Tumulo ang luha ni Gwen sa sando ni Steven, nabasa ang dibdib nito.Nararamdaman ang kanyang mga luha at narinig kung gaano siya naagrabyado, si Steven ay nagkaroon ng pagnanasa para sa sandaling iyon.Parang may humihimok sa kanya na aminin na siya ay si Luke Jones, at ito ay sobrang nakagulo sa kanya.Sa lahat ng mga taon na ito, bagama't hindi siya nakatagpo ng maraming babae, may iilan pa rin na gustong mapalapit sa kanya. Ang mga babaeng iyon ay gumamit ng iba't ibang paraan at taktika, ngunit ni minsan ay hindi siya nahulog dito.Gayunpaman, kaiba ang babaeng nasa harapan niya kaysa sa iba. Ramdam niya ang kalungkutan nito. Naiintindihan niya ang wasak na puso nito at ang kanyang kawalan ng kakayahan.Siya ay napakahina at marupok na nakakadurog ng puso na makita.Sobrang nakakadurog ng puso na naisipan pa niyang magpanggap na siya ang Luke Jones na hinahanap niya, para lang maaliw siya ng kaunti.Gayunpaman, sinabi sa kanya ng kanyang katuwiran na hindi niya magagawa iyon
Nang makitang hindi sumasagot ang lalaki sa tabi niya, napapikit si Gwen habang tumutulo ang mga luha."Naiintindihan ko na ang nararamdaman ko. Masyadong isip bata ang iniisip ko na gusto kitang iwan dati. Sa lahat ng oras, akala ko basta't iniwan kita, mas magiging maayos ang buhay mo. Binalak kong umalis para makasama mo ang babaeng iyon, ngunit nang iniwan mo lang ako napagtanto ko kung gaano ka kahalaga sa akin..."Tapos, parang may bigla siyang naisip. Tumingala siya sa kanya na may luhang mga mata. "S—Sinusubukan mo bang turuan ako ng leksyon sa pagtatangkang iwan ka, Luke?"Pinupunasan ang kanyang mga luha, humikbi si Gwen, "Alam kong mali ang ginawa ko. Alam ko talaga 'yon, Luke. Pwede bang itigil mo na ang pagpapanggap na hindi mo ako kilala? Ako ay..."Pumikit si Gwen, at tahimik na tumulo ang mga luha. "Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ako papayag na mawala ka ulit. Alam kong mali ang ginawa ko, kaya gagamitin ko ang natitirang bahagi ng buhay ko para gantihan ka, okay?
Dahil ipinaalam sa kanya ng driver nang maaga bago dumating ang kotse ni Steven sa Millers, nakabihis na si Kate. Naglagay pa siya ng makeup, nakahiga sa may balcony ng kanyang kwarto, nakatingin sa Pursche na nakaparada sa ibaba.Ang kanyang Steven. Pumunta si Steven niya para hanapin siya. Kahit muntik na nitong mabangga ang isang lasing na babae, natakot ito na baka hindi niya maintindihan ito at sadyang dalhin sa kanya ang babae.Paanong hindi niya ito mahal?Minahal niya ito! Minahal niya ang lahat tungkol dito!Sa sandaling iyon, tumunog ang telepono ni Kate. Galing iyon kay Steven."Maaga pa. Sana hindi kita naistorbo," ungol ni Steven sa tawag, ang tono ng paghingi niya ng tawad. "Kakalabas ko lang at muntik na akong makasagasa. Dahil lasing siya, hindi ko nakuha ang pangalan o kung saan siya tumutuloy. Hindi nararapat sa tulad kong lalaki na iuwi ko siya, kaya dinala ko siya sa iyo. Libre ka ba?"Nang marinig ang mahinang boses ni Steven, excited na hinawakan ni Kate ang
“Bakit ang aga mo ngayon?” Ang tanong ni Kate, mukha siyang puro at maganda sa harap ni Steven. Ngumiti si Steven at uminom siya ng gatas na binigay sa kanya. “Gusto kong pumunta sa opisina para magreading. May meeting sa mga Howard ngayong araw.” Pagkatapos, tumingin siya kay Kate. “Nabalitaan mo ba? Ang hindi lihitimong anak ng mga Howard, si Thomas Howard, ay bumalik na. Nabalitaan ko na nagdala siya ng malaking tulong mula sa Merchant City. Ang pangalan niya ay si Joshua Lynch.” Nang marinig ang pangalan ni Joshua, medyo nanginig ang mga kamay ni Kate. Nabalitaan niya na babalik na si Thomas mula sa Merchant City. Alam niya rin na sina Gwen at Luna ay nagbabakasyon sa Saigen City. Ngunit. Ito ang unang beses na narinig niya na nandito rin si Joshua. Nang marinig ang pangalan na ito, sumikip ang puso ni Kate. Nahirapan siyang huminga. Hindi siya natatakot na nandito sina Thomas at Yannie sa Saigen City. Tutal, wala silang problema ni Thomas sa isa’t isa, at si Thomas ay
Agad na pumunta sina Joshua at Thomas sa hotel ni Luna ng umaga. Ang isa pang taong kasama ni Thomas ay ang inaantok na si Yannie. Sa sandali na pumasok si Joshua, kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Ano ang nangyari?” Kinagat ni Luna ang labi niya at ikinuwento niya ang nangyari sa restaurant kagabi. “Akala ko ay nakatulog na siya kagabi, kaya nagpahinga ako konti. Hindi ko inaasahan na makakatulog ako… Nang magising ako, hindi ko na siya mahanap!” “‘Wag kang mag alala, hindi siya mawawala.” Kumunot ang noo ni Thomas. “Nag utos na ako ng mga tao na tingnan ang security footage sa kalsada, at hinahanap na ng mga tauhan ko ang buong bayan. Mahahanap natin siya.” Pagkatapos, lumignon siya para tumingin kay Luna. “May nangyari ba kagabi? Bakit bigla niyang naisip si Luke at uminom siya ng maraming wine?” “Sa tingin ko… alam ko kung bakit.” Maingat na itinaas ni Yannie ang kamay niya na parang isang estudyante na nagkamali. “Kahapon, noong naglalaro tayo sa ski area, naka
“Mhm.” Tumango si Joshua at tinapik niya ng mahina ang balikat ni Luna. May gusto sana siyang sabihin nang tumawag si Lucas. “Sir, nahanap na po namin si Ms. Larson!” Kumunot ang noo ni Joshua. “Saan niyo siya nahanap?” “Sa…” Sa kabilang linya ng phone, nakatingin si Lucas sa nanghihinang si Gwen. “Sa tambakan ng basura po sa timog ng bayan. Hinahanap po namin siya nang may nagsabi na hanapin namin siya sa dump station dahil may malamig na klima sa Saigen City, at maraming mga lasinggero ang giniginaw kapag naglalakad sa kalye. Ang mga taong ito po ay nagtatago sa mga bahay na walang laman o kaya ay hindi na kinakaya at nagtatago sa basura, dahil…” Umubo ng mahina si Lucas. “Dahil po hindi pumapasok ang hangin sa trash bin. Kaya, inutusan ko po sila na maghanap sa bawat dump station, at nahanap po namin si Ms. Larson.” Tumahimik si Joshua. Paano nangyari ‘yun? Tumingin siya sa balisang mga mukha ng tatlo at sinabi niya ng may mahinang boses, “Dalhin mo siya sa The Spring
Nang marinig na natagpuan si Gwen sa tambakan ng basura, napahinto si Luna sa pag eempake ng mga gamit niya. Pagkatapos ng ilang sandali, bumalik siya sa kanyang sarili. Kaya pala inutos ni Joshua kay Lucas na dalhin si Gwen sa The Spring Resort. Kaya pala pinapunta ni Joshua sina Luna at Yannie para samahan si Gwen. Nagpalipas ng gabi si Gwen sa loob ng trash bin. Nabigla noong una si Luna dito, pagkatapos ay nagtaka siya. Laging istrikto sa kalinisan si Gwen, isang bagay ito na matagal nang alam ni Luna. Laging malinis si Gwen. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na ang isang babaeng mahilig sa malinis ng buong buhay ay pupunta sa isang trash bin kapag nalasing! Naisip pa ni Luna na kapag gumising si Gwen, magugulat ito at hindi ito aamin na pumunta ito sa isang trash bin. Habang iniisip ito, mabilis na nag empake si Luna. Pagkatapos ihanda ang lahat, hinila ni Luna si Yannie, paalis na sila. Noong nasa pinto na sila, bigla siyang may maalala at lumingon siya para tumingin
Umaasa si Luna na magbabayad ang pamilya Hughes para sa ginawa ni Denise. “Sige.” Pagkatapos halikan ni Luna si Joshua, tumawa si Joshua at niyakap niya si Luna. Kung wala lang dito si Thomas, niyakap at hinalikan niya na si Luna ng mas matagal. Pakiramdam ni Luna ay ligtas siya dahil sa yakap ni Joshua, sa punto na noong binitawan siya ni Joshua, namumula ang kanyang mukha. “Aalis na ako ngayon,” Ang sabi ni Luna at mabilis siyang umalis. Nang marinig na humihina na ang mga yapak sa corridor, umupo ng mas komportable si Thomas at tumingin siya ng kalmado kay Joshua. “Ganun ba kayo kalapit sa isa’t isa?” “Ano naman ngayon?” Ngumiti si Joshua at sumandal siya, tumingin siya sa mga mata ni Thomas. “Matandang magkasintahan na kami pero mahal pa rin namin ng sobra ang isa’t isa. Pero kayong dalawa naman ni Yannie… hindi kayo mukhang magkasintahan na nakaraan lang nagsama.” Totoo nga na masunurin lagi si Yannie kay Thomas, ngunit parang may kulang. Mula sa pananaw ni Joshua, s