Sa sandaling iyon, hindi makapaniwala si Gwen sa kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay umakyat ang kanyang dugo sa kanyang ulo.Naghahallucinate ba siya? Paano ito nangyari?Napakagat siya sa kanyang labi at hindi namamalayan na kinusot ang kanyang mga mata.Hindi siya nagha-hallucinate! Ang lalaking nasa harapan niya ay si Luke!"Miss, okay ka lang ba?" Dahan-dahang naglakad si Steven Hughes palapit sa kanya at tiningnan ang babaeng ito na mas mababa sa kanya ng isang ulo.Nakikilala niya na ito ang babaeng sinusundan niya sa social media. Ang liit talaga ng mundo.Napansin lang niya ito sa social media dalawang araw na ang nakakaraan, ngunit muntik na niya itong mabangga sa lansangan nang umagang iyon.Mabuti pa ang lahat bago magsalita ang lalaki. Sa sandaling magsalita siya, bumagsak kaagad ang luha ni Gwen.Ang boses na iyon... Malinaw na boses iyon ni Luke!Paanong ang hitsura, aura, at boses ng isang tao ay parang kay Luke?Si Luke iyon... Ito ay dapat!Sabay na bumaha
Ito ang dahilan kung bakit nabalisa ang babaeng ito nang makita siya at agad na sumugod sa kanya upang yakapin siya habang umiiyak.Gayunpaman, hindi siya si Luke Jones. Hindi niya maibigay ang sagot na gusto nito, ni ang pag-asa na inaasahan nito.Kaya naman, huminga siya ng malalim at tinulak ito palayo."Miss." Kumunot ang noo niya at tinitigan ang humahagulgol na babae sa harapan niya, pulang pula ang mukha. "Nagkamali ka ng nilapitang tao. Hindi kita kilala, at hindi ako si Luke Jones."Pagkatapos, sa nalilitong tingin ni Gwen, tumalikod siya at tinungo ang direksyon ng kanyang sasakyan.Muntik na itong hindi maiwasan at muntik na itong mabangga ng sasakyan niya dahil sa hindi niya namalayan kaya naman lumabas siya ng sasakyan para tingnan ito dahil sa pag-aalala.Gayunpaman, lumilitaw na ang babaeng ito ay ganap na hindi nasaktan, at hindi niya kailangang sayangin ang kanyang oras dito. Naawa siya sa walang boyfriend, pero hindi ito dahilan para mapagkakamalan niyang boyfri
Tumulo ang luha ni Gwen sa sando ni Steven, nabasa ang dibdib nito.Nararamdaman ang kanyang mga luha at narinig kung gaano siya naagrabyado, si Steven ay nagkaroon ng pagnanasa para sa sandaling iyon.Parang may humihimok sa kanya na aminin na siya ay si Luke Jones, at ito ay sobrang nakagulo sa kanya.Sa lahat ng mga taon na ito, bagama't hindi siya nakatagpo ng maraming babae, may iilan pa rin na gustong mapalapit sa kanya. Ang mga babaeng iyon ay gumamit ng iba't ibang paraan at taktika, ngunit ni minsan ay hindi siya nahulog dito.Gayunpaman, kaiba ang babaeng nasa harapan niya kaysa sa iba. Ramdam niya ang kalungkutan nito. Naiintindihan niya ang wasak na puso nito at ang kanyang kawalan ng kakayahan.Siya ay napakahina at marupok na nakakadurog ng puso na makita.Sobrang nakakadurog ng puso na naisipan pa niyang magpanggap na siya ang Luke Jones na hinahanap niya, para lang maaliw siya ng kaunti.Gayunpaman, sinabi sa kanya ng kanyang katuwiran na hindi niya magagawa iyon
Nang makitang hindi sumasagot ang lalaki sa tabi niya, napapikit si Gwen habang tumutulo ang mga luha."Naiintindihan ko na ang nararamdaman ko. Masyadong isip bata ang iniisip ko na gusto kitang iwan dati. Sa lahat ng oras, akala ko basta't iniwan kita, mas magiging maayos ang buhay mo. Binalak kong umalis para makasama mo ang babaeng iyon, ngunit nang iniwan mo lang ako napagtanto ko kung gaano ka kahalaga sa akin..."Tapos, parang may bigla siyang naisip. Tumingala siya sa kanya na may luhang mga mata. "S—Sinusubukan mo bang turuan ako ng leksyon sa pagtatangkang iwan ka, Luke?"Pinupunasan ang kanyang mga luha, humikbi si Gwen, "Alam kong mali ang ginawa ko. Alam ko talaga 'yon, Luke. Pwede bang itigil mo na ang pagpapanggap na hindi mo ako kilala? Ako ay..."Pumikit si Gwen, at tahimik na tumulo ang mga luha. "Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ako papayag na mawala ka ulit. Alam kong mali ang ginawa ko, kaya gagamitin ko ang natitirang bahagi ng buhay ko para gantihan ka, okay?
