REESE DOMINIQUE...Pagkalipas ng dalawang linggo ay lumabas na s'ya ng hospital. Dumiretso sila sa kanilang bagong bahay ni Creed.Ayon sa asawa ay tapos na ito pati na ang mga inirequest n'ya na idagdag rito.Mabuti na ang kan'yang kalagayan pero no strenuous activities for a month sabi ng ninong Ashton n'ya na s'yang doctor na umasikaso sa kan'ya dahil kailangan pang maka recover ng maayos ang mga nabaling buto sa kan'yang katawan dulot ng pagtilapon n'ya ng sumabog ang bomba.Binilinan din s'ya nito na huwag muna bumalik sa trabaho dahil delikado pa ang mga ugat na nabali sa loob ng kan'yang katawan. Hindi pa ito fully hail kaya kailangan na ingatan n'ya muna hanggang sa tuloyan na s'yang gumaling pati na ang mga sugat sa loob ng kan'yang katawan."Welcome home honey," bati ng asawa sa kan'ya habang inalalayan s'ya nito papasok."I feel home," mahinang sagot n'ya rito habang inilibot ang kan'yang tingin sa buong bahay.Totoo s'ya sa sinabi n'ya. She feels home sa bagong bahay nila n
REESE DOMINIQUE...Nagkunwari s'yang may pinapanuod sa cellphone nang bumukas ang pintoan ng kanilang kwarto at pumasok ang asawa."Honey the food is ready," pagbibigay alam nito at lumapit pa sa kan'ya at hinalikan s'ya sa noo. Matamis s'yang ngumiti sa asawa at inilagay ang cellphone sa kama at bumaba."Let's go hubby, gutom na ako," masayang aya n'ya rito. Mahina itong natawa at inabot ang kan'yang palad at pinagsalikop iyon at sabay silang lumabas ng kwarto.She needs to pretend that she doesn't heard anything. Kailangan n'yang malaman muna ang totoo bago s'ya gumawa ng hakbang.Wala s'yang nararamdaman na kakaiba sa pakikitungo ni Creed sa kan'ya pero ang narinig n'ya kanina ay hindi mawala sa kan'yang isip. Paulit-ulit na nag replay sa utak n'ya ang sinabi ng binata sa kausap nito sa telepono.Sinisisi nito ang kausap na hindi pa s'ya tinuloyan at pinatay. Lihim s'yang natawa dahil kung totoo ang narinig n'ya ay paniguradong hindi s'ya mamamatay sa bala ng kalaban kundi sa sakit
REESE DOMINIQUE...Naging matagumpay ang opening ng law firm ng asawa. Agad na nagsimula ang operasyon ng opisnina nito kinabukasan pagkatapos ng opening.Naging busy na si Creed dahil lumipat na ito ng opisnina at hindi na sa kompanya ng kan'yang ama. Marami din agad itong mga kliyente kaya naman ay palagi itong late kung umuuwi.Hindi naman isyu sa kan'ya dahil monitor n'ya ang lahat ng galaw nito. Hindi naman sa wala s'yang tiwala rito kundi may gusto lang s'yang malaman tungkol sa itinatago ni Creed sa kan'ya na hanggang ngayon ay wala pa rin s'yang napala.Malapit na s'yang bumalik sa trabaho at sa ilang linggo na pagpapahinga n'ya sa bahay ay ang dami n'yang natuklasan at ang dami nilang nagawa ni Ella.Naka ready na ang lahat sa kan'yang pagbabalik at sinisigurado n'ya na wala ng makakalusot pa sa kanila.Kilala na din nila ni Ella ang mga kalaban ngunit hindi pa sila basta-bastang sumugod dahil kailangan pa ng mas matibay pang ebedensya bago sila pumasok sa teritoryo ng mga it
