Ano ang bagong dahilan ni Joshua.Hindi siya lasing.Alam niya kagabi na si Luna ay hindi si Luna Gibson.Gayunpaman...Ding, dong! Biglang tumunog ang doorbell.Kasunod ng tunog ng doorbell ay ang nagaalalang boses ni Theo. “Kamusta ka na? Mabuti na ba ang pakiramdam mo? Dinalhan kita ng agahan. Tara at kumain ka.”Naaalala pa rin ni Theo kung gaano kalungkot si Luna dahil sa tawag ni Nellie.“Luna?”Kumunot ang noo ni Joshua. Tatayo na siya at bubaksan sana ang pinto, ngunit pinigilan siya ni Luna.“‘Wag mo akong ipahiya! Baka hindi ito nakakahiya para sa iyo, pero nakakahiya ito para sa akin!”Kinagat niya ang labi niya at tinulak niya si Joshua papasok ng kwarto.“Kapag lumabas ka, ilalabas ko sa publiko ang footage ni Alice sa art gallery!”Sinara ni Luna ang pinto ng bedroom. Nilagay niya rin ang mga sapatos ni Joshua sa likod ng bagahe.Pagkatapos, huminga ng malalim si Luna at binuksan niya ang pinto.“Gising ka na?” Tumawa ng mahina si Theo. Pumasok siya ng kwart
“Ibaba mo ‘yan!”Habang nakatulala na nakatingin si Joshua sa photo album, bigla siyang nakarinig ng boses ng babae sa likod niya.Sa sumunod na sandali, agad na lumapit si Luna at inagaw ang photo album sa mga kamay ni Joshua. “Sino ang nagbigay sayo ng permiso na galawin ang mga gamit ko?!”Ang photo album na ito ay regalo sa kanya ni Nigel. Palagi nang nasa hospital si Nigel simula nung matuklasan nila na may leukemia siya.Kahit na bata pa si Nigel, alam niya na ang tungkol sa buhay at kamatayan. Natatakot siya na baka mamatay siya balang araw at mamiss siya ni Luna, kaya’t palihim niyang ginawa ang photo album na ito para kay Luna.“Wala po kaming litrato ni Neil na magkasama kami sa album na ‘to. Kapag balang araw, namatay po ako, tratuhin niyo po kami ni Neil na isang tao na lang.”Narinig pa rin ni Luna ang mga sinabi ni Nigel noon.Nang makita ni Joshua na kabado si Luna, kumunot ang noo niya. Nagkaroon ng seryosong sakit si Neil?”“Hindi.” Tumalikod si Luna at maingat
Ang tanging tao na nakakita ng video ay si Nigel.Isang mature na bata si Nigel, at hindi niya ipopost ang video ng basta basta lang. Maliban sa kanya, wala nang iba.“Bibigyan kita ng isang araw para pag isipan ito. Mas mabuti kung bibigyan mo ang ng listahan ng mga tao na maaaring makakuha ng footage. Gusto ko sila imbestigahan ng isa isa.”Nalito si Luna dahil dito. “Kung sa tingin mo ay masamang balita ‘yun, bakit hindi mo na lang iblock?”Tumingin si Joshua ng malamig kay Luna. “Maaapektuhan si Alice dahil sa footage na ito. Dapat kong hanapin ang pinanggalingan nito para pigilan ang taong ‘yun nag ipost ulit, para hindi na magdusa si Alice.”Natawa sa loob si Luna dahil sa pagpapanggap ni Joshua na mahalaga sa kanya si Alice.Natulog siya sa bahay na ito, ngunit nag-aalala naman siya ngayon kay Alice, nag iisip ng paraan para malutas ang problema para kay Alice.Ang bait naman ng lalaking ito.Biglang tumunog ulit ang doorbell.Tumunog ang malinaw at maamong boses ni The
“Luna.”Pagkatapos magpaalam kay Theo, pumasok si Luna sa Lynch Group Tower nang may huminto sa kanya.Ito’y walang iba kundi ang tao na may eksaktong mukha ng dati niyang sarili, si Mrs. Lynch.Puno ng tao ang lobby ng opisina.Dahil sa balita kagabi, pati ang nangyari sa video nung nakaraan, tila alam na ng lahat ng nasa opisina ang tungkol kay Luna at kay Alice.Naghihintay ang lahat sa mga mangyayari. May sumilip ng palihim, habang ang iba naman ay mas matapang at nilabas nila ang kanilang phone at nagsimula silang mag record.Ayaw ni Luna ang pakiramdam na nasa kanya ang atensyon ng lahat.Kumunot ang noo niya at tumingin siya ng malamig kay Alice. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin.”Thud! Agad na lumuhod si Alice sa harap ni Luna ng walang pasabi, nabigla ang mga tao sa lobby.Si Alice ang asawa ni Joshua!Lumuhod ang asawa ng boss kay Luna, na siyang isa lang staff ng opisina!Umatras si Luna at kinurot niya ang noo niya. Tama nga ang sinabi niya sa kotse kanina
