Kinagat niya ang mga labi niya at tumingin siya ng seryoso sa mukha ni Joshua. “Pakiusap. Pakiusap ‘wag mong buksan ang pinto.”Sa mga sandaling ito, wala na siyang ibang magagawa.Isang insulto para sa mga mata ni Joshua ang pagmamakaawa niya. Mahalaga ba talaga para sa kanya si Theo? Ayaw niya ba na malaman ng ibang lalaki ang tungkol sa kanila?Dahil mas ayaw ito ni Luna, mas gusto ni Joshua na ipaalam kay Theo na sa kanya si Luna!Habang iniisip ito, agad na binuksan ni Joshua ang pinto.Pumasok ang hangin mula sa corridor. Naramdaman ni Luna ang malamig na hangin sa kanyang mukha. Hindi dapat siya umasa sa tao na tulad ni Joshua.Mabuti na lang at tinapos na ni Theo ang tawag.“Lu…”Tumaas ang tingin niya at tatawagin niya na sana si Luna nang makita niya ang matangkad na lalaki na nakatayo sa tabi ng pinto.Nabigla ng ilang saglit si Theo. Pagkatapos, ngumiti siya. “Mr. Lynch, wala ka bang bahay?”Ngumiti ng peke si Joshua. “Ang bahay ko ay nasa kahit saang gusto ko.”
9am.Puno ng tao ang City Sports Center.Nang makarating na sina Luna at Theo, nakahanda na ang mga camera ng mga reporter at nakaharap ito sa main stage.Nang makita siya ni Natasha, agad siya nitong nginitian at sinalubong. “Ms. Luna, pumunta ka talaga.”Pagkatapos, nilabas ni Natasha ang recording mula sa bulsa nito. “Iniisip ko na kapag hindi ka pumunta, ilalabas ko ang recording.”Pagkatapos, binigay niya ang recording device kay Luna. “Dahil nandito ka na, hindi ko na kailangan ang recording device. Ibabalik ko na ito sayo.”Tumingin si Luna kay Natasha. Tinanggap niya ang recording device at hinagis niya ito sa basurahan. Pagkatapos, tumingin siya sa orasan.“Halos oras na po. Magsimula na tayo.”Medyo pangit ang ekspresyon ni Natasha. Umubo siya bago siya lumingon sa host. “Pwede na tayo magsimula.”“Sige.” Tumawa ng mahina ang host.Nang marinig ni Luna ang boses ng babae, kumunot ang noo niya. Medyo pamilyar ang boses nito sa kanya.Napatingin siya at nakita niya n
‘Yun pala ang binabalak nila.Kaya pala pinilit ni Natasha si Luna na pumunta sa press conference ngayong araw. Kaya pala sadya na dinala ni Alice si Granny para magshopping.Pinaghandaan ni Alice ang lahat.Hinulaan ni Alice na hindi ikaklaro ni Luna ang pangalan niya habang nasa press conference, kaya’t sadya niyang pinapunta si Granny Lynch.Iba ang intensyon niya para sa press conference. Ginamit ito ni Alice para pilitin si Joshua na tanggihan ang relasyon nila ni Luna sa harap ni Granny Lynch. Ito ang tunay na intensyon niya.Mahusay ang pag iisip ni Alice.Noon, kapag nakita ni Joshua na umiiyak si Luna Gibson, nababasag ang puso niya.Ngayon naman, habang nakikita niyang umiyak si Alice, gusto niya lang na ngumisi.Tumalikod si Joshua at umupo siya sa tabi ni Granny Lynch. “Mabuti po, gusto ko rin po makita kung ano ang mangyayari.”Pagkatapos, tumaas ang kilay ni Joshua at tumingin siya kay Alice. Sinabi niya ng may malamig na tono, “Umupo ka.”Kinagat ni Alice ang m
Parehong sumimangot sina Alice at Granny Lynch dahil sa mga sinabi ni Luna sa malaking screen.Hindi ba’t ito ang press conference para iklaro ni Luna ang pangalan niya? Bakit… umamin siya dito?Tumingin si Granny Lynch kay Alice. Agad na yumuko si Alice at pinagdikit niya ang mga kamay niya.Sa mga sandaling ito, ang press conference ay nagkakagulo na.Nagbibigay ng mga tanong ang mga reporter.“Ms. Luna, sinabi niyo na may mga intensyon kayo kay Mr. Lynch, anong ibig sabihin nito?”“Umaamin ba kayo na gusto niyong akitin si Mr. Lynch? Umaamin ba kayo na isa kayong kabit?”“Ms. Luna, matapang niyong inaannounce na isa kayong kabit, sigurado ba kayo na mabuti ito?”Parang mga lumilipad na bola ng kanyon ang mga tanong na ito.Habang nasa gitna ng bagyo, kalmado pa rin si Luna. Ngumiti siya. “Kailan ko ba sinabi na isa akong kabit? Hindi ba pwedeng nilalapitan ko lang si Joshua para sa pera niya?”Naging tahimik ang buong venue.Tumawa si Luna, “Sinabi ng internet na nanatili
Biglang may mariring na malinaw na boses ng babae.Tumahol ng malamig si Yvonne at tumayo siya. “Sino ang nagsabi na pwede lang magkaroon ng affair si Joshua Lynch ng gabi?”Nang makita ni Theo ang mayabang na tingin ni Yvonne, kumunot ang noo niya at ngumiti siya. “Si Alice ang nagsabi nun.”“Baka ginagawa ka lang niya ng dahilan.” Tinikom ni Yvonne ang mga labi niya. “Kung sabagay, magiging masama ang imahe nila kung ang isang lalaking boss ay may affair sa kanyang babaeng staff.”Pagkatapos, nagbuntong hininga siya, “Ms. Luna, kung inosente talaga kayo ni Mr. Lynch, bakit ikaw lang ang pinaghihinalaan ni Mrs. Lynch at hindi ang ibang babae?”“Tama, tama,” Agad na sumingit si Natasha. “Dati nang mabait, masunurin, maamo, at mapagmahal ang anak ko. Hindi siya magaakusa ng kung sino sino lang.”Pagkatapos, tila may naisip si Natasha. Tumayo siya at sinabi niya, “Noong kasama ng anak ko si Joshua Lynch noong nakalipas na anim na taon, may mga katrabaho rin naman na babae si Joshua
Tumahimik si Joshua dahil sa mga sinabi niya. Hindi siya makasagot.Kahit na ayaw niya itong aminin, ang katotohanan, bago pa bumalik si Alice, may nararamdaman na siya para kay Luna na iba sa ibang mga babae.Nang mapagtanto niya na ibang iba na si Alice kumpara sa nakalipas na anim na taon, lumalim ang damdamin niya para kay Luna, sa sobrang lalim ay habang lasing siya, ginawa niya...Lumalim ang pagkamuhi sa mga mata ni Alice dahil sa katahimikan ni Joshua. Kinagat niya ang mga labi niya.“Joshua, nakalimutan mo na ba? Bago ka bumalik, kung ano ang sinabi mo sa publiko? Sinabi mo na basta’t nakabalik na ako, gagawin mo ang lahat. Sinabi mo na kahit anong mangyari pagbalik ko, ako pa rin ang pinakamahalagang tao para sayo.”Ang sinabi ni Alice habang nakayuko at pinunasan niya ang mga luha niya. “Joshua, nakalimutan mo na ba ang mga sinabi mo?”Habang nakatingin sa mga tumutulong luha, may bahid ng pagsisisi sa puso ni Joshua.Gayunpaman, mas naiinis lang siya.Hindi niya ala
“Ngayon, may sagot na ako.”Lumapit si Joshua kay Granny Lynch at inagaw niya ang kanyang phone. “Kahit gaano pa kalalim ang pagmamahal ko sa isang tao, hindi ko hahayaan na pekein niya ang katotohanan o ipahamak ang isang inosenteng babae.”Pagkatapos, tumingin siya ng malamig kay Alice. “Higit pa dito, mukhang hindi ko na siya mahal tulad ng dati.”Pagkatapos, umalis na si Joshua.Ginitgit ni ALice ang ngipin niya. Gusto niyang sundan si Joshua, ngunit hinagis ni Granny Lynch ang tungkod niya sa sahig. “Nagrerebelde siya! Makulit ang batang ito!”Tumalikod si Alice at bumalik siya kay Granny Lynch. “Granny, ‘wag po kayong magalit…”…Lumabas ng mall si Joshua at agad siyang nagmaneho papunta sa City Sports Center.Nang makarating na siya, tuloy pa rin ang press conference.Nagpapaulan pa rin ng mga nakakahiyang tanong ang mga reporter kay Luna.“Lahat kayo.”Biglang may boses ng bata mula sa loudspeaker.Tumigil ang mga reporter na nagpapaulan ng mga tanong. Bakit may bos
Hindi lang ang mga reporter ang nagulat sa pagdating ni Joshua, nagulat rin sina Luna at Theo na nasa entablado.Nagkatinginan silang dalawa. Sinabi ni Luna ng may mahinang boses, “Pinapunta mo ba siya?”Inosenteng tinaas ni Theo ang parehong kamay niya. “Pangako, hindi ako ang may gawa nito.”Habang nag uusap ang dalawa, pumunta na si Joshua sa tabi ni Luna.Kinuha niya ang microphone sa harap ni Luna at sinabi niya ng may malamig at mababang boses, “Kung inaakusahan ako ng lahat na may affair ako kay Luna, paano ako hindi pupunta?”Kalmadong umupo si Joshua sa tabi ni Luna. Tumingin siya sa mga reporter na parang ang pagtingin ng isang emperador sa kanyang mga tauhan. “Kung may mga tanong pa kayo, pwede niyo akong tanungin. Hindi ko na papahirapan si Luna.”Sobrang lamig nang kanyang aura at napatahimik ang lahat.Ang mga reporter na umaatake kay Luna kanina ay tumahimik rin.May ilan na gustong tumakas, ngunit pinigilan sila nila Lucas, Zach, at Yuri sa entrance.Mahabang s