Ang pamilya Hughes ay tunay na nagpapasalamat kay Kate sa paggising kay Steven, at nang marinig nilang binanggit ito muli ni Kate, nagpalitan ng tingin ang mga magulang ni Steven sa isa't isa.Maya-maya, naglakad si Mrs. Hughes papunta kay Kate at hinawakan ng mahigpit ang kanyang mga kamay. "Kate, alam kong masama ang loob mo. Sa tingin ko wala lang sa tamang pag-iisip si Steven ngayon dahil sa p*tang yun. Pero wag kang mag-alala, dahil kakampi mo kami. Gagawin naming magbago ang isip niya. Hindi siya makikipaghiwalay sayo."Mariing tumango si Mr. Hughes. "Tama yun Kate. Huwag ka nang malungkot. Hangga't nabubuhay kami, ikaw ang tanging manugang na sinasang-ayunan namin!"Kinagat ni Kate ang kanyang labi at tumigil sa pag-iyak. "Salamat, Mr. Hughes. Salamat, Mrs. Hughes.""Sweet na babae." Nabuhayan ng loob si Mrs. Hughes nang makitang tumigil sa pag-iyak si Kate. Hinawakan niya ang kamay ni Kate at gusto niya itong isama para tingnan si Steven."Wag na po." Ngumuso si Kate, nang
Sa sobrang lakas ng bagsak ng lalaki sa sahig ay hindi siya makatayo. Pagkatapos ng mahabang sandali, tumayo na siya mula sa sahig at lumingon siya at nabunyag ang kanyang mukha na puno ng sugat. Sa sobrang dami ng sugat ay hindi mamukhaan ang kanyang mukha. “Ms. Miller, ginawa ko na ang lahat para piliin ang taong pinaka bagay para sa trabahong ito. HIndi ko inaasahan na darating ng sakto si Steven at mabangga siya ng truck…” “Sigurado ako na sa tingin niyo ay kasalanan ko ito, pero dapat ninyong aminin na hindi rin ito parte ng plano niyo, hindi ba? Sinundan ko ang lahat ng instruction na ibinigay niyo sa akin…” Tumayo ang lalaki mula sa sahig at umupo siya sa sofa. “Nagpadala na ako ng mga tauhan para bantayan sina Joshua at Thomas, at pumili pa ako ng oras kung saan wala sila para dito.” “Hindi ko kasalanan na hindi nasunod ang plano…” Mabagal na nawala ang galit ni Kate nang marinig niya ito. Umikot ang mga mata niya at sinabi niya ng malamig, “Mabuti na lang at mukhan
Sumingkit ang mga mata ni Thomas. “Nandito si Malcolm sa Saigen City?” Ang mga tauhan niya ay hinahanap si Malcolm sa Merchant City, at noong una, nahanap pa rin nila ang phone signal nito. Ngunit, noong isang buwan ang nakalipas, naglaho ang signal ng phone nito. Kahit anong gawin nila, tila hindi niya mahanap ang kinaroroonan ni Malcolm pagkatapos nito. Ito ay para bang naglaho bigla si Malcolm. Gayunpaman, walang intensyon si Thomas na pakawalan si Malcolm. Dahil sa pakikialam ni Malcolm, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Thomas kila Joshua at Luna ng matagal at halos mapunta pa siya sa gulo. Hindi lang ‘yun, halos mapatay pa si Bonnie! Kahit na hindi direktang naging parte si Thomas dito, hindi niya pa rin mapigilan na pagsisihan ang mga kilos niya. Kung hindi siya naniwala kay Malcolm at kung hindi niya dinala ito sa Merchant City, baka hindi sana napunta sa ganoong sitwasyon si Bonnie. Kaya naman, kailangan magbayad ni Malcolm, at dahil dito, nag utos siya ng ta
Sumingkit ang mga mata ni Thomas nanag marinig niya ito. “Totoo ba ito?” Bago ito sa kanya. “Syempre naman!” Napuno ng tagumpay ang mga mata ni Tina nang mapansin niya na gumagaan na ang ugali ni Thomas. “Syempre totoo ito. Alam ko na nagsinungaling ako sayo dati, Thomas, pero hindi ko na ito uulitin.” “Tutal, alam mo kung gaano kagaling ang tumutulong sayo, si Joshua Lynch, sa trabaho niya—nakuha niya na ang karamihan sa mana ng pamilya. Alam ng tatay mo na kung hindi siya umamin sa mga pagkakamali niya ngayon, wala siyang paraan para labanan ka.” “Pati kumakapit pa rin siya sa ego niya, kaya pinilit niya ako na tawagan ka para kumbinsihin ka na umuwi. Pagkatapos, hihingi siya ng tawad sayo, at pwede niyong pag usapan ang lahat.” Ginagawa ni Tina ang lahat para makumbinsi si Thomas na umuwi. Sumingkit ang mga mata ni Thomas dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumisi siya at suminghal siya. “Kung ganun, naisip niya na dapat ito sa simula pa lang.” Ito ang rason ku