REESE DOMINIQUE...Matapos ang kanilang hapunan ay umuwi din si Seth dahil may pupuntahan pa daw ito.Naiwan silang dalawa ng asawa na ngayon ay magkatulong sa paghuhugas ng plato. Pero mukhang may iba itong plano sa kan'ya. Patunay lang ang posisyon nilang dalawa habang naghuhugas ng mga pinagkainan.Nasa likod n'ya si Creed at nakayapos sa kan'yang bewang habang hawak nito ang kan'yang kamay na nagsasabon sa mga plato.Panay din ang halik nito sa kan'yang mukha, sintido at leeg. Ramdam n'ya rin ang kakaibang init sa katawan nito at ang matigas na bagay na tumutusok sa kan'yang puwet."Ganito na ba ang bagong way sa paghuhugas ng plato attorney?" nang-uuyam na tanong n'ya sa asawa."Yes wife! Ang tawag dito ay body bonding couple dish washing," pilyong sagot nito sa kan'ya na ikinatawa n'ya."Puro ka kalokohan attorney. Mauna ka na nga sa taas para makaligo ka na, tatapusin ko lang tong paghuhugas ng mga plato. Susunod din agad ako sa taas," taboy n'ya rito ngunit umiling lang ito na
REESE DOMINIQUE..."Ella are you ready?" tanong n'ya sa kaibigan. As usual ay nasa mataas na parti ito ng lugar kung nasaan sila ngayon at nagsisilbing sniper n'ya at guide na rin sa baba."I'm in! I can see you from here," sagot nito "Good! May nakikita ka na ba?" tanong n'ya sa kaibigan."Snipers everywhere but don't worry I will take care of them. Mukhang pinaghandaan nila ng maigi ang transaction na ito," pagbibigay alam ni Ella sa kan'ya.Alam n'yang pinaghandaan ito ng mga sindikato dahil dalawang beses ng nabulabog nila ang mga transaction ng mga ito at ngayon ay nandito na naman sila ulit ni Ella para bwesitin ang mga ito.Delikado ang mga ginagawa nila but who cares? Mas delikado kung hahayaan nila ang mga ito sa mga katarantaduhan.Tatlong milyonaryo na racer na naman ang namatay dahil sa mga pekeng car parts na produkto ng mga sindikato na ibenebenta sa mga manlalaro ng naturang games.Isang racer na palaging nananalo sa racing ang iniimbestigahan nila ngayon dahil may kut
REESE DOMINIQUE...Kanina n'ya pa napapansin na parang balisa si Creed. Gusto n'yang magtanong ngunit pinipigilan n'ya ang kan'yang sarili. Nagpanggap na lang s'ya na walang nahahalata at patay malisya lamang.She has doubts again dahil sa mga ikinikilos nito. Nakangiti ito sa kan'ya at nakikipag kulitan but she can feel it. Malakas ang pakiramdam n'ya na wala ito sa huwesyo lately.She can feel na wala ito sa sarili simula ng bumalik s'ya galing sa isang operasyon. Nang maabutan n'ya ito sa bahay ay parang gulat na gulat nito ngunit hindi n'ya na lang pinagtuonan ng pansin dahil maliit na bagay lamang ito.Ngunit sa mga sumunod na araw ay mas naging balisa naman ang lalaki at hindi na maganda ang kan'yang kutob.It's been three days since nakabalik s'ya at paiba-iba ang mood nito at mas lalong nakakapagtataka ang mga ikinikilos ng asawa.Ilang beses din s'yang nagigising sa kalagitnaan ng gabi na wala si Creed sa tabi at kapag hinanap n'ya naman ito ay palagi n'ya itong natatagpuan s
REESE DOMINIQUE...Magkahawak kamay silang lumabas ng bahay at tinungo ang sasakyan. Binalewala n'ya ang nakita kanina sa asawa. Inalalayan s'ya ni Creed na makasakay bago ito umikot sa kabila para magmaneho.Hindi n'ya maintindihan ang sarili ngunit parang nakaramdam s'ya ng kaba habang palabas sila ng subdivision na tinitirhan. Kakaibang kaba ang kan'yang nararamdaman at parang may mangyayaring hindi maganda ngayong araw."Who is this friend na kikitain mo hon?" tanong sa kan'ya ni Creed. Nagising s'ya sa malalim na pag-iisip ng marinig ang boses nito."Her name is Abegail, isa sa mga anak na babae ni ninong Spike hubby," sagot n'ya rito."Oh! I haven't meet her right?""Nope! Kakauwi n'ya lang mula sa France honey," tugon n'ya sa tanong nito."Oh ok! Napansin ko kakaunti lang din ang mga friends mo. It's only Ella who is close to you tama na ako honey?""Hmmm, marami naman akong mga kaibigan but they are all busy and some are my ate's na kaya may kan'ya-kan'ya na silang obligasy
