Share

CHAPTER 18: Make Amends!

GUMUHIT ang lungkot, pagsisisi habang pinihit ni Azul ang seradura ng pinto. Ilang araw na siyang binabagabag ng kaniyang konsensya at hindi natatahimik.

Mula nang gabing iyon ay labis ang padurusa niya at sinisi ang sarili dahil, sa kaniya nalagay din sa alanganin ang buhay ng kinilala niyang kaibigan. Si Dark, na tanging hangad ay mapabuti sila at ang mga bagay na alam nilang mahirap.

Kumuyom ang kamao niya at tila ba sinuntok nang malakas ang puso niya. Nakaratay sa hospital bed si Dark at hindi pa rin nagigising.

“Dark, gumising ka na. Araw-araw akong nakokonsensya, at nagsisisi ako. Kapag nagising ka, ayos lang kung patayin mo ako, Dark.”

“But d@mn! You don’t deserve this! I’m sorry, dude. I was weak, at hindi ako karapat-dapat na tawaging kaibigan mo.”

Namula ang mata at ngumilid ang luha ni Azul. Kumuyom ang kamao nito at lumuhod sa tabi ni Dark. Eksenang nadatnan nina Leiron, Demon, Terrence at Vincent. At kasama nang mga ito ang kilala rin na ka-alyado ni Dark. Si Antho
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sherlyn Lopez
sana nga magkakaanak na cla eh.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status