Dahil ipinaalam sa kanya ng driver nang maaga bago dumating ang kotse ni Steven sa Millers, nakabihis na si Kate. Naglagay pa siya ng makeup, nakahiga sa may balcony ng kanyang kwarto, nakatingin sa Pursche na nakaparada sa ibaba.Ang kanyang Steven. Pumunta si Steven niya para hanapin siya. Kahit muntik na nitong mabangga ang isang lasing na babae, natakot ito na baka hindi niya maintindihan ito at sadyang dalhin sa kanya ang babae.Paanong hindi niya ito mahal?Minahal niya ito! Minahal niya ang lahat tungkol dito!Sa sandaling iyon, tumunog ang telepono ni Kate. Galing iyon kay Steven."Maaga pa. Sana hindi kita naistorbo," ungol ni Steven sa tawag, ang tono ng paghingi niya ng tawad. "Kakalabas ko lang at muntik na akong makasagasa. Dahil lasing siya, hindi ko nakuha ang pangalan o kung saan siya tumutuloy. Hindi nararapat sa tulad kong lalaki na iuwi ko siya, kaya dinala ko siya sa iyo. Libre ka ba?"Nang marinig ang mahinang boses ni Steven, excited na hinawakan ni Kate ang
“Bakit ang aga mo ngayon?” Ang tanong ni Kate, mukha siyang puro at maganda sa harap ni Steven. Ngumiti si Steven at uminom siya ng gatas na binigay sa kanya. “Gusto kong pumunta sa opisina para magreading. May meeting sa mga Howard ngayong araw.” Pagkatapos, tumingin siya kay Kate. “Nabalitaan mo ba? Ang hindi lihitimong anak ng mga Howard, si Thomas Howard, ay bumalik na. Nabalitaan ko na nagdala siya ng malaking tulong mula sa Merchant City. Ang pangalan niya ay si Joshua Lynch.” Nang marinig ang pangalan ni Joshua, medyo nanginig ang mga kamay ni Kate. Nabalitaan niya na babalik na si Thomas mula sa Merchant City. Alam niya rin na sina Gwen at Luna ay nagbabakasyon sa Saigen City. Ngunit. Ito ang unang beses na narinig niya na nandito rin si Joshua. Nang marinig ang pangalan na ito, sumikip ang puso ni Kate. Nahirapan siyang huminga. Hindi siya natatakot na nandito sina Thomas at Yannie sa Saigen City. Tutal, wala silang problema ni Thomas sa isa’t isa, at si Thomas ay
Agad na pumunta sina Joshua at Thomas sa hotel ni Luna ng umaga. Ang isa pang taong kasama ni Thomas ay ang inaantok na si Yannie. Sa sandali na pumasok si Joshua, kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Ano ang nangyari?” Kinagat ni Luna ang labi niya at ikinuwento niya ang nangyari sa restaurant kagabi. “Akala ko ay nakatulog na siya kagabi, kaya nagpahinga ako konti. Hindi ko inaasahan na makakatulog ako… Nang magising ako, hindi ko na siya mahanap!” “‘Wag kang mag alala, hindi siya mawawala.” Kumunot ang noo ni Thomas. “Nag utos na ako ng mga tao na tingnan ang security footage sa kalsada, at hinahanap na ng mga tauhan ko ang buong bayan. Mahahanap natin siya.” Pagkatapos, lumignon siya para tumingin kay Luna. “May nangyari ba kagabi? Bakit bigla niyang naisip si Luke at uminom siya ng maraming wine?” “Sa tingin ko… alam ko kung bakit.” Maingat na itinaas ni Yannie ang kamay niya na parang isang estudyante na nagkamali. “Kahapon, noong naglalaro tayo sa ski area, naka
“Mhm.” Tumango si Joshua at tinapik niya ng mahina ang balikat ni Luna. May gusto sana siyang sabihin nang tumawag si Lucas. “Sir, nahanap na po namin si Ms. Larson!” Kumunot ang noo ni Joshua. “Saan niyo siya nahanap?” “Sa…” Sa kabilang linya ng phone, nakatingin si Lucas sa nanghihinang si Gwen. “Sa tambakan ng basura po sa timog ng bayan. Hinahanap po namin siya nang may nagsabi na hanapin namin siya sa dump station dahil may malamig na klima sa Saigen City, at maraming mga lasinggero ang giniginaw kapag naglalakad sa kalye. Ang mga taong ito po ay nagtatago sa mga bahay na walang laman o kaya ay hindi na kinakaya at nagtatago sa basura, dahil…” Umubo ng mahina si Lucas. “Dahil po hindi pumapasok ang hangin sa trash bin. Kaya, inutusan ko po sila na maghanap sa bawat dump station, at nahanap po namin si Ms. Larson.” Tumahimik si Joshua. Paano nangyari ‘yun? Tumingin siya sa balisang mga mukha ng tatlo at sinabi niya ng may mahinang boses, “Dalhin mo siya sa The Spring
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya