Hindi inaasahan ni Steven na hayagang itatanong ni Kate ang tanong na iyon, kaya natigilan siya. Pagkarekober niya sa pagkagulat ay tumingin siya kay Kate at bumuntong-hininga. "Hindi ko pa naiisip yun."Sa totoo lang, si Gwen ay kapareho ni Kate. Ang taong nagustuhan nila ay ang dating Luke at hindi siya, ang bagong Steven. Kung hindi niya matanggap ang pagiging kapalit ni Luke kay Kate, siguradong hindi niya matatanggap na makasama si Gwen at maging kapalit ni Luke.Gayunpaman, iba ang nararamdaman niya para kay Gwen kumpara sa kung ano ang mayroon siya kay Kate. Halimbawa, alam ni Kate ang tungkol sa kanyang sitwasyon. Lalong tiyak, siya ang gumawa ng lahat ng hindi niya nalalaman para sa lahat ng nangyayari sa kanya ngayon.Iba si Gwen. Wala man lang siyang pagpipilian. Napilitan siyang tanggapin na pumanaw na si Luke; pinilit na malaman na si Luke ay nabubuhay pa ngunit naging ibang tao.Isa pa, nabasa na niya lahat ng posts ni Gwen sa social media. Naaalala pa rin niya ang mg
"Kate." Kumunot ang noo ni Steven habang walang magawang nakatingin kay Kate. "Akala ko nilinaw ko na sayo ang lahat. Ikaw ay—""Ganun din ako." Ngumisi si Kate habang nakatingin sa mukha ni Steven. "Sa tingin mo pwede mong kanselahin na lang ang kasal dahil gusto mong makipaghiwalay sa akin? Hindi ito ganun kasimple tulad ng iniisip mo!"Gumapang ang kanyang labi sa isang malamig na ngiti. "Huwag mong kakalimutan na limang taon akong naglibot sa mundo para maghanap ng paraan para magamot ka. Alam mo ba kung ano ang nag-udyok sa akin na gawin iyon?"Kumunot ang noo ni Steven at hindi sumagot."Ito ay ang malalim na pagtutulungan ng pamilya mo at ng pamilya ko."Alam niyang hindi na maaapektuhan ng paglalaro ng emotion card ang puso ni Steven. Kaya, tumigil siya sa pagpapanggap at sinabi sa kanya ang lahat."Tama ka. Hindi pa tayo nagkita bago ka na-coma. Ang pamilya ko ay palaging nakatuon at nakatutok sa pamumuhunan at pananaliksik ng mga kasanayan sa medikal. Pagkatapos mong ma
Napakunot ang noo ni Steven. Sapat na ang nakakagulat na si Kate ay nagtapat sa kanya at sabihin sa kanya ang lahat. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na pagbantaan siya nito sa kanyang mga magulang at negosyo ng pamilya!Nanlamig ang mga mata niya habang nakatingin kay Kate. Nagkaroon siya ng paghuhusga sa personalidad ni Kate pagkatapos nitong magpadala ng mga tao para subaybayan siya ng ilang beses at imbestigahan siya. Sa kabila noon, hindi niya inasahan na ang tunay nitong pagkatao ay magiging mas walang malasakit at masama kaysa sa inaakala niya.Natawa si Kate nang tahimik siyang tinitigan ni Steven. Tiningnan niya ito ng walang pakialam. "Sinabi ko na ang lahat ng kailangan. Kung pipilitin mong makipaghiwalay, iminumungkahi ko na isipin mo ang lahat ng mga kalamangan at kahinaan. Siyempre, maaari mong tanggihan na pansinin ang negosyo ng iyong pamilya at ang iyong mga magulang. Maaari kang magpanggap na ikaw ay Luke na natagpuan ang kanyang alaala at umalis sa lungsod na ito k
Galit na galit si Denise dahil sa sinabi ni Kate."Hindi ako nagulat. Ang mga taong kaibigan ng walang hiyang taong iyon ay mga walang hiyang tao din!"Naalala niya ang oras na nakita niya si Yannie sa ski resort. Isang babae ang tumakbo kay Yannie at pinrotektahan siya. Higit pa rito, kinuha pa niya ang parehong gawang military knife gaya ng sa kanyang kapatid para takutin siya.Kumunot ang noo ni Denise at tumingin kay Kate. "Yung babaeng nang-akit sa kapatid ko... Siya ba yung kasama ng asawa ni Joshua Lynch na si Luna?""Siya yun, oo." Tuwang-tuwa si Kate na matalino si Denise na banggitin si Gwen sa kanyang paggabay. Ganun pa man, nagkunwari siyang masama ang loob.Bumuntong-hininga siya at tumingin kay Denise na walang magawa ang mukha na parang wasak ang puso niya at walang makakapaglarawan sa nararamdaman niya. Maya-maya, hinawakan niya ang kamay ni Denise."Denise, sigurado akong alam mo na ang babaeng yun ay napakalapit sa asawa ni Joshua Lynch, si Luna. Magkasama silan
