Sa huli, naintindihan na nila Luna kung bakit tinali ni Denise ang mga braso at binti ni Yannie sa guardrail sa labas ng pinto. Ang malupit na babaeng ito ay gusto iparinig kay Yannie na nakikipagtalik siya kay Thomas! “Thomas…” Kinagat ni Yannie ang labi niya at tumakpo siya na parang isang baliw na babae. Tinulak niya palayo si Denise at niyakap niy ang katawan ni Thomas. Sa mga oras na ito, maririnig ang tunog ng pagdating ng mga kotse. Dumating na sina Joshua. Hindi alam ni Luna kung ano ang nararamdaman niya habang nakatingin siya sa walang malay na si Thomas at si Yannie, na siyang yakap ng mahigpit si Thomas. “P*ta ka!” Pumasok si Gwen, pinatayo niya si Denise, at sinampal niya ito. “Alam mo na may girlfriend si Thomas, pero ginawa mo pa rin ito! Mamamatay ka ba kung hindi ka naging isang pokpok?!” Mabilis ang pangyayari nang sampalin ni Gwen si Denise. Medyo natulala siya pagkatapos nito. Ang mga kamay niya ay nawalan ng lakas at nabitawan niya ang kumot. Nang bumagsa
Namutla si Gwen dahil sa mga sinabi ni Denise. Tumingin si Luna kay Yannie, na siyang tumutulong kay Thomas na magsuot ng damit. Pagkatapos ay tumayo siya sa harap ni Denise, hinarangan niya ang paningin ni Denise at tumitig siya ng malamig dito. “Alam ng pamilya mo kung si Gwen o si Kate ang pokpok. Ah, oo nga pala. Hindi pa kasal si Kate kay Steven, hindi ba? Sabik ka ba na tawagin siyang hipag mo?” Humalukipkip siya at tumingin siya ng mapanglait sa hubad na katawan ni Denise. “Tingnan mo ang katawan mo at ikumpara mo ito kay Yannie; malayong malayo ka sa kanya! Sa tingin mo ba talaga ay makukuha mo ang puso ni Thomas sa katawan mo?” Mabilis na nagalit si Denise. Kinuha niya ang mga damit niya at sinuot niya ito, tumingin siya ng masama kay Luna. “Paano naman naging pangit ang katawan ko kumpara kay Yannie? Nanganak na siya! Paano naging mas maganda ang katawan niya sa akin?” Ngumisi si Luna. “Sa lahat ng lugar. Ang katawan ni Yannie ay mas maganda kaysa sa katawan mo. Kun
Habang nanatili ang iba sa sala, pinanood ni Rachel habang umalis si Yannie bago siya tumalikod at tumingin kay Joshua. Naiintindihan ito ni Joshua at may binulong siya sa tainga ni Theo. Pagkatapos nito, mabilis na nag utos si Theo sa isang tauhan para dalhin si Thomas palabas. Nang makarating siya sa pinto, lumingon siya at tumingin siya kay Rachel. “Hindi ka ba sasama sa amin? Kung may nangyari habang papunta sa hospital, walang kahit sino sa amin ang alam kung paano ito haharapin.” Nag isip ng ilang sandali si Rachel at lumabas siya ng pinto kasama si Theo. Habang naglalakad sila sa labas, nakita niya si Yannie na nakatayo sa tabi, umiiyak. “Walang mareresolba ang pag iyak.” Tinapik ni Rachel ang balikat ni Yannie. “Dadalhin na namin siya sa hospital ngayon. Gusto mo bang sumama?” Tumingin si Yannie kay Thomas, na siyang buhat ni Theo at ng mga bodyguard habang sinubukan nila itong dalhin sa kotse. Tila may sama ng loob sa kanyang puso. “Ayaw kong… sumama.” Hindi niya ala
Pagkatapos umalis nila Rachel sa Howard Mansion, tumahimik ang buong sala. Nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya kay Gwen, nagkataon na nagkatinginan sila. Tila walang magawa ang dalawang mag bestfriends. Base sa reaksyon ni Yannie, may namuo na bitak sa pagitan nila ni Thomas, at wala silang magagawa para maayos ito. Habang nag iisip mula sa pananaw ni Yannie, baka hindi rin nila ito matanggap. Galit na tumayo si Gwen habang naglakad siya patungo kay Denise, at nang makarating na siya, sinipa niya ito ng malupit. “Alam mo ba kung gusto ka ni Thomas o hindi? Kailangan mo ba maging nakakadiri? Masaya ka na ba at isa kang pokpok na sumira sa relasyon nila?” Hindi niya pinigilan ang sarili niya sa sipa, at bumagsak sa sahig si Denise dahil dito. Gayunpaman, lumingon siya para tumingin kay Gwen at ngumiti siya ng mayabang. “Syempre. Masaya ako! Kung hindi ko siya makukuha, walang ibang makakakuha sa kanya!” Pagkatapos, tumingin siya ng malamig kay Gwen. “Kung marami kang al
