“Sino ang may lakas ng loob para hawakan ako?” Nang makita na lumalapit na ang mga bodyguard, sumingkit ang mga mata ni Thomas, may nilabas siyang bagay sa bulsa niya, at tinutok niya ito sa noo ng leader nila. Nang makita ng leader ang bagay sa kamay ni Thomas, sa sobrang gulat niya ay hindi siya makakilos. Ito ay isang makinang na baril, at nakatutok ito sa gitna ng noo ng leader ng mga bodyguard. “Kung lumapit pa kayo ng kahit isang hakbang, walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari.” Kalmado lang ang boses ni Thomas. Sa sobrang lamig at walang awa ng mga mata niya ay walang kumilos sa mga guard. Hindi inaasahan ni Denise o ni Tina na may dalang baril si Thomas. Kabado silang nagkatinginan, hindi sila sigurado kung ano ang gagawin nila ngayon. Walang kahit sino sa mga guard ang may kayang ilagay sa sarili nila sa panganib, at kahit sina Tina at Denise. Hindi lang ‘yun, palihim pang nagtago si Tina sa likod ni Denise para sa proteksyon. May isang punto na si Thom
Habang nakatutok ang baril kay Senior Howard, tumalon ang mga guard para hulihin si Thomas mula sa likod. Bang! Pumutok ang baril ni Thomas sa kalagitnaan ng kaguluhan. Ang gusto niya lang ay ang gamitin ang baril para takutin ang mga guard. Tutal, alam niya na marami sila at wala siyang paraan para masigurado ang kaligtasan nila ni Yannie, kaya ang baril lang ang tanging bagay na pwede niyang gamitin para makaalis ng buhay mula sa Howard Mansion. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na sa oras na magpaputok siya para balaan ang mga guard, hinawakan ng leader ang braso niya at aksidenteng pumutok ang baril, tumama ang bala direcho kay Senior Howard. “Agh!” Napahawak si Senior Howard sa kanyang tiyan. Tumama ang bala sa tiyan niya. “Senior Howard!” Napatili si Tina at agad siyang tumakbo patungo dito. “Ayos ka lang ba? Tumawag kayo ng doctor! Tumawag kayo ng ambulansya!” Sina Thomas at ang mga guard, na kanina ay nagkakagulo, ay napahinto nang marinig nila ito. Tulalang na
May pulang bakas ng palad na lumabas sa namamagang mukha ni Yannie. Kinagat ni Yannie ang labi niya at hinawakan niya ang namamaga at masakit na pisngi niya gamit ang isang kamay habang nakatingin kay Thomas, na siyang nasa sahig. Dumilat siya, may balak siyang sabihin, ngunit hindi niya mapigilan na isipin na walang magiging tama sa kahit anong sabihin niya. Sa huli, kinagat niya ang labi niya at nilagay niya ang isang kamay niya sa bulsa niya, palihim siyang nag dial ng emergency contact. May dalawang emergency contact siya; ang isa ay si Thomas, at ang isa ay ang nanay niya, si Mrs. Flores. Dahil hindi niya matawagan ang number ni Luna para humingi ng tulong ng hindi tumitingin sa kanyang phone, wala siyang magawa kundi tawagan si Mrs. Flores. Hindi nagtagal, nag vibrate ang phone sa bulsa niya, ibig sabihin ay sinagot na ni Mrs. Flores ang phone call. Kinagat ni Yannie ang labi niya at lumuhod siya. “Senior Howard, Mrs. Howard, hindi ito sinasadya ni Thomas! Noong dina
Sa loob ng maliit na bahay sa city center, nakatitig ng blanko si Mrs. Flores sa phone niya habang paulit ulit ang tunog ng dial tone. Makalipas ang ilang sandali, kumunot ang noo niya nang may mapagtanto siya. Nasa isang malaking gulo siguro si Yannie—sila ni Thomas ay nasa isang panganib siguro sa Howard Mansion, at humihingi siya ng tulong! Habang iniisip ito, huminga ng malalim si Mrs. Flores at nagdial siya sa number ni Luna. Sa mga sandaling ito, busy sina Luna at Rachel sa pagkumbinsi kay Gwen na kumain. Isang araw nang hindi kumakain si Gwen, at kapag nagpatuloy ito, magkakaroon ng problema sa tiyan si Gwen. “Sa tingin niyo ba ay… dapat akong sumuko?” Ang sabi ni Gwen, nanginginig ang boses niya habang kinakain niya ang hamburger. “Kung ayaw ni Steven ang kahit anong tungkol sa akin…” “Tuwing naiisip ko na ang katawan niya ay mula kay Luke, hindi ko mapigilan ang sarili ko na sumuko. Kahit na hindi na kami magkasama at hindi niya na ako naaalala, tingin ko kaya ko