REESE DOMINIQUE..."Hmmmm," ungol n'ya at pilit na iminumulat ang mga mata. Masakit ang kan'yang ulo ngunit pinipilit n'ya ang sarili na magising. Kailangan n'yang makita si Creed, kailangan n'ya itong tulongan. Namimigat ang kan'yang talukap ngunit hindi s'ya tumigil hanggang sa nagawa n'ya ang gustong gawin.Nang dahan-dahan na bumukas ang kan'yang mga talukap ay bumungad sa kan'ya ang lugar na parang bodega. Maraming mga karton at mga lumang gamit ang nakatambak sa loob."Nasaan ako?" mahinang tanong n'ya sa sarili at pilit na inaalam kung nasaan s'ya ngayon.Inilibot n'ya ang tingin at akmang tatayo ngunit hindi s'ya makaalis at doon n'ya lang napagtanto na nakagapos pala ang kan'yang mga kamay at paa."Shit! Nasaan ako? At sino ang nagdala sa akin rito?" tanong n'ya ngunit natigil din ng maalala ang nangyaring ambush sa daan kasama ang asawa."Creed," tawag n'ya sa pangalan ng lalaki ng maalala ito. Inilibot n'yang muli ang mga mata para hanapin si Creed ngunit wala s'yang makit
REESE DOMINIQUE..."Hinahatulan ng hukomang ito ang nasasakdal na si attorney Kairus Creed Montero ng sampong taon na sa labas ng kwarto matutulog dahil sa sala na paglabag sa kautosan ng ating saligang batas Article 929 section 62 na ikaw attorney Kairus Creed ay hindi sumunod sa utos ni mommy na linisin ang banyo," sabi ng anak nila na apat na taong gulang na si Krieah Dennise.May hawak pa itong martilyo na kahoy at pinokpok ang mesa at matalim ang tingin sa ama na naghuhugas ng plato."Attorney Krieah pwede bang mag appeal ang nasasakdal?" tanong ni Creed sa anak ngunit pokpok ng martilyo ni Krieah muna ang sagot nito bago nagsalita."Objection your honor, hindi pwedeng mag appeal ang nasasakdal. There is no concrete evidence presented to this court na ang nasasakdal ay pwede pang mag appeal. He found guilty in this case and no appeal should be granted," seryosong sagot ng anak nila.Para itong totoong lawyer kung magsalita na mahina n'yang ikinataw. Kinagigiliwan ng lahat si Kri
REESE DOMINIQUE...It's been a week since naging maayos ang pagsasama nila ni Creed. Gusto n'ya mang parusahan ito ngunit wala din naman s'yang mapapala dahil mas nauna pa s'yang nasasaktan sa mga pinagagawa n'ya rito.Nakausap n'ya na rin ang kan'yang nanay at tatay at kinumpirma ng mga ito ang lahat kaya masasabi n'yang hindi nagsisinungaling si Creed sa kan'ya.Ipinaalam ng asawa na hindi pa lubosang nabuwag ang sindikato at kasalukoyang hinahanap ni Ella ang head ng southern part na s'yang may kagagawan sa pagka disgrasya nito.Gusto n'yang umuwi para tulongan ang kaibigan ngunit mahigpit na inihabilin nito kay Creed na huwag s'yang paalisin dahil laban ito ng kaibigan. Kaya wala s'yang nagawa kundi ang respetohin ang desisyon nito.May tiwala s'ya kay Ella at alam n'yang magiging matagumpay ito sa misyon. Nanatili muna sila sa kan'yang secret haven dahil ayon kay Creed ay mas ligtas sila rito.Masaya s'ya na bumalik na sila sa dati at malaya na sa lahat-lahat. Hindi din muna bumal
