Lumingon si Yannie para tumingin sa gwapong mukha ni Thomas, ngumiti siya. Kakarating ko lang.” “Sinungaling.” Nagbuntong hininga si Thomas, pinunasan niya ang pawis niya gamit ang manggas niya, at pagkatapos ay tinulungan niya si Yannie papasok ng kotse. “Tara na.” Habang nakaupo sa passenger seat, nagsuot ng seatbelt si yannie at lumingon siya para tumitig kay Thomas. “Ano ang gagawin natin ngayong hapon?” Ngumiti si Thomas at sinabi niya habang binubuksan ang makina, “Malalaman mo rin mamaya, maraming taon ko nang hinihintay ang araw na ito.” Kahit na alam ni Thomas na ang tatay niya ay hindi humihingi ng tawad dahil sa pagsisisi, dahil sa sitwasyon ngayon, sapat na ang umamin ang tatay niya sa pagkakamali nito. Kapag sumapit na ang kaarawan ng nanay niya, pwede nang bisitahin ni Thomas ang puntod ng nanay niya at sasabihin niya na ang anak nito ay tumulong na para ipaghiganti ang pagkamatay nito. Nagbuntong hininga si Yannie nang makita niya na nakangiti si Thomas, ngun
Tumawa ng awkward si Tina. “Hinihintay ka ng tatay mo sa bahay, pero may mahalagang sitwasyon na nangyari sa company branch, kaya kailangan niyang umalis ng maaga…” Hindi mapigilan ni Tina na magbuntong hininga at idinagdag niya, “Alam mo dapat ang nangyayari sa kumpanya natin ngayon. Ang kaibigan mo, si Joshua Lynch, ay sobrang galing, na kahit na ibinigay niya ang kumpanya sayo, hindi niya magawang pamunuan ang branch ng mag isa…” “Kung hindi, hindi ka niya iimbitahin dito para humingi siya ng tawad.” Kumunot ang noo ni Thomas. Nagdalawang isip siya, pagkatapos ay nagsend siya ng message kay Joshua bago niya hinawakan ang kamay ni Yannie at sumunod siya kila Tina at Denise sa hapagkainan. Naging busy ang mga katulong sa paghahanda ng mesa, at hindi mapigilan ni Yannie na itikom ang kanyang mga labi nang makita niya ang lahat ng mga pagkain sa mesa. Ito ang pangatlong beses niyang pumunta sa Howard Mansion. Ang unang beses, pumunta siya kasama si Thomas, at ang pangalawan
Hindi inaasahan ni Yannie na bigla siyang pupuntiryahin ni Tina. Kinagat niya ang labi niya at napatingin siya kay Thomas. Kumunot ang noo ni Thomas at lumingon siya para tumingin ng malamig kay Tina. “‘Wag mo siyang takutin.” “Sa tingin mo ba ay tinatakot siya ni ninang?” Sumama ang loob ni Denise sa pagtatanggol ni Thomas kay Yannie. “Thomas, sinusubukan lang maging mabait ni ninang.” “Tanghalian na, pero ayaw niyo pa ring kumain ng kahit konti. Sa tingin niyo ba ay nilason namin ni ninang ang pagkain?” Kumuha ng tinidor si Denise at nilagay niya ang bawat ulam sa kanyang plato, pagkatapos ay sinabi niya ng nakangisi, “Dahil kumbinsido kayo na may lason ang pagkain, bahala kayong magutom.” Pagkatapos, yumuko siya at kumain na siya. Kinagat ni Yannie ang labi niya at tumingin muna siya kay Thomas, pagkatapos ay tumingin siya kela Tina at Denise, na parehong nakaupo sa harap niya. Naging awkward ang mood sa kwarto. Nagbuntong hininga si Yannie at matagal niya itong pina
“Ang lutong ito…” Kumunot ang noo ni Thomas pagkatapos tikman ang lahat ng pagkain, pagkatapos ay tumingin siya sa direksyon ni Tina. “Pamilyar ang lasa, hindi ba?” Ngumiti si Tina at tumitig siya ng matagumpay kay Thomas. “Ito siguro ang lasa ng luto ng nanay mo dati.” Nagbuntong hininga siya at idinagdag niya, “Marami akong binigay na oras para magpadala ng mga tao sa bayan ng nanay mo para mag aral silang magluto.” “HIndi lang ‘yun, pinilit ko pa ang tatay mo na tikman ito ng maraming beses hanggang sa makumpirma namin na ito ang lasa ng luto ng nanay mo.” Sumingkit ang mga mata ni Thomas. “Bakit nagsisikap kayo na paboran ko kayo?” Tumawa si Tina. “‘Yun ay dahil…” Nagbuntong hininga siya at nagpaliwanag siya, “Tutal, ang buong pamilya Howard—kahit ang buong Saigen City—ay kontrolado niyo na ni Joshua, kaya syempre gusto ko na paboran mo kami.” Syempre, kasinungalingan ito. Ang katotohanan ay, ang chef na naghanda ng masarap na pagkaing ito ay maraming taon nang nagt
Halos 20 na bodyguard ang lumapit sa utos ni Tina at pinalibutan nila sina Thomas at Yannie. Sumingkit ang mga mata ni Thomas, hinila niya palapit si Yannie, at lumingon siya para tumingin ng malamig kay Tina. “Wala talagang balak humingi ng tawad ang matandang lalaki sa akin o sa nanay ko, hindi ba?” Kasalanan niya ang lahat ng ito. Sa tulong ni Joshua, nasaksihan ni Thomas kung paano natalo ang lintik na tatay niya. Hindi lang ‘yun, noong maraming taon na ang nakalipas, nangarap siya na balang araw ay ang matandang lalaki na ito ay hihingi ng tawad sa kanya at sa nanay niya, si Eanne. Ito ang rason kung bakit natuwa siya noong tawagin siya ni Tina, ngunit hindi siya tumigil para pag isipan ang mga kahihinatnan nito. Hindi dapat siya naniwala kay Tina noong sinabi nito na gusto ni Senior Howard na imbitahan siya sa Howard Mansion para humingi ito ng tawad sa kanya! “Tama ang hula mo,” Ang sabi ni Tina habang nakatitig siya sa mukha ni Thomas. “Nagsisinungaling ako sayo; hi
“Sino ang may lakas ng loob para hawakan ako?” Nang makita na lumalapit na ang mga bodyguard, sumingkit ang mga mata ni Thomas, may nilabas siyang bagay sa bulsa niya, at tinutok niya ito sa noo ng leader nila. Nang makita ng leader ang bagay sa kamay ni Thomas, sa sobrang gulat niya ay hindi siya makakilos. Ito ay isang makinang na baril, at nakatutok ito sa gitna ng noo ng leader ng mga bodyguard. “Kung lumapit pa kayo ng kahit isang hakbang, walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari.” Kalmado lang ang boses ni Thomas. Sa sobrang lamig at walang awa ng mga mata niya ay walang kumilos sa mga guard. Hindi inaasahan ni Denise o ni Tina na may dalang baril si Thomas. Kabado silang nagkatinginan, hindi sila sigurado kung ano ang gagawin nila ngayon. Walang kahit sino sa mga guard ang may kayang ilagay sa sarili nila sa panganib, at kahit sina Tina at Denise. Hindi lang ‘yun, palihim pang nagtago si Tina sa likod ni Denise para sa proteksyon. May isang punto na si Thom
Habang nakatutok ang baril kay Senior Howard, tumalon ang mga guard para hulihin si Thomas mula sa likod. Bang! Pumutok ang baril ni Thomas sa kalagitnaan ng kaguluhan. Ang gusto niya lang ay ang gamitin ang baril para takutin ang mga guard. Tutal, alam niya na marami sila at wala siyang paraan para masigurado ang kaligtasan nila ni Yannie, kaya ang baril lang ang tanging bagay na pwede niyang gamitin para makaalis ng buhay mula sa Howard Mansion. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na sa oras na magpaputok siya para balaan ang mga guard, hinawakan ng leader ang braso niya at aksidenteng pumutok ang baril, tumama ang bala direcho kay Senior Howard. “Agh!” Napahawak si Senior Howard sa kanyang tiyan. Tumama ang bala sa tiyan niya. “Senior Howard!” Napatili si Tina at agad siyang tumakbo patungo dito. “Ayos ka lang ba? Tumawag kayo ng doctor! Tumawag kayo ng ambulansya!” Sina Thomas at ang mga guard, na kanina ay nagkakagulo, ay napahinto nang marinig nila ito. Tulalang na
May pulang bakas ng palad na lumabas sa namamagang mukha ni Yannie. Kinagat ni Yannie ang labi niya at hinawakan niya ang namamaga at masakit na pisngi niya gamit ang isang kamay habang nakatingin kay Thomas, na siyang nasa sahig. Dumilat siya, may balak siyang sabihin, ngunit hindi niya mapigilan na isipin na walang magiging tama sa kahit anong sabihin niya. Sa huli, kinagat niya ang labi niya at nilagay niya ang isang kamay niya sa bulsa niya, palihim siyang nag dial ng emergency contact. May dalawang emergency contact siya; ang isa ay si Thomas, at ang isa ay ang nanay niya, si Mrs. Flores. Dahil hindi niya matawagan ang number ni Luna para humingi ng tulong ng hindi tumitingin sa kanyang phone, wala siyang magawa kundi tawagan si Mrs. Flores. Hindi nagtagal, nag vibrate ang phone sa bulsa niya, ibig sabihin ay sinagot na ni Mrs. Flores ang phone call. Kinagat ni Yannie ang labi niya at lumuhod siya. “Senior Howard, Mrs. Howard, hindi ito sinasadya ni Thomas! Noong dina