Yumuko si Luna at tumingin siya kay Alice na nasa sahig.“Ang galing mo naman mag acting, Mrs. Lynch.”Tumingala si Alice at tumingin siya kay Luna na may luhaan na mga mata. “Hindi mo pa rin ba ako pinagbibigyan, ganun ba?”“Tinulak ka lang niya! Painting lang ‘yun!”“Binayaran ng asawa niya ang painting, at hindi mo naman ‘yun pera. Bakit hindi mo siya pagbigyan?”“Pati, sino ang ordinaryong babae na magtatrabaho kasama ang asawa ng iba ng gabing gabi? Kanino ka nagsisinungaling?”“Tinuturuan lang naman ng tunay na asawa ng leksyon ang kabit. Ngayon at humingi ang asawa ng tawad, ayaw pa rin siya pagbigyan ng kabit? Anong klaseng mundo ito?”“Bago pa umuwi si Mrs. Lynch sa bansa, hindi ba’t inannounce nila ang relasyon nila? Sigurado ako na nagsama na sila bago pa ‘yun?”Habang luhaan, tumingin si Alice sa mga tao na nagsasalita ng masama kay Joshua. “‘Wag kayong magsabi ng kalokohan. Mabuti ang pagtrato sa akin ng asawa ko. Alam ko kung gaano niya ako kamahal. Nadala lang s
Sa loob ng Central Hospital.Nakaupo sa bench si Nellie habang naglalaro ang mga paa niya at sumisipsip ng lollipop.Tumingin siya sa bintana gamit ang malaki niyang mga mata. Pilit na pinapahiga ni Joshua ang isang bata para makakuha ang doktor ng dugo ng bata.“Uncle Lucas, bad mood po ba si Daddy?”Linggo ngayon. Hindi kailangan pumunta nila Nellie at Neil sa kindergarten. Plano nilang manatili sa bahay, ngunit pumasok si Joshua sa mga kwarto nila ng umaga at dinala sila sa hospital para sa isang checkup.Lalo na para kay Neil.Mas marami pa siyang test kaysa kay Nellie.Hindi alam ni Lucas kung paano ito ipapaliwanag kay Nellie. Pinunasan niya lamang ang pawis niya. “Uh… baka iniisip ni President Lynch na tamang oras na para macheckup ang katawan niyo…”Sa totoo lang, hindi rin alam ni Lucas kung ano ang binabalak ni Joshua.Nung dumating sila sa Lynch Group nung umagang ‘yun, nakita niya si Alice na may kasamang mga lalaki sa entrance habang nag uusap ang mga ito.Iniisi
Agad na dinelete ni Neil ang litrato.Kahit na magkamukha talaga sila ni Nigel, may maliit na pagkakaiba pag may tumingin ng malapit.Isang metikulosing tao si Joshua, at natatakot si Neil na baka mapansin niya ito.Pagkatapos idelete ang litrato, binalik niya ang phone kay Joshua. “Ano pa po ba ang mga test? Gawin ko na po, pero ‘wag niyo na po akong istorbohin ng buong araw.”Kumunot ang noo ni Joshua. “Bakit bigla ka naging masunurin?”Pilit na tumanggi si Neil simula nung dalhin siya sa hospital. Kung hindi dahil dito, hindi sana siya babantayan ng malapit ni Joshua.Sino ang nakakaalam na magiging masunurin siya pagkatapos makita ang litrato?Umikot ang mga mata ni Neil. “Akala ko po natatakot kayo na wala kaming sakit, at hiniling niyo po na mamatay kami ng maaga. Pagkatapos ko pong makita ang litrato, alam ko na po na nag aalala lang po kayo sa akin. Kaya susunod na lang po ako sa gusto ko o sa hindi.”Pagkatapos, hindi na pinansin ni Neil si Joshua at tinupi niya pataas
Binaba ni Joshua ang phone at nilabas niya ang phone niya para tumawag ka Alice.Sa sandali na tumatawag siya, may narinig siya na pamilyar na ringtone mula sa entrance ng elevator sa dulo ng corridor.Napalingon si Joshua dahil dito.May mabilis na lumapit na isang luhaan na Alice. “Ayos lang ba sila Neil at Nellie? Bakit mo sila pinacheck up?”Nang makita ni Joshua ang luhaan at nag aalalang itsura ni Alice, napuno ng pagkasuklam si Joshua.Nung umuwi siya para sunduin sila Neil at Nellie, tinanong niya pa kay Lily kung alam ni Alice na nagdusa ang mga bata kagabi.“Pagkatapos niyo pong umalis kagabi, pumasok po si Mrs. Lynch sa kwarto at hindi na po siya lumabas ulit. Nitong umaga po, nung gumising siya, bumaba po siya para mag agahan at umalis na po agad siya.Narinig pa rin ni Joshua ang boses ni Lily. “Pagkatapos niya pong painumin ng gatas sina Neil at Nellie, hindi na po ulit siya pumunta sa kwarto ng mga bata.’Tumingin si Joshua sa luhaan na si Alice, at nakaramdam si