Tumingin si Denise kay Joshua ng may malaking mga mata. “Hindi! Hindi posible ‘yun!” Kinagat niya ang labi niya at umiling siya ng mabilis. Ayaw niyang tingnan ang impormasyon sa sahig. “Hindi totoo ‘yan! Paanong hindi ako tunay na anak ng mga magulang ko? Trinato nila ako ng mabuti simula pa noong bata pa ako. Hindi nila gagawin ang mga sinabi mo at hindi nila ako gagamitin!” Habang nagsasalita siya, tumitig siya ng masama kay Joshua. “Hindi ako maniniwala sa kahit anong sabihin mo; kahit isang salita! Kaibigan kayong lahat ni Gwen. Ang bawat salita na sinabi mo ay tumutulong kay Gwen, ang p*ta na sumira sa relasyon ng mga tao! Hindi niyo ako maloloko!” Ngumisi si Gwen dahil sa sinabi ni Denise. Hindi na siya nag abala na makipagtalo kay Denise tungkol sa kung sino ang ibang babae. Sa tingin niya ay si Denise ay isang babae na matigas ang ulo at hindi nakikinig sa kahit sino. ‘Kung isa siyang matalinong tao, hindi siya gagawa ng kahit ano kila Thomas at Yannie sa mansyon pagka
Base dito, tinatanong ni Joshua sina Luna at Gwen, ngunit ang totoo ay ang tanong na ito ay para kay Gwen lang. Walang problema si Luna sa pagharap kay Steven; hindi sigurado si Gwen dito. Nakita ng lahat kung anong klase ng mga kalokohan ang ginawa ni Gwen dahil kay Luke. Medyo nag aalala si Joshua para hayaan si Gwen na harapin ulit si Steven. “Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.” Syempre, alam ni Gwen kung bakit nag aalala si Joshua. Ngumiti siya. “Ayos na ako.” Kahit na hindi siya nakakasiguro na magiging matatag ang mga emosyon niya kapag nakita niya si Steven, pagkatapos ng buong umaga ng pagpapayo nila Luna at Rachel sa kanya, mas naging klaro na ang isip niya. “Mabuti.” Tumango si Joshua at tumingin ulit siya sa asawa niya. “Alagaan mo si Gwen. At…” Huminto siya. “Tandaan mo na tawagan mo ako kapag may nangyari. Kung hindi mo ako kayang tawagan, pwede mo ring tawagan si Nigel o si Neil.” Hindi agad sumagot si Luna. Tumahimik siya ng ilang sandali bago siya tumango.
Nang matapos na ang phone call ni Luna kay Joshua, bumalik siya sa kwarto niya. Nakaupo si Gwen sa sofa, kumakain ito ng prutas habang nanonood ng TV. Sa balkonahe sa malayo, ang mga kamay at binti ni Denise ay nakatali sa railguard ng balkonahe. Natatakot ang mga bodyguard na baka may gawing masama si Denise para saktan sina Luna at Gwen, kaya kinuha nila ang lahat ng gamit na abot ni Denise. Kahit na hindi malaki ang suite, ang lugar kung nasaan si Denise ay isang lugar na walang laman. Tumingin ng malamig si Luna kay Denise at hinanap niya ang leader ng mga bodyguard. May binulong siya sa tainga nito. Agad itong naintindihan ng leader at agad niyang inutusan ang tauhan niya na tanggalin ang tali ni Denise at dalhin ito sa ibang lugar. “Ano ang gagawin niyo sa akin?” Dahil sa namamaga na mukha ni Denise, hirap siya magsalita. “Malala na ang sitwasyon ko. Ano pa ba ang gusto niyo mula sa akin?” “Wala.” Ngumisi si Luna habang nakatingin siya kay Denise. “Gusto ko lang na magpah
Pagkatapos ng ilang sandali, dumating si Steven, tulad ng pangako niya kay Joshua. Ang nasa isip niya ay kailangan niyang harapin sina Joshua at Thomas. Sa ikinagulat niya, si Gwen ang nagbukas ng pinto nang kumatok siya. Hindi rin makikita sina Joshua at Thomas sa kwarto. Nakita niya lang sina Luna at Gwen. Sa oras na makita niya si Gwen, kumunot ang noo niya at nabigla siya. Bago siya pumasok ng kwarto, inayos niya ang mga emosyon niya. “Kayong dalawa lang ba?” “Bakit? Sa tingin mo ba ay hindi ka namin kayang harapin?” Humalukipkip si Luna habang nakaupo siya sa sofa. Pagkatapos ay kinuha niya ang baso niya at uminom siya mula dito. “Mr. Hughes, alam mo ba kung bakit pinapunta ka ni Joshua dito?” Huminto si Steven at tumango siya. “Nandito ako para kunin si Denise.” Nang matapos na siya magsalita, tumingin siya sa paligid ng kwarto. “Nasaan siya?” “Sa isang ligtas na lugar. Hindi mo kailangan mag alala.” Ibinaba ni Luna ang baso niya. “Alam mo ba ang ginawa ng kapatid mo