KAIRUS CREED...Kasalukoyan s'yang naglalaba ng mga damit nila ni Dominique. Ilang araw na s'yang nandito at magpa hanggang ngayon ay pinaparusahan pa rin s'ya ng asawa.S'ya ang gumagawa ng mga gawaing bahay at lahat-lahat bilang parusa sa kan'ya."Creed bilisan mo na d'yan at magluto ka ng tanghalian natin. Gutom na ako,"pasigaw na utos nito sa kan'ya. "Yes ma'am! Fvck! Kung alam ko lang na ganito lang din pala ang kahahantungan ko eh di na sana ako nag-aral ng law," reklamo n'ya ngunit narinig pala ni Dominique."May sinasabi ka Creed?" sita sa kan'ya ng asawa na nag activate na naman ang pagka assassin. Nilingon n'ya ito para lang mapalunok ng laway ng makita ang suot nito. Talagang pinaparusahan s'ya ng asawa mula sa trabaho hanggang sa katawan nitong binabalandra sa kan'yang harapan.Naka croptop lang ito na kita ang pusod at ang flat na t'yan at tanging lace na panty na kulay puti ang suot sa ibaba.Nababanaag n'ya pa ang hiwa ng asawa mula sa mga butas ng mga lace ng panty na
KAIRUS CREED..."Iyan ang lahat ng nangyari Dom, wala akong itinago d'yan. Lahat-lahat ay sinabi ko sayo para mawala na ang agam-agam mo sa akin. Kung kulang pa rin, you can ask tatay and nanay. They know everything dahil aminin man nila o hindi alam kong pinapasundan nila ako to make sure kung totoo ang intention ko sayo. Dominique mahal kita, mahal na mahal at nagawa ko lamang na itago sayo ang lahat para protektahan ka," mahabang pahayag n'ya sa asawa pagkatapos maisalaysay dito ang lahat ng nangyari."Tama si tatay, I'm not a damsel, I can protect myself at alam ko na alam mo din yan, now tell me Creed, why do you need to hide everything from me if you can just tell me what's going on? Eh di sana magkatulong pa tayo. You don't trust me?" puno ng hinanakit na sumbat nito sa kan'ya.Nagpakawala s'ya ng hangin at naihilamos ang mga palad sa mukha. Tama ito, pwede n'ya namang sabihin pero mas pinili n'yang itago ang lahat at lihim itong protektahan."It's not that honey, natatakot ako
KAIRUS CREED...FLASHBACK....Sumama s'ya kay Seth sa lahat ng mga operasyon nito at pinag-aralan n'ya ng mabuti ang mga galaw nito sa loob at labas ng grupo.Ngunit ang hindi n'ya inaasahan na makikita n'ya si Dominique sa club kung saan sila nag-iinuman ni Seth. Parang gusto n'yang takbuhin ang dalaga at siilin ng halik ngunit pinigilan n'ya ang sarili.Ni hindi s'ya nagpahalata kay Seth na kilala n'ya ang dalaga. Alam n'ya kung bakit nasa Europe si Dominique dahil katulad n'ya ay palihim n'ya ring sinusundan ang dalaga simula pa pagkabata nito hanggang ngayon.Kaya ng malaman n'ya na uuwi ito sa Pilipinas kinabukasan ay nagpasya na s'yang sundan ito. Ngunit ang hindi n'ya inaasahan na kasama nito si Ella sa Europe at nasundan ng kabilang grupo ang dalaga.At doon nangyari ang pang aambush sa dalawa at ang dahilan kung bakit nakilala ng kabila si Dominique na kasama ni Ella sa misyon. He was worried like hell kaya agad s'yang sumunod dito sa Pilipinas at nagpasyang kausapin ang mg
KAIRUS CREED...FLASHBACK..."Creed man, how are you?" masayang bati ni Seth sa kan'ya. Kita ang saya sa mukha nito habang papasok sa kan'yang opisina."Anong kailangan mo Dela Vega?" sita n'ya rito. "Ohhh! So mean! Na miss lang kita bakit ba?" pabalang na sagot nito sabay upo sa kan'yang harapan."Miss my ass! Hindi ka sasadya rito kung wala kang kailangan," sita n'ya rito na mahina nitong ikinatawa."Kilala mo talaga ako Creed! Yeah, I need you," maya-maya lang ay seryosong sagot ng kaibigan sa kan'ya."For what?" "For my business, I know na hindi mo ako tatanggihan Creed. We are friends since teens pa lang tayo at alam ko na ikaw lang ang makakatulong sa akin," seryoso sabi nito. Lihim s'yang napangisi dahil mukhang hindi na s'ya mahihirapan na makapasok sa sindikato. Ito na mismo ang lumapit sa kan'ya kaya hindi n'ya ito tatanggihan kapag nag offer ito."Anong negosyo ang sinasabi mo Seth? Is this your auto parts business?" tanong n'ya sa kaibigan kahit may ideya na s'ya kung an
