“Dinala ko siya sa biyahe na ito dahil umaasa ako na hindi niya na mamimiss si Luke, pero napagtanto ko na imposible ito.” “Kapag nagpatuloy ako na hayaan siya na manatili sa mga ibang lugar na tulad nito, sigurado ako baka may mangyari na tulad ng nangyari kagabi at ngayong araw.” “Ngayon, nangyari ito habang nandito sa Saigen City, kung saan kaya niyo ni Thomas na tulungan kami, pero paano kung nangyari ito sa ibang lugar, kung saan hindi niyo kami matutulungan?” Kinurot ni Luna ang noo niya sa pagod. “Kaya naman, nagdesisyon na ako na mas mabuti na kung hinayaan natin si Gwen na umuwi. Kapag bumalik siya sa Sea City kasama ang mga abo ni Luke, baka mas magiging mabuti ang pakiramdam niya dahil nasa lugar siya na alam niyang ligtas siya.” Hindi mapigilan ni Joshua na magbuntong hininga nang marinig niya ito. “Lulu.” Nabigla si Luna dahil dito. “Ano ‘yun?” “Mas nagiging mature ka bawat araw na lumilipas.” Ngumiti si Joshua. “Maunawain ka na sa damdamin ng iba at hindi ko m
Tumahimik si Luna nang marinig niya ito. Makalipas ang ilang sandali, hindi niya mapigilan na magbuntong hininga. “Ano ba ang pinagsasabi mo, Joshua?” “HIndi naman sinabi ni Gwen na buhay pa si Luke, ang binanggit niya lang ay napanaginipan niya si Luke. Bakit mo naman iisipin na buhay pa si Luke?” “Bukod pa dito, hindi ba’t ikaw ang nagdala sa katawan ni Luke palabas ng operating room kasama ang kapatid ko at inilibing niyo siya? Sinabi mo na cremated na ang katawan niya… kaya paano naman nangyari na buhay pa siya?” Pumikit si Joshua at may mapait na ngiti na namuo sa kanyang mukha. Tama si Luna… Sila ni Jim ang nagdala sa katawan ni Luke. Gayunpaman, sa mga oras na ‘yun, pareho silang puno ng kalungkutan at hindi man lang nila magawa na tumingin sa katawan ni Luke. Hindi lang ‘yun, wala pa silang ideya na may kambal na kapatid si Luke, kaya walang kahit sino sa kanila ang inaasahan na may masamang nangyari. Napagtanto ni Luna na medyo sumobra siya nang mapansin niya
Nandito siya para tulungan si Thomas para makipaglaban sa mana nito at makuha ang ebidensya ng pagpatay sa nanay niya. Gayunpaman, dahil kay Luna, maraming oras na nasayang. Kahit na maraming taon na silang kasal, hindi pa rin mapigilan ni Luna na makonsensya dahil dito. Tumawa si Joshua nang marinig niya ito. “Hindi ito abala pagdating sayo.” Kahit na maraming taon na silang kasal—Diyos ko, may apat na anak na sila—hindi pa rin mapigilan ni Luna na mamula ang mukha niya tuwing nagsasabi si Joshua ng matamis sa kanya na parang ganito. Nag usap silang dalawa ng ilang sandali pa bago niya ibinaba ang phone. Sa sandali na matapos na ang phone call niya kay Joshua, natanggap niya ang message mula kay Lucas tungkol sa mga detalye ng flight. Maraming taon nang nagtatrabaho si Lucas para kay Joshua at nakuha niya na ang parte ng ugali ni Joshua na pagiging maalalahanin. Sinadya niyang magbook ng flight ng hapon para magkaroon ng sapat na oras sina Luna at Gwen para maghanda at
“Opo, Sir,” Ang sagot ng assistant ni Steven Hughes sa kabilang linya ng phone, tumango ito. “Interesado po si Dr. Liddell sa kaso niyo simula po nang aralin niya ito. Lilipad po siya papunta dyan ngayong umaga mula sa Merchant City. Base po sa haba ng flight, darating po siya dyan sa loob ng kalahating oras.” Pagkatapos, pinaalala ulit ng assistant kay Steven, “Sir, sigurado po ba kayo na hindi niyo sasabihin kay Ms. Miller ang tungkol dito? Siya po at ang pamilya niya ang responsable sa kalagayan niyo noong wala po kayong malay. Marami po silang binili na medical institution dahil sa inyo… Sa tingin ko po ay hindi mabuti kung hindi niyo po sasabihin sa kanila na naghahanap po kayo ng isang doctor.” Kumunot ang noo ni Steven at suminghal siya, “Assistant ka ba ni Kate, o assistant ko?” Huminto ang assistant at hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. “‘Wag mong sabihin kay Kate o sa pamilya niya ang tungkol dito. Sisiguraduhin ko na magsisisi ka kapag ginawa mo ito!” Ibinab