Nagsimula nang magrelax si Luna nang marinig niya ito. Nakahinga na siya ng maluwag at tinanong niya, “Nasaan ka na ngayon? Saan tayo pwedeng magkita?” Kahit na si Joshua ay papunta na para iligtas sina Thomas at Yannie, pakiramdam pa rin ni Luna na mas maganda kung sumama din siya dahil nangako na siya kay Mrs. Flores na tutulungan niya si Yannie. Bukod pa dito, kahit na hind siya nanngako, magkaibigan sila ni Yannie, kaya kailangan niya itong kamustahin. Nagdalawang isip ng ilang sandali si Joshua bago siya sumagot, “May mga tauhan ako sa labas ng hotel room mo para protektahan ka. Pwede kang lumabas para sabihin sa kanila na dalhin ka dito.” “Mas malapit ang Howard Mansion sayo kaysa sa akin, kaya baka mauna kang makarating doon kaysa sa akin.” Huminto ng ilang sandali si Luna, bumalik siya sa kwarto, at binuksan niya ang front door. May ilang mga bodyguard na may suot na itim na nakatayo sa labas, at nabigla silang lahat na para bang hindi nila inaasahan na lalapitan si
Sa isang malakas na tunog, sinipa pabukas ng bodyguard ni Luna ang pinto papunta sa Howard Mansion, at pumasok si Luna sa mansyon kasama sina Gwen at Rachel. Sa oras na ginawa nila ito, nakita nila ang ilang mga katulong na mabilis na naglilinis at nagtatrabaho. Nabigla ang mga katulong nang makita nila na pumasok ang mga tao sa mansyon. Ngunit, naintindihan nila ang rason kung bakit sila nandito. Tinuro ng head nurse ang direksyon sa itaas na palapag at sinabi niya ng mahinang boses, “Sina Ms. Hughes, Young Master, at Ms. Yannie ay nasa guest room po sa dulo ng hallway. Kung… nandito po kayo para iligtas sila, dapat po kayong magmadali. Sampung minuto na po ang lumipas… at baka huli na po ang lahat.” Nabigla si Luna nang marinig niya ito. Hindi siya nag aksaya ng oras, tumakbo siya paakyat ng hagdan papunta sa ikalawang palapag at agad niyang nakita si Yannie, ang mga braso at binti nito ay nakatali sa guardrail ng hallway at may towel na nakabusal sa bibig nito. Halatang sinusu
Sa huli, naintindihan na nila Luna kung bakit tinali ni Denise ang mga braso at binti ni Yannie sa guardrail sa labas ng pinto. Ang malupit na babaeng ito ay gusto iparinig kay Yannie na nakikipagtalik siya kay Thomas! “Thomas…” Kinagat ni Yannie ang labi niya at tumakpo siya na parang isang baliw na babae. Tinulak niya palayo si Denise at niyakap niy ang katawan ni Thomas. Sa mga oras na ito, maririnig ang tunog ng pagdating ng mga kotse. Dumating na sina Joshua. Hindi alam ni Luna kung ano ang nararamdaman niya habang nakatingin siya sa walang malay na si Thomas at si Yannie, na siyang yakap ng mahigpit si Thomas. “P*ta ka!” Pumasok si Gwen, pinatayo niya si Denise, at sinampal niya ito. “Alam mo na may girlfriend si Thomas, pero ginawa mo pa rin ito! Mamamatay ka ba kung hindi ka naging isang pokpok?!” Mabilis ang pangyayari nang sampalin ni Gwen si Denise. Medyo natulala siya pagkatapos nito. Ang mga kamay niya ay nawalan ng lakas at nabitawan niya ang kumot. Nang bumagsa
Namutla si Gwen dahil sa mga sinabi ni Denise. Tumingin si Luna kay Yannie, na siyang tumutulong kay Thomas na magsuot ng damit. Pagkatapos ay tumayo siya sa harap ni Denise, hinarangan niya ang paningin ni Denise at tumitig siya ng malamig dito. “Alam ng pamilya mo kung si Gwen o si Kate ang pokpok. Ah, oo nga pala. Hindi pa kasal si Kate kay Steven, hindi ba? Sabik ka ba na tawagin siyang hipag mo?” Humalukipkip siya at tumingin siya ng mapanglait sa hubad na katawan ni Denise. “Tingnan mo ang katawan mo at ikumpara mo ito kay Yannie; malayong malayo ka sa kanya! Sa tingin mo ba talaga ay makukuha mo ang puso ni Thomas sa katawan mo?” Mabilis na nagalit si Denise. Kinuha niya ang mga damit niya at sinuot niya ito, tumingin siya ng masama kay Luna. “Paano naman naging pangit ang katawan ko kumpara kay Yannie? Nanganak na siya! Paano naging mas maganda ang katawan niya sa akin?” Ngumisi si Luna. “Sa lahat ng lugar. Ang katawan ni Yannie ay mas maganda kaysa sa katawan mo. Kun