Share

CHAPTER 15

DARK's PENTHOUSE—NIGHT

Maghapong inabangan ni Anya ang pag-uwi ni Dark, ngunit dumating ang alas singko ng hapon ay wala pa rin ito. Bagot siyang tumayo, tinungo niya ang fridge at naghanap ng makakain. Oras-oras na lang kung gutumin siya. Pagbukas niya sa fridge ay wala doon ang natipuhan niya.

Bumalik siya sa sala at saktong tumunog ang kanyang cellphone na si Demon pa ang nagbigay. Dahil, inaral niya iyon ay hindi naman naging mahirap sa kaniya na gamitin ito.

Pinindot niya ang call icon dahil, alam niyang si Demon lang din ang tatawag sa kaniya.

“Hello, napatawag ka?” walang kabuhay-buhay niyang sabi.

“Anya,” naulinigan niyang boses ni Dark.

Tila kaagad na umaliwalas ang kaniyang mukha pagkarinig niya sa boses ng binata.

“Dark, uuwi ka na ba? Bakit ang tagal mo?” nakanguso niyang tanong dito.

Bahagyang natawa mula sa kabilang linya si Dark bagay na ikinakagat-labi niya. Para b
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sherlyn Lopez
dikaya buntis na c Anya ... Kya lng magkaaway ang pamilya nila ni dark
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status