Gayunpaman, huminto si Steven pagkatapos lang ng ilang hakbang. Hindi nila kilala ang isa’t isa. Kahit na akala niya ay maraming beses na silang nagkita dati, may mataas na posibilidad na hindi siya napansin nito. Nagisip siya mula sa pananaw ng babaeng ito at napagtanto niya na kakaiba kung lumapit siya at magpaalam sa babaeng ito. Samantala, biglang nagring ang phone niya. Ito ay mula kay Kate.Kumunot ang noo niya habang nakatitig siya sa pangalan ng tumatawag sa screen niya bago siya pumunta sa bathroom sa isang tabi. Masyadong maingay sa main hall ng airport, at natatakot siya na maghinala si Kate. Pagkatapos maglakad palayo ni Steven, napansin na siya ni Gwen. ‘Kamukha ng taong ‘yun si Luke. Ang tangkad, katawan, at pati ang paraan ng paglalakad niya,’ Ito ang naisip niya. Dati, tatakbo siya palapit kapag nakita niya ang isang tao na kamukha ni Luke, ngunit sa mga sandaling ito… natanggap niya na na wala na sa mundong ito si Luke. Klaro na rin sa kanya na kahit gaano k
“Hindi ko alam ang tungkol dito. HInahanap ko si Rachel, at dahil hindi ako matiis ni Caleb, sinabi niya sa akin na papunta si Rachel sa Saigen City dahil may nahanap siyang interesantang kaso. Pinakita niya pa sa akin ang mga detalye ng pasyente na natanggap ni Rachel sa email. Binuksan ko ito at tiningnan ko.” “Dito ko… nakita ang litrato ni Luke,” Ang paliwanag ni Theo. Huminto siya bago niya tinanong, “Kaya, nasa Saigen City pa ba kayo ni Gwen?” Kinagat niya ang labi niya. Naramdaman niya na may tumama sa puso niya habang ang utak niya ay naging magulo. Lumingon siya para tumitig kay Gwen, na siyang medyo malayo sa kanya.Nakaupo si Gwen sa bagahe niya habang tulala, nakatingin siya sa paligid ng airport. Nadurog ang puso ni Luna nang makuha niya ang itsura ni Gwen. Kinagat niya ang labi niya at sinabi niya ng may mahinang boses, “Theo, sigurado ka ba? Hindi ka dapat magbiro ng tungkol dito.” Alam ni Luna na si Steven Hughes ay ang fiance ni Kate. Ang mga doctor ng medic
Habang iniisip ni Luna ang mga posibilidad, tumibok ng mabilis ang puso niya. Hindi kaya’t si Steven ay si Luke? Ito lang ang tanging paliwanag kung bakit nagdurusa siya ng sintomas na para siyang isang pasyente na may amnesia. Ang nanay ni Luna, si Rosalyn, ay higit sa isang taon na nasa coma rin, ngunit hindi siya nakakaranas ng mga sintomas na tinutukoy ni Steven. Nanginig ang mga kamay ni Luna. “Bakit ka hinahanap ni Theo?” Pagkatapos, narinig niya ang boses ni Gwen. Huminto si Luna at mabilis niyang itinabi ang phone niya. Tumingin siya ng nakangiti kay Gwen. “Wala; tinatanong niya lang kung nasa Saigen City pa rin ako. Sinabi niya na darating si Rachel sa loob ng kalahating oras, at darating siya ng gabi. Tinatanong niya kung may oras tayo para kumain ng hapunan kasama niya.” Tumawa si Gwen, nalungkot siya habang iniisip ito. “Bakit sa tingin mo ay sinubukang sirain ni Thoe ang relasyon niya kasama si Rachel dati? Tingnan mo siya ngayon. Si Rachel ay fiance ni Caleb, at
Akala ni Gwen ay namamalikmata siya, ngunit bumalik siya sa sarili niya nang tumawag ulit sa kanya ang janitor… Napagtanto niya na hindi siya nananaginip. Kinagat niya ang labi niya at naramdaman niya na nanginginig siya. Naglakad siya patungo sa direksyon ni Steven na para bang tumatakbo siya. "Gwen!" Naramdaman ni Luna na para bang may kakaiba nang mapansin niya na hindi pa bumabalik si Gwen. Kumunot ang noo niya at tinawag niya ang pangalan ni Gwen. Pagtingin niya sa likod, nakita niya na tumatakbo si Gwen patungo sa isang lalaki. Nagulat siya nang makita niya ito at nagtaka siya kung ano na naman ang pumasok kay Gwen, Kaya naman, mabilis niyang hinabol si Gwen. Ngunit, habang palapit siya, nakita niya ang mukha ng lalaki, at halos tumalon ang puso niya sa kanyang lalamunan. ‘Siya ay… si Steven Hughes? Hindi. Hindi siya si Steven Hughes! Siya si Luke! Si Luke siguro siya!’ “Luke!” Tumakbo si Gwen patungo kay Steven na parang isang baliw na babae. Niyakap niya ang nal