REESE DOMINIQUE..."Get up Creed," saway n'ya sa asawa. Nasasaktan din s'ya sa nakikita n'ya rito. Ayaw n'yang nagmamakaawa ito sa kan'ya. Ang kailangan n'ya lang ay paliwanag nito."But you are not listening to me. Ayokong mag file ka ng annulment Reese, ayoko! Magalit ka lang sa akin dahil sa paglihim ko sayo pero please mag-asawa pa rin tayo, please," pagsusumamo nito. Naantig ang kan'yang puso dahil sa nakikitang sakit habang binibigkas nito ang katagang annulment."Who say na hindi ako makikinig sayo? Get up and explain everything to me. My patience is getting thin Creed kaya habang may oras pa magsalita ka na," seryoso at malamig na utos n'ya sa lalaki."O-Ok," parang bata na sagot nito."Get up!" singhal n'ya rito dahil nasa sahig pa rin ito at nakaluhod. Tinalikuran n'ya ang lalaki at tinungo ang kama nila at naupo doon."Tumayo naman ito at sumunod sa kan'ya na naupo rin sa kama katabi n'ya."Now speak!" mariing utos n'ya rito."It's all started in Europe. After the inciden
REESE DOMINIQUE...Mahigit dalawang buwan na ang nakalipas matapos maresolba ang kaso na hawak n'ya.Nagising na lamang s'ya sa hospital na ang mga magulang lang at mga kapatid ang namulatan. Hinanap n'ya si Creed sa mga ito ngunit umalis daw ito at umuwi muna sa Europe.Nasaktan s'ya dahil ang akala n'ya ay magigising s'ya na ito ang kan'yang unang makikita ngunit umabot na ng dalawang buwan ay walang Creed ang nagpapakita sa kan'ya.Matapos malaman mula sa director ng FBI na isang opisyal ng naturang ahensya ang asawa n'ya ay nawalan s'ya ng malay na buhat-buhat ni Creed at pagkagising n'ya ay nasa hospital na s'ya at tatlong linggo ng naka confine.Pagkalabas n'ya ay nagpaalam agad s'ya sa mga magulang na aalis muna para hanapin ang kan'yang sarili. Ang daming nangyari na hindi n'ya inaasahan at kahit kailan ay hindi n'ya man lang naiisip na mangyayari sa kanila ni Creed.Sa kan'yang secret haven s'ya umuwi at halos mag-isang buwan na rin s'ya rito sa gitna ng gubat. Maayos na ang
REESE DOMINIQUE...Ipinilig n'ya ang ulo ng mahimasmasan. Nagulat s'ya sa sinabi ni Alonso ngunit naiisip n'ya din na baka nagbibiro lang ito."Dominique he is at the last container near one of the boat. Mukhang tatakas s'ya gamit ang isang jet ski na nakatago sa bahaging iyon. Mukhang pinaghandaan ng loko. Should I shoot him?" pagbibigay alam ni Alonso sa kan'ya."Leave him alone Alonso but blow up the jet ski para wala s'yang magamit, huwag mong hahayaan na makasampa s'ya," utos n'ya rito."Got it!" sagot ng kaibigan.Mabilis s'yang tumakbo sa lugar na sinabi ni Alonso sa kan'ya. Habang tumatakbo s'ya ay kabilaan din ang mga bala na lumilipad sa ere ngunit hindi n'ya alintana iyon. Kailangan n'yang maabutan si Dela Vega. Hindi pwedeng makatakas ito sa batas. "Boom! Jet ski is on fire Dom," pagbibigay alam ni Alonso sa kan'ya na ikinangiti n'ya."Thank you Alonso! Thank you sa lahat ng tulong," pasasalamat n'ya rito."All for Dominique," walang gatol na sagot nito sa kan'ya ngunit h