REESE DOMINIQUE...Matapos ang kanilang hapunan ay umuwi din si Seth dahil may pupuntahan pa daw ito.Naiwan silang dalawa ng asawa na ngayon ay magkatulong sa paghuhugas ng plato. Pero mukhang may iba itong plano sa kan'ya. Patunay lang ang posisyon nilang dalawa habang naghuhugas ng mga pinagkainan.Nasa likod n'ya si Creed at nakayapos sa kan'yang bewang habang hawak nito ang kan'yang kamay na nagsasabon sa mga plato.Panay din ang halik nito sa kan'yang mukha, sintido at leeg. Ramdam n'ya rin ang kakaibang init sa katawan nito at ang matigas na bagay na tumutusok sa kan'yang puwet."Ganito na ba ang bagong way sa paghuhugas ng plato attorney?" nang-uuyam na tanong n'ya sa asawa."Yes wife! Ang tawag dito ay body bonding couple dish washing," pilyong sagot nito sa kan'ya na ikinatawa n'ya."Puro ka kalokohan attorney. Mauna ka na nga sa taas para makaligo ka na, tatapusin ko lang tong paghuhugas ng mga plato. Susunod din agad ako sa taas," taboy n'ya rito ngunit umiling lang ito na
REESE DOMINIQUE..."Ella are you ready?" tanong n'ya sa kaibigan. As usual ay nasa mataas na parti ito ng lugar kung nasaan sila ngayon at nagsisilbing sniper n'ya at guide na rin sa baba."I'm in! I can see you from here," sagot nito "Good! May nakikita ka na ba?" tanong n'ya sa kaibigan."Snipers everywhere but don't worry I will take care of them. Mukhang pinaghandaan nila ng maigi ang transaction na ito," pagbibigay alam ni Ella sa kan'ya.Alam n'yang pinaghandaan ito ng mga sindikato dahil dalawang beses ng nabulabog nila ang mga transaction ng mga ito at ngayon ay nandito na naman sila ulit ni Ella para bwesitin ang mga ito.Delikado ang mga ginagawa nila but who cares? Mas delikado kung hahayaan nila ang mga ito sa mga katarantaduhan.Tatlong milyonaryo na racer na naman ang namatay dahil sa mga pekeng car parts na produkto ng mga sindikato na ibenebenta sa mga manlalaro ng naturang games.Isang racer na palaging nananalo sa racing ang iniimbestigahan nila ngayon dahil may kut
REESE DOMINIQUE...Kanina n'ya pa napapansin na parang balisa si Creed. Gusto n'yang magtanong ngunit pinipigilan n'ya ang kan'yang sarili. Nagpanggap na lang s'ya na walang nahahalata at patay malisya lamang.She has doubts again dahil sa mga ikinikilos nito. Nakangiti ito sa kan'ya at nakikipag kulitan but she can feel it. Malakas ang pakiramdam n'ya na wala ito sa huwesyo lately.She can feel na wala ito sa sarili simula ng bumalik s'ya galing sa isang operasyon. Nang maabutan n'ya ito sa bahay ay parang gulat na gulat nito ngunit hindi n'ya na lang pinagtuonan ng pansin dahil maliit na bagay lamang ito.Ngunit sa mga sumunod na araw ay mas naging balisa naman ang lalaki at hindi na maganda ang kan'yang kutob.It's been three days since nakabalik s'ya at paiba-iba ang mood nito at mas lalong nakakapagtataka ang mga ikinikilos ng asawa.Ilang beses din s'yang nagigising sa kalagitnaan ng gabi na wala si Creed sa tabi at kapag hinanap n'ya naman ito ay palagi n'ya itong natatagpuan s
REESE DOMINIQUE...Magkahawak kamay silang lumabas ng bahay at tinungo ang sasakyan. Binalewala n'ya ang nakita kanina sa asawa. Inalalayan s'ya ni Creed na makasakay bago ito umikot sa kabila para magmaneho.Hindi n'ya maintindihan ang sarili ngunit parang nakaramdam s'ya ng kaba habang palabas sila ng subdivision na tinitirhan. Kakaibang kaba ang kan'yang nararamdaman at parang may mangyayaring hindi maganda ngayong araw."Who is this friend na kikitain mo hon?" tanong sa kan'ya ni Creed. Nagising s'ya sa malalim na pag-iisip ng marinig ang boses nito."Her name is Abegail, isa sa mga anak na babae ni ninong Spike hubby," sagot n'ya rito."Oh! I haven't meet her right?""Nope! Kakauwi n'ya lang mula sa France honey," tugon n'ya sa tanong nito."Oh ok! Napansin ko kakaunti lang din ang mga friends mo. It's only Ella who is close to you tama na ako honey?""Hmmm, marami naman akong mga kaibigan but they are all busy and some are my ate's na kaya may kan'ya-kan'ya na silang obligasy
REESE DOMINIQUE..."Hmmmm," ungol n'ya at pilit na iminumulat ang mga mata. Masakit ang kan'yang ulo ngunit pinipilit n'ya ang sarili na magising. Kailangan n'yang makita si Creed, kailangan n'ya itong tulongan. Namimigat ang kan'yang talukap ngunit hindi s'ya tumigil hanggang sa nagawa n'ya ang gustong gawin.Nang dahan-dahan na bumukas ang kan'yang mga talukap ay bumungad sa kan'ya ang lugar na parang bodega. Maraming mga karton at mga lumang gamit ang nakatambak sa loob."Nasaan ako?" mahinang tanong n'ya sa sarili at pilit na inaalam kung nasaan s'ya ngayon.Inilibot n'ya ang tingin at akmang tatayo ngunit hindi s'ya makaalis at doon n'ya lang napagtanto na nakagapos pala ang kan'yang mga kamay at paa."Shit! Nasaan ako? At sino ang nagdala sa akin rito?" tanong n'ya ngunit natigil din ng maalala ang nangyaring ambush sa daan kasama ang asawa."Creed," tawag n'ya sa pangalan ng lalaki ng maalala ito. Inilibot n'yang muli ang mga mata para hanapin si Creed ngunit wala s'yang makit
REESE DOMINIQUE...It's been three months since the ambush happened at magpahanggang ngayon ay wala pa ring natatagpuan na katawan ni Creed.Halos mabaliw na s'ya sa kakaisip rito ngunit hindi s'ya tumigil sa paghahanap sa asawa. Lahat ng pwedeng pagdalhan rito ay hinalughog n'ya na ngunit wala s'yang natagpuan.Hindi s'ya titigil hangga't walang katawan ni Creed na makita. Malakas ang kan'yang pakiramdam na buhay pa ito at hindi s'ya titigil hangga't hindi n'ya maibalik sa bahay nila si Creed.Wala s'yang maayos na tulog at kain araw-araw dahil sa paghahanap rito. Napabayaan n'ya na rin ang sarili dahil palagi na lang s'yang walang oras dahil ubos ito palagi sa kakahanap kay Creed.Kasalukoyan s'yang nasa harapan ng kan'yang laptop ng may isang email na bigla na lamang pumasok. Hindi n'ya kilala kung kanino galing dahil ang daming email na nagpapadala sa kan'ya ng impormasyon tungkol sa mga sindikato at lahat ay paiba-iba ng IP address. At dahil sa dispirada na s'ya na mahanap si Cr
REESE DOMINIQUE...Mapait s'yang napangiti habang nakatingin sa mukha ni Creed. Sino ang mag-aakala na ang taong minahal n'ya at inalayan ng kan'yang buhay ay s'ya palang papatay sa kan'ya.Parang kailan lang ang saya pa nila. Parang kailan lang ay halos mabaliw s'ya sa paghahanap rito iyon pala ay kasama ito sa mga sindikato na tinutugis n'ya.Mapait s'yang natawa dahil sa mga nangyayari sa buhay n'ya ngayon. Ganito pala ang pakiramdam na mapaglaruan ng taong mahal mo.Gusto n'yang sumigaw sa sakit ngunit hindi n'ya gagawin iyon. Hindi n'ya ipapakita kay Creed ns mahina s'ya, na nasasaktan s'ya sa ginawa nitong panloloko sa kan'ya."I already give you a chance na mabuhay pero sinira mo at nangingialam ka na naman sa mga negosyo ng grupo," malamig na sabi nito na mahina n'yang ikinatawa ngunit puno ng pait iyon."So all this time ay pinaikot mo lang ako sa mga palad mo? Pinaniwala sa lahat ng mga kasinungalingan mo?" sumbat n'ya sa asawa. Hindi n'ya napigilan ang sarili na hindi ito m
REESE DOMINIQUE...Ipinilig n'ya ang ulo ng mahimasmasan. Nagulat s'ya sa sinabi ni Alonso ngunit naiisip n'ya din na baka nagbibiro lang ito."Dominique he is at the last container near one of the boat. Mukhang tatakas s'ya gamit ang isang jet ski na nakatago sa bahaging iyon. Mukhang pinaghandaan ng loko. Should I shoot him?" pagbibigay alam ni Alonso sa kan'ya."Leave him alone Alonso but blow up the jet ski para wala s'yang magamit, huwag mong hahayaan na makasampa s'ya," utos n'ya rito."Got it!" sagot ng kaibigan.Mabilis s'yang tumakbo sa lugar na sinabi ni Alonso sa kan'ya. Habang tumatakbo s'ya ay kabilaan din ang mga bala na lumilipad sa ere ngunit hindi n'ya alintana iyon. Kailangan n'yang maabutan si Dela Vega. Hindi pwedeng makatakas ito sa batas. "Boom! Jet ski is on fire Dom," pagbibigay alam ni Alonso sa kan'ya na ikinangiti n'ya."Thank you Alonso! Thank you sa lahat ng tulong," pasasalamat n'ya rito."All for Dominique," walang gatol na sagot nito sa kan'ya ngunit h