Nasa hospital si Yannie kasama sina Luna at Rachel, pinapagaan nila ang loob ni Gwen nang makatanggap siya ng phone call mula kay Thomas. Simula sa oras na bumalik siya sa hotel, tahimik nang nakaupo si Gwen sa harap ng bintana, nakatitig sa tanawin sa labas. Kahit anong gawin nila Luna at Rachel, laging nakatitig lang si Gwen sa bintana na para bang wala siyang naririnig sa kahit anong sabihin nila—hanggang sa dumating si Yannie. Hinawakan ni Yannie ang kamay niya at inilarawan niya ang lahat ng nangyari kay Steven. Bumalik ang pamilyar na liwanag sa mga mata ni Gwen. Lumingon siya para tumitig ng nalilito kay Yannie. “Sinasabi mo ba na si Steven at Luke ay posibleng magkapatid, at baka kambal pa sila?” Tumango si Yannie. “Narinig ko na sinabi ito ng isa sa mga espiya ni Thomas. Ang nangyari pala ay ang pamilya Hughes ay biniyayaan ng dalawang anak na kambal, pero sa hindi malamang rason, may sakit ang mga bata simula pa noong ipinanganak sila, at ang isa sa kanila ay halo
Huminto si Yannie at napatingin siya sa saradong pinto. “Kasama ko ngayon si Gwen—” “Kailangan kita, Yannie,” Sumingit si Thomas bago pa matapos magsalita si Yannie. May bahid ng pagkasabik sa boses niya at sinabi niya, “Dahil… baka isa ito sa pinaka importanteng araw sa buhay ko, kaya gusto kong masaksihan mo ito kasama ko.” Kinagat ni Yannie ang labi niya at tumahimik siya nang marinig niya ang hiling ni Thomas, pagkatapos ay pumayag na siya. “Sige, sasama ako sayo.” Pumayag siya hindi dahil ayos lang sa kanya na iwanan si Gwen, ngunit dahil… Kasama ni Gwen sina Luna at Rachel, ngunit siya lang ang taong kasama ni Thomas. Kahit na si Thomas ay isang sikat na celebrity na maganda ang itsura, mayaman, at may magandang family background, alam ni Yannie na malungkot at walang kasama si Thomas. Simula noong pumanaw ang nanay ni Thomas at nagpakasal ulit ang tatay niya, pakiramdam ni Thomas na inabandona siya at madalas siyang mag isa. Siya at si Riley lang ang maituturing ni T
Lumingon si Yannie para tumingin sa gwapong mukha ni Thomas, ngumiti siya. Kakarating ko lang.” “Sinungaling.” Nagbuntong hininga si Thomas, pinunasan niya ang pawis niya gamit ang manggas niya, at pagkatapos ay tinulungan niya si Yannie papasok ng kotse. “Tara na.” Habang nakaupo sa passenger seat, nagsuot ng seatbelt si yannie at lumingon siya para tumitig kay Thomas. “Ano ang gagawin natin ngayong hapon?” Ngumiti si Thomas at sinabi niya habang binubuksan ang makina, “Malalaman mo rin mamaya, maraming taon ko nang hinihintay ang araw na ito.” Kahit na alam ni Thomas na ang tatay niya ay hindi humihingi ng tawad dahil sa pagsisisi, dahil sa sitwasyon ngayon, sapat na ang umamin ang tatay niya sa pagkakamali nito. Kapag sumapit na ang kaarawan ng nanay niya, pwede nang bisitahin ni Thomas ang puntod ng nanay niya at sasabihin niya na ang anak nito ay tumulong na para ipaghiganti ang pagkamatay nito. Nagbuntong hininga si Yannie nang makita niya na nakangiti si Thomas, ngun
Tumawa ng awkward si Tina. “Hinihintay ka ng tatay mo sa bahay, pero may mahalagang sitwasyon na nangyari sa company branch, kaya kailangan niyang umalis ng maaga…” Hindi mapigilan ni Tina na magbuntong hininga at idinagdag niya, “Alam mo dapat ang nangyayari sa kumpanya natin ngayon. Ang kaibigan mo, si Joshua Lynch, ay sobrang galing, na kahit na ibinigay niya ang kumpanya sayo, hindi niya magawang pamunuan ang branch ng mag isa…” “Kung hindi, hindi ka niya iimbitahin dito para humingi siya ng tawad.” Kumunot ang noo ni Thomas. Nagdalawang isip siya, pagkatapos ay nagsend siya ng message kay Joshua bago niya hinawakan ang kamay ni Yannie at sumunod siya kila Tina at Denise sa hapagkainan. Naging busy ang mga katulong sa paghahanda ng mesa, at hindi mapigilan ni Yannie na itikom ang kanyang mga labi nang makita niya ang lahat ng mga pagkain sa mesa. Ito ang pangatlong beses niyang pumunta sa Howard Mansion. Ang unang beses, pumunta siya kasama si Thomas, at ang pangalawan