"Kate." Kumunot ang noo ni Steven habang walang magawang nakatingin kay Kate. "Akala ko nilinaw ko na sayo ang lahat. Ikaw ay—""Ganun din ako." Ngumisi si Kate habang nakatingin sa mukha ni Steven. "Sa tingin mo pwede mong kanselahin na lang ang kasal dahil gusto mong makipaghiwalay sa akin? Hindi ito ganun kasimple tulad ng iniisip mo!"Gumapang ang kanyang labi sa isang malamig na ngiti. "Huwag mong kakalimutan na limang taon akong naglibot sa mundo para maghanap ng paraan para magamot ka. Alam mo ba kung ano ang nag-udyok sa akin na gawin iyon?"Kumunot ang noo ni Steven at hindi sumagot."Ito ay ang malalim na pagtutulungan ng pamilya mo at ng pamilya ko."Alam niyang hindi na maaapektuhan ng paglalaro ng emotion card ang puso ni Steven. Kaya, tumigil siya sa pagpapanggap at sinabi sa kanya ang lahat."Tama ka. Hindi pa tayo nagkita bago ka na-coma. Ang pamilya ko ay palaging nakatuon at nakatutok sa pamumuhunan at pananaliksik ng mga kasanayan sa medikal. Pagkatapos mong ma
Napakunot ang noo ni Steven. Sapat na ang nakakagulat na si Kate ay nagtapat sa kanya at sabihin sa kanya ang lahat. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na pagbantaan siya nito sa kanyang mga magulang at negosyo ng pamilya!Nanlamig ang mga mata niya habang nakatingin kay Kate. Nagkaroon siya ng paghuhusga sa personalidad ni Kate pagkatapos nitong magpadala ng mga tao para subaybayan siya ng ilang beses at imbestigahan siya. Sa kabila noon, hindi niya inasahan na ang tunay nitong pagkatao ay magiging mas walang malasakit at masama kaysa sa inaakala niya.Natawa si Kate nang tahimik siyang tinitigan ni Steven. Tiningnan niya ito ng walang pakialam. "Sinabi ko na ang lahat ng kailangan. Kung pipilitin mong makipaghiwalay, iminumungkahi ko na isipin mo ang lahat ng mga kalamangan at kahinaan. Siyempre, maaari mong tanggihan na pansinin ang negosyo ng iyong pamilya at ang iyong mga magulang. Maaari kang magpanggap na ikaw ay Luke na natagpuan ang kanyang alaala at umalis sa lungsod na ito k
Galit na galit si Denise dahil sa sinabi ni Kate."Hindi ako nagulat. Ang mga taong kaibigan ng walang hiyang taong iyon ay mga walang hiyang tao din!"Naalala niya ang oras na nakita niya si Yannie sa ski resort. Isang babae ang tumakbo kay Yannie at pinrotektahan siya. Higit pa rito, kinuha pa niya ang parehong gawang military knife gaya ng sa kanyang kapatid para takutin siya.Kumunot ang noo ni Denise at tumingin kay Kate. "Yung babaeng nang-akit sa kapatid ko... Siya ba yung kasama ng asawa ni Joshua Lynch na si Luna?""Siya yun, oo." Tuwang-tuwa si Kate na matalino si Denise na banggitin si Gwen sa kanyang paggabay. Ganun pa man, nagkunwari siyang masama ang loob.Bumuntong-hininga siya at tumingin kay Denise na walang magawa ang mukha na parang wasak ang puso niya at walang makakapaglarawan sa nararamdaman niya. Maya-maya, hinawakan niya ang kamay ni Denise."Denise, sigurado akong alam mo na ang babaeng yun ay napakalapit sa asawa ni Joshua Lynch, si Luna. Magkasama silan
Ang pamilya Hughes ay tunay na nagpapasalamat kay Kate sa paggising kay Steven, at nang marinig nilang binanggit ito muli ni Kate, nagpalitan ng tingin ang mga magulang ni Steven sa isa't isa.Maya-maya, naglakad si Mrs. Hughes papunta kay Kate at hinawakan ng mahigpit ang kanyang mga kamay. "Kate, alam kong masama ang loob mo. Sa tingin ko wala lang sa tamang pag-iisip si Steven ngayon dahil sa p*tang yun. Pero wag kang mag-alala, dahil kakampi mo kami. Gagawin naming magbago ang isip niya. Hindi siya makikipaghiwalay sayo."Mariing tumango si Mr. Hughes. "Tama yun Kate. Huwag ka nang malungkot. Hangga't nabubuhay kami, ikaw ang tanging manugang na sinasang-ayunan namin!"Kinagat ni Kate ang kanyang labi at tumigil sa pag-iyak. "Salamat, Mr. Hughes. Salamat, Mrs. Hughes.""Sweet na babae." Nabuhayan ng loob si Mrs. Hughes nang makitang tumigil sa pag-iyak si Kate. Hinawakan niya ang kamay ni Kate at gusto niya itong isama para tingnan si Steven."Wag na po." Ngumuso si Kate, nang
Sa sobrang lakas ng bagsak ng lalaki sa sahig ay hindi siya makatayo. Pagkatapos ng mahabang sandali, tumayo na siya mula sa sahig at lumingon siya at nabunyag ang kanyang mukha na puno ng sugat. Sa sobrang dami ng sugat ay hindi mamukhaan ang kanyang mukha. “Ms. Miller, ginawa ko na ang lahat para piliin ang taong pinaka bagay para sa trabahong ito. HIndi ko inaasahan na darating ng sakto si Steven at mabangga siya ng truck…” “Sigurado ako na sa tingin niyo ay kasalanan ko ito, pero dapat ninyong aminin na hindi rin ito parte ng plano niyo, hindi ba? Sinundan ko ang lahat ng instruction na ibinigay niyo sa akin…” Tumayo ang lalaki mula sa sahig at umupo siya sa sofa. “Nagpadala na ako ng mga tauhan para bantayan sina Joshua at Thomas, at pumili pa ako ng oras kung saan wala sila para dito.” “Hindi ko kasalanan na hindi nasunod ang plano…” Mabagal na nawala ang galit ni Kate nang marinig niya ito. Umikot ang mga mata niya at sinabi niya ng malamig, “Mabuti na lang at mukhan
Sumingkit ang mga mata ni Thomas. “Nandito si Malcolm sa Saigen City?” Ang mga tauhan niya ay hinahanap si Malcolm sa Merchant City, at noong una, nahanap pa rin nila ang phone signal nito. Ngunit, noong isang buwan ang nakalipas, naglaho ang signal ng phone nito. Kahit anong gawin nila, tila hindi niya mahanap ang kinaroroonan ni Malcolm pagkatapos nito. Ito ay para bang naglaho bigla si Malcolm. Gayunpaman, walang intensyon si Thomas na pakawalan si Malcolm. Dahil sa pakikialam ni Malcolm, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Thomas kila Joshua at Luna ng matagal at halos mapunta pa siya sa gulo. Hindi lang ‘yun, halos mapatay pa si Bonnie! Kahit na hindi direktang naging parte si Thomas dito, hindi niya pa rin mapigilan na pagsisihan ang mga kilos niya. Kung hindi siya naniwala kay Malcolm at kung hindi niya dinala ito sa Merchant City, baka hindi sana napunta sa ganoong sitwasyon si Bonnie. Kaya naman, kailangan magbayad ni Malcolm, at dahil dito, nag utos siya ng ta
Sumingkit ang mga mata ni Thomas nanag marinig niya ito. “Totoo ba ito?” Bago ito sa kanya. “Syempre naman!” Napuno ng tagumpay ang mga mata ni Tina nang mapansin niya na gumagaan na ang ugali ni Thomas. “Syempre totoo ito. Alam ko na nagsinungaling ako sayo dati, Thomas, pero hindi ko na ito uulitin.” “Tutal, alam mo kung gaano kagaling ang tumutulong sayo, si Joshua Lynch, sa trabaho niya—nakuha niya na ang karamihan sa mana ng pamilya. Alam ng tatay mo na kung hindi siya umamin sa mga pagkakamali niya ngayon, wala siyang paraan para labanan ka.” “Pati kumakapit pa rin siya sa ego niya, kaya pinilit niya ako na tawagan ka para kumbinsihin ka na umuwi. Pagkatapos, hihingi siya ng tawad sayo, at pwede niyong pag usapan ang lahat.” Ginagawa ni Tina ang lahat para makumbinsi si Thomas na umuwi. Sumingkit ang mga mata ni Thomas dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumisi siya at suminghal siya. “Kung ganun, naisip niya na dapat ito sa simula pa lang.” Ito ang rason ku
Nasa hospital si Yannie kasama sina Luna at Rachel, pinapagaan nila ang loob ni Gwen nang makatanggap siya ng phone call mula kay Thomas. Simula sa oras na bumalik siya sa hotel, tahimik nang nakaupo si Gwen sa harap ng bintana, nakatitig sa tanawin sa labas. Kahit anong gawin nila Luna at Rachel, laging nakatitig lang si Gwen sa bintana na para bang wala siyang naririnig sa kahit anong sabihin nila—hanggang sa dumating si Yannie. Hinawakan ni Yannie ang kamay niya at inilarawan niya ang lahat ng nangyari kay Steven. Bumalik ang pamilyar na liwanag sa mga mata ni Gwen. Lumingon siya para tumitig ng nalilito kay Yannie. “Sinasabi mo ba na si Steven at Luke ay posibleng magkapatid, at baka kambal pa sila?” Tumango si Yannie. “Narinig ko na sinabi ito ng isa sa mga espiya ni Thomas. Ang nangyari pala ay ang pamilya Hughes ay biniyayaan ng dalawang anak na kambal, pero sa hindi malamang rason, may sakit ang mga bata simula pa noong ipinanganak sila, at ang isa sa kanila ay halo