Nang marinig na natagpuan si Gwen sa tambakan ng basura, napahinto si Luna sa pag eempake ng mga gamit niya. Pagkatapos ng ilang sandali, bumalik siya sa kanyang sarili. Kaya pala inutos ni Joshua kay Lucas na dalhin si Gwen sa The Spring Resort. Kaya pala pinapunta ni Joshua sina Luna at Yannie para samahan si Gwen. Nagpalipas ng gabi si Gwen sa loob ng trash bin. Nabigla noong una si Luna dito, pagkatapos ay nagtaka siya. Laging istrikto sa kalinisan si Gwen, isang bagay ito na matagal nang alam ni Luna. Laging malinis si Gwen. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na ang isang babaeng mahilig sa malinis ng buong buhay ay pupunta sa isang trash bin kapag nalasing! Naisip pa ni Luna na kapag gumising si Gwen, magugulat ito at hindi ito aamin na pumunta ito sa isang trash bin. Habang iniisip ito, mabilis na nag empake si Luna. Pagkatapos ihanda ang lahat, hinila ni Luna si Yannie, paalis na sila. Noong nasa pinto na sila, bigla siyang may maalala at lumingon siya para tumingin
Umaasa si Luna na magbabayad ang pamilya Hughes para sa ginawa ni Denise. “Sige.” Pagkatapos halikan ni Luna si Joshua, tumawa si Joshua at niyakap niya si Luna. Kung wala lang dito si Thomas, niyakap at hinalikan niya na si Luna ng mas matagal. Pakiramdam ni Luna ay ligtas siya dahil sa yakap ni Joshua, sa punto na noong binitawan siya ni Joshua, namumula ang kanyang mukha. “Aalis na ako ngayon,” Ang sabi ni Luna at mabilis siyang umalis. Nang marinig na humihina na ang mga yapak sa corridor, umupo ng mas komportable si Thomas at tumingin siya ng kalmado kay Joshua. “Ganun ba kayo kalapit sa isa’t isa?” “Ano naman ngayon?” Ngumiti si Joshua at sumandal siya, tumingin siya sa mga mata ni Thomas. “Matandang magkasintahan na kami pero mahal pa rin namin ng sobra ang isa’t isa. Pero kayong dalawa naman ni Yannie… hindi kayo mukhang magkasintahan na nakaraan lang nagsama.” Totoo nga na masunurin lagi si Yannie kay Thomas, ngunit parang may kulang. Mula sa pananaw ni Joshua, s
Gustong tumawa ni Luna, ngunit hindi niya ito ginawa nang makita niya na nakakaawa ang itsura ni Gwen. Pinigilan niya ang sarili niya sa pagtawa at lumapit siya para hawakan ang kamay ni Gwen. “Sabihin mo pala sa akin—saan ka pumunta?” “Paano ko malalaman…” Itinikom ni Gwen ang mga labi niya. “Naaalala ko lang na may kakaibang panaginip ako. Noong gumising ako, nandito na ako.” Patuloy siya sa pagtitig kay Luna para ipakita na hindi siya natutuwa, “Kasama kitang umiinom, hindi ba? Bakit hindi mo ako inalagaan? Bakit hinayaan mo ang mga taong ‘yun na gawin ang gusto nila at sabihin na pumunta ako sa tambakan ng basura?” Naaliw si Luna dahil dito. “Sinisisi mo ako dahil lumayas ka ng mag isa?” Kumunot ang noo ni Gwen at may gusto sana siyang sabihin bago niya nakita na nakatayo si Yannie sa likod ni Luna. Kaya naman, bumitaw siya kay Luna at tumayo siya para lumapit kay Yannie at tumingin siya dito ng may seryosong mukha. “Yannie, alam ko na hindi ka magsisinungaling sa akin. Sab
Nagbuntong hininga si Luna at humiga siya sa tabi ni Gwen. Ihiniga niya ang ulo niya sa tabi ni Gwen at tumingin siya sa kisame kasama nito. “Hindi mo pa rin… makalimutan si Luke, hah?” Pumikit si Gwen habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mukha. “Oo.” Ngumiti siya ng mapait ng nakapikit. “Sa totoo lang, alam ko na ang lahat. Matagal na.” Huminto ang puso ni Luna nang marinig niya ito. “A… Anong ibig mong sabihin?” “Alam ko na wala na sa mundong ito si Luke.” Ngumiti ng mapait si Gwen. Mahina ang boses niya at malabo ito na para bang mula ito sa malayo. “Nagsinungaling kayong lahat sa akin para protektahan ako mula sa katotohanan. Gusto niyong maniwala ako na buhay pa si Luke at na ayaw niya na akong makasama, pero…” Namamaos ang boses niya. “Alam kong matagal na siyang wala. Binigay niya ang puso niya sa akin at gusto niya akong mabuhay ng masaya kasama siya… pero nakalimutan niya na mahal na mahal ko siya. Paano ako mabubuhay ng masaya ng wala siya?” Sa sobrang gulat
