Nandito siya para tulungan si Thomas para makipaglaban sa mana nito at makuha ang ebidensya ng pagpatay sa nanay niya. Gayunpaman, dahil kay Luna, maraming oras na nasayang. Kahit na maraming taon na silang kasal, hindi pa rin mapigilan ni Luna na makonsensya dahil dito. Tumawa si Joshua nang marinig niya ito. “Hindi ito abala pagdating sayo.” Kahit na maraming taon na silang kasal—Diyos ko, may apat na anak na sila—hindi pa rin mapigilan ni Luna na mamula ang mukha niya tuwing nagsasabi si Joshua ng matamis sa kanya na parang ganito. Nag usap silang dalawa ng ilang sandali pa bago niya ibinaba ang phone. Sa sandali na matapos na ang phone call niya kay Joshua, natanggap niya ang message mula kay Lucas tungkol sa mga detalye ng flight. Maraming taon nang nagtatrabaho si Lucas para kay Joshua at nakuha niya na ang parte ng ugali ni Joshua na pagiging maalalahanin. Sinadya niyang magbook ng flight ng hapon para magkaroon ng sapat na oras sina Luna at Gwen para maghanda at
“Opo, Sir,” Ang sagot ng assistant ni Steven Hughes sa kabilang linya ng phone, tumango ito. “Interesado po si Dr. Liddell sa kaso niyo simula po nang aralin niya ito. Lilipad po siya papunta dyan ngayong umaga mula sa Merchant City. Base po sa haba ng flight, darating po siya dyan sa loob ng kalahating oras.” Pagkatapos, pinaalala ulit ng assistant kay Steven, “Sir, sigurado po ba kayo na hindi niyo sasabihin kay Ms. Miller ang tungkol dito? Siya po at ang pamilya niya ang responsable sa kalagayan niyo noong wala po kayong malay. Marami po silang binili na medical institution dahil sa inyo… Sa tingin ko po ay hindi mabuti kung hindi niyo po sasabihin sa kanila na naghahanap po kayo ng isang doctor.” Kumunot ang noo ni Steven at suminghal siya, “Assistant ka ba ni Kate, o assistant ko?” Huminto ang assistant at hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. “‘Wag mong sabihin kay Kate o sa pamilya niya ang tungkol dito. Sisiguraduhin ko na magsisisi ka kapag ginawa mo ito!” Ibinab
Gayunpaman, huminto si Steven pagkatapos lang ng ilang hakbang. Hindi nila kilala ang isa’t isa. Kahit na akala niya ay maraming beses na silang nagkita dati, may mataas na posibilidad na hindi siya napansin nito. Nagisip siya mula sa pananaw ng babaeng ito at napagtanto niya na kakaiba kung lumapit siya at magpaalam sa babaeng ito. Samantala, biglang nagring ang phone niya. Ito ay mula kay Kate.Kumunot ang noo niya habang nakatitig siya sa pangalan ng tumatawag sa screen niya bago siya pumunta sa bathroom sa isang tabi. Masyadong maingay sa main hall ng airport, at natatakot siya na maghinala si Kate. Pagkatapos maglakad palayo ni Steven, napansin na siya ni Gwen. ‘Kamukha ng taong ‘yun si Luke. Ang tangkad, katawan, at pati ang paraan ng paglalakad niya,’ Ito ang naisip niya. Dati, tatakbo siya palapit kapag nakita niya ang isang tao na kamukha ni Luke, ngunit sa mga sandaling ito… natanggap niya na na wala na sa mundong ito si Luke. Klaro na rin sa kanya na kahit gaano k
“Hindi ko alam ang tungkol dito. HInahanap ko si Rachel, at dahil hindi ako matiis ni Caleb, sinabi niya sa akin na papunta si Rachel sa Saigen City dahil may nahanap siyang interesantang kaso. Pinakita niya pa sa akin ang mga detalye ng pasyente na natanggap ni Rachel sa email. Binuksan ko ito at tiningnan ko.” “Dito ko… nakita ang litrato ni Luke,” Ang paliwanag ni Theo. Huminto siya bago niya tinanong, “Kaya, nasa Saigen City pa ba kayo ni Gwen?” Kinagat niya ang labi niya. Naramdaman niya na may tumama sa puso niya habang ang utak niya ay naging magulo. Lumingon siya para tumitig kay Gwen, na siyang medyo malayo sa kanya.Nakaupo si Gwen sa bagahe niya habang tulala, nakatingin siya sa paligid ng airport. Nadurog ang puso ni Luna nang makuha niya ang itsura ni Gwen. Kinagat niya ang labi niya at sinabi niya ng may mahinang boses, “Theo, sigurado ka ba? Hindi ka dapat magbiro ng tungkol dito.” Alam ni Luna na si Steven Hughes ay ang fiance ni Kate. Ang mga doctor ng medic
Habang iniisip ni Luna ang mga posibilidad, tumibok ng mabilis ang puso niya. Hindi kaya’t si Steven ay si Luke? Ito lang ang tanging paliwanag kung bakit nagdurusa siya ng sintomas na para siyang isang pasyente na may amnesia. Ang nanay ni Luna, si Rosalyn, ay higit sa isang taon na nasa coma rin, ngunit hindi siya nakakaranas ng mga sintomas na tinutukoy ni Steven. Nanginig ang mga kamay ni Luna. “Bakit ka hinahanap ni Theo?” Pagkatapos, narinig niya ang boses ni Gwen. Huminto si Luna at mabilis niyang itinabi ang phone niya. Tumingin siya ng nakangiti kay Gwen. “Wala; tinatanong niya lang kung nasa Saigen City pa rin ako. Sinabi niya na darating si Rachel sa loob ng kalahating oras, at darating siya ng gabi. Tinatanong niya kung may oras tayo para kumain ng hapunan kasama niya.” Tumawa si Gwen, nalungkot siya habang iniisip ito. “Bakit sa tingin mo ay sinubukang sirain ni Thoe ang relasyon niya kasama si Rachel dati? Tingnan mo siya ngayon. Si Rachel ay fiance ni Caleb, at
Akala ni Gwen ay namamalikmata siya, ngunit bumalik siya sa sarili niya nang tumawag ulit sa kanya ang janitor… Napagtanto niya na hindi siya nananaginip. Kinagat niya ang labi niya at naramdaman niya na nanginginig siya. Naglakad siya patungo sa direksyon ni Steven na para bang tumatakbo siya. "Gwen!" Naramdaman ni Luna na para bang may kakaiba nang mapansin niya na hindi pa bumabalik si Gwen. Kumunot ang noo niya at tinawag niya ang pangalan ni Gwen. Pagtingin niya sa likod, nakita niya na tumatakbo si Gwen patungo sa isang lalaki. Nagulat siya nang makita niya ito at nagtaka siya kung ano na naman ang pumasok kay Gwen, Kaya naman, mabilis niyang hinabol si Gwen. Ngunit, habang palapit siya, nakita niya ang mukha ng lalaki, at halos tumalon ang puso niya sa kanyang lalamunan. ‘Siya ay… si Steven Hughes? Hindi. Hindi siya si Steven Hughes! Siya si Luke! Si Luke siguro siya!’ “Luke!” Tumakbo si Gwen patungo kay Steven na parang isang baliw na babae. Niyakap niya ang nal
Nang marinig ang malalim at mababang boses ni Steven, bumitaw ang mga braso ni Gwen sa baywang ni Steven. Ang boses na ito… ay kay Luke. Ngunit ang paraan niya ng pagsasalita, ang tono niya, at ang ugali niya ay iba kay Luke. Hindi magsasalita ng ganito sa kanya si Luke. Sa halip, gagamitin ni Luke ang kamay nito para pingutin ng malambing ang ilong niya, “Loko ka, namiss mo ba ako? Alam ko na hindi mo ako iiwan.” Para sa iba, si Luke ay isang lalaking walang pakialam sa iba. Para kay Gwen, si Luke ay isang mapagmalasakit na lalaki. Ang lalaking niyakap ni Gwen ay may ibang tono, ibang paraan ng pagsasalita, at ibang lohiko kumpara kay Luke. Si Luke ay hindi magsasalita ng magalang sa isang babae, kahit na ibang tao ang kausap niya.” Huminga ng malalim si Gwen at mabagal siyang bumitaw sa baywang nito. Tumingala siya at tumingin siya sa lalaking nasa harap niya. Ang kilay, mga mata, ilong, panga, mga labi… Pati ang peklat sa kilay at kalmot sa leeg niya ay dahil kay Gwen… Pareh
“Gwen.” Bumalik na sa sarili si Luna pagkatapos niyang magulat noong unang beses niyang nakita ng malapit si Steven. Kinagat niya ang labi niya. Kahit na hindi niya alam kung paanong si Luke ay biglang naging si Steven, hindi ito ang oras para pag usapan ito. Pagkatapos sumingit sa mga manonood, nakarating na siya kung nasaan sina Gwen at Steven, kumunot ang noo niya at nagsalita siya ng may mahinang boses, “Tara, Gwen. Umalis na tayo.” Nabigla si Gwen nang marinig niya ang boses ni Luna, mabilis siyang lumingon para tumingin ng sabik kay Luna. “Luna, tinginan mo! Si Luke! Si Luke ito! Halos mabaliw na siya sa puntong ito at wala siyang pakialam kung paano siya tingnan ng iba. “Nahanap ko si Luke, Lulu! Nakikita mo ba ito? Nahanap ko si Luke!” “Alam mo ba na nandito siya? Ito ba ang rason kung bakit dinala mo ako dito?” Tumibok ang puso niya habang kaharap ang mga sinasabi ng kaibigan niya. Kinagat niya ang labi niya at tumingin siya kay Steven habang humingi siya ng tawad