“Ang lutong ito…” Kumunot ang noo ni Thomas pagkatapos tikman ang lahat ng pagkain, pagkatapos ay tumingin siya sa direksyon ni Tina. “Pamilyar ang lasa, hindi ba?” Ngumiti si Tina at tumitig siya ng matagumpay kay Thomas. “Ito siguro ang lasa ng luto ng nanay mo dati.” Nagbuntong hininga siya at idinagdag niya, “Marami akong binigay na oras para magpadala ng mga tao sa bayan ng nanay mo para mag aral silang magluto.” “HIndi lang ‘yun, pinilit ko pa ang tatay mo na tikman ito ng maraming beses hanggang sa makumpirma namin na ito ang lasa ng luto ng nanay mo.” Sumingkit ang mga mata ni Thomas. “Bakit nagsisikap kayo na paboran ko kayo?” Tumawa si Tina. “‘Yun ay dahil…” Nagbuntong hininga siya at nagpaliwanag siya, “Tutal, ang buong pamilya Howard—kahit ang buong Saigen City—ay kontrolado niyo na ni Joshua, kaya syempre gusto ko na paboran mo kami.” Syempre, kasinungalingan ito. Ang katotohanan ay, ang chef na naghanda ng masarap na pagkaing ito ay maraming taon nang nagt
Halos 20 na bodyguard ang lumapit sa utos ni Tina at pinalibutan nila sina Thomas at Yannie. Sumingkit ang mga mata ni Thomas, hinila niya palapit si Yannie, at lumingon siya para tumingin ng malamig kay Tina. “Wala talagang balak humingi ng tawad ang matandang lalaki sa akin o sa nanay ko, hindi ba?” Kasalanan niya ang lahat ng ito. Sa tulong ni Joshua, nasaksihan ni Thomas kung paano natalo ang lintik na tatay niya. Hindi lang ‘yun, noong maraming taon na ang nakalipas, nangarap siya na balang araw ay ang matandang lalaki na ito ay hihingi ng tawad sa kanya at sa nanay niya, si Eanne. Ito ang rason kung bakit natuwa siya noong tawagin siya ni Tina, ngunit hindi siya tumigil para pag isipan ang mga kahihinatnan nito. Hindi dapat siya naniwala kay Tina noong sinabi nito na gusto ni Senior Howard na imbitahan siya sa Howard Mansion para humingi ito ng tawad sa kanya! “Tama ang hula mo,” Ang sabi ni Tina habang nakatitig siya sa mukha ni Thomas. “Nagsisinungaling ako sayo; hi
“Sino ang may lakas ng loob para hawakan ako?” Nang makita na lumalapit na ang mga bodyguard, sumingkit ang mga mata ni Thomas, may nilabas siyang bagay sa bulsa niya, at tinutok niya ito sa noo ng leader nila. Nang makita ng leader ang bagay sa kamay ni Thomas, sa sobrang gulat niya ay hindi siya makakilos. Ito ay isang makinang na baril, at nakatutok ito sa gitna ng noo ng leader ng mga bodyguard. “Kung lumapit pa kayo ng kahit isang hakbang, walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari.” Kalmado lang ang boses ni Thomas. Sa sobrang lamig at walang awa ng mga mata niya ay walang kumilos sa mga guard. Hindi inaasahan ni Denise o ni Tina na may dalang baril si Thomas. Kabado silang nagkatinginan, hindi sila sigurado kung ano ang gagawin nila ngayon. Walang kahit sino sa mga guard ang may kayang ilagay sa sarili nila sa panganib, at kahit sina Tina at Denise. Hindi lang ‘yun, palihim pang nagtago si Tina sa likod ni Denise para sa proteksyon. May isang punto na si Thom
Habang nakatutok ang baril kay Senior Howard, tumalon ang mga guard para hulihin si Thomas mula sa likod. Bang! Pumutok ang baril ni Thomas sa kalagitnaan ng kaguluhan. Ang gusto niya lang ay ang gamitin ang baril para takutin ang mga guard. Tutal, alam niya na marami sila at wala siyang paraan para masigurado ang kaligtasan nila ni Yannie, kaya ang baril lang ang tanging bagay na pwede niyang gamitin para makaalis ng buhay mula sa Howard Mansion. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na sa oras na magpaputok siya para balaan ang mga guard, hinawakan ng leader ang braso niya at aksidenteng pumutok ang baril, tumama ang bala direcho kay Senior Howard. “Agh!” Napahawak si Senior Howard sa kanyang tiyan. Tumama ang bala sa tiyan niya. “Senior Howard!” Napatili si Tina at agad siyang tumakbo patungo dito. “Ayos ka lang ba? Tumawag kayo ng doctor! Tumawag kayo ng ambulansya!” Sina Thomas at ang mga guard, na kanina ay nagkakagulo, ay napahinto nang marinig nila ito. Tulalang na
May pulang bakas ng palad na lumabas sa namamagang mukha ni Yannie. Kinagat ni Yannie ang labi niya at hinawakan niya ang namamaga at masakit na pisngi niya gamit ang isang kamay habang nakatingin kay Thomas, na siyang nasa sahig. Dumilat siya, may balak siyang sabihin, ngunit hindi niya mapigilan na isipin na walang magiging tama sa kahit anong sabihin niya. Sa huli, kinagat niya ang labi niya at nilagay niya ang isang kamay niya sa bulsa niya, palihim siyang nag dial ng emergency contact. May dalawang emergency contact siya; ang isa ay si Thomas, at ang isa ay ang nanay niya, si Mrs. Flores. Dahil hindi niya matawagan ang number ni Luna para humingi ng tulong ng hindi tumitingin sa kanyang phone, wala siyang magawa kundi tawagan si Mrs. Flores. Hindi nagtagal, nag vibrate ang phone sa bulsa niya, ibig sabihin ay sinagot na ni Mrs. Flores ang phone call. Kinagat ni Yannie ang labi niya at lumuhod siya. “Senior Howard, Mrs. Howard, hindi ito sinasadya ni Thomas! Noong dina
Sa loob ng maliit na bahay sa city center, nakatitig ng blanko si Mrs. Flores sa phone niya habang paulit ulit ang tunog ng dial tone. Makalipas ang ilang sandali, kumunot ang noo niya nang may mapagtanto siya. Nasa isang malaking gulo siguro si Yannie—sila ni Thomas ay nasa isang panganib siguro sa Howard Mansion, at humihingi siya ng tulong! Habang iniisip ito, huminga ng malalim si Mrs. Flores at nagdial siya sa number ni Luna. Sa mga sandaling ito, busy sina Luna at Rachel sa pagkumbinsi kay Gwen na kumain. Isang araw nang hindi kumakain si Gwen, at kapag nagpatuloy ito, magkakaroon ng problema sa tiyan si Gwen. “Sa tingin niyo ba ay… dapat akong sumuko?” Ang sabi ni Gwen, nanginginig ang boses niya habang kinakain niya ang hamburger. “Kung ayaw ni Steven ang kahit anong tungkol sa akin…” “Tuwing naiisip ko na ang katawan niya ay mula kay Luke, hindi ko mapigilan ang sarili ko na sumuko. Kahit na hindi na kami magkasama at hindi niya na ako naaalala, tingin ko kaya ko
Nagsimula nang magrelax si Luna nang marinig niya ito. Nakahinga na siya ng maluwag at tinanong niya, “Nasaan ka na ngayon? Saan tayo pwedeng magkita?” Kahit na si Joshua ay papunta na para iligtas sina Thomas at Yannie, pakiramdam pa rin ni Luna na mas maganda kung sumama din siya dahil nangako na siya kay Mrs. Flores na tutulungan niya si Yannie. Bukod pa dito, kahit na hind siya nanngako, magkaibigan sila ni Yannie, kaya kailangan niya itong kamustahin. Nagdalawang isip ng ilang sandali si Joshua bago siya sumagot, “May mga tauhan ako sa labas ng hotel room mo para protektahan ka. Pwede kang lumabas para sabihin sa kanila na dalhin ka dito.” “Mas malapit ang Howard Mansion sayo kaysa sa akin, kaya baka mauna kang makarating doon kaysa sa akin.” Huminto ng ilang sandali si Luna, bumalik siya sa kwarto, at binuksan niya ang front door. May ilang mga bodyguard na may suot na itim na nakatayo sa labas, at nabigla silang lahat na para bang hindi nila inaasahan na lalapitan si
Sa isang malakas na tunog, sinipa pabukas ng bodyguard ni Luna ang pinto papunta sa Howard Mansion, at pumasok si Luna sa mansyon kasama sina Gwen at Rachel. Sa oras na ginawa nila ito, nakita nila ang ilang mga katulong na mabilis na naglilinis at nagtatrabaho. Nabigla ang mga katulong nang makita nila na pumasok ang mga tao sa mansyon. Ngunit, naintindihan nila ang rason kung bakit sila nandito. Tinuro ng head nurse ang direksyon sa itaas na palapag at sinabi niya ng mahinang boses, “Sina Ms. Hughes, Young Master, at Ms. Yannie ay nasa guest room po sa dulo ng hallway. Kung… nandito po kayo para iligtas sila, dapat po kayong magmadali. Sampung minuto na po ang lumipas… at baka huli na po ang lahat.” Nabigla si Luna nang marinig niya ito. Hindi siya nag aksaya ng oras, tumakbo siya paakyat ng hagdan papunta sa ikalawang palapag at agad niyang nakita si Yannie, ang mga braso at binti nito ay nakatali sa guardrail ng hallway at may towel na nakabusal sa bibig nito. Halatang sinusu