Ang secretary ni Steven ang nagbukas ng pinto sa conference room. Huminga ng malalim si Steven at pumasok siya sa conference room. Akala niya ay mag isa lang na pupunta si Thomas sa meeting. Sa ikinagulat niya, may isa pang lalaking kasama si Thomas, isang lalaking may makapangyarihan na aura at malamig na mukha—si Joshua. Ang lalaki ay mukhang matangkad at malakas, nakayuko siya habang sinusuri ang mga dokumento na hawak niya. “Mr. Lynch, nandito na po si Mr. Hughes.” Lumingon ang lalaki dahil sa announcement na ito. Nang makita ni Joshua si Steven, nabigla siya. Ang lalaking ito… kamukhang kamukha niya. Kahit ang mahirap mapansin na peklat sa sulok ng mata ng lalaking ito ay pareho ng kay Luke! Baka hindi mapapansin ng iba ang peklat na ito, pero napansin ito ni Joshua. Naalala niya kung paano nakuha ni Luke ang peklat na ito. Ito ay noong nakipag tulungan siya kay Luke sa isang misyon sa Sea City para iligtas si Luna. Aksidenteng nasakan si Luke noong nakikipaglaban sa kaa
Dahil dito, pagkakataon lang dapat na ang lalaking ito ay kamukha ni Luke. Ang mga lalaking ito ay magkaiba pagdating sa ugali nila. Si Joshua ay isang negosyante. Simula nang sabihin ito ni Steven sa oras na magsimula ang unang meeting nila, nakita rin ni Joshua na hindi magaling si Steven sa mga kasunduan sa negosyo. Pagkatapos ng negosasyon, hindi lang sa nakuha ni Joshua ang gusto niya, nakakuha pa siya ng malaking tubo mula kay Steven. Samantala, hindi man lang alam ni Steven na malaki ang nawala sa kanya, kahit na naisip niya na siya ang nananalo.” Nang matapos na ang negosasyon, sabik na gustong ilibre ni Steven sina Joshua at Thomas para kumain ng hapunan. “Sa tingin ko ay hindi na ito kailangan. May isa pa akong schedule, at kailangan pumunta ni Mr. Howard sa susunod niyang appointment.” Tumayo si Joshua at tumingin siya kay Steven ng may malamig na ekspresyon. Ang boses niya ay walang emosyon nang sinabi niya, “Hindi ba’t ikaw ang nagsabi na ayaw mong makipagkaibigan?”
Kumunot ang noo ni Thomas sa siguradong tono ni Thomas. Kinurot niya ang noo niya sa inis. “Sigurado ka ba na si Steven Hughes ay hindi si Luke?? Paano naging magkamukha ang dalawang tao na may parehong peklat sa noo? Madaling maintindihan kung magkamukha sila base sa mukha at katawan nila dahil natural ito. Ngunit, ibang istorya kung ang peklat ay mula sa ibang pangyayari. Kahit na sa parehong lugar ito, hindi pwedeng pareho rin ang hugis nito. Nagbuntong hininga si Thomas. “Nakita ko rin ito, Joshua. Ang paraan ng pagsasalita ni Steven, ang kilos niya, at ang pag iisip niya ay iba mula kay Luke. Kahit na tama ang paghihinala mo, paano nagawa ng pamilya Hughes na baguhin si Luke sa loob lang ng isang buwan? Imposible ‘yun!” Tinapik niya ang balikat ni Joshua. “Sa tingin ko talaga si Steven ay hindi si Luke. Hindi mo dapat ito pag isipan masyado. Ang pinakamahalagang bagay na gawin mo ngayon ay ang ilayo ni Luna si Gwen. Umalis dapat agad sila ng Saigen City.” Sumingkit ang mg
[Oo!] Lumipat ng mas komportable si Luna habang umuupo siya sa sofa. Patuloy siya sa pagsagot sa message ni Joshua. [Pero sinabi ni Gwen na napanaginipan niya si Luke kagabi. Sa panaginisp niya, halos mabunggo siya ni Luke ng kotse nito at pinapasok siya nito sa kotse pagkatapos. Naalala niya na niyakap siya ni Luke, umiiyak siya at tumatawa habang ginagawa niya ‘yun, pero sinabi ni Luke na hindi siya kilala nito, sinabi pa ni Luke na may fiancee na siya. Kahit na anong pag iyak at pagmamakaawa ni Gwen, sinasabi ni Luke na hindi siya kilala nito.] [Pagkatapos, dinala pa siya ng driver ni Luke papunta sa fiancee ni Luke, at hindi na maalala ni Gwen ang nangyari pagkatapos. Sinabi niya pa na dahil nahanap siya sa tambakan ng basura noong gumising siya, dinala siguro siya ng fiancee ni Luke sa tambakan ng basura sa panaginip niya!] [Ano sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay bibitaw na siya o hindi pagkatapos niya managinip ng ganito?] May impresyon si Luna na ito ay isang simpleng pagt