maipapangako.”“Ayos lang, basta’t sabihin mo sa kanya!”Tila balisa si Alice, “Sampung minuto na ang lumipas simula nung mahuli ni Joshua si Yvonne. Gawin mo na ngayon.”
Nanatili si Neil sa kwarto ng kalahating oras.Pagkalabas niya, elegante niyang binalik ang phone sa nanay niya, “Sige po, pwede niyo na pong sabihin kay Alice na may ipadala siyang tao para sunduin ang babaeng ‘yun.”Kumunot ang noo ni Luna, kinuha niya ang phone kay Neil ng naghihinala. “Pumayag si Joshua na pakawalan siya?”Ngumiti si Neil at naglakad siya papunta sa sofa at humiga siya sa taas nito, nakataas ang mga paa niya. “Paano po siya tatanggi kung humingi ng pabor ang cute niyang anak?”Nagbuntong hininga si Luna, lumingon siya at pumunta siya sa balkonahe para tawagan si Alice.Nang masagot na ang tawag, pumikit si Neil at nagbuntong hininga, tinanong niya kay Nellie, “Sa tingin mo, hindi pa huli ang lahat para sa akin na matutong mag hacking?”Nakayuko si Nellie at nakapokus siya sa design ng isang necklace, tumingala siya at tumingin siya kay Neil na para bang nababaliw siya. “Ang kakayahan sa hacking ni Nigel at ang kakayahan ko sa design ay mga talento na bigay ng
Maghihiganti ang lalaking ito sa pinakamaliit na mga bagay.“Alice, sobrang sakit.”Nakabalot ng bandage na parang isang mummy si Yvonne. Binuksan niya ang kanyang bibig na para bang umiiyak siya, “Mukhang disente si Joshua sa labas, bakit siya malupit! Alice, dapat mo akong ipaghiganti…”Malamig na umirap si Alice. “Ipaghiganti mo ang pwet mo.”Kung hindi siya natakot na susuko si Yvonne sa pang aapi at pagtatanong ni Joshua, hindi niya dudumihan ang mga kamay niya!Namuo ang luha sa mga mata ni Yvonne dahil sa mga sinabi ni Alice. “Lahat ng ginawa ko, ginawa ko para sayo! Ngayon, ginawa ito sa akin ni Joshua Lynch at inutusan niya ako na umalis ng Banyan City, kung hindi, tatawag siya ng pulis at aarestuhin ako… Alice, lumaki tayo ng magkasama simula pa nung bata tayo, naging ganito ako dahil sayo, hindi mo ako iiwan dito para mamatay, hindi ba…?”Umikot ang mga mata ni Alice. “Para sa akin? Sinabi ko ba na gawin mo ‘yun? Tanga ka.”Kahapon, pinigilan ni Yvonne sina Joshua at
Maliwanag sa loob ng Lynch Mansion.Umupo sa sofa si Joshua, tahimik na nakikinig sa lola at tatay niya habang sinesermonan siya.“Bakit mo biglang inannounce na makikipag-divorce ka!”“Si Alice ang nanay ng dalawang bata, nakuha mo ba ang basbas namin? Bago mo iannounce na makikipag-divorce ka?”“At ididivorce mo si Alice para kay Luna!”Nakaupo si Granny Lynch sa sofa, hinampas niya ng malakas ang tungkod niya sa sahig. “Sinabi ko na sayo na hindi magandang balita si Luna! Una sa lahat, pinaalis mo si Aura dahil sa kanya, at ngayon ididivorce mo si Alice! Magkasunod niyang pinaalis ang dalawang babae, sumisira siya ng pamilya!”Sumimangot si Adrian dahil sa sinabi ng matandang babae. “Joshua, ano ba ang iniisip mo? Kahit na para sa mga bata ito, hindi ka dapat agad mag divorce.”Yumuko si Joshua, pinaglaruan niya ang phone sa kamay niya.Makalipas ang mahabang sandali, tumingala siya at tumingin siya sa mukha ng tatay niya. “Dad. Dati lang, hindi ba’t sinabi niyo na pakasalan