Ang pamilya Hughes ay tunay na nagpapasalamat kay Kate sa paggising kay Steven, at nang marinig nilang binanggit ito muli ni Kate, nagpalitan ng tingin ang mga magulang ni Steven sa isa't isa.Maya-maya, naglakad si Mrs. Hughes papunta kay Kate at hinawakan ng mahigpit ang kanyang mga kamay. "Kate, alam kong masama ang loob mo. Sa tingin ko wala lang sa tamang pag-iisip si Steven ngayon dahil sa p*tang yun. Pero wag kang mag-alala, dahil kakampi mo kami. Gagawin naming magbago ang isip niya. Hindi siya makikipaghiwalay sayo."Mariing tumango si Mr. Hughes. "Tama yun Kate. Huwag ka nang malungkot. Hangga't nabubuhay kami, ikaw ang tanging manugang na sinasang-ayunan namin!"Kinagat ni Kate ang kanyang labi at tumigil sa pag-iyak. "Salamat, Mr. Hughes. Salamat, Mrs. Hughes.""Sweet na babae." Nabuhayan ng loob si Mrs. Hughes nang makitang tumigil sa pag-iyak si Kate. Hinawakan niya ang kamay ni Kate at gusto niya itong isama para tingnan si Steven."Wag na po." Ngumuso si Kate, nang
Sa sobrang lakas ng bagsak ng lalaki sa sahig ay hindi siya makatayo. Pagkatapos ng mahabang sandali, tumayo na siya mula sa sahig at lumingon siya at nabunyag ang kanyang mukha na puno ng sugat. Sa sobrang dami ng sugat ay hindi mamukhaan ang kanyang mukha. “Ms. Miller, ginawa ko na ang lahat para piliin ang taong pinaka bagay para sa trabahong ito. HIndi ko inaasahan na darating ng sakto si Steven at mabangga siya ng truck…” “Sigurado ako na sa tingin niyo ay kasalanan ko ito, pero dapat ninyong aminin na hindi rin ito parte ng plano niyo, hindi ba? Sinundan ko ang lahat ng instruction na ibinigay niyo sa akin…” Tumayo ang lalaki mula sa sahig at umupo siya sa sofa. “Nagpadala na ako ng mga tauhan para bantayan sina Joshua at Thomas, at pumili pa ako ng oras kung saan wala sila para dito.” “Hindi ko kasalanan na hindi nasunod ang plano…” Mabagal na nawala ang galit ni Kate nang marinig niya ito. Umikot ang mga mata niya at sinabi niya ng malamig, “Mabuti na lang at mukhan
Sumingkit ang mga mata ni Thomas. “Nandito si Malcolm sa Saigen City?” Ang mga tauhan niya ay hinahanap si Malcolm sa Merchant City, at noong una, nahanap pa rin nila ang phone signal nito. Ngunit, noong isang buwan ang nakalipas, naglaho ang signal ng phone nito. Kahit anong gawin nila, tila hindi niya mahanap ang kinaroroonan ni Malcolm pagkatapos nito. Ito ay para bang naglaho bigla si Malcolm. Gayunpaman, walang intensyon si Thomas na pakawalan si Malcolm. Dahil sa pakikialam ni Malcolm, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Thomas kila Joshua at Luna ng matagal at halos mapunta pa siya sa gulo. Hindi lang ‘yun, halos mapatay pa si Bonnie! Kahit na hindi direktang naging parte si Thomas dito, hindi niya pa rin mapigilan na pagsisihan ang mga kilos niya. Kung hindi siya naniwala kay Malcolm at kung hindi niya dinala ito sa Merchant City, baka hindi sana napunta sa ganoong sitwasyon si Bonnie. Kaya naman, kailangan magbayad ni Malcolm, at dahil dito, nag utos siya ng ta
Sumingkit ang mga mata ni Thomas nanag marinig niya ito. “Totoo ba ito?” Bago ito sa kanya. “Syempre naman!” Napuno ng tagumpay ang mga mata ni Tina nang mapansin niya na gumagaan na ang ugali ni Thomas. “Syempre totoo ito. Alam ko na nagsinungaling ako sayo dati, Thomas, pero hindi ko na ito uulitin.” “Tutal, alam mo kung gaano kagaling ang tumutulong sayo, si Joshua Lynch, sa trabaho niya—nakuha niya na ang karamihan sa mana ng pamilya. Alam ng tatay mo na kung hindi siya umamin sa mga pagkakamali niya ngayon, wala siyang paraan para labanan ka.” “Pati kumakapit pa rin siya sa ego niya, kaya pinilit niya ako na tawagan ka para kumbinsihin ka na umuwi. Pagkatapos, hihingi siya ng tawad sayo, at pwede niyong pag usapan ang lahat.” Ginagawa ni Tina ang lahat para makumbinsi si Thomas na umuwi. Sumingkit ang mga mata ni Thomas dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumisi siya at suminghal siya. “Kung ganun, naisip niya na dapat ito sa simula pa lang.” Ito ang rason ku
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya