REESE DOMINIQUE..."Hmmmm," ungol n'ya at pilit na iminumulat ang mga mata. Masakit ang kan'yang ulo ngunit pinipilit n'ya ang sarili na magising. Kailangan n'yang makita si Creed, kailangan n'ya itong tulongan. Namimigat ang kan'yang talukap ngunit hindi s'ya tumigil hanggang sa nagawa n'ya ang gustong gawin.Nang dahan-dahan na bumukas ang kan'yang mga talukap ay bumungad sa kan'ya ang lugar na parang bodega. Maraming mga karton at mga lumang gamit ang nakatambak sa loob."Nasaan ako?" mahinang tanong n'ya sa sarili at pilit na inaalam kung nasaan s'ya ngayon.Inilibot n'ya ang tingin at akmang tatayo ngunit hindi s'ya makaalis at doon n'ya lang napagtanto na nakagapos pala ang kan'yang mga kamay at paa."Shit! Nasaan ako? At sino ang nagdala sa akin rito?" tanong n'ya ngunit natigil din ng maalala ang nangyaring ambush sa daan kasama ang asawa."Creed," tawag n'ya sa pangalan ng lalaki ng maalala ito. Inilibot n'yang muli ang mga mata para hanapin si Creed ngunit wala s'yang makit
REESE DOMINIQUE...It's been three months since the ambush happened at magpahanggang ngayon ay wala pa ring natatagpuan na katawan ni Creed.Halos mabaliw na s'ya sa kakaisip rito ngunit hindi s'ya tumigil sa paghahanap sa asawa. Lahat ng pwedeng pagdalhan rito ay hinalughog n'ya na ngunit wala s'yang natagpuan.Hindi s'ya titigil hangga't walang katawan ni Creed na makita. Malakas ang kan'yang pakiramdam na buhay pa ito at hindi s'ya titigil hangga't hindi n'ya maibalik sa bahay nila si Creed.Wala s'yang maayos na tulog at kain araw-araw dahil sa paghahanap rito. Napabayaan n'ya na rin ang sarili dahil palagi na lang s'yang walang oras dahil ubos ito palagi sa kakahanap kay Creed.Kasalukoyan s'yang nasa harapan ng kan'yang laptop ng may isang email na bigla na lamang pumasok. Hindi n'ya kilala kung kanino galing dahil ang daming email na nagpapadala sa kan'ya ng impormasyon tungkol sa mga sindikato at lahat ay paiba-iba ng IP address. At dahil sa dispirada na s'ya na mahanap si Cr
REESE DOMINIQUE...Mapait s'yang napangiti habang nakatingin sa mukha ni Creed. Sino ang mag-aakala na ang taong minahal n'ya at inalayan ng kan'yang buhay ay s'ya palang papatay sa kan'ya.Parang kailan lang ang saya pa nila. Parang kailan lang ay halos mabaliw s'ya sa paghahanap rito iyon pala ay kasama ito sa mga sindikato na tinutugis n'ya.Mapait s'yang natawa dahil sa mga nangyayari sa buhay n'ya ngayon. Ganito pala ang pakiramdam na mapaglaruan ng taong mahal mo.Gusto n'yang sumigaw sa sakit ngunit hindi n'ya gagawin iyon. Hindi n'ya ipapakita kay Creed ns mahina s'ya, na nasasaktan s'ya sa ginawa nitong panloloko sa kan'ya."I already give you a chance na mabuhay pero sinira mo at nangingialam ka na naman sa mga negosyo ng grupo," malamig na sabi nito na mahina n'yang ikinatawa ngunit puno ng pait iyon."So all this time ay pinaikot mo lang ako sa mga palad mo? Pinaniwala sa lahat ng mga kasinungalingan mo?" sumbat n'ya sa asawa. Hindi n'ya napigilan ang sarili na hindi ito m
REESE DOMINIQUE...Ipinilig n'ya ang ulo ng mahimasmasan. Nagulat s'ya sa sinabi ni Alonso ngunit naiisip n'ya din na baka nagbibiro lang ito."Dominique he is at the last container near one of the boat. Mukhang tatakas s'ya gamit ang isang jet ski na nakatago sa bahaging iyon. Mukhang pinaghandaan ng loko. Should I shoot him?" pagbibigay alam ni Alonso sa kan'ya."Leave him alone Alonso but blow up the jet ski para wala s'yang magamit, huwag mong hahayaan na makasampa s'ya," utos n'ya rito."Got it!" sagot ng kaibigan.Mabilis s'yang tumakbo sa lugar na sinabi ni Alonso sa kan'ya. Habang tumatakbo s'ya ay kabilaan din ang mga bala na lumilipad sa ere ngunit hindi n'ya alintana iyon. Kailangan n'yang maabutan si Dela Vega. Hindi pwedeng makatakas ito sa batas. "Boom! Jet ski is on fire Dom," pagbibigay alam ni Alonso sa kan'ya na ikinangiti n'ya."Thank you Alonso! Thank you sa lahat ng tulong," pasasalamat n'ya rito."All for Dominique," walang gatol na sagot nito sa kan'ya ngunit h
REESE DOMINIQUE...Mahigit dalawang buwan na ang nakalipas matapos maresolba ang kaso na hawak n'ya.Nagising na lamang s'ya sa hospital na ang mga magulang lang at mga kapatid ang namulatan. Hinanap n'ya si Creed sa mga ito ngunit umalis daw ito at umuwi muna sa Europe.Nasaktan s'ya dahil ang akala n'ya ay magigising s'ya na ito ang kan'yang unang makikita ngunit umabot na ng dalawang buwan ay walang Creed ang nagpapakita sa kan'ya.Matapos malaman mula sa director ng FBI na isang opisyal ng naturang ahensya ang asawa n'ya ay nawalan s'ya ng malay na buhat-buhat ni Creed at pagkagising n'ya ay nasa hospital na s'ya at tatlong linggo ng naka confine.Pagkalabas n'ya ay nagpaalam agad s'ya sa mga magulang na aalis muna para hanapin ang kan'yang sarili. Ang daming nangyari na hindi n'ya inaasahan at kahit kailan ay hindi n'ya man lang naiisip na mangyayari sa kanila ni Creed.Sa kan'yang secret haven s'ya umuwi at halos mag-isang buwan na rin s'ya rito sa gitna ng gubat. Maayos na ang
REESE DOMINIQUE..."Get up Creed," saway n'ya sa asawa. Nasasaktan din s'ya sa nakikita n'ya rito. Ayaw n'yang nagmamakaawa ito sa kan'ya. Ang kailangan n'ya lang ay paliwanag nito."But you are not listening to me. Ayokong mag file ka ng annulment Reese, ayoko! Magalit ka lang sa akin dahil sa paglihim ko sayo pero please mag-asawa pa rin tayo, please," pagsusumamo nito. Naantig ang kan'yang puso dahil sa nakikitang sakit habang binibigkas nito ang katagang annulment."Who say na hindi ako makikinig sayo? Get up and explain everything to me. My patience is getting thin Creed kaya habang may oras pa magsalita ka na," seryoso at malamig na utos n'ya sa lalaki."O-Ok," parang bata na sagot nito."Get up!" singhal n'ya rito dahil nasa sahig pa rin ito at nakaluhod. Tinalikuran n'ya ang lalaki at tinungo ang kama nila at naupo doon."Tumayo naman ito at sumunod sa kan'ya na naupo rin sa kama katabi n'ya."Now speak!" mariing utos n'ya rito."It's all started in Europe. After the inciden
KAIRUS CREED...FLASHBACK..."Creed man, how are you?" masayang bati ni Seth sa kan'ya. Kita ang saya sa mukha nito habang papasok sa kan'yang opisina."Anong kailangan mo Dela Vega?" sita n'ya rito. "Ohhh! So mean! Na miss lang kita bakit ba?" pabalang na sagot nito sabay upo sa kan'yang harapan."Miss my ass! Hindi ka sasadya rito kung wala kang kailangan," sita n'ya rito na mahina nitong ikinatawa."Kilala mo talaga ako Creed! Yeah, I need you," maya-maya lang ay seryosong sagot ng kaibigan sa kan'ya."For what?" "For my business, I know na hindi mo ako tatanggihan Creed. We are friends since teens pa lang tayo at alam ko na ikaw lang ang makakatulong sa akin," seryoso sabi nito. Lihim s'yang napangisi dahil mukhang hindi na s'ya mahihirapan na makapasok sa sindikato. Ito na mismo ang lumapit sa kan'ya kaya hindi n'ya ito tatanggihan kapag nag offer ito."Anong negosyo ang sinasabi mo Seth? Is this your auto parts business?" tanong n'ya sa kaibigan kahit may ideya na s'ya kung an
KAIRUS CREED...FLASHBACK....Sumama s'ya kay Seth sa lahat ng mga operasyon nito at pinag-aralan n'ya ng mabuti ang mga galaw nito sa loob at labas ng grupo.Ngunit ang hindi n'ya inaasahan na makikita n'ya si Dominique sa club kung saan sila nag-iinuman ni Seth. Parang gusto n'yang takbuhin ang dalaga at siilin ng halik ngunit pinigilan n'ya ang sarili.Ni hindi s'ya nagpahalata kay Seth na kilala n'ya ang dalaga. Alam n'ya kung bakit nasa Europe si Dominique dahil katulad n'ya ay palihim n'ya ring sinusundan ang dalaga simula pa pagkabata nito hanggang ngayon.Kaya ng malaman n'ya na uuwi ito sa Pilipinas kinabukasan ay nagpasya na s'yang sundan ito. Ngunit ang hindi n'ya inaasahan na kasama nito si Ella sa Europe at nasundan ng kabilang grupo ang dalaga.At doon nangyari ang pang aambush sa dalawa at ang dahilan kung bakit nakilala ng kabila si Dominique na kasama ni Ella sa misyon. He was worried like hell kaya agad s'yang sumunod dito sa Pilipinas at nagpasyang kausapin ang mg