Ang boses ng babae ay dumiretso sa tainga ni Joshua.Kumunot lalo ang noo niya.Sa loob ng bahay, tahimik na tumingin sa orasan si Nellie.Lumipas na ang 20 minuto simula nung nagsend siya ng mga litrato sa tatay niya.Kahit gaano man siya kalayo, dapat nandito na siya ngayon!Kaya’t tinikom ng batang babae ang mga labi niya, tinaas niya ang phone niya at nagsend siya ng isang pang message kay Joshua.[Daddy, nasaan na po kayo?]Ang ringtone ay tumunog ng malakas sa hallway.Agad na nagulat ang ilang tao na kumakain sa loob.Ang tunog… ay galing sa labas ng pinto nila!Si Neil ang unang kumilos, bumaba siya ng upuan at naglakad siya papunta sa pinto, binuksan niya ito.“Mr. Lynch?”Tumingin ng nalilito ang batang lalaki sa lalaking nakatayo sa labas ng pinto, pagkatapos ay tumalikod siya at tumingin siya kay Nellie, na para bang may naalala siya.Napagtanto ng batang babae na nabunyag na ang mga kilos niya at yumuko siya ng nahihiya.Lumingon si Theo at tumingin siya sa l
Naging tahimik ang kwarto.Tumingin ng malamig si Joshua kay Theo, pagkatapos ay tumingin siya kay Luna.Sa huli, ngumisi siya ng malamig, “May ibang tao pa ba dito na pumapayag na ikaw ang boyfriend ni Luna?”Sumingkit si Theo, ngunit wala siyang sinabi.Sumimangot si Luna, tumingin siya ekspresyon ni Joshua na puno ng panunuya.Makalipas ang ilang sandali, ngumiti ng maliit si Luna. “Boyfriend ko nga talaga si Theo. Kung magpipilit si Mr. Lynch na sumama sa amin ng mga anak ko, isasama ko rin ang boyfriend ko. Hindi na rin masama ang magbakasyon ng magkakasama ang limang tao.”Gustong gamitin ni Luna ang paraan na ito para mapilitan na umatras si Joshua.Dahil alam niya na ayaw ni Joshua kay Theo, hindi sasama si Joshua kung kasama si Theo.Ngunit, sa hindi inaasahan...Sa sandali na bumuka ang bibig niya, sabay na sumagot ang dalawang lalaki.“Sige.”“Walang problema.”Nabigla si Luna.Napatingin siya kay Theo na nasa tabi niya, pagkatapos ay tumingin siya kay Joshua na
Sinubukan ni Theo na kumbinsihin ang sarili na walang nangyari sa kanilang dalawa.Pero ngayon…Nilapag niya sa mesa ang walang laman na baso, lumingon at bahagyang ngumiti kay Luna.”Bigla akong nag crave sa fried chicken, sasamahan ko na lang sila Neil at Nellie.”Kasabay nun, ngumiti siya ng pilit at tumalikod para umalis.Sa kalabog, muling isinara ang pinto.Napapikit si Luna sa desperasyon.Malamang iniisip ni Theo na siya ay isang madaling babae, bilang isang sinungaling.Ilang beses niyang binanggit noon na hindi siya interesado kay Joshua.Ngunit, ang hindi pagiging interesado sa kanya ay isang bagay.Ang pagliligtas kay Nigel ay isang ganap na naiibang bagay.Ngunit hindi niya masabi ang totoo sa lahat ng hindi nakakaunawa sa kanya."Sumama yata ang pakiramdam mo?"Biglang umalingawngaw ang boses ni Joshua sa tabi ng kanyang tainga, puno ng paghamak.Kumunot ang noo ni Luna.Sa sandaling dumilat siya, agad siyang idiniin ni Joshua sa upuan, nakasandal sa kanya,
Kinaumagahan, nakatanggap si Luna ng tawag mula kay Joshua pagkagising niya."Hinihintay ka ni Yuri sa ibaba, isang linggo tayo sa Sea City, mag-impake ka ng mga gamit mo."Tinapos ni Luna ang tawag sa frustration.Pagkababa ng phone niya, sinilip niya ang oras, 7am pa lang.Matagal siyang pinahirapan ni Joshua kagabi, paano pa siya naging masigla?Pagkatapos maghilamos, lumabas si Luna sa kwarto at nakita si Nellie at Neil na nakatayo sa sala at ang malaking maleta sa tabi nila.Nang makita siyang lumabas, nginitian siya ng dalawang bata. "Maligayang paglalakbay!"Natawa siya sa nakita at naglakad papunta sa kanila, binuksan ang maleta.Sa loob ay may pitong araw ng kanyang mga damit at pang-araw-araw na pangangailangan. Ang kanyang hindi natapos na mga drawings ay nakatiklop nang maayos sa bulsa sa gilid.Nang hindi man lang nag-iisip, alam niyang tiyak na gawa ito ni Nellie.Kahit maalalahanin si Neil, bata pa rin siya.Itinaas ni Luna ang kanyang kamay at ginulo ang buho